Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 5 by: Van_TheMaster

Chapter 5

Nakauwi na si Edwin sa kanilang kwarto ni Dan ngunit wala doon ang kaibigan. Ang ipinagtataka niya ay nakaayos ang mga pagkain sa lamesa na nakatakip ng maayos. May bagong saing na din na kanin. Lumabas siya ng kwarto upang tingnan sa labas ang kaibigan. Gumawi siya sa may gate ng bahay at nagpalinga-linga sa daan. Pilit na hinahanap ang nawawalang si Dan. Muling bumalik sa pinakabahay ng kasera upang doon magtanong.

“Aling Lagring”, “Tao po” ang pagtawag ni Edwin mula sa labas.

Mayamaya pa ay lumabas na si Diane at naging dahilan ng saglit ng pagkabog ng dibdib ni Edwin. Crush kasi niya ang dalagita.

“Diane, hindi mo ba napapansin ang Kuya Dan mo?” ang tanong ni Edwin habang buong paghangang nakatingin kay Diane.

Itinaas ng bahagya ni Diane ang kanyang mukha at pinagsalikop ang magkabilang bisig sa harap ng dibdib na parang nag-iisip. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ni Edwin dahil lalong umumbok ang mayamang dibdib ng dalagita. Napalunok na lang siya.

“Ah, tanda ko na Kuya Edwin! Nagpaalam si Kuya Dan na aalis siya at baka daw mamaya na siya makakabalik.” ang nakangiting pahayag ni Diane.

“Loko yun, naghanda ng pagkain tapos hindi naman kumain. Ni hindi sinabi kung saan pupunta.” napakamot na lang sa ulo si Edwin.

Nakaramdam ng pag-aalala ang dalagita para kay Dan. Hindi pa pala ito kumakain dahil sa kanya.

“Mauna ka ng kumain Kuya Edwin, ako ng bahala kay Kuya Dan.” biglang natigilan si Diane, nadulas ang kanyang labi.

Nagtataka namang napalingon sa kanya si Edwin.

“I-ibig kong sabihin Kuya, nagluluto si mama ngayon ng masarap na ulam. Magdadala ako sa inyo mamaya.” si Diane ng makabawi.

“Sige Diane, salamat ha, dala ka ng marami pero wag mong papakita sa mama mo. Para hindi ka pagalitan.”

“Sige Kuya, pasok na ako ulit sa loob.” paalam na ng dalagita sa kanya.

“Bye Dia-“ si Edwin na hindi na natapos ang sasabihin dahil mabilis na nakapasok sa loob ng bahay ang dalagita. Napakamot na lang ulit siya ng ulo.

Bumalik sa kusina si Diane, kumuha ng ilang tinapay at saka pinalamanan. Kumuha din ng juice mula sa ref at naglagay sa baso.

“Anak, nagugutom ka na ba? Mayamaya lang ay luto na ito.” si Lagring na nagtataka sa anak, dahil hindi naman mahilig magkakain ng marami ang anak lalo na kapag sa hapon.

“Opo mama, dadalhin ko po sa room ko. May gagawin pa kasi po akong mga assignments. Meryenda ko po habang gumagawa.” pagsisinungaling ni Diane sa ina.

Natuwa naman si Lagring sa anak.

“O siya lakad ka na Diane, ako ng bahala dito at marami ka na din namang naitulong.”

“Opo ma.” ang nakangiting sagot ni Diane.

Kinuha na niya ang mga tinapay at baso ng juice mula sa lamesa at inilagay iyon sa isang munting tray ng pagkain. Ngumiti sa ina at lumakad na papunta sa kanyang kwarto.

Si Dan naman ay kanina pa kinakabahan at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi siya maaaring manatili ng matagal sa kwarto ni Diane. Nasa ganito syang pag-iisip ng bumukas ang pinto at bigla siyang napapihit. Nawala ang kanyang kaba ng makitang si Diane ang pumasok na may dalang pagkain. Ibinaba nito sa kama ang tray ng pagkain at muling ini-lock ang pinto.

“Kain ka muna Kuya Dan.” ang nakangiting paanyaya ni Diane.

“Diane, kailangan ko ng umuwi. Naghihintay sa akin si Kuya Edwin mo” ang nag-aalalang sabi ni Dan sa dalagita.

Biglang napasimangot si Diane.

“Nakausap ko na si Kuya Edwin at nagdahilan na ako sa kanya. Sinabi ko na may pinuntahan ka at mamaya ka pa babalik. Kaya dito ka muna sa akin”.

Nakahinga ng maluwag si Dan dahil hindi na siya hahanapin ng kaibigan.

“Salamat Diane. Pero kailangan ko na ding makalabas dito.” patuloy na pakiusap ng binata.

“Kain ka na muna Kuya.” si Diane ng naalala na hindi pa kumakain ang binata.

Napilitan na ding kumain si Dan habang nakatingin lang sa kanya si Diane. Nang matapos ay muling kinuha ng dalagita ang tray at lumabas na ulit ng kwarto.

“Balik ko muna to Kuya. Basta jan ka lang. Pag wala na si Mama sa kusina ay saka kita papalabasin.”

Tipid na ngumiti si Dan kay Diane at saka tumango.

Lumabas na si Diane at bumalik sa kusina. Saglit na nilibang ang ina hanggang sa pumasok na ito sa loob ng banyo. Mabilis na binalikan ni Diane si Dan sa kwarto nito.

“Kuya Dan, nasa banyo na si Mama. Kiss mo muna ako bago ka lumabas.” si Diane na humarang sa pinto.

Mabilis namang tumayo si Dan at nilapitan si Diane. Kahit napipilitan ay muli niyang hinagkan sa labi ang dalagita.

“Thank you Kuya.” si Diane pagkatapos tanggapin ang isang masarap na halik mula kay Dan, at saka yumakap sa likod ng binata.

“Kuya Dan ha, wag mong kakalimutan, girlfriend mo na ako.” ang masayang sabi ng dalagita.

Hinaplos na lang ni Dan ang buhok nito sa likod.

“O-oo Diane.” si Dan na napipilitan pa din.

Naghiwalay na sila at binuksan na ni Diane ang pinto. Lumabas na sila ng kwarto at ihinatid ng dalagita si Dan hanggang sa may pinto ng salas.

“Saglit lang Kuya, jan ka lang sa may pinto.” at mabilis na bumalik si Diane sa kusina, kumuha ng isang munting tray, naglagay doon ng isang may kalakakihang mangkok, at saka iyon nilagyan ng masarap na ulam.

Pagkatapos ay kinuha ni Diane ang tray at ibinagay kay Dan.

“Kuya Dan, uwi mo ito sa inyo ni Kuya Edwin.” ang nakangiting sabi ng dalagita.

Kinuha ni Dan ang tray at nagpasalamat.

Salamat Diane, alis na ako.”

Binuksan na ni Diane ang pinto at lumabas na sa bahay nila ang kanyang Kuya Dan. Hinatid pa niya sa labas ang binata at hinabol ito ng tanaw hanggang sa makapasok ito sa kwarto nila ni Edwin. Saglit na lumingon sa kanyang direksyon ang binata at ngumiti na nagbigay naman ng saya sa dalagita. Bumalik na ulit siya sa loob ng kanilang bahay na may masayang pakiramdaman. “Boyfriend ko na si Kuya Dan!” ang nasa isip ni Diane.

Nang nasa loob na ng bahay si Dan ay mabilis siyang sinalubong ng kaibigang si Edwin. Pero bago ito magtanong ng kahit na ano ay kinuha muna ang masarap na pagkaing dala ni Dan. Inayos iyon sa lamesa at isa-isang binuksan ang mga may takip na pagkain. Naupo na silang dalawa at nagsimula ng kumain.

“San ka galing.” panimula ni Edwin.

“Jan lang sa may labas, naglakad-lakad lang.” paliwanag ni Dan.

“Masarap tong ulam na dala mo ah, mabait talaga sa atin si Diane.” si Edwin na nakangiti habang inaalala ang dalagita.

Tumango na lang si Dan sa sinabi nito at saglit na naalala ang sitwasyon nila ni Diane. Napabuntung-hininga na naman siya.

Napansin ni Edwin ang bahaging nasuntok ni Dave. Hindi naman iyon naging pasa pero mapapansin ang sugat sa sulok ng kanyang mga labi.

“Anong nangyari jan sa labi mo? May nakaaway ka ba? Huwag mong sabihing yung mga tambay na nasa kanto!” ang tanong ni Edwin sa galit na tinig.

“Wala ‘to Pare. Isang maliit na hindi pagkakaunawaan lang.” si Dan na may nakapagkit na kakaibang ngiti.

“Bakit parang masaya ka pa sa nangyari? Baka naman may putok ka nga sa labi, nasa ospital naman yung nakaaway mo.”

Natawa si Dan sa sinabi ng kaibigan, ito ang isa pa niyang gusto dito, magaling itong mag-alis ng tensyon sa usapan at palabiro.

“May kapalit naman ito. Kahit pa siguro na naka-saklay akong uuwi ay ok lang.” ang masayang sagot ni Dan ng maalala si Christine.

“Kumain na nga lang tayo, baka lumamig pa ito ay hindi na masarap. Baka ako pang bumugbog sa’yo.” biro nito sa kanya

“Musta ang trabaho, wala bang naging problema?” tanong niya sa kaibigan habang kumakain na sila.

Umiling lang si Edwin at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Nakahiga na si Dan ay nasa isip pa rin ang mga nangyari kanina sa loob ng mall. Bagama’t hindi nakangiti kanina sa kanya si Christine ay kita naman niya ang pag-aalala nito sa kanya. Nais niya sanang bigyan ng kahulugan iyon pero masakit ang umasa sa wala. Sa isang tulad niya ng katayuan sa buhay ay mahirap umasa ng pag-ibig sa isang tulad ni Christine. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay magiging magkalapit din ang mundong ginagalawan nila.

*****

Na-late nang dating si Dan sa kanilang first subject. May dinaanan pa kasi siya sa labas. Humingi sya ng paumanhin sa kanilang proffessor at lumakad na patungo sa bakanteng upuan. Mabilis na hinanap ng mata si Christine na nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Bago siya nagtuloy sa may upuan ay si Angela naman ang hinanap niya, nakahinga siya ng maluwag ng makita ang dalaga. Sa isip niya ay mabuti naman at walang ngyari sa dalaga. Nakayuko naman si Angela habang palapit sa kanya si Dan.

“Musta.” bati ni Dan sa kaklase at dumiretso na siya sa kanyang upuan.

Hindi naman makapaniwala si Angela, binati sya nito na para bang hindi ito nagdaramdam sa hindi nya pagdating.

Bahagya syang tumingin sa may upuan ni Dan.

*****

Sa sumunod na classroom ay medyo maingay ang iba dahil wala pa ang kanilang guro na nagkaroon ng aberya, ang iba naman ay lumabas kaya halos kakaunti lang ang mga nasa loob. Sinamantala ito ni Angela at lumapit kay Dan para kausapin saglit ang binata.

“Dan, sorry ha, ‘di ako nakarating kahapon. May biglaan kasing nangyari sa bahay. Pero I’ll promise na babawi naman ako next time.” hinging paumanhin ni Angela, nais nya ding ilihim kay Dan ang totoong dahilan kung bakit hindi siya nakarating.

“Ok lang, mabuti nga at ‘di ka nagpunta. Malamang na ikaw ang magalit kung nagkataon.” nakangiting sagot na lang ni Dan sa dalaga

Nagtatakang napatingin naman si Angela kay Dan.

“Bakit naman ako magagalit?”

“Hindi rin kasi ako nakarating ng maaga. Nagkaroon din ako ng problema kahapon. Pasado alas-sais na ng makarating ako, pero bumili na din ako ng mga kailangan natin.” ang sabi na lang ni Dan sa kaklase.

Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magsinungaling kay Angela. Parang ayaw nyang makaramdam ng guilt sa sarili ang dalaga. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ayaw niya itong bigyan ng alalahanin. Sa lahat kasi ng iilang kaibigan nya sa pamantasan, si Angela ang pinakamalapit sa kanya.

“I see, so bigay ko na lang share ko mamaya sayo.” sinabi iyon ni Angela na nakangiti pero malungkot ang kanyang pakiramdam. Dahil magdamag n’yang iniyakan ang tungkol sa lakad nila tapos ay hindi rin naman pala ito nakarating ng nasa oras at sinaglit na lang nito ang pamimili bago pumasok sa trabaho nito. Naiisip ng dalaga na para bang hindi importante sa binata ang pangakong binitawan nito sa kanya.

Tumango na lang si Dan kay Angela.

“Ano nga pa lang nangyari sa labi mo? May nakaaway ka ba?” ang tanong ni Angela na may kasamang pag-aalala ng mapansin ang putok sa kanyang labi.

“Ah ito ba. Munting hindi pagkakaunawaan lang.”

Akmang hahawakan sana ni Angela ang labi ni Dan na saglit namang ikinagulat ng binata. Ngunit ng maramdaman ni Angela na may nakatayo sa tabi niya ay tumigil siya at biglang namula ng maisip ang nais na gawin. Paglingon niya ay si Christine ang nakita niya. Mabilis s’yang tumayo at nagpaalam sa mga ito.

“L-later na lang Dan.” malungkot na paalam ng dalaga kay Dan, at saka nagbigay ng tipid na ngiti kay Christine.

“Sana lang na hindi ko na-interrupt sa kung ano man ang pinag-uusapan nyo. May gusto lang kasi akong itanong kay Dan.”

“It’s ok Christine.” ang tipid na sagot ni Angela at matamlay na bumalik ang dalaga sa upuan nito.

“I know na wala akong karapatan na magtanong about your personal life. Pero pwede bang malaman kung bakit hindi mo sinabi kay Angela na naghintay ka sa kanya kahapon.” ang seryosong tanong ni Christine sa kanya sa mababang boses.

Saglit na nag-isip si Dan.

“Hindi naman mahalaga kung hindi siya nakarating. Tiyak ko namang may mabigat siguro s’yang dahilan.” paliwang ni Dan.

“Bakit hindi ka nagtanong.” patuloy ni Christine.

“Magkaibigan naman kami, hindi na kailangan.”

“Talaga bang magkaibigan lang kayo? Maganda si Angela, ‘di na ako magtataka kung magkakaroon ka ng pagtingin sa kanya.” may halong panunukso ang tono ni Christine.

“T-talagang magkaibigan lang kami. Wala namang ibang ibig sabihin yung pagiging malapit namin maliban sa pagiging magkaibigan.”

“Kung ganun, malamang na sa iba ka may special feelings.” ang wika ni Christine na nahahalata na ang pagiging tense ni Dan sa takbo ng usapan. Lihim s’yang napangiti.

Hindi na sya makasagot, marahan niya na lang na ipinatong ang palad sa kanyang kwadernong cattleya. Na para bang gusto n’yang sabihin kay Christine na ang sagot sa tanong nito ay nasa dala n’yang kwaderno.

“Christine, yun nga pa lang panyo mo…”

“Sabi kong sa’yo na iyon diba. When I give it to you, I really mean it. Pero alam mo, napansin ko na hindi mo pa din sinasagot ang aking simpleng tanong.”

Buti na lang at dumating na ang kanilang proffesor at nagsipasukan na din ang mga nasa labas, dun pa lang sya nakahinga ng maluwag dahil hindi na rin nagpatuloy na magtanong pa ang dalaga. Si Christine naman bago lumayo ay sumulyap sa kanyang cattleya habang nilalaro nito sa labi ang hawak na panulat.

Habang nagle-lecture ang kanilang professor sa loob ng classroom ay hindi dito nakatuon ang pansin ni Christine, kung hindi kay Dan. “Ano bang nararamdaman niya kay Dan?” ito ang tanong niya sa sarili. Hindi siya naniniwala sa salitang pag-ibig since never pa niya itong naramdaman.

Ang attraction sa opposite sex ay natural lamang dahil nagkakaroon din naman siya ng paghanga pero hanggang dun na lang yun.

Never niyang hinayaan ang sarili na mag-initiate sa mga lalakeng nagkaroon siya ng paghanga. Dahilan niya? Wala siyang pakialam. Maraming lalake ang nagkakagusto at nagpaparamdam ng pagnanasa sa kanya, hindi niya kawalan.

“Gusto ko bang “makalaro” si Dan? O maka-sex?” bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa sarili. For the first time ay siya ang nag-isip na mayroong lalake na gusto niyang ikama siya kahit hindi naman ito tahasang nagbibigay ng motibo sa kanya. “No! That’s just stupid.” ang sabi niya sa sarili, ayaw niyang maniwala.

Tumingin siya muli sa kaklase. Matamang nag-isip. “OK”, pagsang-ayon niya sa sarili. “Para matapos na to I’m gonna do this.” Baka once na may nangyari na sa amin ni Dan ay kasabay din nitong matapos kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan tungkol sa binata.

Saglit na muling nag-isip si Christine, alam niyang working student si Dan at hectic ang sched nito. Kailangan nyong ma-convince ang kaklase na maglaan ng araw para sa kanya. Sa darating na Sabado ay wala ang mga parents niya dahil mag-a-out of town ang mga ito. Siya lang at ang katulong nila ang maiiwan sa bahay. Nag-init ang kanyang pakiramdam at lihim na nangiti. Hindi naman siguro mahirap i-convince si Dan dahil wala pa namang nagpa-hindi sa kanya, dagdag pang ang pakiramdam niya ay may gusto ito sa kanya.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng mapagawi ang mata niya kay Angela na hindi maiwasang hindi matapunan ng tingin ang binata. Nakaramdam siya ng pagkasuya gayung wala namang dahilan. “Shit, what’s happening to you Christine?” ang naitanong na lang niya sa sarili.

Pagkatapos ng klase ay nag-aayos na muli si Dan ng mga gamit para lumipat sa ibang classroom. Namalayan niyang may nakatayo sa kanyang tabi. Lumingon siya dito at nakita niya ang kaklaseng lihim na nagpapagulo sa kanyang isipan.

“Hi.” ang muling bati ni Christine.

“Hello.” ang simpleng sagot ni Dan na may kasamang tipid na ngiti.

“Dan, pwede ba tayong mag-usap mamaya? After ng last class, it’s a personal matter at kailangan ko sana ang opinion mo.” pakiusap ng dalaga.

Saglit na nag-isip ang binata, wala siyang ideya kung ano ang nais ni Christine, pero ito ang pagkakataon na maaaring maging dahilan na magkalapit sila ng paunti-unti. Ayaw niyang bigyan ito ng espesyal na dahilan lalo na isang tulad niya na wala namang maipagmamalaki. Ngunit hindi niya kayang pahindian ang dalaga. “Bahala na”, ito na lang ang nasabi ni Dan sa sarili.

“Sige. San mo tayo gustong mag-usap.”

Nag-isip si Christine. Hanggat maaari ay ayaw niyang may makaalam ng tungkol sa binabalak niyang gawin.

“Sa rooftop na lang.” mungkahi ni Christine.

“Ok, pupunta ako pagakatapos kong sumaglit ng mabilis sa faculty.”

“Good. See you na lang mamaya.” ang nakangiting sabi ng dalaga bago ito tumalikod sa kanya at lumabas na ng classroom.

Si Angela naman ay malungkot lang na nakatingin sa nag-uusap na dalawa.

*****

Papalapit pa lang sa sasakyan ay napansin na ni Mang Lando ang lungkot sa magandang mukha ni Angela. Mahigit sampung taon na din siyang naninilbihan sa pamilya ng dalaga. Alam ni Mang Lando kung gaano kabait si Angela dahil sa mabuti at magalang nitong pakikitungo sa kanya. Alam din niyang umiibig ang dalaga sa binatang lagi nitong kasama, naisip ni Mang Lando na kung may maitutulong lamang siya kay Angela ay gagawin niya, makita lamang niyang masaya ang dalaga.

Nakarating na si Angela sa kanilang ang bahay ay matamlay pa rin siya at napansin naman kaagad iyon ng kanyang mommy.

“How’s school? May problema ba?”
ang nag-aalalang tanong ni Alice sa anak.

Umiling lang si Angela. Lumapit sya sa ina at hinagkan ito sa pisngi.

“Nagalit ba sya sa’yo? Alam kong iniisip mo na kasalanan namin ng daddy mo ang nangyari, pero sana maintindihan mo na ikaw din ang inaalala namin.” ang malungkot na pahayag ng kanyang mommy.

“Don’t worry Mom, naiintindihan ko naman po. Kalimutan na po natin yon.” ayaw nyang sabihin dito na balewala din naman kung nakarating sya kahapon sa takdang oras dahil wala din naman si Dan.

Yumakap sa kanya ang ina at marahang hinagod ang kanyang likod.

“We loved you so much iha.”

“I know Mom. I loved you so much din naman po ni daddy.”

Umakyat na sya kanyang kwarto at nahiga. Sa sarili ay sinabi n’yang sana ay dumating din ang panahon na mahalin sya ni Dan, katulad ng pagmamahal na lihim n’yang inilalaan para dito. Sisikapin na lang nya na lalong mapalapit sa binata. At umasa na makita din siya nito hindi bilang kaibigan kungdi bilang isang babaing mamahalin.

*****

Nang sumapit ang hapon pagkatapos ng huling klase ay dumiretso na si Christine sa rooftop. Nagdahilan na lang siya sa mga kaibigan na may ibang gagawin at mauna na sila sa bahay ni Cherry. Nang nasa rooftop na ang dalaga ay naramdaman niya ang medyo malakas na pag-ihip ng hangin na naging dahilan upang makipaglaro ang hangin sa kanyang alon-alon na buhok. Lumapit si Christine at humawak sa nakaharang na chain fence, at saka niya tiningnan ang paligid ng school mula sa taas, habang hindi tumitigil ang kanyang kamay sa kahahawi sa kanyang buhok na pilit na humaharang sa kanyang magandang mukha dahil sa patuloy na paghangin. Nakaramdam ng pagkasuya ang dalaga, na para bang kahit ang hangin ay hindi niya kasundo.

Habang nakamasid sa kapaligiran at nakahawak sa chain fence sa may rooftop ay naramdaman niya na may naglikom ng kanyang mga buhok, at tinipon ang mga iyon na naging dahilan upang hindi na gumalaw ang kanyang alon-alon na mahabang buhok. Dahil dito ay nawala na ang mga buhok niyang kanina pa niya paulit-ulit na hinahawi sa kanyang mukha.

Bagaman nagustuhan niya ang nangyari ay nakaramdam siya ng pagkainis sa pangahas na nasa kanyang likuran. Saglit niya itong nilingon at nakita niya si Dan na itinatali ang kanyang alon-alon na mahabang buhok gamit ang panyo na ibinigay niya dito. Nawala ang pagkainis ng dalaga at lumakas ang tibok sa kanyang dibdib. Saglit na nagtama ang kanilang mata at sa kauna-unahang pagkakataon, ay nagsimulang kinilala ng kanyang puso ang salitang pag-ibig. Hinintay niyang matapos si Dan sa ginagawa nito habang hindi nawawala ang malakas na pagtibok sa kanyang puso.

Hinarap niya ang binata, at ang sinag ng palubog na araw ay nasa kanyang likuran na tumatama sa maamong mukha ni Dan. Nakaramdam siya ng damdaming hindi pa niya naramdaman sa lahat ng lalakeng dumaan sa kanyang buhay.

Si Dan naman ay buong paghanga ding nakatingin sa magandang mukha ni Christine habang ang palubog na araw ay nasa likuran ng dalaga. Naiisip niyang napakagandang larawan ang kanyang pinagmamasdan na nais niyang iukit sa kanyang isipan.

“Christine…” si Dan.

“Dan…” si Christine.

Ilang sandali din silang nakatingin sa isa’t-isa na para bang ang mundo ay saglit na tumigil sa pag-ikot.

Si Christine ang bumasag sa katahimikang namagitan sa kanila ni Dan.

“Dan, pwede ka bang maglaan ng isang araw sa akin. I need your help about something personal.”

“Kailan?”

“This coming Saturday morning , sa bahay namin, pumunta ka.”

Saglit na nag-isip si Dan, may pasok siya sa gabi at mahaba ang oras niya sa umaga. Yun nga lang ay hindi niya magagawa ang dapat niyang gawin bago magpahinga.

Nang mapansin ni Christine ang pag-iisip ng binata ay humakbang pa siya ng isa palapit dito.

“Dan, pumunta ka, dahil maghihintay ako.” ang madiin na pahayag ng dalaga habang nakatitig sa mata ng binata.

Mula sa kanyang shoulder bag ay nilabas ni Christine ang isa niyang notebook. Binuksan iyon at nagsulat ng isang address at pagkatapos ay ibinigay sa binata. Kinuha naman iyon ni Dan at tiningnan bago muling ibinalik ang tingin kay Christine.

“You’ll come, right?” si Christine na naniniyak.

Tumango si Dan.

“Anong oras?”

“Nine o’clock sharp, ok?” sagot ni Christine.

“Ok, pupunta ako. May kailangan ba akong dalhin gaya ng libro, calculator o kung anong makakatulong sa problema mo?”

Natawa ng bahagya ang dalaga at nabawasan ang tensyon na kanina lang ay nasa pagitan nila.

“Basta pumunta ka.”

Muling tumango si Dan sa dalaga, si Christine naman ay muling seryosong tumingin kay Dan.

“Dan, aasahan kita. Pag hindi ka dumating ay talagang magagalit ako. Give me a promise.”

Huminga ng malalim si Dan.

“Promise, darating ako.”

Ngumiti sa kanya si Christine at nagyakag ng bumaba. Sabay nilang binaybay ang daan palabas sa building ng hindi nag-uusap. Nakikiramdam lang sa isa’t-isa. Nang nasa may gate na sila ay dito na sila nagpaalamanan.

“Malapit na shift ko, ingat na lang Christine.” paalam ni Dan na may kasamang tipid na ngiti.

“Ok, take care Dan, alis na din ako at kanina pa naghihintay yung sundo ko.” paalam din ng nakangiting si Christine.

Lumapit si Christine sa nakaparadang sasakyan, ngunit bago pumasok sa loob ay nilingon si Dan.

“Dan, keep your promise.” huling sabi ng dalaga.

Tumango si Dan kay Christine at saka tuluyang pumasok ang dalaga sa loob ng sasakyan. Muli niyang tiningnan ang nakasulat na address sa hawak na papel habang nag-iisip kung anong personal na tulong ang kailangan ng dalaga.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note: It’s going to be kind of slow, since it’s my first time writing a love story. My inspiration sa series na ito ay ang “kwaderno ni Diana”. I’m not sure kung marami ang magkakagusto since hindi ito palaging “all the way” or may “something hot” na mangyayari, at maaaring hindi din everyday ang update. Just testing the water. I’ll go on depende sa interes.