>NOTE: Some changes has been made.
Chapter 38
Naroon ng kasama ni Alex sa kanilang pwesto si Mika at kapwa abala ang dalawa sa kanilang mga ginagawa. Nagsasalin ng alak sa mga baso si Alex samantalang si Mika naman ang naglalagay sa tray ng mga ito. Nag-uusap ang dalawa habang patuloy sa kanilang ginagawa at pansin kay Alex ang hindi nito maitagong saya habang kasama nito si Mika.
Hindi man masabi ni Alex ay masaya siya sa bawat sandaling nakakasama o nakakausap si Mika. Alam naman niyang hindi lingid sa dalaga ang kanyang nararamdaman. Ngunit sa kabila ng katotohanang iyon ay hindi lumayo sa kanya ang dalaga at nanatili silang magkaibigan. Sapat na iyon kay Alex dahil alam naman niya ang sitwasyon ni Mika. May lihim itong relasyon kay Dan at masaya ang dalaga sa piling ng kaibigan.
Sa bawat pag-aalala ni Mika para kay Dan, sa bawat pagnanais ni Mika na palaging nasa kanya ang atensyon ni Dan ay nakikita namang lahat ni Alex. Nasasaktan si Alex ng lihim sa kanyang mga nakikita ngunit ang damdamin ni Mika ang unang mahalaga sa kanya. Kung hanggang kaibigan lang ang magiging papel niya sa buhay ni Mika ay tanggap na din naman niya. Ang maging bahagi ng buhay ni Mika kahit kaibigan lang ay ligaya na sa kanya.
Itinigil saglit ni Alex ang ginagawa at tumingin sa gawi ni Mika. Maingat na paisa-isang inilalagay ni Mika ang bawat mataas na basong may lamang alak na inumin. Dalawang uri ng wine ang kanilang ipinamimigay sa bawat panauhin gaya ng napagkasunduan ng kanilang bar at ng nangangasiwa sa lugar na iyon. Mayroon pa silang espesyal na alak na para lamang sa mga panauhing nagnanais ng dagdag na serbisyo.
“Ako na ang magtutuloy nan Mika, magpahinga ka na lang muna.”
Ngumiti naman si Mika at tumingin din kay Alex, “Thank you Alex pero hindi pa naman ako pagod. Nakakaisang lakad pa lang naman ako. Mamaya na lang kapag pagod na talaga ako.” At muling itinuloy ni Mika ang kanyang ginagawa.
Nagpatuloy na din naman si Alex ang kanyang ginagawa at saka siya nagbibirong nagtanong kay Mika, “Nakarami ka na ba?”
Napangiti naman si Mika at saka siya tumingin kay Alex, “Medyo, bigyan kita ng share mamaya kapag natapos na tayo.”
Tumawa ng mahina si Alex, natutuwa sa pagiging mabait sa kanya ng dalaga, “Wag na Mika, salamat na lang, alam ko naman kung para san ang pag-iipon mo.”
“Isama ka na lang namin ni Dan kapag lumabas kami, marami na kaming utang sayo eh. Hindi ka pwedeng tumanggi, magtatampo na talaga ako.” ang sabi ng nakangiting si Mika, nais niyang iparamdam kay Alex na hindi ito iba sa kanila ni Dan. Espesyal pa din naman ang binata at malapit nilang kaibigan.
“Sige na nga, kayo ng bahala sa akin. Basta, malakas akong kumain ha, walang reklamo dapat.” ang patuloy na pagbibiro ni Alex.
Isang ngiti ang ibinigay ni Mika sa binata, “Basta ikaw Alex, walang problema”.
Mainit na tinanggap ni Alex ang ngiti ng magandang dalagang malapit sa kanya. Iba ang saya at sigla ngayon ni Mika kumpara noon, parang lalong nagkaroon ng kulay ang mundo ng dalaga simula ng dumating at nakilala nito si Dan.
“Mika…”
Muling nag-angat ng paningin ang dalaga, “Bakit?”.
“Kamusta kayo ni Dan?”
Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Mika, “Okay naman kami Alex”, ang parang nahihiyang sagot ng dalaga. Sa magandang mukha ni Mika ay hindi nito maitago ang pag-ibig at labis na saya na nadarama. Lalo ngayong nabawasan ang alalahanin niya dahil tanggap na ng kanyang Ate Ella ang relasyon nila ni Dan. Hindi na nila kailangang maglihim pa ni Dan at malaya na silang makakapagtabi sa bawat gabing magkasama silang dalawa.
Sapat na ang nakitang ekspresyon at sagot ni Mika sa kanyang tanong upang malaman ni Alex na maligaya na ngayon ang dalaga. Ang kaligayahan ni Mika ay kaligayahan na din niya. Hindi man maging kanya si Mika ay naging parte pa din naman siya ng buhay nito, maging ng lalakeng nagmamay-ari sa puso ng dalaga. Kapwa niya kaibigan ang dalawa at hangad niyang maging masaya at matatag ang pagsasama nina Dan at Mika.
“Mika, may sinabi ako kay Dan.”
“Alam ko Alex, sinabi niya sa akin”, at saka malambing na napahagikhik si Mika.
“Kaya sumbong ka lang sa akin kapag pinaiyak ka ni Dan, ako bahala sa kanya.” ang nagbibirong si Alex.
Muling napangiti si Mika, “Salamat Alex”, sa isip ng dalaga ay nagpapasalamat siyang naging mabuti niyang kaibigan si Alex. Kahit alam niyang may pagtingin ito sa kanya at hindi lingid dito ang relasyon niya kay Dan ay nanatiling isang mabuting kaibigan si Alex sa kanila.
Ang laman ng isipan Mika ay ang lalong bigyan ng ligaya si Dan habang magkasama silang dalawa. Upang hindi na magkaroon pa ng dahilan si Dan upang saktan at iwanan siyang mag-isa. Dahil ngayon ay parang ayaw na niyang ang pangarap lamang niya ang ibigay sa kanya ni Dan. Nais niyang kasabay ng pagbibigay sa kanya ni Dan ng pangarap na inaasam niya ay naroon din namang iaalay ni Dan ang pag-ibig nito sa kanya. Sa Mga isiping ito ay lalong naging masaya ang pakiramdam ni Mika, sana ay dumating ang araw na mangyari ang lahat ng hinahangad niya.
*****
Magaan ang pakiramdam ni Dan habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan ni Alex. Dahil nananatiling mainit ang pagtanggap sa kanya ng ina ni Angela, kasama man nito ang ang asawa ay walang pagbabago sa turing nito sa kanya. Sa isang tulad ni Dan na maagang naulila sa kanyang mga magulang, at namumuhay ng nakakaraos lamang ay masarap na isiping may isang katulad ng ina ni Angela, na handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang katauhan.
Bagaman may saya sa puso ni Dan ay nakaramdam pa din siya ng bahagyang bigat sa kanyang dibdib. Dahil tiyak na labis na malulungkot ang ina ng kasintahan sa sandaling palihim na silang lumisan. Sa isip ni Dan ay naroon ang pag-asang mauunawaan sila ng ina ni Angela, at dumating sana ng mabilis ang panahong matatanggap din sila ng tuluyan ng ama ng dalaga.
Nakita ni Dan na magkasama na ngayon sa kanilang pwesto sina Alex at Mika, at sa kanyang kaibigan ay mapapansin ang saya dahil sa kasama nitong dalaga. Kung maaari nga lang na si Alex na ang ibigin ni Mika sa kanyang paglayo ay ikatutuwa ni Dan at ipagpapasalamat niya talaga. Dahil nalalaman ni Dan kung gaano kamahal at pinahahalagahan ni Alex si Mika, ng higit pa sa pagkakaibigan nilang dalawa.
Natigil ang masayang pag-uusap ni Alex at Mika ng mapansin siya ng kaibigan at ngayon ay nakalapit na siya sa kanila. Lumingon naman si Mika sa kanyang likuran at napangiti ang dalaga ng makita niya si Dan. Pumihit siya paharap at sinalubong ng kanyang matang nangungusap ang binatang nakatingin din naman sa kanya. Sa mata ni Mika ay naroon ang masidhing pag-ibig na para lamang kay Dan. Isang pag-ibig na nagsisimulang ng maghangad ng higit pa sa kayang ibigay sa kanya ni Dan.
Inilipat ni Dan ang paningin kay Alex at saka niya inilapag ang tray sa lamesa malapit sa kaibigan.
“Alex, gusto mo bang ako naman dyan sa ginagawa mo? Palit naman tayo, baka sakaling swerte mo ngayong gabi.” ang nakangiting si Dan, nais din naman bigyan ng maagang pagkakataon si Alex na kumita kahit kaunti. Dahil kanina pa siya nakatanggap ng medyo malaki ding kabayaran mula kay Brandon para sa pagsisilbing gagawin niya mamaya sa pamilya ng binata.
Umiling naman si Alex, “Mamaya na ako, kayo na lang muna ni Mika”, sinabi ito ni Alex dahil nalalaman naman niya ang matinding pangangailangan nina Dan at Mika sa salapi. Dahil nag-aaral pa si Dan sa kolehiyo at si Mika naman ay upang mabayaran ang pagkakauntang ng pamilyang iniwan ng dalaga sa probinsiya.
Hindi na din naman nagpumilit pa si Dan, saka siya muling tumingin kay Mika na ngayon ay nakalipat na sa pinakadulong parte ng lamesa. Na para bang kusang lumayo ang dalaga upang magkaroon silang dalawa ng pagkataon na makapag-usap ng sarilinan. Nakapatong ang kamay ni Mika sa lamesa at tinapik-tapik iyon habang nakatingin sa kanya na nagpapahiwatig na tumabi siya sa dalaga. Lumapit siya kay Mika at saka tinabihan ang dalaga ng halos magkadikit na sila. Mula sa lamesa ay lumipat naman ang kamay ni Mika at hinawakan ang kamay ni Dan na nasa gawing ibaba. Magkahawak-kamay silang nakatingin sa kanilang harapan habang magkadikit silang dalawa. Hindi naman nag-aalala si Dan dahil mula sa kanilang kinatatayuan ay hindi siya tanaw ng mga magulang ni Angela na nakatalikod sa kanya at may mga kasamang kausap na din sa kanilang lamesa.
Labis naman ang sayang nararamdaman ni Mika, ngayong gabi ay parang tunay silang magkasintahan ni Dan. At ramdam niya kay Dan na espesyal na din naman siya para sa binata. Paunti-unti ng naglalaho ang kanyang mga pangamba at alalahanin. Sana hindi na magtagal ay maging sila na talaga, ito ang lihim na naiusal ni Mika.
“Ang daya mo Dan ha, nauna pa akong mag serve sayo. Sabi mo ay babalikan mo ako kaagad, hindi naman pala.” ang nagkunwang nagtatampong sabi ni Mika habang nakatingin kay Dan.
Tumingin din si Dan kay Mika, natutuwa siya sa parang paglalambing nito sa kanya. Sa gabing ito ay nais niyang maging masaya si Mika, lalo’t ilang araw na lamang silang magkasama at maaaring hindi na sila muling magkita pa.
“Bawi na lang ako sayo mamaya bago tayo matulog Mika.” ang mahinang sabi ni Dan, ayaw iparinig kay Alex ang kanilang mainit na usapan. Mainit ang pakiramdam ni Dan habang hawak ang malambot na palad ni Mika, nasa kanyang isipan ang mga lalakeng tahasang nagpapakita ng interes sa dalaga. Mamayang gabi ay talagang ilang ulit niyang lalasapin ang sarap ng katawan ni Mika na hangang pagnanasa na lamang sila.
Napangiti naman si Mika dahil sa mainit na sinabi kanya ni Dan. Ngayon pa lang ay nasasabik na siya sa pagpapaligayang gagawin nila sa isa’t-isa.
“Dan, Linggo bukas at wala tayong pasok. Gusto ko sana dalawang beses tayo ngayong gabi.” ang malambing at mahina ding sabi ni Mika, nais ipaalam kay Dan ang kanyang pananabik sa isa na namang napakainit na gabi sa piling ng binatang minamahal niya.
“Humanda ka sa akin Mika, dahil talagang nanggigigil ako sayo. Hindi ako titigil mamaya hanggat hindi kita nalalamog ng husto.” ang mahinang sabi ulit ni Dan na bahagyang pinisil ang mainit na ding palad ni Mika.
Lalong hinigpitan naman ni Mika ang pagkakahawak sa kamay ni Dan na parang ayaw na niyang bumitaw pa.
“Yun nga ang gusto ko Dan, yung…., pagurin mo ako ng sobra ngayong gabi. Parang hanggang bukas na ng tanghali akong nakayakap sayo sa kama.” ang sabi naman ni Mika na ngayon ay sadyang mainit na din ang pakiramdam. Isang napakasarap at nag-aalab na namang gabi ang naghihintay sa kanya habang kapiling niya si Dan.
Si Alex naman ay panay lang ang palihim na tingin sa kanyang mga kaibigan, at kahit hindi niya nakikita ay alam niyang magkahawak kamay ngayon sina Mika at Dan. Pagkatapos magsalin ng alak ni Alex sa mga baso ay nagsimula na din siyang ilagay ang mga ito sa dalawang tray na malapit sa kanya.
Hindi naman siya ang dapat na maglagay sa mga ito ngunit nais niyang pabayaan na lamang ang dalawa sa mahinang pag-uusap ng mga ito. Ngunit sadyang hindi madali para kay Alex ang hindi makaramdam ng selos kahit alam naman niyang wala siyang karapatan. Hindi man niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa ay may naglalaro namang ideya sa kanyang isipan. Dahil ngayong gabi ay tunay na napakaganda ni Mika. Nakakabaliw para kay Alex ang ngiti at lambing ng dalaga na hindi naman para sa kanya. Napakahirap sa damdamin ni Alex na isiping ang isang tulad ni Mika ay mananatiling pantasya na lamang sa isang tulad niya.
*****
Nagpaalam muna si Lance kay Brandon na pupuntahan muna ang kanyang pamilya. Mamaya na lang siya ipakikilala ng kaibigan kay Christine. Naglalakad na siya papunta sa kanilang lamesa ng mahagip ng kanyang paningin ang mga magulang ni Angela. Malamig ang tingin na ibinigay sa kanya ng kanyang Tita Alice ngunit nagtataka siya ng marahang tumango naman sa kanya ang kanyang Tito Anton. Nakaramdam ng kaunting pag-asa si Lance, baka sakaling tanggap pa din naman siya ng ama ni Angela. Pagkaupo ni Lance ay tumayo ang kanyang ama at saka bumulong sa kanya.
“Lance, later tonight, Anton wants to talk to you, alone.”
Natigilan naman si Lance, at nag-aalangang napatingin sa kanyang ama.
“It’s alright Lance, nag-usap na kaming dalawa kanina. There is still hope na maitutuloy pa din namin ni Anton ang plano namin sa inyo ni Angela.”
Nakahinga ng maluwag si Lance, may pag-asa pa ding mapasakanya si Angela.
“Thanks Dad. This time, I’ll make sure na hindi ko na kayo bibiguin ni Tito Anton.”
Pinisil ng kanyang ama ang kanyang balikat at saka ito muling bumalik sa tabi ng kanyang ina. Nalalaman ni Lance na hindi madali ang kanyang gagawin na pagpapaibig kay Angela. Kung noon ay nahihirapan na siya ay mas lalong malaking hirap ang kanyang haharapin ngayon. Dahil may kasintahan na si Angela at namumuhi ngayon sa kanya ang dalaga. Hindi niya kailangang magmamadali, dahil sa kabila ng pagkakamali niya ay nasa kanya pa din naman ang suporta ng ama ni Angela. Ang kailangan lang niyang unang gawin ay ang mawala si Dan sa piling ni Angela. Malalim siyang nag-iisip kung sa paanong paraan niya gagawin ang nais niyang mangyari na lumayo ng kusa si Dan kay Angela.
*****
Ngayon ay kasama na ni Brandon ang kanyang pamilya sa kanilang lamesa at masayang kausap ang mga ito. Ngunit sa katotohanan ay sadyang kanina pa siya naiinip. Labis na siyang nasasabik na makita si Christine. Ang dalagang lagi ng gumugulo at laman palagi ng kanyang puso at isipan. Ngayong gabi, ay magsisimula ng matapos ang paghihirap na kanyang nararamdaman. Tumayo na si Brandon na nakatingin sa kanyang mga magulang, nagpasya siyang salubungin sa may pasukan sina Christine at ang pamilya ng dalaga.
“I think I’ll wait for them near the entrance.” ang nakangiting si Brandon.
Napangiti din ang kanyang ina sa kanya, “Go ahead Iho, and when they come, let her parents know where we are. And have some precious time with Christine bago ninyo kami samahan dito. I do know naman na kanina mo pa siya gustong makasama.”
Hindi maitago ni Brandon sa kanyang ina ang kanyang nararamdaman, kilalang-kilala talaga siya nito. Dahil kahit sa kanilang bahay ay laging si Christine ang madalas nilang nagpag-uusapang mag-ina.
“Yes Mom, I will.”
Hinawakan naman ng kanyang ama ang kamay ng kanyang ina at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.
“Brandon, I know how you feels son. It’s the same feeling I have when I did that to your Mom. Now go, and do what you have to do. Gawin mong isang gabing hindi mo makakalimutan ang gabing ito.” ang sabi ng kanyang amang tipid na nakangiti sa kanya.
“Thank you Dad.” ang masayang sagot ni Brandon. Labis siyang nasisiyahan sa nakikitang niyang pagsuporta ng mga magulang sa kanyang pagpili kay Christine bilang natatanging babaeng nais niyang makasama sa kanyang buhay.
Muling inayos ni Brandon ang kanyang sarili, at saka siya buong tiwala sa sariling lumakad patungo sa malapit sa may pasukan.
Masayang nakatingin lang sa papalayong binata ang kanyang mga magulang. Hindi man sabihin sa kanila ni Brandon ay alam nilang laging nananabik ang nag-iisa nilang anak kay Christine.
Ang ilang kadalagahang kanyang nalalampasan ay buong paghangang napatingin naman sa kanya ngunit wala ni isa man sa kanila ang tiningnan ni Brandon. Dahil ngayong gabi, sa iisang dalaga lamang niya nais na ilaan ang kanyang buong atensyon.
Malapit ng maubos ang laman ng tray na hawak ni Dan ng doon naman siya nagpunta malapit sa may pasukan. Natutuwa siyang nadagdagan na din ang salaping ibinigay sa kanya ni Brandon, mahaba pa ang gabi, mahaba pa din ang kanyang pagkakataon upang makalikom ng kahit kaunting halagang magagamit niya sa pag-alis nila. Natigil siya pag-iisip ng may lumapit sa kanya upang magsikuha ng alak. At ng makaalis ang mga ito ay saka nagpatuloy si Dan sa kanyang ginagawa.
Mula naman sa kinarorooan ni Mika ay hawak na niya sa kanyang dalawang kamay ang wala ng laman na tray. Madali sa kanya ang makaubos ng laman dahil sa dahilang hindi naman nalilingid sa dalaga. Ngayon ay kausap niya ang dalawang lalakeng kanina pa nagpapakita ng interes sa kanya.
“So Mika, may plano ka ba ngayong gabi pagkatapos mo dito? May gimik kami mamaya, pwede ka naming isama kung gusto mo.” ang paanyaya na isang lalakeng kaharap ni Mika.
Umiling naman si Mika at saka hinanap ng kanyang paningin si Dan na ngayon ay nasa malapit sa may pasukan.
“Hindi ka ba namin mapipilit Mika, it’s going to be a lots of fun. Siguradong mag-e-enjoy kang kasama kami”, ang sabi namang lalakeng katabi ng una na nakatingin sa magandang dalaga, lalo na sa malusog nitong dibdib na kanina pa nagpapainit sa kanila.
Ngumiti na lang si Mika sa dalawa, “Sorry talaga, pero hindi ako pwede eh.”
“May magagalit na ba sayo?” ang muling tanong ng una.
Kiming tumango naman si Mika, “May.. may boyfriend na ako”, ang nahihiyang sabi ng dalaga. Sa kanyang puso ay umaasang sana ay tunay ngang magagalit si Dan kung sakaling may mag-aaya sa kanyang iba at isang kasintahan na din ang turing nito sa kanya.
“Kung magbabago ang isip mo Mika, nandito lang kaming dalawa. Alam mo naman kung nasaan ang table namin.” ang sabi ng ikalawa na nag-abot ng salapi sa dalaga. At saka tuluyan ng lumakad ang dalawang lalake pabalik sa kanilang lamesa.
Si Mika naman ay masayang lumakad papunta sa direksyon ni Dan pagkatapos itago ang salaping ibinigay sa kanya. Wala namang halaga na sa dalaga ang kahit na sinong lalake na nagkakainteres sa kanya. Mayaman man o may itsura ay magkatulad na balewala sa dalaga. Hanggat magkasama sila ni Dan at nagtatabi sa kama ay labis ng kaligayahan at kasapatan kay Mika. Dahil umaasa pa din naman si Mika na darating din ang araw na matutuhan siyang mahalin ni Dan at tuluyan na ding magiging sila talaga.
Mula sa kanyang kinatatayuan ay natanaw ni Brandon ang pagpasok ng mga magulang ng Christine. Ang kanyang pananabik ay nahaluan ang kaba. Narito na si Christine, ang dalagang pinakamamahal niya. At para kay Brandon, ang gabing ito ay sadyang laan lamang para sa kanilang dalawa.
Pagkatapos kamustahin ang mga magulang ni Christine ay itinuro ni Brandon ang kinaroroonan ng kanyang mga magulang. At sa pagpasok pa lang ng napakagandang si Christine sa lugar na iyon ay buong paghangang napatingin agad sa dalaga ang mga kalalakihan na naroroon.
Dahil sa bawat paghakbang ng dalaga ay naroon sa kanyang labi ang isang mapang-akit na ngiti. Buong pagmamalaking hinintay ni Brandon ang paglapit sa kanya ni Christine. Ng sandaling iyon, sa isip ni Brandon ay siya na ang pinakamapalad na lalake dahil sa harapan ng mga lalaking ito ay mahahayag na sa kanya ang dalagang buong paghanga at pagnanasa nilang tinitingnan ngayon.
Ngayon ay iisa na lamang ang alak na nasa tray ni Dan. Kailangang may kumuha na nito upang muli na siyang makabalik sa lugar nila nina Alex. Gumawi siya sa kanyang kanan ng siya ay natigilan, lumakas ang pagtibok ng kanyang dibdib dahil sa kanyang biglang pagkakita kay Christine.
Napakaganda ng dalaga ng gabing iyon, at ang suot nitong gown ay lalong nagpapasidhi sa mga damdamin ng bawat kalalakihang nakakamalas ng kariktan ni Christine. Nais sana niyang tumalikod upang itago ang kanyang sarili ngunit ayaw kumilos ng kanyang katawan. Nanatiling nakapako ang kanyang paningin sa dalagang ngayon ay nakatingin na din naman sa kanya.
Habang naglalakad ay nasa isipan ni Christine na kailangan niyang pagbigyan ang lahat ng nais ng kanyang mga magulang. Ngayong gabi ay hindi niya pag-aari ang kanyang sarili kung hindi siya ay magiging isang manikang sunod-sunuran lamang sa mga ito. Ngunit ang kanyang pagpapasyang ito ay maaaring magbago dahil narito ngayong nakatingin sa kanya ang pinakaiibig niyang si Dan. Kapwa sila nakatingin sa mata ng isa’t-isa habang palapit siya sa binatang laging laman ng kanyang isipan.
Ngayon ay magkaharap na silang dalawa at ang pananabik at pag-ibig ay kapwa nila makikita sa nangungusap nilang mga mata. Malungkot na ngumiti si Christine sa binatang nasa kanya ngayong harapan, at saka niya kinuha ang huling alak na ipinamimigay nito.
“Dan…” ang mahinang pagtawag ni Christine, sa mukha ng dalaga ay naroon ang lungkot na hindi niya maitago.
“Christine…” ang mahina ding sagot ni Dan habang nakatingin sa mata ng dalagang iniibig din naman niya.
Hindi napigilan ni Christine ang namuong luha sa sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan na naririto ngayon si Dan, sa lugar kung saan mahahayag ang isang kasunduan na magbubuklod sa kanila ni Brandon.
“I’m going to hurt you tonight. Whatever happens ngayong gabi, please pretend na wala kang nakita. Can you do that for me?” ang malungkot na sabi ni Chrstine habang buong pag-ibig na nakatingin sa maamong mukha ni Dan.
Tumango naman si Dan sa dalagang alam niyang labis na nahihiraparan sa kung ano man ang sitwasyong haharapin nito ngayong gabi.
“You know how much I love you Dan. So please, trust me , okay? Sayo lang ako, yan ang tandaan mo.”
“Alam ko Christine, buo ang tiwala ko sayo.” ang sabi ni Dan na nagtangkang iangat sana ang kanyang kamay upang pawiin ang butil ng luha sa mga mata ng dalaga.
Dahil sa napansin ay mabilis na umiling si Christine upang pigilan ang nais na gawin ni Dan.
Sa halip ay sa pamamagitan ng mga salita nais niyang maramdaman ang pag-ibig sa kanya ni Dan, “Say I love you Christine”, ang pakiusap ng dalagang labis na naghihirap ang kalooban.
“I love you Christine.” ang buong pagsuyong sagot naman ni Dan.
At minsan pang nagtama ang kanilang paningin at mababasa sa kanilang mga mata ang kanilang pag-ibig na kapwa nadarama. Ang kanilang mga labi naman ay kapwa labis na nananabik na muling mahagkan ang isa’t-isa ngunit kailangang nilang magpigil dahil nasa maling lugar sila. Ngayon ay isang matinding pagkauhaw sa init at pag-ibig ang kanilang kapwa nararamdaman na kailangan nilang paglabanan.
At dahil hindi na matiis ni Christine ang paghihirap ng kanilang damdamin ay lumakad na siya palayo kay Dan. At sa unang hakbang pa lang kanyang paa ay tuluyan na ding naglandas sa kanyang mukha ang mainit na luhang hindi niya napigilan.
Si Mika naman ay hindi nagawang tuluyang lumapit kay Dan dahil sa nakilala niya ang dalagang kanina lamang ay kausap nito. Ang napakagandang dalagang iyon na may alon-alon na buhok ay ang nagmamay-ari sa puso ng iniibig niyang si Dan. Na ang larawan nito ay iniingatan ni Dan sa loob ng kanyang pitaka upang bawat sandaling malayang mapagmasdan.
Ngayon ay nahayag kay Mika ang isang mapait na katotohanan. Higit sa kanya sa lahat ng katangian ang dalagang iniibig ni Dan. Ayaw niyang mawalan pag-asa ngunit ngayon pa lang ay pinanghihinaan na siya ng loob. Paano niya aangkinin ang puso ni Dan gayung hindi patas at hindi naging mabuti sa kanya ang kapalaran. Paano niya ipaglalaban ang kanyang pag-ibig sa binatang ibang dalaga ang minamahal? Tahimik na lumakad na papunta sa kanilang lugar si Mika na dapat sana ay si Dan ang kanyang kasama ngunit kalungkutan ang kanyang naging daladala.
Nagtataka namang sinalubong ni Brandon ang lumuluhang si Christine. Mabilis niyang kinuha ang panyo sa kanyang bulsa at tinuyo ang mga luha ng dalaga at saka niya tiningnan si Dan na siyang pinanggalingan ni Christine.
Nang lumapit si Christine sa binata ay hindi niya iyon binigyan ng kahulugan, dahil kinuha ni Christine ang huling alak na nasa tray na lalagyan ni Dan . Ngunit ang nais na malaman ni Brandon ay kung ano ang saglit na pinag-usapan ng dalawa, at bakit lumuluhang nasa harapan niya ngayon ang pinakaiibig niyang dalaga. Kailangang malaman niya ang dahilan at mamaya ay kakausapin niya si Dan.
Muling ibinalik ni Brandon ang paningin kay Christine, “Are you okay Christine? Tell me. May sinabi ba siya sayong hindi dapat?”.
Inalis naman ni Christine mula sa kanyang mukha ang panyo ni Brandon at kinuha ang sariling panyo mula sa munting lagayan na kanyang dala. Nakaramdam naman ng lungkot si Brandon dahil sa ginawa ni Christine, hanggang ngayon ay malayo pa din ang loob ng dalaga sa kanya.
“May sinabi ba siya sayo tungkol dun sa ngyari bar?” ang may diin na sunod na tanong ni Brandon.
Umiling naman si Christine habang nagpapahid ng luha sa kanyang mga mata, “It’s nothing Brandon, let’s go. Naghihintay na sila.” Hindi masabi ni Christine na si Brandon at ang kanilang pamilya ang dahilan ng pagluha niya. Dahil ang kalayaan ay wala sa kanya hanggang wala siyang kakayahang tumayo sa sarili niyang mga paa.
“Then why is he still looking at you Christine?” si Brandon na ngayon ay muling nakatingin sa direksyon ni Dan.
Dahil sa narinig ay muling napaluha si Christine, alam niyang nag-aalala sa kanya si Dan. Kung maaari lamang niyang balikan at yakapin si Dan ngayon ay gagawin niya. Ngunit pinatatag niya ang sarili, narito ang kanyang mga magulang at hindi dapat masira ang gabing ito dahil sa pagiging mahina niya. Hindi din naman magtatagal ay muli niyang maipapadama kay Dan ang init ng kanyang pagmamahal na para lamang talaga sa binata. Sa isang tahimik at malamig na lugar na malaya silang magpapakaligaya sa piling ng isa’t-isa.
“Don’t mind him Brandon, he didn’t say anything bad to me. I’m fine now, we should go.”
Saglit pang tiningnan ni Brandon si Dan na nanatiling nakatingin sa kanila. May tanong na naglalaro sa kanyang isipan na kailangan niyang malaman ang kasagutan bago matapos ang gabing ito. Humarap siya direksyon ng kanilang pamilya at inaangkla ang kanyang braso kay Christine. Alam ni Christine na nasa may bandang likuran lamang niyang nakatingin si Dan. Ngunit ang gabing ito ay hindi para sa kanilang dalawa. Kung hindi para kay Brandon at sa dalawang pamilya na naghahangad na maging isa. Ikinawit ni Christine ang kanyang bisig sa katabing si Brandon at saka sila sabay na naglakad patungo sa mga naghihintay sa kanila.
Ang isang mahabang gabi para kay Dan ay nahaluan pa ng lamig. Dahil narito ngayon si Christine, ang isang dalagang iniibig niya na may kasamang ibang lalake na mas higit sa kanya. May tiwala si Dan kay Christine at alam niyang napipilitan lamang ang dalaga. At alam niyang kapwa sila nasasaktan sa sitwasyon nila ngayon ngunit hindi magtatagal ay magkakasama na din naman silang dalawa. Kung hindi magbabago ng pasya si Christine at nakahanda itong mamuhay ng katulad niya ay isasama din niyang palayo ang dalaga.
*****
Labis naman ang pagmamalaki ni Brandon habang naglalakad na katabi si Christine. Napakaganda at napakahubog ng katawan ng dalagang nakakapit ngayon sa kanya. Tunay na kabigha-bighani talaga si Christine, at para kay Brandon ay walang ibang babae ang makakahigit sa dalagang minamahal niya. Lalong lumiyad ang kanyang dibdib dahil sa nakikita niyang pagkainggit sa kanya ng mga lalakeng napapatingin sa kanila.
Hindi naman kaila kay Christine ang nararamdaman ng binatang katabi niya. Dahil ito naman sadya ang nais ni Christine, ang makaramdam si Brandon ng pagmamalaki dahil sa siya ang kasama nito at kapareha. Nais niyang masabik ng husto si Brandon kanya at patuloy itong magnasa na makuha ang katawang hindi nito matitikman. Sa ganoong paraan niya gagantihan ang binatang alam niyang umiibig sa kanya. Dahil ang pag-ibig ni Brandon ay hindi niya kailangan kung hindi isa itong balakid sa masaya at tahimik niyang relasyon kay Dan.
“Are you satisfied now Brandon? So proud dahil sa ako ang kasama mo.” ang mahinang tanong ng dalaga habang naglalakad silang dalawa.
Dahil sa tanong na ibinigay ni Christine ay natigilan saglit si Brandon, bumalik sa kanya ang realidad na hindi siya ang tunay na nagmamay-ari kay Christine. Na bagaman na naipagmamalaki niya ang kasamang dalaga ay hindi naman ito totoong sa kanya.
“Christine… Please don’t ruin this evening for me and for both our familes.” ang madiin na paalala ni Brandon sa dalaga. Alam naman niyang ganito ang mangyayari ngayong gabi ngunit umasa pa din siyang may pagbabago na sa damdamin ni Christine lalo’t nasa kanya ang suporta ng mga magulang ng dalaga.
“I won’t Brandon. So keep smiling, let’s pretend that we are lovers to please both our parents and to make yourself happy. Hindi ba ito ang gusto mo, ang itali ako sayo sa kabila ng alam mong ibang lalake ang mahal ko.”
Nag-init ang pakiramdam ni Brandon, hindi na niya kaya ang ganito. Na parang laruan lang kay Christine ang kanyang damdamin. Na napakadali kay Christine na tapakan ang kanyang pagkalalake dahil nalalaman nito kung gaano kasidhi ang kanyang paghahangad at pagnanasa na maangkin ng tuluyan ang dalaga. Kailangang may magbago sa kanya, hindi na maari ang ganito na parang siya ang sunod-sunuran sa dalaga gayung ang pamilya ni Christine ang may mas higit na kailangan sa kanila.
“I love you Christine, so I am not pretending here. It doesn’t matter to me kung laro lang ito sayo. Dahil ngayong gabi Christine, something special is going to happen between you and me. Tonight is the start of our new relationship, and you will be mine soon, whether you like it or not.” ang mahina ngunit madiing sabi ni Brandon, pagod na siyang maghintay sa pag-ibig ng dalaga. Hindi niya gagawin ang ginawa ng kaibigan ngunit kailangang matutunan na ni Christine na tanggapin ang katotohanan na silang dalawa ang para sa isa’t-isa. Ngayong gabi, kukunin niya si Christine hindi sa pamamagitan ng dahas. Kusang ibibigay ni Christine ang sarili nito sa kanya, wala mang pag-ibig na kasama ang unang mamamagitan sa kanila ay hindi na mahalaga.
Nakaramdam naman ng kaba si Christine dahil sa sinabi ni Brandon. Hindi niya alam kung ano ang kabuuan ng plano nito ngunit kahit ano pa ang iniisip nito ngayon ay hindi niya papayagang may mangyari sa kanila.
“Don’t worry Brandon. I’ll say yes to everything ngunit hindi ako magiging sayo.”
“We shall see Christine, dahil pagod na akong maghintay. Binabaliw mo ako sa bawat sandaling magkasama tayong dalawa. So you’re going to stay with me until tomorow Christine, and I know that you’re parents will give their consent. Pagkatapos ng gabing ito, sa akin ka na Christine.”
“Kahit pa buong magdamag tayong magkasama Brandon. I’m not going to sleep with you, not tonight and not ever.” at saka ngumiti si Christine sa binata, “Because there is only one man who can give me the pleasure that I want. And I’m not sorry to say this to you Brandon, but it’s not you.”.
Huminga ng malalim si Brandon, wala naman siyang magagawa sa nararamdaman ni Christine. Ang mahalaga sa kanya ay ang balak niyang gawin ngayong gabi habang kasama niya ang dalaga. Hindi naman siya ang dapat sisihin ni Christine. Dahil sa kusang binaliw ni Christine ang kanyang puso at isipan hanggang sa puntong hindi na niya kaya. Ang init sa kanyang katawan ay punong-puno na, na kailangan na niyang ilabas ngayong gabi sa dalaga.
“I don’t care kung sino ang nasa puso mo Christine. But I’m sure your parents will not like it once I told them about it.”
Si Christine naman ang natigilan dahil sa banta ng binata. Dahil dito ay namahay ang galit sa kanyang dibdib.
“I never expect na ibaba mo ng ganito ang sarili mo makuha lang ako. Kapag sinabi mo yun sa kanila, then I’ll just simply deny it.”
“Deny it all you want Christine? Then I’ll just call it off. Kung ano man ang plano ng families natin para sa ating dalawa ay hindi na matutuloy.”
“You’re a coward Brandon.” ang galit na sabi ni Christine ngunit mahina pa din ang kanyang boses, nawawalan na siya ng pag-asa na makakatakas siya kay Brandon.
“Yes Christine, call me a coward. Pero kung ang kapalit nun ay magiging akin ka. Then I don’t give a damn, I love you Christine. Alam kong matatanggap mo din ako. It’s up to you kung hindi ka papayag sa nais kong mangyari ngayong gabi. But do remember Christine, I can easily walks away from all of this. I can do that if ginusto ko, but you? Can you do that?”
At tuluyan ng muling napaluha si Christine sa kapalarang naghihintay sa kanya ngayong gabi. Bumalik sa kanya ang larong kanyang ginagawa ng higit na mas masakit. Kung tatanggi siya ay masisira ang plano ng kanyang mga magulang at hindi niya alam kung paano haharapin ang galit ng kanyang ama.
Dahil sa nakikitang pagluha ni Christine ay muling tumigil sa paglalakad si Brandon. Kinuha ang panyo at saka muling tinuyo ang luha sa mga mata ng dalagang nakatingin ngayon sa kanya. Ayaw din naman niyang nakikitang nasasaktan si Christine ngunit talagang pagod na siyang maghintay. Bakit pa niya kailangang magtiis ng napakatagal gayung magiging mag-asawa din naman sila.
“I will never hurt you Christine.” ang buong damdaming sabi ni Brandon habang nakatingin sa mukha ng dalaga.
“You just did Brandon.” ang malungkot namang tugon ni Christine.
Hinawakan ni Brandon ang magkabilang balikat ni Christine na hindi naman tumutol sa ginawa niya.
“I’m not a bad person Christine. Kung may pagkakamali ako sayo, yun ay ang labis na pag-ibig na aking nararamdaman para sayo. I know I’m being selfish here Christine. But what choice do I have? Baliw na baliw na ako sayo at sa ginagawa mo sa akin. I want you now Christine.”
Nanatiling tahimik lang si Christine, walang maitutol sa sinasabi ni Brandon sa kanya.
“Please Christine. I beg you, release me from my suffering and be mine tonight.” ang pagsusumamo ni Brandon. Ngayong gabi, hindi niya mapapayagang hindi makukuha ang lahat ng ipinagmamalaki sa kanya ng dalaga.
Inalis ni Christine ang dalawang kamay ni Brandon na nakahawak sa kanya.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, “Isang lalake lang ang may karapatan sa akin Brandon.”
Muli namang nakaramdam ng bigat sa dibdib si Brandon na kailangan niyang pagtakpan, “We shall see Christine. Whatever happens ngayong gabi, I will make sure na wala akong regrets sa gagawin ko. At mawawalan na siya ng karapatan sayo once na naging akin ka na.” ang madiin niyang tugon sa sinabi ni Christine.
Muli niyang kinuha ang kamay ni Christine na wala na namang nagawa, at saka sila nagpatuloy na lumakad patungo sa kinaroroonan ng kanilang mga pamilya. Bago pa makarating sina Christine at Brandon ay tumayo na ang mga ito at mga nakangiting sinalubong silang dalawa. Masaya ang kanilang mga magulang dahil sa nakikitang pagiging malapit nilang dalawa. Walang malay sa totoong nararamdaman ni Christine ng mga sandaling iyon para sa binatang nakahawak-kamay sa kanya.
“You really look good together Christine.” ang masayang sabi ng ina ni Lance.
“Thanks Tita.” ang nakangiting sagot naman ng dalaga. Wala siyang magagawa kung hindi ang makiayon sa nais ng kanyang mga magulang.
Lumapit naman ang kanyang ama sa harap ni Brandon at nakipagkamay sa binata.
“Christine is our only child and a very precious daughter to us. You have to take good care of her Brandon.” ang ama ni Christine na nakatingin naman kay Brandon.
Pagkarinig ng sinabi ng ama ay lalong bumigat ang pakiramdam ni Christine. Dahil ang halaga niya para sa kanyang ama ay isang materyal na pagpapahalaga na maaaring gamiting para sa pagkamit ng sarili nitong pangarap.
“Yes Tito, rest assured na iingatan ko si Christine and I’ll treasure her for the rest of my life.” ang nakangiting sagot naman ni Brandon. Buo ang kanyang tiwala na papayagan siya ng mga magulang ni Christine na makasama ang dalaga sa buong magdamag.
Kay Christine naman humarap ang ama.
“Christine, I know you’re in good hands with Brandon. I want you to make him happy and never disappoints him.” ang sabi ng kanyang ama habang makahulugang nakatingin sa kanya.
Alam naman ni Chritine ang ibig sabihin ng tingin na iyon ng kanyang ama. Na gawin niya ang lahat matuloy lamang ang nais ng ama na maging isa ang kanilang mga pamilya.
“Yes Pa.” ang mahinang sagot ng dalaga. Ngayong gabi, tiyak niyang papayagan ng kanyang ama kung ano man ang naisin ni Brandon sa kanya.
Mainit na ang pakiramdam ni Brandon, nakakapit sa kanya si Christine at nanatiling nakikiayon lang sa lahat ng nangyayari. Alam niyang sa gabing ito ay walang lakas ng loob si Christine na pigilan siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Ngayong gabi, hindi lamang labi ng dalaga ang makukuha niya. Ihihiga din niya ito sa kama at tuluyan na itong magiging sa kanya.
Hindi niya kailangang gumamit ng dahas, wala mang pag-ibig na kasama ang una nilang pagiging isa ni Christine ay kaligayahan pa din niya. Muli niyang palihim na sinulyapan ang katabing kanasa-nasa talagang dalaga. Ngayon pa lang ay talagang sabik na sabik na siya.
Magiging sila na din ni Christine, at simula sa gabing ito, hindi na makakawala pa sa kanya ang dalaga. Dahil kapwa ninanais ng kanilang mga magulang ang kinabukasang silang dalawa ni Christine ang magkasama. Sa paglipas ng panahon ay aasa na lamang siyang baka sakaling mamahalin din siya ni Christine lalo na kapag naikasal na sila at lagi ng kapiling sa tuwina ang isa’t-isa.
*****
Hindi maialis ni Dan ang kanyang paningin sa kinarorooanan ni Christine. Kasama na naman ngayon ng dalaga si Brandon at ang kanilang mga pamilya. Alam niyang hindi nais ni Christine ang sitwasyon nito ngayon ngunit tulad niya ay wala din itong magawa. Habang tumatagal ay parang lalong lumalim ang relasyon ng dalawa.
Si Mika naman ay kapansin-pansin din ang pananahimk at pananamlay. Ang isang masayang gabi na dapat ay para sa kanila ni Dan ay naglahong kasabay ng pagdating ng dalagang iniibig ng binata. Katabi niya si Dan ngunit sa ibang dalaga naman ito nakatingin. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Kung bakit natigilan si Dan ng sandaling makita nito ang babaeng kasamang ni Brandon sa isang gabing magkasama ang mga ito sa bar. Ang dalagang ang larawan ay nasa pitaka ni Dan at ang dalagang nobya ni Brandon ay iisa. At ang dahilan ng sinabi ni Dan na nasa malayong lugar ang iniibig nito habang nakatingin sa buwan ay dahil sa magkaibang mundong ginagalawan ng dalawa.
Nag-angat ng paningin si Mika at saka tumingin sa katabing binata, “Dan, okay ka lang ba? Alam kong nahihirapan ka ngayon”, ang nag-aalalang tanong ni Mika na may kahalong lungkot sa kanyang tinig. Dahil alam niyang nahihirapan ngayon si Dan dahil ibang lalake ang kasamang ng dalagang minamahal nito.
Natigilan naman si Dan at saka ibinaling ang paningin kay Mika, nagtataka kung paano nito nalaman ang nararamdaman niya.
“Kilala ko siya Dan, yung kanina mo pa tinitingnan. Siya yung nasa wallet mo diba?”
Tumango naman si Dan bilang tugon sa tanong ni Mika. Dito nawala na ang kanyang pagtataka ng maalala ang ngyari sa unang araw ng paglipat niya sa lugar nina Mika. Nakita ni Dan na lalong nalungkot ang mukha ni Mika, ang pagnanais niyang pasayahin ang dalaga ay hindi niya magawa dahil naririto na ngayon si Christine at nasa iisang lugar sila. Nakaramdam naman ng habag si Dan kay Mika. Ngunit hindi niya kayang paglubagin ang lungkot na nararamdaman ni Mika gayung alam niyang nasa paghihirap din naman ang damdamin ng dalagang minamahal niya talaga.
Si Alex naman ay nagtataka kung bakit parang kapwa nawala ang sigla at saya ng dalawang kaibigan niya. Dahil ngayon ay parang balot ng lungkot ang mga ito na para bang may nangyaring hindi maganda.
*****
Nagpatuloy ang gabi ng pagdiriwang para sa mga panauhin na naroroon hanggang sa lumalim na ng husto ang gabi.
Masayang nag-uusap ang magulang nina Brandon at Christine tungkol sa kinabukasan ng mga anak nila. Si Christine naman ay halos tango at ngiti lamang ang sagot sa bawat tanong ng mga ito sa kanya. Walang ibang laman ang kanyang isipan kung hindi si Dan na naririto ngayong kasama niya, at sana ay matapos na ng maaga ang gabing kapwa nagpapahirap sa kanila.
Samantalang si Brandon naman ay talagang masaya sa mga planong pinag-uusapan na para sa kanila ni Christine. Natigil lamang sila ng marinig nila ang pagtawag ng emcee sa mga may kaparehang nagnanais ng magsayaw. Ito na ang sandaling pinakahihintay ni Brandon na malaon ng naiayos ng kanyang mga magulang para sa kanilang dalawa ni Christine. Tumayo na si Brandon at ngumiti sa kanilang lahat.
Humarap siya kay Christine at inilahad ang kanyang palad. Ginagap naman ni Christine ang kamay ni Brandon at saka siya naman ang tumayo. Tumingin sila sa kanilang mga magulang na masayang nakatingin lang sa kanila.
“This is it.” ang nakangiting si Brandon.
“Goodluck son. “ ang sabi ng ama ng binata.
“The night is yours Brandon.” ang ama ni Christine na sa kanya nakatingin,
At saka sila naglakad papunta sa may parteng gitna na parang nakalaan talaga sa kanila. At nanatiling magkahawak-kamay sila habang nakayakap ang isang kamay ni Brandon sa baywang ni Christine. Nakadantay naman ang isang kamay ni Christine sa balikat ni Brandon. At saka sila nagsimulang magsayaw ng marahan sa saliw ng isang matamis na awitin. Nakatingin si Brandon sa magandang mukha ni Christine at puno ng pag-ibig ang kanyang mata. Ngayong gabi ay ganap ng magiging kanya ang dalagang minamahal niya.
“You look so beautiful Christine.” ang buong pagsuyong sabi ni Brandon.
Hindi naman sumagot si Christine.
“I’m just wondering Christine. Ano pang kulang sa akin upang hindi mo ako mahalin?” ang malungkot na tanong ni Brandon.
Nanatiling tahimik lang ang dalaga. At ng marahan silang umikot ay saka napansin ni Christine si Dan na nakatingin lang sa kanya mula sa kinatatayuan ng binata na hindi kalayuan sa kanya. Ang kakaibang lungkot ay nasa mukha ni Dan na para bang kanina pa ito nasasaktan habang may kasama siyang iba.
“You lack nothing Brandon. You’re perfect. Ngunit may sariling pagpapasya ang puso na hindi natin kayang diktahan.” ang malungkot na tugon ni Christine.
“Then you’ll understand Christine. Because I really love you so. And I want you to be there, sa future na pangarap ko. Naroon man ang pag-ibig mo o wala ay hindi na sa akin mahalaga. Basta kasama kita sa bawat araw at gabi ay kuntento na ako.” ang buong katapatang sabi ni Brandon, kung hindi niya makukuha ang pag-ibig ng dalaga ay hahayaan na niya. Basta siya ang kasama ni Christine sa buong buhay nilang dalawa ay para na ding natupad ang isang pangarap niya.
“Is that what you really want Brandon? Ang makapiling ang isang babaeng alam mong hindi ka iibigan kailanman.”
Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Brandon kay Christine.
“I rather have the woman I love by my side even if she is lonely being with me, than letting her go and be with someone else Christine.”
“Then you don’t love her, you only want to posses her. That’s nothing more than just an obsession Brandon.”
“No Christine, It’s still love kahit di mo tanggapin.”
Natigil ang kanilang pag-uusap ng matapos na ang awitin. Ngunit hindi siya pinakawalan ni Brandon at nanatili silang nasa gitna. Dito na lumakas ang pagpintig sa dibdib ng dalaga dahil mula sa kanyang kinatatayuan ay magkaharap sila ni Dan. At isang panibagong matamis na awitin ang mahinang maririnig sa lugar ng kasiyahan na iyon. At ngayong nabawasan na din ang ilaw sa paligid ay alam na ni Christine na narito na ang sandaling ayaw niyang dumating. Lumapit sa kanila ang emcee at ihinanda ang hawak nitong mike.
Kinuha ni Brandon ang munting kahon na nasa kanyang bulsa at saka iniluhod ang isang tuhod sa harap ni Christine. Binuksan ang kahon habang nakatingin sa dalaga at saka niya ibinigay ang tanong na nais niyang marinig ng lahat.
“Christine, I love you from the moment that I have known you. And I want to spend all my days with you by my side. Christine, will you marry me?”
Nang sandaling iyon, habang nakaluhod sa kanyang harapan si Brandon ay magkahinang ang kanilang paningin ni Dan. Naroon ang tapat nilang pag-ibig sa isa’t-isa na makikita sa nangungusap nilang mata, ngunit kasabay din noon ang katotohanang nasa magkaibang mundo silang dalawa. Ngumiti si Dan kay Christine habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. Bagaman may lungkot sa kanyang puso ay naroon ang buong tiwala niya sa pag-ibig ng dalaga. Ngumiti din si Christine kay Dan habang nakatingin din sa mga mata ng binata. Naroon ang pagbibigay ng pahiwatig na wala itong dapat na ipag-alala sa kahit anong magiging sagot niya, dahil ang kanyang puso at pag-ibig ay kay Dan at hindi sa lalakeng nakaluhod ngayon sa harap niya.
Itiningin ni Christine ang paningin kay Brandon na naghihintay sa sagot niya.
“Yes”, ang maiksing nasabi na lang ni Christine kasabay ng pamumuo ng butil ng luha sa kanyang mga mata. Dahil ang pangarap niyang si Dan dapat gagawa sa kanya ay sapilitan niyang naibigay kay Brandon.
At saka kinuha ni Brandon ang kaliwang kamay ni Christine at isinuot sa daliri ng dalaga ang isang napakagandang singsing na siyang tanda ng kasunduan nilang dalawa. Ngayon ay tumayo na si Brandon habang nakatitig sa napakagandang mukha ng dalagang ngayon malapit ng maging sa kanya. Bahagyang nanginginig na hinawakan ni Brandon ang magkabilang malambot na pisngi ni Christine at saka niya inilapit ang kanyang labi sa dalaga. Ngunit saglit siyang natigilan ng mapansin niyang nakatitig lang ito sa kanya.
“You’re supposed to close your eyes Christine.” ang mahina at buong damdamin na pakiusap ni Brandon.
Ngunit dahil sa nakitang walang pagbabago sa dalaga ay buong pag-ibig niyang hinalikan ang nakatikom na labi ni Christine. At kasabay ng paglapat ng labi ni Brandon sa dalaga ay ang tuluyang pagtulo ng namuong luha mula sa mga mata ni Christine. Mainit na naramdaman ni Brandon ang luha ni Christine sa kanyang mga kamay. Mga luha ng kalungkutan at pagdurusa dahil hindi naman siya ang pangarap ng dalaga.
“Ladies and gentleman, let’s celebrate the engagement Christine and Brandon”, ang sabi ng emcee na sinabayan ng palakpakan ng mga taong naroroon.
Pagkatapos ng saglit na pagkahinang ng kanilang labi ay pinalis na ni Christine ang mga luha sa kanyang mukha. Muli siyang tumingin sa direksyon ni Dan na ngayong ay malungkot pa ding nakatingin sa kanya. At saka ito marahang tumalikod at nagsimula ng lumakad palayo. Ramdam ni Christine ang paghihirap ng kalooban ni Dan dahil ganoon din naman ang kanyang nararamdaman.
Hinawakan ni Brandon ang kamay ni Christine at muli silang sabay naglakad pabalik sa kinaroroonan ng kanilang mga magulang. Ang bawat isang kanilang nadaanan ay masayang bumati sa kanila dahil sa katatapos lamang na naganap na kasunduan.
*****
Pagkatapos masaksihan ni Dan ang natapos na engagement ni Christine kay Brandon ay parang hindi na niya kaya pang muling makaharap na magkasama ang dalawa. Dahil baka hindi makaya ang silakbo ng kanyang damdamin ay hilahin niya si Christine at ilayo sa mga kasama nito ngayon. Ibayong lungkot ang kanyang nadarama na hindi niya kayang itago kay Alex at Mika. Masakit pala talaga kapag ang mahal mo ay parang naging pag-aari na ng iba.
Lumapit si Dan kay Mika, “Mika, nag request si Sir Brandon ng espesyal mamaya. Ikaw na lang ang magdala sa kanila.” At saka kinuha ni Dan ang salaping galing kay Brandon at iniabot kay Mika.
“Sayo na yan Mika, yan ang ibinigay niya sa akin kanina”, ang sabi ni Dan na may kasamang malungkot na ngiti sa dalaga.
Nakakaunawa namang kinuha ni Mika ang salapi mula kay Dan at saka siya tumango. Sa kanyang puso ay naroon ang magkahalong lungkot at saya para kay Dan. Lungkot, dahil alam niyang labis ngayong nasasaktan si Dan dahil ang kanyang dalagang minamahal ay naipagkasundo ng ikasal sa iba. Saya, dahil ngayon ay malaki na ang pag-asa ni Mika na maging kanya na talaga ng tuluyan ang pinakaiibig niyang si Dan.
“Ako na bahala Dan, magpahinga ka na lang muna. Kami na muna ni Alex dito.”
Isang malungkot na ngiti ang muling ibinigay ni Dan kay Mika. Pagkatapos ay kay Alex naman lumapit si Dan upang magpaalam.
“Alex, kayo muna ni Mika ang bahala dito.”
“Bakit Dan, saan ka pupunta?” ang nagtatakang tanong ni Alex.
“Dyan lang Alex, maglalakad lang saglit.”
“Alex”, ang maagap na pagtawag ni Mika.
Napatingin naman si Alex kay Mika na tumango lang sa kanya. Na para bang nais sabihin ng dalaga na wag ng magtanong at hayaan na lang si Dan na mapag-isa. Muling ibinalik ni Alex ang paningin kay Dan.
“Sige Dan, pahinga ka na muna, bumalik ka na lang kapag ayos ka na”, nagtataka man ay pumayag na din si Alex, kasama naman niya sa Mika kaya wala siyang nakikitang dahilan upang hindi pagbigyan ang kaibigan.
*****
At ilang sandali pa ang lumipas ay lumapit na si Brandon sa kinaroroonan nina Alex at Mika. Nais na niyang idulot na ni Dan ang kanilang napag-usapan kanina. Nang matanaw naman nina Alex at Mika ang palapit na si Brandon ay magkatabi nila itong hinarap.
“Alex, asan si Dan?” ang tanong ni Brandon ng hindi makita ang binatang nais niyang pagmalakihan ng labis ngayong gabi.
“Bigla pong sumama ang pakiramdam Sir Brandon. Kami na lang po Sir ang magsisilbi sa inyo.” ang pagdadahilan na lang ni Alex.
Inabot naman ni Mika kay Brandon ang salaping iniabot sa kanya kanina ni Dan, “Sir, heto po yung ibinigay ninyo kay Dan.”
Tiningnan lang ni Brandon ang salaping nasa harapan niya, “Sayo inyo na yan ni Alex, isunod na lang ninyo yung kailangan ko.”
Hindi naman nagpumilit na si Mika at magalang na lang silang yumukod ni Alex sa binata. Mabilis na ihinanda ni Alex ang ilang mas magandang mataas na baso at saka nilagyan ang mga iyon ng espesyal na inumin. Maingat na inilagay naman ni Mika ang mga iyon sa tray at saka nagsimulang maglakad sa direksyong kinaroroonan ng dalagang naging dahilan ng kalungkutan ngayon ni Dan.
Isa-isang ibinaba ni Mika ang mga baso ng alak ng malapit sa mga taong nasa harap ng lamesa. Isang palihim na sulyap ang ibinigay ni Mika kay Christine pagkatapos niyang ilapag ang huling baso ng alak sa harap ng matamlay na dalaga. Ngayong nakita niya ng malapitan ito ay lihim na nagpasalamat si Mika. Sadyang napakaganda ng dalaga at mabuti na lamang na naipagkasundo na ito sa iba.
Sabay-sabay na nag-toast ang dalawang pamilya ngunit nanatiling tahimik lamang si Christine.
“Mom, Dad, I have a special request to make sa inyo at sa parents ni Christine.” ang seryosong pahayag ni Brandon. Nais iparamdam sa mga kaharap na hindi niya nais na matutulan siya sa nais niyang mangyari ngayong gabi.
“Go on Brandon, tell us. If it’s something na kaya naming ibigay sayo. Consider your request granted.” ang sagot naman ng ama ni Christine na nakangiti. Sa isip nito ay parang alam na niya kung ano ang nasa isipan ng binata.
“Christine and I planned to stay together tonight. Para lalo naming makilala ang isa’t-isa. We are engage now, she’s mine and I’m hers, so I hope na papayagan ninyo kami.” Si Brandon at saka tumingin sa katabing dalaga.
Si Christine naman ay walang nagawa kung hindi laruin sa kamay ang hawak niyang baso ng alak. Mabigat ang kanyang pakiramdam ngunit nakakulong pa din siya sa magandang hawla ng kanyang mga magulang.
Saglit namang natigilan ang mga nasa lamesa maliban sa ama ng dalaga. Alam naman nila ang ibig sabihin ng sinabi ni Brandon. Tumingin kay Christine ang kanyang ina na parang tinitiyak ang katotohanan sa sinabi ni Brandon.
Pilit na ngumiti ang ina ni Christine sa kanya, “Are you fine with it Iha?”
Tahimik lang si Brandon na umiinom ng alak, alam naman niya kung ano ang isasagot ng dalaga.
Malamig namang tumingin si Christine kay Brandon, “Yes Ma. I’m okay with it.” Nais niyang ilihim ang pangamba sa kanyang dibdib na hindi niya masabi sa kanila.
Nakangiti namang sumang-ayon ang kanyang ama.
“Well, doon din naman ang pupuntahan nilang dalawa. So let’s just let them be sa kung ano man magpapasaya sa kanila, afterall, we are really like families now.”
Kahit parang hindi sang-ayon ang mga magulang ni Brandon ay wala silang magawa. Dahil sa nakikita nilang determinasyon ng kanilang nag-iisang anak na makasama ngayong gabi ang dalagang laging pinananabikan nito.
Napangiti naman si Brandon dahil sa naging pagsang-ayon ng lahat sa nais niya ngayong gabi. Labis niyang minamahal si Christine, kung sa ganitong paraan magsisimula ang kanilang bagong relasyon ay tanggap na niya. Mapasakanya lang ang dalagang talagang halos araw-araw niyang pinanabikang maangkin na ng tuluyan.
Dahil sa nakikitang halos wala ng anumang pagtutol si Christine sa lahat ng nais niyang mangyari ay nagpasya na si Brandon na ipakilala na ang kaibigan niyang si Lance sa dalaga. Tumayo siya at nagpaalam sa mga magulang at saka siya bumulong kay Christine.
“There is someone I want you to meet tonight Christine. I’ll bring him here in a moment, I’ll just say hi first to his family.”
Tumango lang si Christine upang lumayo na ito ng mabilis mula sa pagkakahawak nito sa kanyang balikat. Malalim na nag-iisip si Christine, hindi niya nais na malaman ni Dan ang nakatakdang mangyari sa kanya ngayong gabi sa piling ni Brandon. Dahil kung magsasabi siya kay Dan ay tiyak na hindi ito papayag sa nais ni Brandon at ilalayo siya nito mula sa lugar na iyon. Na ang magiging kapalit naman ay ang pagtatakwil sa kanya ng kanyang mga magulang. Labis siyang naguguluhan at naghihirap ang kanyang kalooban. Napilitan siyang tumayo at nagpaalam sa mga taong nasa lamesa.
“Please excuse me for a bit.” ang paalam na lang ni Christine. Nais niyang mapag-isa upang tiyakin ang kanyang kahandaan at mapag-isipang mabuti ang dapat niyang gawin.
Nagsimula siyang maglakad palayo sa lamesa ng mapansin niya ang isang magandang garden sa may kalayuan. Hindi siya nagdalawang isip na humakbang patungo doon. At sa kanyang paglalakad ay napagmasdan niya ang maliwanag na buwan na makikita mula sa itaas ng bubong na salamin na nagbibigay ng dagdag na liwanag sa mga halaman na nasa loob ng magandang hardin. Nang makapasok na si Christine sa loob ay nakaramdam siya ng gaan ng dibdib. Dahil kahit napakalalim na ng gabi ay maliwanag pa ding makikita ang mga rosas na bulaklak na naroon sa tulong ng mga magkakahiwalay na poste ng ilaw na nagbibigay ng liwanag sa lugar na iyon. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Christine ng maalala niya ang sinabi ni Dan na ang katulad niya ay isang rosas.
Nagtuloy pa si Christine hanggang sa makarating siya sa pinakagitnang bahagi ng magandang hardin. At mula sa kanyang pagkakatayo ay malungkot na muling napangiti si Christine. Dahil muli niyang nakita si Dan na ngayon ay nakayukong nakaupo sa isa sa sementong upuan na naroon. Magkadikit ang kamay ng binata na parang nag-iisip ito ng malalim. Maingat na pumitas si Christine ng isang rosas at saka tahimik na lumapit sa harapan ni Dan.
Natigil naman sa kanyang malalim na pag-iisip si Dan ng mapansin ang isang rosas na nasa kanyang harapan. Nag-angat siya ng kanyang paningin at nakita niya ang napakagandang si Christine na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan.
Pag-angat ng paningin ni Dan ay nakita ni Christine ang isang matinding kalungkutan na nasa mukha ng binatang pinakamamahal niya. Ngayon niya natiyak sa sarili na hindi niya kayang ibigay ang sarili sa iba. Hahayaan na niyang magalit ang mga magulang sa kanya. Ngayong gabi, magpapakaligaya siya sa piling ng nag-iisang lalakeng mahal niya.
“Dan…”
Napatingin si Dan sa singsing na nasa daliri ng dalaga at isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“Christine, sa akin ka pa din ba?”
Lumuhod naman si Christine sa harapan ni Dan at binitawan sa tabi ng binata ang hawak niyang rosas. Saka yumakap ng mahigpit kay Dan at tahimik na lumuha sa dibdib nito.
“Sayo lang ako Dan, I will always be yours kahit na anong mangyari. Walang anumang makakapaghiwalay sa akin sayo. I know that I deeply hurt you so much tonight. Ngunit lagi kang narito sa puso ko Dan, hindi ka nawala kahit kailan.” ang patuloy sa pagluhang sabi ng dalaga.
Alam naman ni Dan na tulad niya ay labis ding naghihirap ang damdamin ni Christine.
“I’m sorry Christine… Kung hindi mo ako nakilala, hindi ka sana nahihirapan ng ganito.” at saka hinaplos-haplos ni Dan ang mahabang alon-alon na buhok ng dalaga.
Itinaas ni Christrine ang kanyang paningin at buong pagsuyong tumingin sa mata ni Dan, “Kung hindi kita nakilala Dan, I wonder what kind of life I am living right now? Nagkaroon ng buhay ang aking mundo at natutunan ko ang umibig ng dahil sayo.”
Inalalayan ni Dan na makatayo si Christine at saka niya pinalis ang luha sa mga mata ng dalaga. At saka sila buong pag-ibig na tumingin sa mata ng isa’t-isa. Inilagay ni Christine ang kanyang kamay sa batok ni Dan at saka kinabig palapit sa kanya ang binata. Mahigpit namang yumakap sa kanya si Dan at saka naghinang ang kanilang kapwa nananabik na labi ng mainit at matagal. Ramdam nila ang labis nilang pag-ibig sa isa’t-isa na hindi kayang hadlangan at tutulan ng iba.
Mula sa may kalayuan ay nakakuyom naman ang kamay ni Brandon na nakatingin lang sa dalawa. Sinundan niya si Christine sa pag-asang isang magandang alaala ang naghihintay sa kanila sa loob ng magandang hardin na ngayon ay kinaroroonan nila. Ngunit sa halip ay isang masakit na katotohanan ay nalantad sa kanya. Na si Dan din ang matagal ng nagmamay-ari sa puso at damdamin ni Christine. Magkatulad sila ng kapalarang sinapit ng kanyang kaibigan, dahil ang dalawang dalagang pinakamamahal nila ay kapwa umiibig sa iisang iisang lalake. Si Dan ang nagmamay-ari sa puso at katawan nina Angela at Christine.
Pagkatapos ng matagal na paghihinang ng kanilang labi ay isang pakiusap ang hiniling ni Christine sa kanya, “Dan, please ilayo mo ako dito. Because tonight, I want to be with you and not with someone else. Dalhin mo ako kahit saan na magagawa mo sa akin ang lahat ng gusto mo.”
“Sigurado ka ba Christine? Sa desisyon na pinili mo?” ang paniniyak ni Dan sa kahandaan ni Christine sa anumang magiging kapalit ng desisyong gagawin ngayong gabi ng dalaga.
Tumango naman si Christine at saka siya ngumiti, “As long na magkasama tayong dalawa, I’m not afraid sa kung ano man ang mangyayari sa bukas nating dalawa. I’m tired of living like this Dan. Please Dan, let’s just get out of here. Nakahanda naman ako.”
Minsan pa nilang dinama ang init ng labi ng isa’t-isa. At saka hinubad ni Christine ang singsing na suot at iniwan iyon sa tabi ng rosas na pinitas niya.
Hinawakan ni Dan ang kamay ni Christine at saka sila sabay na lumabas ng hardin. Hindi na nila napansin si Brandon na itinago ang sarili sa isang sulok ng mga matataas na halaman upang makubli sa kanila.
Si Mika naman ay natigilan ng makita niyang magkasama si Dan at ang dalagang kanina lamang ay naipagkasundo na sa iba. At sa mabilis na paglakad palayo ng dalawa papunta sa ibang daanan ay tahimik na lumuha na lang si Mika habang nakatingin sa kanila. Sapagkat ang mainit na gabing ipinangako sa kanya ni Dan ay sa ibang dalaga napunta.
Biglang nawala sa paningin ng lumuluhang si Mika ang dalawang tinitingnan niya. Dahil ngayon ay nasa harapan na niya si Alex na malungkot na nakatingin na sa kanya, ihinarang nito ang katawan sa dahilan ng pagdurusa ng dalaga. Isinubsob ni Mika ang kanyang dibdib sa binata at saka siya muling buong lungkot na lumuha.
“A-Alex…, anong gagawin ko?”
“Mika…”
“Ang sakit Alex, ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. P-Please Alex, sabihin mo sa akin kung anong gagawin ko?”
“M-Mika…”
Gusto sanang yakapin ni Alex ang lumuluhang dalaga ngunit hindi niya magawa. Sa halip ay marahan na lamang niyang tinapik-tapik ang likuran ng dalaga. Labis ang pagdurusa ni Mika na nararamdaman din naman niya. Ngayong gabi ay nagkamali si Dan ng piniling paglalaruang dalaga. At sa susunod na magkita sila ni Dan ay ipaparanas niya sa kaibigan ang hapdi at sakit na nararanasan nila ngayon ni Mika.
Nang gabing iyon ay magkahawak-kamay na tinungo ni Dan at Christine ang isang lugar na malaya nilang magagawa ang naisin nila sa isa’t-isa. Sa isang lugar na walang magbabawal o makikialam sa kanilang dalawa. Ngunit ang kapalit kaya ng isang gabi ng kaligayahan na kanilang inagaw sa iba ay makakaya nila? Dahil ang bawat pagpapasya na ating ginagawa ay dapat may kalakip na pagpapahalaga. Sapagkat minsan ay dito nakasalalay ang kaligayahan o pagdurusa ng iba.
(Ipagpapatuloy…)