Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 32 – Facing The Reality by: Van_TheMaster

Paunti-unti ng nawawala ang mga makulimlim na ulap na kanina lamang ay tumatakip sa araw. Sumisilay na muli ang liwanag at nagsisimula ng maging mainit muli ang paligid. Katulad ng kalungkutan na kanina lamang ay nasa damdamin ni Christine, ngayon ay napalitan na ito ng kasiyahan dahil kasama na niya si Dan. Magkayakap pa din silang dalawa habang nakatingin sa isa’t-isa. Napansin ni Dan ang muling pagdating ng liwanag at ngumiti siya sa dalaga.

“Christine, baba na tayo, magiging mainit na dito. Kawawa naman ang kutis mo.” ang nagbibirong yakag ni Dan kay Christine.

Malambing namang napa-giggle si Christine. Saglit na nag-isip, parang ayaw nya pa, kung bababa na sila ay dapat na magkasama pa din silang dalawa hanggang sa mamaya.

“Okay, but, hindi pa din tayo maghihiwalay. Let’s go somewhere, yung tayo lang dalawa. I know na magkasama kayo kanina ni Angela. So now, sa akin ka naman.” ang sabi ni Christine habang nakatingin sa mata ni Dan.

Nakita ni Dan ang pananabik sa mata ni Christine na kanya din namang naramdaman. Ngunit ayaw naman niyang mapalitan agad ang mainit na alaalang pinagsaluhan nila ni Angela kanina lamang. Maaari naman silang maging magkasama ni Christine kahit na hindi sila maging isa. May ibang araw pa naman, mas mainit at mas masarap kung kapwa mas nananabik silang dalawa.

“Christine, gusto mo bang mamasyal na lang? Yung tayong dalawa lang din, halimbawa sa labas ng school, sa may mall.” ang suhestyon ni Dan, makaiwas lang sa nararamdaman niyang nais na mangyari ni Christine.

Si Christine naman ang saglit na natigilan sa sinabi ni Dan. Ang nais ni Christine ay muli silang mag-motel ni Dan. Bagaman halos dalawang araw pa lang ang lumipas ng huli silang nagniig ay talagang nasasabik na ulit siya sa binata. Ngunit gusto din naman niya ang sinabi ni Dan, dahil simula ng maging sila ay wala pa silang alaala na lumabas silang dalawa na hindi sa motel sila nagpunta. Ngayon ay mag pagkakataon na sila.

“Dan, it’s a date, okay? After na makalabas tayo ng school, we do what lovers were supposed to do kapag tayo na lang dalawa.” ang madiin na sabi ni Christine, dahil ipagpapalit niya ang sandaling magkasama ulit sila para sana sa mainit at masarap na ligaya. Kaya dapat ang katumbas niyon ay mga masasayang alaala habang magkasama silang dalawa. Ngayon niya nakita ang kanyang pagkakamali, kung noon pa sana ay hindi na naging lihim ang relasyon nila ni Dan. Wala sana siya ngayong kaagaw sa pag-ibig ng binata.

Napaisip ulit si Dan, kailangan pa din nilang labis na mag-ingat. Dahil iyon ang dapat na mangyari ngayon lalo na at iba sa pangkaraniwang relasyon ang sitwasyon nilang tatlo. Hindi dapat malaman sa pamantasan ang lihim niyang relasyon sa dalawang magandang dalaga. Dahil tiyak na pag-uusapan ng lahat sina Christine at Angela at iyon ang pinakaiiwasan niya.

“Christine, isang pakiusap lang. Dapat tayong mag-ingat tayo kung kailangan, alam mo naman ang sitwasyon nating tatlo.”

Tumango naman si Christine, nauunawaan naman niya ang nais na mangyari ni Dan. Walang mabuting maidudulot sa kanila kung malalaman sa buong school ang relasyon nilang dalawa, o ng relasyon ni Dan at Angela. Habang silang tatlo ay nasa tatsulok na relasyon, dapat itong manatiling lihim para sa kapakanan na din naman ng bawat isa sa kanila.

“I agree naman Dan, ganun ang gawin natin for all our sake. But, let’s go down na muna, I feel uncomfortable na dito.” ang nakangiting yakag na ni Christine.

Kumalas na sila sa kanilang pagkakayakap, kinuha ni Dan ang kanyang bag at magkahawak kamay na silang bumaba. Muling naghiwalay ng bahagya ng palabas na ulit sila ng building. Naunang lumakad si Christine habang kasunod naman niya si Dan. Nakangiti ang dalaga habang naglalakad. Nag-iisip ng dapat nilang gawin ni Dan na ginagawa ng mga lihim na magkasintahan. Nakaramdam siya ng kakaibang saya, manonood sila ng sine ni Dan ngayong magkasama silang dalawa.

Habang naglalakad naman ay magaan din ang pakiramdam ni Dan habang nakatingin kay Christine. Dahil kaninang umaga lamang ay labis niyang nasaktan ang damdamin ng dalaga. Ngayon kahit na papaano ay makakabawi na siya kay Christine at mabibigyan ito ng saya.

*****

Nasa bahay ngayon ni Brandon ang daddy ni Christine, kausap ang kanyang parents. Masaya ang kanyang pakiramdam dahil sa naging pag-uusap ng mga ito. Nakangiti siyang lumabas ng kwarto, magaan ang pakiramdam niya. Kahit sa kanyang Mommy ay hindi nakaligtas ang kakaibang saya ng binata.

“Brandon, now, you have to do better. Never let this chance slips away. We already lay this groundwork for you. Ikaw na ang magpapatuloy.” ang nakangiting sabi sa kanya ng ina.

Yumakap naman si Brandon sa kanyang Mommy at humalik sa pisngi nito.

“Thanks Mom, the best talaga kayo ni Dad.”

Napansin naman ng kanyang ina na hawak niya ang susi ng kanyang sasakyan.

“Are you going out Brandon?”

“Dyan lang Mom, magpapalamig lang saglit.” ang masayang sagot ng binata.

“Brandon, be extra careful. Alam kong nasa cloud nine ka now.” ang paalala ng kanyang ina.

“Yes Mom, I will. Give my regards to Tito and tell him that I will not disappoint him.” ang huling sabi ni Brandon.

Misan pa siyang humalik sa pisngi ng ina at saka tuluyan ng lumabas ng bahay. Naiwan na lang naiiling ang nakangiti niyang ina. Habang palabas ng bahay ay si Christine pa din ang nasa isip ni Brandon. Hindi niya tiyak kung may kasalukuyan talaga itong nobyo o pinaglalaruan lang ng dalaga ang damdamin niya. Isa lang ang natitiyak niya, hindi iyon mahalaga sa kanya. Dahil ang nakalipas ay tapos na at hindi na mababago pa, ngunit ang kasalukuyan ay narito upang bigyan ng kasiyahan ang kinabukasan na pinapangarap niya, sa piling ng dalagang minamahal niya talaga.

“Christine, I can’t wait to see that shocked expression of your beautiful face.” ang nakangiting sabi ni Brandon.

*****

Sa pinakasulok at pinakadulong parte ng sinehan naupo sina Dan at Christine. Magkahawak ang kanilang kamay habang nakahilig ang ulo ni Christine sa balikat ni Dan. Ngayon ay katabi ni Dan si Christine, ramdam niya ang init sa palad nito na sinabayan pa ng mabangong samyo na nanggagaling sa buhok ng dalaga. Mabuti na lamang at nasa loob sila ng sinehan, kung hindi ay malamang na kanina pa niya nahubaran si Christine kahit pinipigilan niya ang sarili.

Ramdam din naman ni Christine ang init ng palad ni Dan. Napangiti siya ng lihim, alam niyang may bahid ng pagsisisi sa damdamin ng binata. Dahil nasa loob dapat sila ng isang motel ngayon at masarap na nilalasap ang init ng kanilang mga katawan. Alam niyang lalong mananabik sa kanya si Dan sa mga darating pang mga araw. Naiisip niyang tikisin muna ang binata, at sa sandaling sabik na sabik na ito sa kanya ay saka niya ito pagbibigyan.

Ang mainit na pakiramdam ni Dan ay bahagyang nabawasan ng maalala niya si Brandon. Ang isa sa mga lalakeng naghahangad kay Christine. Sa itsura, tindig at antas ng pamumuhay ay lamang si Brandon sa kanya. Alam nyang sa kanya ang puso ni Christine, ngunit alam niyang na kay Brandon naman ang suporta ng mga magulang ng dalaga.

“Christine…” ang mahinang pagtawag ni Dan.

Tumingin naman si Christine kay Dan.

“Kamusta kayo ni Brandon?”

Saglit na natigilan si Christine, lihim siyang natuwa, dahil sa parang nagseselos ang binata.

“I’m not gonna lie, ok. He still visits me in the house. He dine with me and my parents, and afterwards, we just talk and talk hanggang sa umuwi na siya.” ang sabi ni Christine, maaari naman siyang magsinungaling para hindi masaktan at mag-alala si Dan. Ngunit sadyang nasa kanyang pagkatao at ugali na ang ganito. Nasaktan siya kanina, mahal niya si Dan pero kailangan niyang gumanti kahit kaunti.

“Nag-uusap lang Christine? Wala nang iba?”

“Hm? He kissed me once….. And I let him.” ang pagsisinungaling ni Christine, dahil minsan siyang hinalikan sa pisngi ni Brandon pero ay may pagtutol mula sa kanya.

Natigilan naman si Dan dahil sa narinig, ipinaling na ang paningin sa harapan at hindi na nagtanong. Napansin naman ni Christine ang pananahimik ng binata. Nakaramdam siya ng inis sa sarili, hindi na siya dapat naglaro at nagsabi na lang totoo. Marahan niyang pinisil ang palad ni Dan ngunit walang reaksyon mula sa binata.

Nagtaas siya ng tingin.

“Dann.. galit ka ba?”

Huminga ng malalim si Dan. Nainis siya sa sarili, wala naman siya sa lugar para makaramdam ng ganito. Napilitan siyang ngumiti sa katabing dalaga.

“Hindi, ok lang ako. Kalimutan mo na Christine yung naitanong ko.”

“Paano ko makakalimutan eh parang galit ka.” ang nasusuyang sabi ni Christine. Masaya sila dapat ngayon ngunit bakit sa ganito nauwi.

Napilitan na ding sumagot si Dan, ipinaalala ang ngyari sa bar.

“Naaala ko pa yung gabing yun Christine, napakaganda mo ng gabing yun habang kasama mo si Brandon. Habang magkasama ba kayong dalawa, nasa isip mo pa din ako o wala na?” ang tanong ni Dan, dahil ng panahong iyon ay nalungkot naman talaga siya, nag-ayos ng mabuti ang dalaga ng hindi naman siya ang kasama.

Kinalas ni Christine ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay at umayos ng upo. At saka inis na nagsalita.

“When you and Angela are alone in a room, may sinabi ba ko Dan? Gusto ko ding magalit dahil alam kong may ginawa kayo pero may nagawa ba ako? You know how much I love pero parang may doubt ka pa din sa akin. True, ng lumabas kami ni Brandon, nag-ayos ako at nagpaganda. Pero natural lang sa akin yun. Wala namang meaning yun eh. I can do that too kapag magkasama tayo. Let’s go sa parlor ngayon Dan para makapag-ayos ako ng mabuti para maalis na yang parang nagseselos ka dahil sa kanya.” at tumayo na si Christine na naiinis pa din. Siya ang dapat na magalit dahil sa nagkapalit na sila ni Angela ng posisyon sa puso ni Dan.

Hinawakan naman ni Dan ang kamay ng dalaga at saka marahan itong hinila paupo. Napaiyak na lang si Christine sa naging first date nila ni Dan. Hindi naman napigilan ni Dan ang sarili na palisin ang mga tumutulong luha sa pisngi ni Christine.

“I’m sorry na Christine.” ang buong pagsuyong sabi ni Dan.

Humarap naman si Christine kay Dan at tumingin sa mata nito.

“Dan, never doubt my feelings again. And don’t ask me a silly question next time.” ang madiin na sabi ng dalaga.

Tumango naman si Dan ng marahan at saka niya banayad na hinaplos ang buhok ni Christine. Yumakap naman sa kanya ang dalaga na habang tahimik na humikbi.

“I’m sorry too. He kissed me in my cheek once pero nakaw naman yun.”

“Tahan na Christine, hindi ko na din uulitin.”

Inilayo niya ang katawan ni Christine ng mapansin niyang may ilan na palang nakatingin sa kanilang dalawa.

“Christine, may mga nakatingin na sa atin.” ang paalala ni Dan.

Saglit namang iginala ni Christine ang paningin sa madilim na loob ng sinehan at napansin din niya ang ilang nakatingin sa kanila. Muli siyang lumingon kay Dan at saka matamis na ngumiti.

Kinabahan naman si Dan, iba ang ngiti ni Christine, may malalim na kahulugan.

Hinawakan ni Christine ang magkabilang pisngi ni Dan at saka mainit na hinalikan ang labi ng binata. Nag-aalangan si Dan ngunit nadala na din siya, niyakap niya si Christine na yumakap na din sa kanya. Naghinang ang kanilang labi ng matagal habang may mga sumisigaw ng kantyaw sa kanila at may pumalakpak pa. Wala na silang pakialam dahil wala naman sila sa eskwela, ang mahalaga sa kanila ng sandaling iyon ay bigyang laya ang pag-ibig nila sa isa’t-isa.

*****

Labis na pananabik ang pakiramdam ni Brandon habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Pagkatapos ng bukas ay magkikita ulit sila ni Christine. Isang sorpresa ang nakalaan para sa dalaga at hindi na siya makapaghintay pa. Tuksong naglalaro sa kanyang isipan ang maganda nitong mukha at ang alon-alon nitong buhok. Nais niyang dumating na ng mabilis ang araw upang mapasakanya na ang dalaga.

May dala siyang mga inumin at pagkain para sa barkada. Malayo pa lang ay napangiti na siya ng makitang naroon ding nakaparada ang sasakyan ni Lance. Wala silang usapan na magkikita ngunit natutuwa pa din siya. Ngunit habang palapit sa bahay ay nagtataka siya kung bakit ang dalawang kaibigan na nasa terrace ay parang hindi masaya ng nakita sya. Ipinarada ang kanyang sasakyan sa tabi ng kay Lance. Kinuha ang mga inumin at pagkain at saka lumapit sa parang nag-aalalang dalawa. Malapit na siya sa mga kaibigan ng makarinig siya ng sigaw ng babae mula sa isang kwarto sa loob ng bahay na nasa harap niya. Ibinaling niya ang kanyang nagtatakang paningin sa dalawang kaibigang nakalapit na sa kanya.

“Si Lance Pare para may kasama, fiance nya daw. Pero tang-ina! Pwersahan yung gusto.” ang sabi ng isa na hindi maitago ang galit na nadarama.

“Wala naman kaming magawa, buhay nya yan eh. Baka sabihin nakikialam pa kami.” ang malungkot namang sabi ng isa.

Mabilis namang kumulo ang dugo ni Brandon dahil sa narinig. Ibinagsak ang mga dala at tumakbong papasok sa loob ng bahay. Humabol naman ng mabilis ang dalawang kaibigan niya. Ngayon nilang dalawa naramdaman sa kanilang dibdib ang kanina pa dapat nila ginawa ng makitang hila ni Lance ang dalagang kasama nito sa kwarto ngayon. Kapag mali ang ginagawa ng iyong kaibigan, kahit mabigat ay dapat mong pigilan. Bago maging huli ang lahat dahil walang nagsisi sa una, kung hindi lahat ay kapag nagawa na.

Gamit ang kanyang buong lakas pilit na inilalaban ni Angela ang kanyang sarili kay Lance habang iginagala ang kanyang paningin. Hindi siya dapat madungisan alang-alang sa pag-iibigan nila ni Dan. Kung lilisanin niya ang mundong ito ngayon ay lilisan siyang malinis at walang bahid dungis niyang babaunin ang pag-ibig niya kay Dan. “Dan, please forgive me, kahit hindi mo alam, I fight hard para manatiling malinis para sayo.” ang nasa isip ni Angela habang lumuluha siyang mag-isa.

“L-Lance! Please stop… S-Stop it Lance….” ang mga pakiusap ni Angela sa binging si Lance na nilamon ng apoy ng pagnanasa ang buong katawan.

Isa-isang pilit na kinakalas ni Lance ang butones ng blouse ni Angela. Ngunit dahil sa kapipigilas ng dalaga ay nahihirapan siyang magawa. Dahil sa matinding init na ngayon ay nasa kanyang katawan ay hindi na nakatiis si Lance. Hinalit na ang gitnang damit ni Angela na nagpatili ng labis sa lumuluhang dalaga. Hinawakan ni Lance ang magkabilang bisig ni Angela habang nakatingin sa mayaman nitong dibdib na natatakluban ng suot na bra ng dalaga.

“L-Lance… R-Remember you used to say that you love me.. G-ganito ba ang love na alay mo sa akin Lance..” ang lumuluhang sabi ni Angela habang nakapaling ang kanyang mukha.

Nais namang makusensya ni Lance sa kanyang ginagawa kay Angela. Ngunit ngayon ay nasa harap na niya ang walang labang iniibig na si Angela. Saka na siya hihingi ng tawad dito at sa pamilya ng dalaga, pagkatapos niyang kunin ang iniingatang kayamanan ni Angela. Nasa ibabaw ni Angela si Lance habang ang mga kamay ng dalaga ay mahigpit nitong hawak. Akmang dadaluhungin na sana ng halik ni Lance ang nakabilad na katawan sa kanyang harapan ng biglang bumukas ang pinto dahil sa mga malalakas na sunod-sunod na mga pagsipa.

Napalingon si Lance sa kanyang likuran at namutla ng makita si Brandon at ang dalawa niyang kaibigan na mga galit na nakatingin sa kanya. Matatalim ang mga tingin ng mga ito lalo na ng napadako ang kanilang paningin sa nakakaawang dalaga nasa ilalim ng katawan ni Lance. Dahil dito ay nakaramdam ng matinding kaba si Lance. Si Angela naman ay nabuhayan ng pag-asa, dininig ng langit ang mga pagtangis niya.

“P-Please help me n-naman guys… W-Wag nyo akong pabayaan please..” ang pakiusap ng lumuluhang dalaga.

Mabilis na lumapit si Brandon kina Lance at Angela. Marahas niyang itinulak si Lance mula sa pagkakadagan nito sa dalaga. Nang makalaya mula kay Lance ay mabilis na nagtungo ulit sa sulok ang natatakot pa ding si Angela at pilit na pinagdidikit ang nahalit niyang damit. Nakakaramdam pa din siya ng kaba dahil hindi niya kakilala ang mga lalakeng tumulong sa kanya.

Dahil sa nakita ay lalong namuhay ang galit sa dibdib ni Brandon. Matalim itong tumingin sa kaibigan at saka nagsalita dito.

“Lance, nasisiraan ka na ba ng ulo? Did you forget what you told me last time? Kung gaano mo kamahal ang girl na ito tapos dadahasin mo!” ang nang-uuyam na sabi ni Brandon sa natigilang kaibigan.

Tumayo si Lance at tumingin kay Angela. Dahil sa nakitang itsura ng nanginginig na dalaga habang pilit na pinagdidikit ang nasirang damit ay hindi na napigil ni Lance ang mapayuko at mapaluha sa pagsisisi.

“You’re a piece of shit Lance. Kung ganyang klaseng pag-ibig lang din ang nasa puso mo. You don’t deserve to love anyone.” ang madiin na huling sabi ni Brandon.

Nilapitan ni Brandon ang nakaupo sa sulok na si Angela at iniluhod ang isang tuhod sa harap nito. Labis siyang nahabag sa nakitang ayos ng dalaga. Ngunit saglit na natigilan ng makita ng malapitan ang maganda at napakaamo nitong mukha. Ngayon niya naisip na totoo ang sinabi ni Lance ng huli silang magpunta sa bar. Hindi niya masisi ang kaibigan sa matinding paghahangad nito sa dalagang nasa kanya ngayong harapan. Ngunit mali pa din si Lance kahit saang anggulo tingnan, wala itong karapatan na gawin ang nais nito sa dalagang hindi naman nito pag-aari.

“I’m Brandon, wag kang matakot. Wala kaming gagawing masama sayo. Ihahatid na kita sa inyo.” ang sabi ni Brandon habang hindi maialis ang tingin sa mukha ni Angela.

Tumango naman si Angela. Nabawasan ang kanyang pag-aalala. Tumayo na si Brandon at tumayo na din si Angela habang nakayakap sa kanyang sarili. Nagsimula na siyang maglakad na medyo nanginginig pa din, at tahimik na lumampas kay Lance na hindi tiningnan ang binata.

“A-Angela…” ang malungkot na pagtawag ni Lance.

Tumigil si Angela sa kanyang paglalakad at marahang nilingon si Lance.

“I’m really sorry Angela…” si Lance ngayon ay may luha na sa kanyang mukha at labis na nagsisisi.

Isang malungkot na tingin na lang ng huling naibigay ni Angela kay Lance kasabay ng muling pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Kasamang naglaho ng mga luhang iyon ang pagiging magkaibigan nila Lance, maging ang lahat ng mga masasayang alaala nilang dalawa sa panahon ng kanyang kabataan. Ngayon ay tinanggap na ni Angela ang realidad na hindi na sila maaari pang maging magkaibigan ni Lance.

Lumabas na ng bahay sina Brandon at Angela, kasunod ang dalawang kaibigan ng binata. Pagkatapos magpasalamat ni Angela sa dalawa ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan ni Brandon. Tahimik siyang muling umiyak habang nasa loob ng sasakyan. Si Brandon naman ay labis ang pagkahabag sa lumuluhang dalaga. Nais niyang ang palisin ang luha nito sa mga mata ngunit wala din naman siyang karapatan.

Sa bahay kung saan naroon si Lance ay wala pa din siya sa sarili. Hindi niya lubos maisip kung bakit niya nagawa ang ganun sa iniibig na dalaga. Natigil siya sa pag-iisip ng lumapit sa kanya ang isa niyang kaibigan at inabutan siya ng malamig na serbesa.

“O, magpalamig ka muna bago ka gumawa ng desisyon.” ang sabi ng isa niyang kaibigan bago siya nito tuluyang iniwan na nakaupo pa din sa gilid ng kama.

Mapait niyang ininom ang hawak na serbesa. Siya dapat ang kasama ngayon at naghatid kay Angela, ngunit ng dahil sa kanyang matinding kapusukan at pagnanasa sa dalaga ay nakagawa siya ng isang napakalaking pagkakamali na labis niyang pinagsisisihan ngayon. Pinilit niyang inubos ang hawak na inumin. Tumayo mula sa kama at lumabas na ng bahay, tumingin muna sa dalawang kaibigan upang magpaalam.

“Alam kong galit kayo dahil sa katangahan ko. Pasenya na kayo. I feel so stupid right now.”

Tumingin naman sa kanya ang dalawa at nagsalita ang isa.

“Lance, sa love, talagang may nagiging tanga. Pero yung mangre-rape ka ng babae dahil hindi ka gusto. Hindi lang yun basta katangahan Lance, kabaliwan na yun.”

Napailing na lang si Lance, totoo naman ang kanyang narinig. Nang dahil sa matinding paninibugho na may ibang lalakeng mahal si Angela ay inalis niya ang katinuan sa kanyang sarili.

“Lumakad ka na Lance, hindi kami ang dapat mong kausapin ngayon.” ang sabi naman ng isa pa.

Malungkot siyang muling tumingin sa dalawa at saka nagtungo na sa kanyang sasakyan. Binuhay ang makina at nilandas ang daan patungo sa bahay ni Angela.

Nang nasa tapat na sila ng marangyang tahanan nina Angela ay hindi muna bumaba ang dalaga. Tumingin sa binatang tumulong sa kanya at saka nagpasalamat.

“T-Thank you…” ang sabi ni Angela habang pinipilit na alalahanin ang pangalan ng binata.

“It’s Brandon…” ang paalala naman ng binata.

“Thank you Brandon, if hindi nyo ako tinulungan… If hindi kayo… “ napaiyak namang muli si Angela habang nakayakap sa sarili.

Wala namang magawa si Brandon sa nakikitang paghihirap ng magandang dalagang nasa harap niya ngayon. Matapos ng ilang sandali ay napilitan si Angela na kalmahin ang sarili. Muling tumingin kay Brandon at saka malungkot na ngumiti. Binuksan ang pinto sa sasakyan ng binata at saka lumapit sa nakasarang gate ng kanilang bahay.

Inantay muna ni Brandon na makapasok ag dalaga bago niya muling binuhay ang makina. Nasira na ang araw niya na masayang kasama sana ang kanyang mga barkada. Sa bahay na lang ni Christine siya pupunta at doon na magpapalipas ng oras habang kasama ang dalaga.

*****

Sa loob ng kwarto ni Angela ay nagpupuyos naman sa galit si Alice ng malaman mula sa nag-iisang anak kung bakit ganito ang ayos nito ngayon. Muli niyang niyakap si Angela at sabay silang lumuha na dalawa.

“I-I was so scared Mom, takot na takot kanina..” ang sabi ng naluluha pa ding si Angela habang nakayakap ng mahigpit sa ina.

“T-Tahan na Angela, L-Lance is a monster, it’s a good thing na nakilala natin agad ang ugali niya.” ang nanginginig ding si Alice, hindi matanggap na ginawa iyon ni Lance sa nag-iisa niyang anak. Ngayon siya tuluyang nagpasya na hindi si Lance ang dapat na lalake para kay Angela.

Sabay na napatingin ang mag-ina ng bumukas ang pinto sa kwarto ng dalaga.

“Anton.. You need to do something about it. It’s your own daughter Anton! I don’t care kung gaano mo kagusto si Lance para kay Angela. Ngunit hindi ko papayagan na si Lance ang maging future ni Angela. Over my dead body Anton.” ang puno ng galit na sabi ni Alice.

Napabuntunghininga naman si Anton. Hindi akalain na mangyayari ang ganito sa relasyon ni Lance at Angela. Malungkot siyang tumingin sa umiiyak na nag-iisang anak. Nilapitan si Angela at marahang hinaplos ang buhok nito.

******

Nasa tapat na ng bahay ni Angela si Lance ngunit hindi pa din siya makababa ng kanyang sasakyan. Labis ang kaba sa loob ng kanyang dibdib. Napilitan na din siyang bumaba, lumapit sa may gate at saka nag-doorbell ng ilang ulit. Pinagbuksan naman siya ng pinto at mabigat ang kanyang hakbang habang naglalakad. Ang dating masayang pakiramdam tuwing nasa tahanang ito ay naging mapait. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakitang naghihintay doon ang mga magulang ni Angela.

Tumayo naman si Alice at mabilis na lumapit kay Lance.

“Tita.. I’m so sor-“

(“PAK!”)

“I’m-“

(“PAK!”)

“You don’t deserves my daughter Lance, from this moment, I don’t know you. After this, don’t ever show your face in this house again.” ang malamig na sabi ni Alice, nasa boses pa din ang hindi maitagong galit para sa binata.

Lumayo na si Alice at umakyat na sa taas. Naiwan si Lance na hawak ang mukha sa dalawang kamay at tahimik na muling lumuluha. Tumayo naman si Anton, tumapat kay Lance at saka nagsalita.

“Come Lance, follow me, let’s talk alone in my bar.” ang malamig ding pagyakag ni Anton sa binata.

Ngayon ay lalong lumaki ang pagsisising nararamdaman ni Lance. Dahil sumampal sa kaniya ang realidad na hindi na siya tanggap pa sa tahanan ni Angela. Nakalayo na si Anton ng tahimik na sumunod si Lance patungo sa personal bar na nasa loob ng bahay. Nakapagbukas na ng alak si Anton ng makalapit si Lance.

“Sit..” ang tipid na utos ni Anton.

Naupo naman si Lance at naghintay sa sasabihin sa kanya ng Daddy ni Angela. Nagsalin ng alak sa dalawang baso si Anton at inilagay ang isa sa harap ni Lance habang umupo naman siya sa harap ng binata.

“Drink Lance, have a sip.”

Sinunod naman ni Lance ang sinabi ni Anton. Si Anton naman ay uminom din ng bahagya habang nakatingin kay Lance na nakapaling sa kanya. Kinakabahang ibinaba ni Lance ang basong halos hindi niya nabawasan ang laman.

“Now Lance, tell me. What went wrong between you and my daughter?” ang malamig na tanong ni Anton.

Dito na lumuha ng labis si Lance, nagpupuyos ang dibdib dahil sa matinding sakit at pagsisisi.

“I love her so much Tito kaya ko nagawa yun. Please forgive me, I really really love her Tito. Believe me Sir, it’s not my intention to hurt your daug-“

“Get a grip Lance! Stop your mumbling and just answer my damn question! What went wrong at ginawa mo ang ganito sa anak ko?” ang pasigaw na tanong ni Anton na halos madinig na sa buong bahay.

“T-Tito, there is someone else beside me, may karelasyon si Angela na she kept secret to all of us.” ang naiiyak na sabi ni Lance, buong pait niyang inamin na may ibang iniibig si Angela.

“Do you know this man Lance?” ang sunod na tanong ni Anton.

Umiling naman si Lance.

“I don’t know him, but I saw him with Angela, that night, sa gabi ng debut ni Angela ay narito siya. Nasa fountain silang dalawa, they hugged and kissed in from of me Tito. And till now, it still hurts, kaya ko nagawa to, because I feel I feel so hopeless… Lalo na ng…. Angela told me Tito na…” natigilan si Lance, hindi niya alam kung tama bang sabihin niya ito sa ama ni Angela.

“Lance! Anong sinabi sayo ng anak ko? Damn you Lance, don’t you dare lie to me now!” si Anton habang hawak sa kwelyo si Lance.

“A-Angela told me… that she already gave herself to that man…” ang mapait na sabi ni Lance.

Binitawan ni Anton si Lance at pasalampak na napaupo. Lumuhod naman si Lance sa harap ni Anton at humawak sa binti nito.

“Please Tito, I still loves her, I will marry her right now kung papayagan nyo ako. I don’t care her about her past, as long na she is mine. Please Sir, give Angela to me.” ang pakiusap ni Lance habang umiiyak na nakaluhod sa harap ni Anton.

Matiim namang pinagmamasdan ni Anton si Lance habang malalim na nag-iisip. Ngayon ang realidad na umiibig sa ibang lalake si Angela ay dumating na sa kanya. Sa isang lalakeng hindi niya kilala o kung saang lupalop ng mundo nagmula. Tumayo si Anton, itinaas ang mukha ni Lance.

“Lance..”

“Sir…?”

“I like you, you know that right? But still, I’m her father, so…”

“T-Tito…?”

At ilang malalakas na suntok ang ibinigay ni Anton sa mukha ng hindi lumabang binata. Pikit matang pilit na tinanggap ni Lance ang kabayaran ng kanyang pagkakamali. Halos hindi na niya mabilang ang suntok na inabot ng kanyang mukha at katawan, ni naramdaman ang sakit ng bawat pagdampi ng mga iyon sa kanyang balat. Nasa isip niya ang nanginginig sa takot na si Angela habang tinantanggap ang lahat ng ito. Kulang pa ding kabayaran sa ginawa niya sa kanyang pinakaiibig na si Angela.

At sa mga sandaling ito ang unos ay hindi pa din nakakalayo sa kanila. Kung hindi nagbabadya pa ng mas malakas na pananalanta na tiyak na haharapin nila sa nalalapit na panahon.

(Ipagpapatuloy…)