Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 31 – The Storm Arrives by: Van_TheMaster

Chapter 31

Pagkatapos ng isang mainit na paghihinang ng kanilang labi habang mahigpit na magkayakap ay muli silang tumingin sa mata ng isa’t-isa. Hinaplos ni Angela ang maamong mukha ni Dan at hinagod-hagod din naman ni Dan ang mahabang tuwid na buhok ng kasintahan. Sa mga sandaling iyon ay kapwa ayaw pa nilang maghiwalay. Kung maaari nga lang na magsama na silang dalawa ay gagawin nila. Ngunit alam nilang hindi pa ngayon ang tamang panahon para mangyari ang pangarap nilang iyon.

“Hatid na kita Angela, malapit ng mag three.” ang paalala ni Dan.

Malungkot naman si Angela, dahil muli na naman silang maghihiwalay ni Dan at maghihintay sa kanya si Lance. Ayaw niyang sabihin sa kasintahan ang tungkol sa paglabas nila mamaya ni Lance. Hindi niya nais na bigyan ng alalahanin si Dan, ang nais ni Angela ay ang masaya at mainit nilang alaala ang nasa isip ni Dan pagkatapos nilang muling maghiwalay.

“Kiss me again Dan, isa na lang.” ang pakiusap ni Angela.

Muli namang naghinang ang kanilang labi.

“Ok na?” ang nakangiting tanong ni Dan, hawak ang pisngi ng dalaga.

Nakangiti namang tumango si Angela, magkikita pa naman ulit sila.

“Let’s go na Dan.”

Nagkalas na sila sa kanilang pagkakayakap at lumabas na ng bahay. Isinara ni Dan ang pinto at muli silang naghawak-kamay ni Angela. Dumaan sa kwarto ng magkapatid at saka nagpaalam.

“Alis na kami Ella.” ang paalam ni Dan.

“We’re going na Ella, nice meeting you ulit.” ang nakangiting paalam naman ni Angela.

Mula sa kanyang pagkakaupo ay ngumiti si Ella sa magkasintahan.

“Ganun din sayo Angela. Ingat kayo.” ang sagot na lang ni Ella.

Nagsimula ng lumakad palayo sina Dan at Angela ay naiwang malungkot naman si Ella. Nakaramdam siya ng awa para sa bunsong kapatid, masakit man sa kanyang loob ay kailangan niyang sabihin kay Mika ang totoo. Upang mabilis na matanggap ni Mika ang sitwasyon ni Dan at maaga nitong mapaghilom ang muli na namang pagkabigo sa pag-ibig. Nangilid ang luha sa mga mata ni Ella, “Kailan ka kaya magiging masaya Mika? Bakit ganito na lang palagi ang kapalaran mo?”, ito ang mga mapait na tanong na naiusal ni Ella.

*****

Malapit ng matapos ang huling klase ay wala pa din sa pag-aaral ang isip ni Christine. Ang relasyon nilang tatlo ang nasa isip niya. Si Dan at Angela na ngayon, sila pa din naman ni Dan ngunit parang nakikiagaw na lang siya. Ayaw niya ng ganito, kung kahati niya si Angela ay tanggap naman niya. Ngunit siya dapat ang una at hindi ang pangalawa. Malugkot siyang muling napatingin sa mga bakanteng upuan na nasa klase. Pagkatapos ng break ay hindi na pumasok sina Dan at Angela. Ilang mga kakaklse ang nagbiro na magkasama daw ang dalawa. May mga tumutol lalo na sa mga lalake ngunit natahimik na lang si Christine. Alam niya ang totoo, magkapiling ngayon ang dalawa at nagpapakaligaya. Nakaramdam siya ng inggit at selos, babae lang siya na umiibig, wala siyang magagawa sa sarili niyang damdamin. Malalim siyang huminga, tumingin sa kanyang orasan, patapos na ang klase. Gusto niyang mapag-isa sa mga sandaling ito, hindi muna siya sasama sa mga kaibigan at pauunahin na lamang ang mga ito. “Magiging magkapiling ulit tayo Dan, at sa akin ka pa din mapupunta”, ito ang pangako sa sarili ni Christine.

*****

Sampung minuto pa bago mag alas-tres ng hapon ay naghihintay na si Lance sa harap ng gate ng pamantasan ni Angela. Malalim siyang nag-iisip habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Kailangan na niyang makilala ang kasintahan ni Angela. Hindi na maaaring magtagal pa ang relasyon ng dalawa dahil sa mga nakikita niya sa dalaga. Kailangan niyang mapaghiwalay ang mga ito bago pa dumating sa punto na may mangyari na sa dalawa.

Nagpasya na siyang lumabas ng kanyang sasakyan upang puntahan ang klase ni Angela. Habang naglalakad ay hindi niya pansin ang paghanga sa kanya ng mga estudyanteng nakakasulubong niya. Gamit ang isang perang papel ay madali siyang muling nakalampas sa gwardiya. Alam niya kung saan ang klase ni Angela, doon na niya aantayin ang dalaga. Ilang minuto pa ay nakatayo na siya malapit sa may pinto. Isinandal ang kanyang katawan sa pader at saka huminga ng malalim. Alam nyang hindi na naman masaya si Angela kapag nakita siya.

Natigil sa pag-iisip si Lance ng bumukas ang pinto ng klase, inayos ang kanyang pagkakatayo at naghintay sa paglabas ni Angela. Ngunit nakalabas na lahat ang mga estudyante ay wala si Angela. Tiningnan niya ang loob ng klase, wala ng tao sa loob. Mabilis siyang lumakad upang habulin at tanungin ang huling estudyanteng lumabas.

“Miss, miss… Excuse me..” ang sabi ni Lance ng nakalapit dito.

Tumigil naman si Christine sa paglalakad at humarap sa tumatawag sa kanya.

Natigilan naman si Lance, dahil maganda ang dalaga at napakahubog pa ng katawan. Saglit siyang natukso, ngunit bumalik din sa sarili ng maalala si Angela.

“Classmate ninyo ba si Angela?” ang tanong ni Lance habang nakatingin sa magandang mukha ng kaharap, hindi niya mapigil ang sarili. Mahal niya si Angela ngunit lalake pa din siya.

Dahil sa pagkarinig ng pangalan ng kaibigan na kahati na niya kay Dan ay napatingin din si Christine sa mukha ng binata. Ngayon niya naalala na ito ang minsang kasama ni Angela sa canteen. Isa ito sa mga manliligaw ni Angela, gusto sanang ngumiti ng mapakla ni Christine ngunit hindi niya magawa. Dahil gwapo ang lalake at mataas, magara din ang suot at alam nyang magkatulad sila ng antas. Naalala niya si Brandon at ikinumpara ang kaharap dito. Ang mga ito ay mas higit kay Dan ngunit bakit sabay pa sila ni Angela na umibig sa binata. “One of the mistery of being in-love” ang nasabi na lamang niya sa sarili. Natigil siya sa saglit na pag-iisip ng muling magsalita si Lance.

“Miss?”

“Yes, classmate namin siya.” sa isip ni Christine ay kung alam nito ang klase ni Angela ay wala ay walang dahilan para magsinungaling pa siya.

Pagkasagot sa tanong ng binata ay mabilis ng lumakad palayo si Christine. Ayaw niyang matanong pa siya nito. Hindi niya nais bigyan ng dahilan ang pagkawala nina Angela na tiyak na alam na din namang ngayon ng binata. Naiwan nawang nakatingin lang si Lance at napapailing dahil sa nakitang kawalan din ng interes sa kanya ng magandang dalagang nagpatanungan niya. Nakakabawas sa kanyang pagkalalake ang ganung pakiramdam, katulad ng ginagawa sa kanya ni Angela. Ngayon niya natiyak na minsan ay hindi sapat ang itsura, tindig at pananamit ng isang tao upang mapansin ng iba. Dahil kung ang damdamin ay nakalaan na para sa isa, at tunay at tapat ang nadarama, ang sinuman o ang iba pa ay wala ng halaga.

Habang naglalakad pabalik sa kanyang sasakyan ay mabigat ang loob ni Lance. Wala sa klase si Angela at kasama ito ng ibang lalake, ibang lalake na hindi siya. Magkapiling ang dalawa at tukso namang naglalaro sa kanyang isipan ang mga maaaring mangyari sa dalawa. Pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan na nagpupuyos ang damdamin. Naalala ang mapait na sandali ng makitang mahigpit na magkayakap si Angela at ang kasintahan nito habang magkahinang ang mga labi. “Shit ka! Kapag ginalaw mo si Angela, gagantihan talaga kita!” ang pagalit na sabi ni Lance.

*****

Muling nakahilig ang ulo ni Angela sa balikat ni Dan habang magkahawak-kamay silang dalawa sa loob ng sasakyan. Laman ng kanyang isipan ang pagkikita nila ni Lance. Ngayong hapon, ay kailangang matapos na ang paghahangad sa kanya ng binata. Ayaw ng dalaga na patuloy na umasa si Lance ng pagmamahal mula sa kanya. Sa ibang gate na hindi na matao at malayo sa kinaroroonan ni Lance sila bumaba ni Dan. Pasado Alas-tres na at alam niyang kanina pa naghihintay si Lance sa kanya.

Malungkot silang dalawa habang magkaharap. Maghihiwalay na naman ulit sila.

“Dan… I have to go na, he’s waiting, alam mo naman.” ang matamlay na paalam ni Angela, ayaw niyang malungkot ngunit hindi niya mapigilan ang sarili.

Nakita ni Dan ang kalungkutan sa mata at mukha ng kasintahan. Nais niyang alisin iyon ngunit sa paanong paraan ay hindi niya alam. Paano niya haharapin si Lance at ang mga magulang ni Angela. Wala pa siyang maipagmamalaki, isang oportunista ang tiyak na magiging tingin sa kanya ng mga ito na ginamit na paraan si Angela upang guminhawa sa buhay.

“Angela…”

“Ayaw ko na Dan ng ganito, yung I have to be with Lance gayung ikaw ang love ko. Ipapakilala na kita sa parents ko, gusto ko ng mag-stop si Lance. Our relationship will remain a secret for the sake of Christine and both of us. Tanggap ko naman, but I don’t want to be with anyone else except you.”

Agad niyang niyakap ang dalaga na yumakap din naman sa kanya. Nang sandaling iyon ay kapwa wala silang pakiaalam sa mga matang nakatingin sa kanila. Hinanap ni Angela ang kanyang mukha, at sa tinig na nagsusumamo ay nakiusap sa kanya.

“Help me naman Dan, sobrang nahihirapan ako now.” si Angela habang tahimik na umiiyak at nakayakap sa kanya.

“Ok Angela, makikipagkilala ako sa mga parents mo. Pupunta ako sa bahay nyo, wag ka ng mag-alala.” ang sabi ni Dan para tumahan na si Angela. Kinakabahan siya, hindi niya alam ang mga mangyayari sa sandaling makilala niya ang mga magulang ni Angela.

Pinahid niya ang luha sa mga ni Angela at pinakalma ang dalaga.

“Kailan Dan?” si Angela habang nakatingin kay Dan.

“Sa Sabado….” sa isip ni Dan ay mag-absent na lang siya, nakakahiya namang sa araw pa ng Linggo siya pumunta kina Angela.

Natigilan naman si Angela, kailangan niyang sasamahan ang mga magulang sa gabi ng Sabado.

“No Dan, not this Saturday. Sa Next na lang na Saturday kita ipakilala sa parents ko.”

Sumang-ayon naman si Dan, kahit nagtataka kung bakit kailangan pang tumagal ng isang linggo ay hinayaan na din niya. Makakapaghanda pa siya dahil sa katotohanan ay kinakabahan talaga siya.

“Ok Angela, sa susunod na Sabado na lang.”

“Thank you Dan, ang happy ko now.” ang buong pag-ibig na sabi ni Angela.

Hinaplos ni Dan ang mukha ni Angela habang nakatingin sa mga mata ng kasintahan.

“Pero tandaan mo sana Angela, maaaring hindi ako matanggap ng mga parents mo. Alam mo naman ang kalagayan ko.” ang malungkot na sabi ni Dan.

Muli namang yumakap si Angela kay Dan. Maaaring maging totoo ang pangamba ng kasintahan ngunit alam nyang nasa panig niya ang kanyang mommy. Nakaramdam siya ng pag-asa para sa pagtanggap ng kaniyang mga magulang sa kanilang relasyon ni Dan.

“My Mom will accept you Dan, I know that. P-Pero kung ayaw ni Daddy sayo, at paghihiwalayin niya tayo. Lumayo na lang tayo Dan, sasama naman ako sayo kahit saan.” ngayon ay nakatingin na muli si Angela kay Dan, puno ng katapatan at pag-ibig ang kanyang mata. Kung hindi matatanggap ng kanyang ama si Dan at magiging dahilan iyon ng kanilang paghihiwalay ay mabuti pang lumayo na lang sila ng kasintahan.

Tumitig si Dan kay Angela, marahang kumalas sa pagkakayakap ng dalaga at humawak sa magkabilang dulo ng balikat nito.

“Kapag lumayo tayo ay mawawala sayo ang lahat ng nakagisnan mo. Mamumuhay kang katulad ko na palaging nasa lupa ang mga paa. Maghihirap tayong dalawa ngunit magsusumikap ako para sayo, para mapagaan kahit papano ang buhay mo, ngunit ako ay ako Angela. Wala akong ibang maibibigay sayo na maipagmamalaki mo.” nasa tinig ni Dan ang pag-alala, tiyak niyang mahihirapan sa piling niya si Angela kahit na magkasama silang dalawa.

“You’re the only one I need Dan, if I have you, then I have everything in this world. Basta magkasama tayong dalawa, hindi ko na kailangan ng kahit na ano. Everyday kitang pagsisilbihan, everyday din tayong magkikita, everyday din tayong matutulog na magkatabi. Ngayon pa lang Dan, nasa langit na ulit ang pakiramdam ko.” ang nakangiting sabi ni Angela habang may luha sa kanyang mga mata. Masakit din naman sa dalaga ang lumayo sa mga magulang. Ngunit mas higit na masakit sa kanya kung siya ang ilalayo ng ama kay Dan.

Hinaplos ni Dan ang buhok sa ulo ng dalaga at saka ngumiti dito.

“Sige Angela, ganun ang gawin natin.”

Tumango naman si Angela.

“Sa next Saturday Dan, maghihintay ako sayo.” ang nakangiting ng sabi ni Angela, habang may luha pa din sa kanyang mga mata, malapit ng matupad ang pangarap niya.

Kinuha ni Angela ang panyo sa kanyang bulsa at ibinigay kay Dan. Tinuyo naman ni Dan ang mga luha sa mata ng kasintahan. Pagkatapos ay saka niya ito ihinatid malayo sa gate na kinarorooan ng sasakyan ni Lance. Muli silang humaharap sa isa’t-isa. Magaan na ang pakiramdam ni Angela, hindi na magtatagal ay matatapos na din ang alalahanin niya kay Lance at makikilala na din ni Dan ang kanyang mga magulang. Kung hindi naman papayag ang kanyang ama lalayo na sila ni Dan. Magiging magkapiling na silang dalawa at araw-araw ng magkasama.

“I love you Dan.”

“I love you Angela.”

Ngumiti sila sa isa’t-isa at nasa puso ang pag-asang matatapos na ang suliranin ni Angela kay Lance at sa mga magulang ng dalaga. At ang posibilidad na malapit na silang magkasama na sila namang talagang dalawa. Lumakad na si Angela palapit sa sasakyan ni Lance baon ang mga salitang binitawan sa kanyan ni Dan. Nakatingin naman si Dan sa papalayong si Angela, nag-iisip kung anong bukas ang naghihintay para sa kanila. Kung sakaling lalayo sila ni Angela, paano si Christine na umaasang sila pa ding dalawa. Kapag iniwan niya si Christine at may ngyari sa dalaga ay hindi din naman niya mapapatawad ang kanyang sarili.

*****

Lumabas si Lance ng sasakyan ng mapansin na palapit na si Angela. Madilim ang mukha ng binata, ang kaninang saya at excitement ay napalitan ng galit sa kanyang dibdib. Alam niyang kasama ni Angela ang kasintahan nito habang wala ang dalaga sa eskwela. Napansin niya ang pamumugto sa mga mata ni Angela ngunit hindi niya iyon binigyan ng halaga. Alam naman niyang hindi siya ang dahilan ng pagluha ng dalaga. Binuksan niya ang pinto ng kotse upang papasukin si Angela.

Malungkot namang tumingin lang si Angela kay Lance, kailangan pa niyang magtiis. Walang imik siyang pumasok sa loob ng sasakyan ng binata at saka isinara ni Lance ang pinto. Mula sa kanyang kinatatayuan ay iginala ni Lance ang paningin sa pinanggalingan ni Angela. At nahagip ng kanyang paningin ang isang lalakeng nakatingin lang sa kanya mula sa malayo. Ilang sandali din silang nagkatitigan, nais sana niyang lapitan ito ngunit atrasado na sila sa lakad nila ni Angela. Muli niyang tiningan ang lalake ngunit lumakad na ito palayo. Pumasok na siya sa sasakyan at umalis na sila ni Angela sa pamantasan.

Habang nasa daan ay nagpupuyos pa din ang damdamin ni Lance dahil sa matinding selos at paninibugho ang kanyang nararamdaman. Nais niyang usisain si Angela ngunit hindi niya magawa.

*****

Habang nakatingin mula sa malayo sa pagpasok ng kasintahan sa sasakyan ni Lance ay hindi mapigilan ni Dan na hindi makaramdam ng lungkot para sa kanilang dalawa ni Angela. Kasama nito ngayon si Lance at wala silang magawa. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Lance, kaya tumingin din siya dito. Siya ang nagmamay-ari sa pag-ibig ng dalagang kasama nito ngayon, siya ang may mas higit na karapatan. Hindi magtatagal ay kailangan ng harapin ni Dan si Lance upang matapos na ang pag-aalala ni Angela. Sa isiping ito ay pumasok din sa isipan niya si Brandon, isa pang lalakeng kailangan din niyang harapin dahil kay Chrstine. Naalala niya ang nasaktang damdamin ni Christine.

“Christine…” ang tahimik na sambit ni Dan sa pangalan ng dalaga.

Hindi niya alam kung narito pa si Christine ngunit nais niyang magbasakali. Mamaya pa naman ang shift niya at hindi niya kailangang pumasok ng maaga.

*****

Nasa rooftop naman at malungkot na nakatanaw sa malayo si Christine. Makapal ang ulap sa kalangitan na nagtatakip sa araw. Sila pa din naman ni Dan ngunit kahati na niya si Angela. Masakit sa kanyang malaman na mas mahal na ni Dan si Angela kumpara sa kanya. Ngunit wala namang siyang magagawa kung iyon ang nararamdaman ni Dan sa ngayon. Umaasa na lang siyang darating ang panahon na muling siyang mamahalin ni Dan ng higit sa kaninuman. Humawak siya sa may chaince fence, ipinikit ang kanyang mga mata at saka inalala ang bawat sandali na magkasama silang dalawa ni Dan. Bumalik sa kanya lahat ang matatamis na alaala nila ni Dan simula ng unang araw na nagkita silang dalawa hanggang sa huling sandali ng muling nilang naramdaman ang init ng pag-ibig nila sa isa’t-isa. Hindi niya napigil ang pamumuo ng butil ng luha sa kanyang mga mata, nais niyang muling makita si Dan. Nais niyang muling maramdaman ang mahigpit nitong pagyakap at ang banayad nitong paghaplos sa kanyang alon-alon na buhok. Nais niyang muling matikman ang mainit at matamis nitong halik sa kanyang labi. At ang higit sa lahat ay muling marinig mula kay Dan na iniibig pa din siya nito.

Narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto sa may rooftop, lumakas ang tibok ng kanyang puso ngunit ayaw niyang mabigo. Alam niyang masayang magkasama ngayon ni Angela si Dan. Ngunit lalong lumakas ang pagpintig sa kanyang dibdib ng maramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. At tuluyan ng lumuha si Christine ng marinig niya ang pagbagsak ng bag sa semento at ang pagkayakap ni Dan mula sa kanyang likuran.

“I’m sorry Christine. Nasaktan kita.” ang sabi ni Dan habang nakayakap sa dalaga.

Umiling naman ang dalaga. Narito ngayon si Dan sa piling niya at sapat na ito sa kanya. Mahaba pa ang panahon, mababawi pa niya si Dan ng tuluyan kay Angela.

“Narito ka ngayon Dan, that’s all that matters to me.” ang naluluhang sabi ni Christine habang nakahawak sa bisig ng binata na nakayakap ngayon sa kanya.

“I still love you Christine.” ang sabi ni Dan na may kasamang pag-ibig. Tunay ang pag-ibig na iyon at tapat siya sa kanyang salita. Iniibig niya din naman si Christine, mas matimbang nga lang si Angela.

Nagpatuloy ang mga luha ni Christine, nag-uumapaw ang ligaya sa kanyang puso. Muli niyang narinig ang pag-ibig ni Dan sa kanya. Humarap si Christine kay Dan at yumakap sa leeg ng binata. At sa matang nangingislap na ay tumingi ng buong pag-ibig sa maamong mukha ni Dan.

“I love you Dan.” ang buong pusong sabi ni Christine.

At hindi na muli pa silang nagsalita dahil kusa ng naghinang ang kanilang mga labi na kapwa sabik na sabik sa isa’t-isa. Mahigpit silang nagyakap habang kapwa may luha sa kanilang mga mata. Alam ni Dan na mali ang kangyang ginawang umibig ng sabay sa dalawang dalaga. Ngunit tao lamang siya na isang makasalan at nadadaig din ng tukso, hanggat kaya niyang mahalin si Christine habang kapiling niya si Angela ay gagawin niya, huwag lamang muling lumuha at mawala si Christine dahil sa pag-ibig nito sa kanya.

“Dan, nasaktan talaga ako. You lied to me at alam mo yun.” si Christine habang nakatingin sa mata ni Dan, ang lungkot ay muling bumalik sa mata ng dalaga.

“I’m sorry Christine. Mahal ko kayong dalawa, alam kong unfair sayo dahil si Angela ang mas matimbang. At pagdating ng araw, kailangan kong pumili ng isa. Ngunit kapag pumili naman ako, mawawala ka naman sa akin, sasaktan mo ang sarili mo. Hindi ko na alam Christine, naguguluhan at nahihirapan na din ako.” ang malungkot na sabi ni Dan, at itinukod ang kanyang noo sa noo ni Christine. Labis na din naman siyang nahihirapan. Kung lalayo sila ni Angela para mamuhay na magkasama ay paano naman si Christine?

Hinawakan ni Christine ang mukha ni Dan habang magkadikit ang kanilang noo.

“Huwag kang pumili Dan, yan lang ang pakiusap ko sayo. Because if you choose one at hindi ako, alam mo na Dan ang gagawin ko. So I want you to promise me this, only this Dan. Just this one promise. Na hindi mo ako iiwan kahit kailan, kung dalawa kami ni Angela, so be it. I accept it, because I love you so much. At… Kung lalayo ka.. I-Isama mo ako… “ ang huling pakiusap ni Christine, ang nag-iisang pangako na nais ng dalaga na panghahawakan niya mula kay Dan.

Alam ni Dan na kailangan niyang kausapin muna si Angela tungkol sa nais ni Christine. Ngunit narito na ngayon sa harap niya ang nakikiusap na dalaga at naghihintay ng sagot niya sa natatanging pangakong nais panghawakan ni Chrstine.

“Promise Christine, hindi kita iiwan. Kung lalayo ako… ay isasama kita.” sa isip ni Dan ay tutuparin niya ang pangakong ito sa dalaga. Kung lalayo sila ni Angela ay isasama din niya si Christine, hindi ito magugustuhan ni Angela ngunit alam niyang mauunawaan ng kasintahan ang sitwasyon nilang tatlo . Mali at kasalanan man ay handa na niyang tanggapin ang mga pang-uusig at kabayaran ng lahat. Mas kaya niyang dalhin at harapin ang mga iyon, wag lamang mawala sa kanya ang sinuman sa dalawang dalagang pinakaiibig niya talaga.

“Seal it with a kiss.” ang pakiusap ni Christine habang buong pag-ibig na nakatingin sa mata ng binata.

Nanindig ang balahibo ni Dan dahil sa narinig. Ihiniwalay ang noo at saka tumitig sa mga nangungusap na mata ni Christine. Si Christine ang nasa harap niya ngunit si Angela ang naramdaman niya. Ang pag-ibig ng dalawang dalaga sa kanya ay tunay na iisa. Muling naghinang ang kanilang labi ng mainit at matagal. At saka sila nagyakap ng mahigpit habang hinahagod-hagod ni Dan ang mahaba ang alon-alon na buhok ni Christine. Labis naman ang kasiyahang nadarama ni Christine na sandaling iyon. Ang masakit na pakiramdam kaninang umaga ay naglaho. Magkayakap sila ngayon ni Dan at may pangako ito sa kanya na hindi na siya nito iiwan kailanman.

*****

Pagdating nina Lance at Angela sa restaurant ay magalang silang sinalubong ng isang staff. May kinuha itong magandang set ng bulaklak at iniaabot yun kay Lance. Ibinigay naman ni Lance ang bulaklak kay Angela. Ayaw man tanggapin ay napilitan na din si Angela lalo’t may ibang tao din na sa loob ng marangyang restaurant na iyon. Sinamahan silang maglakad ng staff papunta sa espeyal sa pwestong kinuha ni Lance. Hinila ni Lance ang upuan ng dalaga at naiilang na naupo naman si Angela. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. Si Lance naman ay iba ang naglalaro sa kanyang isipan. Makukuha nya din si Angela, at wala itong magagawa upang pigilan siya.

Tahimik silang kumakain, ayaw ni Angela na magsimula ng kahit na anong usapan. Ang nais niya ay mabilis na matapos ang pagkikita nilang ito. Naasiwa at naiilang talaga siya. Natapos ang katahimikan sa pagitan nila ni Lance ng magsalita ang binata.

“How is your food? Do you like it?” ang tanong ni Lance habang tumigil saglit at tumingin sa dalaga.

“It’s fine Lance.” si Angela na itinigil din ang ginagawa.

Nakatingin lang kay Angela si Lance, mainit pa din ang kanyang pakiramdam. Naroon ang magkasamang galit dahil sa ibang lalake ang kasama ng dalaga kanina, at ang masidhing pagnanasa sa magandang dalaga na ngayon ay nasa kanyang harapan. Si Angela naman ay nagbaba ng tingin ngunit hindi na muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Sumenyas si Lance at lumapit ang grupo ng tatlong staff para sa musiko at nagsimulang haranahin si Angela. Napangiti naman si Angela sa tatlong staff, ayaw niyang isipin ng mga ito na hindi niya gusto ang naririnig niya. Nakatingin lang si Lance sa dalaga. Patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang balak na gawin. Ngunit kailangang malaman muna niya kay Angela ang totoo. Habang pinagmamasdan ang maganda at maamong mukha ni Angela ay dumako ang paningin ni Lance sa mayamang dibdib ng dalaga. Labis na nag-iinit ang kanyang pakiramdam kahit may galit siyang nadarama.

Nang matapos silang kumain at maagap na tumayo si Lance upang alalayan si Angela. Muli niyang naamoy ang masarap na samyo ni Angela. Lumapit ang isang staff at nagbigay si Lance ng extra. Kinuha naman ni Angela ang bulakak at lumakad na silang dalawa. Nakaramdam ng gaan si Angela. Natapos na din sila at makakauwi na siya.

Habang nasa loob ng sasakyan ay walang kibuan ulit silang dalawa. Ang nais ni Angela ay makarating ng maaga sa kanilang tahanan. Iba ang pakiramdam niya sa mga tingin at kilos ngayon ni Lance. Ayaw man niyang isipin ay kinakabahan siya. Napalingon siya sa direksyon ni Lance ng magtanong ito sa kanya, na naging dahilan upang lalo siyang kabahan.

“Kanina Angela ay wala ka school? Where have you been?” ang malamig na tanong ni Lance.

Natigilan naman si Angela, inalis ang tingin sa binata at hindi na lang nagsalita.

“Are you with him? Sumagot ka Angela, magkasama ba kayong dalawa kanina?” madiin na ang salita ni Lance, halata ang galit sa tinig ng binata.

Nanatiling tahimik si Angela, ayaw na sana niyang magsalita ngunit natatakot na talaga siya.

“L-Lance, you are scaring me na.” ang sabi ni Angela, hindi maitago ni Angela ang takot na nadarama.

Huminga ng malalim si Lance. Itinigil ang sasakyan sa tabi ng daan. Pinatay ang makina at saka tumingin kay Angela.

“Angela, look at me. Look at me Angela!” ang pagalit na muling sabi ni Lance.

Napilitang tumingin ni Angela kay Lance habang nakahawak sa pinto ng sasakyan. Gusto niyang lumabas ngunit naka-lock ang pinto sa tabi niya. Nakita naman ni Lance ang takot at kaba na namamahay kay Angela. Gusto niyang magalit sa kanyang sarili ngunit narito na ang galit at init sa kanyang dibdib.

“May ngyari na ba sa inyo Angela? Nakuha ka na ba niya?” ang mapait ng tanong ni Lance, ihinahanda ang sarili sa masakit na katotohanan.

Nakatingin lang si Angela sa binata, alam niyang naghihirap ang kalooban nito ng husto. Napaluha na lamang siya upang hindi sagutin ang tanong na alam ng dalaga na lalong magpapalala ng sitwasyon nilang dalawa.

Dahil sa nakitang pagluha at pananahimik ni Angela ay parang nasagot na din ang tanong niya. Ngunit kailangan niyang marinig ang totoo mula sa labi ni Angela.

“Hindi ka na ba virgin Angela? Naikama ka na ba niya?” ngayon ay may pang-uuyam na sa tinig ni Lance. Ayaw niyang gawin ito ngunit kailangan niyang malaman ang totoo.

Ayaw sanang sumagot ni Angela, pakiramdam niya ay sinasadya ito ni Lance upang malaman ang totoo. Ngunit nais na din niyang matapos ang mga ginagawa nito sa kanya ngayon.

“Fine Lance. Kung gusto mo talagang masaktan pa ng husto, then yes, I already gave myself to him.” ang naluluhang sagot ni Angela sa tanong ni Lance.

Napakapit ng mahigpit sa manibela si Lance. Nagalit ang kanyang damdamin ng husto. May nakakita na sa kahubaran ni Angela at nakakuha ng pagkababae ng dalaga na dapat ay sa kanya lamang. Muli niyang binuhay ang sasakyan, ngunit hindi na nilandas ang daan papunta sa tahanan ng dalaga. Ipinihit ang sasakyan at nagbago ng direksyon. Lalong natakot si Angela, palayo na sila sa daan mula sa kanyang tahanan.

“L-Lance… Iuwi muna ako please…” ang pakiusap ni Angela.

“Shut up! I’m tired of waiting Angela. I know your dad will get angry but he’ll understand. Wala akong pakialam kahit may nakauna na sayo Angela. Magiging akin ka ngayon at magpapakasal tayo!” ang pagalit na sabi ni Lance, may luha na sa kanyang mga mata. Masakit at mabigat ang kanyang pakiramdam.

“L-Lance please… Don’t do this….” ang mulit-muling pakiusap ni Angela. Ngunit bingi na si Lance sa mga hinaing at pagkatakot ng dalaga.

Itinigil ni Lance ang sasakyan sa isang munting bahay na magara. May dalawang lalake na nasa harap na nag-uusap na napatingin lang sa kanila. Bumaba si Lance sa sasakyan habang ang hawak ang braso ng lumuluhang si Angela. Pilit na nagpupumiglas si Angela ngunit higit na malakas si Lance kumpara sa kanya. Hinila siya ni Lance palapit sa bahay at napatayo namang nag-aalala ang dalawang lalakeng naroon.

“P-Please help me. T-Tulungan nyo naman ako. Dinala niya ako dito by force.” ang pakiusap ni Angela sa dalawa, hindi matapos-tapos ang pagluha ng natatakot na dalaga.

“Lance, pare, ano yan?” ang kinakabahang sabi ng isa habang nakatingin sa nagmamakaawang si Angela.

“She’s my fiance. We need a room.” ang madiin na sabi ni Lance.

Hindi naman nakatiis ng isa pang lalake.

“Tang-ina naman Lance, baka sumabit tayo jan. Pwersahan nyang ginagawa mo eh. Baka madamay pa kami dito.” ang pagalit na sabi nito.

Huminga ng malalim si Lance at matalim na tumingin sa dalawa.

“Kargo ko to, if anything happens. Ako mananagot, what I want is for both of you to just shut up! Mamaya na tayo mag-usap.” ang pagalit ding sabi ni Lance.

Wala namang nagawa ang dalawa ng naipasok na ni Lance sa bahay ang nagmamakaawang dalaga. Gusto nilang tulungan ito ngunit kaibigan nila si Lance. Ayaw nilang panghimasukan ang ginagawa nito. Kapag may ngyaring gusot, hindi nila ito tutulungan.

Binuksan ni Lance ang isang kwarto at ipinasok sa loob si Angela. Isinara ang pinto at ini-lock iyon. Itinulak sa kama si Angela. Ngunit mabilis na tumayo si Angela at pumunta sa sulok ng kwarto at doon patuloy na umiyak.

“L-Lance please. Wag ganito. D-Don’t do this to me.” ang pagmamakaawa ni Angela sa palapit na binata.

Gustong madurog ng puso ni Lance, ngunit kailangan niyang gawin ito upang mapasakanya ng tuluyan si Angela. Lumuhod siya sa harapan ni Angela at iniangat ang luhaang mukha ng dalaga.

“Angela, you know how much I love you. Wag ka na lang pumalag para hindi na tayo kapwa mahirapan, ok?” ang buong pagnanasang sabi ni Lance habang nakatingin sa maganda at maamong mukha ni Angela. Ngayon ay tuluyan na ding mapapasakanya ang iniibig niyang dalaga. Kapag may ngyari sa kanila ni Angela ay wala na ding magagawa ang mga magulang ng dalaga at ipapakasal sila ng mga ito ng maaga. Naunahan man siya kay Angela ay siya pa din ang nagtagumpay sa huli.

Inalis ni Angela ang mukha mula sa pagkakahawak ng binata. At matalim na tumingin dito.

“If you dare to touch me again Lance. I will never forgive you.” ang madiin na sabi ni Angela habang patuloy na umiiyak.

Tumayo naman si Lance at nagsimulang hubarin ang suot niyang damit na pang-itaas. Itinapon iyon sa sahig at saka tumingin sa nasa sulok na dalaga.

“I don’t want to do this Angela. Alam mo yan. But you force to me become like this.” ang mapait na sabi ni Lance.

Muli siyang lumapit kay Angela at hinila ang nagpupumiglas na dalaga papunta sa kama. Sa labas naman ay napapamura ang dalawa ng marinig ang paghiyaw at pagmamakaawa ng dalaga. Nakakuyom ang kanilang mga kamay at kapwa nagagalit sa kanilang mga sarili. Ilang babae na din ang nadala nila sa bahay na ito. Ngunit ang mga iyon ay mga nagkusa at hindi tulad ng ganito.

“Putang-ina Lance!” ang galit na sabi ng isa hindi na talaga nakapagtimpi. Nais ng katukin ang pinto ngunit pinigilan ng kasama.

“Hayaan muna Pre, buhay ni Lance yan. Hayaan mong siya ang magdala.” ang malungkot na sabi ng kasama nito.

Ng mga sandaling iyon ay dumating na ang unos na magiging simula ng mga paghihirap nina Dan at Angela. Ang isa ay kasama ng isang dalaga habang nakayakap sa isa’t-isa, samantalang ang isa naman ay nasa pagdurusa kasama ng lalakeng ang akala niya ay iingatan siya. Ang laro ng tadhana ay nagsimula na, kung saan ito magwawakas at kung paano ito matatapos ay nakalihim pa din sa kanila.

(Ipagpapatuloy…)

“I have been struggling REALLY BAD to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, it will comes when it’s ready. Don’t be suprise if the “ENDING” comes so soon, dahil talagang nahihirapan na akong mag-isip. Pero let’s see, nothing is set in stone pa naman.”