Chapter 8
Alas singko ng hapon. Nag-iisang nakatayo si Christine sa may lobby ng school ng muli na namang umulan ng mahina. Ilang araw na din ang lumipas pagkatapos ng insidente sa bahay ni Cherry. Nagpasya muna siyang lumayo sa mga ito at hinayaan naman siya muna ng mga kaibigan. Dahil sa pangyayaring iyon sa bahay ni Cherry ay naisip niya ang kanyang mga pagkakamali. Bagaman ayaw niyang magkaroon ng attachment sa kahit kaninong lalake ay hindi na niya muling papayagan ang sarili na kung kahit kanino na lang siya makipaglaro.
Muling bumaling sa mahinang pagpatak ng ulan ang kanyang paningin. May naghatid sa kanya kaninang umaga ngunit wala naman siyang sundo ngayong hapon. Ayaw naman niyang mabasa ng ulan habang naghihintay ng taxi pauwi. Ngunit ng parang hindi titila ang mahinang pag-ulan ay nagpasya na siyang lumakad. Nakakailang hakbang pa lang siya at bahagya pa lang nababasa ng ulan ng may nagpayong sa kanya.
Nilingon niya ito mula sa likuran at nakita niya si Dan tipid na nakangiti sa kanya. Napansin niyang siya ang mas higit na pinayungan ng binata kaysa sa sarili nito. Maagap niyang hinawakan ang payong at ipinasok ang kanyang katawan palapit sa binata upang kapwa sila hindi masyadong mabasa.
“Thank you.” ang tipid na sabi ni Christine.
Kita ni Dan ang lungkot na nasa mukha ng magandang dalaga. Na para bang may dinadamdam itong hindi masabi.
“Christine, may problema ba?” si Dan na may pag-aalala sa kanyang tinig.
Umiling lang si Christine at malungkot na ngumiti.
“I’m fine Dan, marami lang akong iniisip.”
“San mo kita gustong ihatid?”
“Hm? Dapat ay sa may gate ako pupunta, pero ngayong narito ka na. Samahan mo akong maglakad.”
Saglit na nag-isip si Dan, may pasok pa siya pero ang isang oras o higit pa na makasama ang dalaga ay hindi na masamang kapalit. Ang pagkakataong makasama sa ilang sandali si Christine ay higit na mahalaga sa kanya kasya sa siya ay mapagalitan dahil huli siyang pumasok.
Napansin naman ni Christine ang pag-iisip ng binata.
“Nevermind Dan kung may pupuntahan ka pa. Sa may gate mo na lang ako ihatid.” si Christine sa malungkot na boses.
“Ok lang Christine, samahan na lang kita. Pwede naman akong mag-adjust ng time mamaya sa shift ko.” ang pagsisinungaling na sagot ni Dan para lamang makasama kahit saglit ang dalaga.
Sa malungkot na mukha ni Christine ay sumilay ulit ang isang ngiti.
“Let’s go na, gusto ko lang maglakad ng walang direksyon. Kasama naman kita eh.” ang pahayag ng dalaga.
“Mauna ka Christine, lakad ka lang at nasa tabi mo lang ako.”
Hindi sila nag-uusap habang naglalakad ngunit masaya ang pakiramdam ni Dan, dahil kasama at katabi ang babaeng lihim na minamahal. Hanggang sa nakarating sila sa isang park malapit sa pamantasan. Mula sa park na ito ay tanaw ang payapang dagat mula sa malayo. Tumila na din ang mahinang pag-ulan at hawak na niya ngayon ang nakasarang payong.
Lumapit si Christine sa may mababang bakod at malayang pinagmasdan ang paglubog ng araw. Matagal din siyang nagmasid sa malungkot na tanawin na parang ang araw ay nagpapaalam na, nakatingin lang naman sa kanya si Dan mula sa likuran na hindi din nagsasalita. Sa isip ni Dan ay mas makakabuti ang kanyang pananahimik maliban na lamang si Christine ang magsimula. Ilang sandali pa ay lumingon si Christine sa kaklase at patuloy pa ding makikita ang kalungkutan sa maganda nitong mukha.
“Dan, what kind of woman do you think I am?” ang malungkot na tanong ni Christine.
Hindi kaagad nakasagot si Dan.
“Be honest Dan, gusto kong marinig ang sasabihin mo.”
“Roses.” ang maiksing sagot ni Dan.
“Bakit roses?”
“Dahil may ibat-ibang kulay ito na naglalarawan sa ibat-ibang uri ng katangian. Maganda at nakakahalina ngunit nakakasugat kung hindi ka mag-iingat sa paghawak.” ang paliwanang ni Dan.
Nakangiti lang na tumango si Christine.
“Thank you. I love that. Roses.” ang nakangiting sabi ng dalaga.
Umihip ang malamig na hangin at niyakap ni Christine ang sarili. Mabilis namang hinubad ni Dan ang kanyang suot na jacket at inilagay iyon sa likod ng dalaga. Pagkalagay ng jacket sa kanyang likuran ay mabilis na pumihit si Christine, at itinukod ang kanyang noo sa dibdib ng binata.
“Christine?” ang naguguluhang sabi ni Dan. Ngunit sa katotohanan ay gustong-gusto ng kanyang puso at katawan ang ginawa ng dalaga.
“Dan, don’t talk. Saglit lang.” ang sabi ni Christine.
Ilang sandali pa ay inalis na ni Christine ang kanyang noo sa pagkakasandal sa dibdib ni Dan. Ngumiti sa binata at nagyaya ng umuwi.
“Alis na tayo dito, I want to go home na.”
“Hatid na kita sa may sakayan.”
Kiming tumango lang si Christine at nagsimula na silang lumakad palabas ng park. Naghintay sa isang taxi at pinara iyon. Bago sumakay si Christine ay inabot niya kay Dan ang jacket nito kasabay ng isang matamis na ngiti.
“Thank you Dan, sa time.” ang nakangiting sabi ng dalaga.
Isang tipid na ngiti at pagtango lamang ang isinagot ni Dan.
“Take care ha.” paalala ni Christine.
“Ingat ka din.” si Dan.
“Dan, sa Saturday ha, wag mong kakalimutan. Nag promise ka sa akin.” si Christine na parang nawala na ang lungkot at naging malambing.
“Promise Christine, darating ako, nine o-clock sharp.” ang nakangiting ganti naman ni Dan.
Pumasok na sa loob ng taxi si Christine at sumulyap muna kay Dan bago nito pinaalis ang sasakyan.
*****
Sa magarang bahay ni Angela. Masaya ang dalaga dahil sa nalalapit niyang debut. Gusto niyang sabihin sa mga magulang na ang kaklaseng si Dan ang kanyang napiling escort para sa kanyang debut na gaganapin sa kanilang may kalakihan ding garden. Naghintay muna si Angela na matapos kumain ang kanyang mga parents at nagpunta na ang mga ito sa living room. Sumunod naman siya sa mga ito at saka niya sinabi ang kanyang nais na mangyari.
“Dad, Mom, sa darating ko pong debut, I have someone in mind po na maging escort ko.” ang nakangiting sabi ng dalaga sa kanyang mga magulang.
“That’s fine with me iha, gusto ko ding makilala ang classmate mong matagal mo ng binabanggit sa amin.” ang pagsang-ayon ng kanyang daddy.
Ngunit hindi ganun ang nakita niya sa kanyang mommy. Para itong nalungkot at may hindi magandang nais sabihin sa kanya. Nakaramdam ng kaba ang dalaga.
“Angela, bago pag nag start ang pasukan ay naka-compormiso na ako sa mga magulang ni Lance. At kung natatandaan mo ay pumayag ka din. Si Lance mismo ang nag-insist na maging escort mo at hindi ka naman tumanggi iha.” ang paalala sa kanya ng kanyang mommy.
Nang maalala ito ay labis na nalungkot ang dalaga. Dahil ng time na yun ay hindi niya pa alam na makilala niya si Dan. Si Lance ay ang panganay na anak ng isa sa close friends ng kanyang mga magulang. Malapit ng matapos ang binata sa kolehiyo at paminsan-minsan din itong nadalaw sa kanila. Ngunit isang kaibigan lang ang turing niya dito, walang kasamang espesyal na pagtingin na tulad ng inilalaan niya para kay Dan.
“Mom, hindi po ba natin pwedeng kausapin si Lance na mag-backout.” ang pakiusap niya sa ina.
“I’ll try iha pero don’t be surprised kung ayaw niya since he is eagerly waiting for that day. You know naman how much he likes you.” ang mommy niya upang ihanda ang kalooban ng anak sa isang disappointment. Nais sana niyang pagbigyan ang anak ngunit mahirap ang sumira sa pangako lalo na sa mga taong close friends ng pamilya. Hindi din dapat masanay ang anak na sumira sa mga salitang nabitawan na, gaano man ito kabigat o kagaan.
“Please do try Mom.” si Angela sa malungkot na tinig.
Tumango na lamang ang kanyang ina at sumagot ng maiksi.
“We’ll see iha, ok.”
Ngayon ay nagdadalawang-isip na si Angela kung nais pa ba niyang papuntahin si Dan. Ayaw niyang makita siya ni Dan habang nakaangkla ang kamay sa ibang lalake at pagkatapos ay makikipagsayaw pa ng sweet. Sa isipin pa lang na iyon ay nais na niyang umiyak. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at lumakad na malungkot paakyat sa kanyang kwarto.
*****
Gaya ng paminsan-minsang ginagawa ni Diane ay naghihintay siya sa may salas ng bahay sa pagdating ng kanyang Kuya Dan. Kaya ng maulinagan niya ang pagbukas ng maingay nilang gate ay mabilis siyang lumabas ng bahay at may dala ulit na tupperware ng pagkain.
“Kuya Dan.” ang masayang bati ng dalaga sabay abot ng hawak niyang tupperware sa binata.
Kinuha naman iyon ni Dan at saka ngumiti sa dalaga.
“Salamat Diane.”
“Pasok ka na at matulog, late na. Mahihirapan kang gumising ng umaga.” paalala ni Dan sa kaharap.
Umiling lang si Diane.
“Hindi naman ito palagi Kuya. Hayaan mo na ako. Alam mo namang isa ito sa nagpapasaya sa akin.” ang naglalambing na pahayag ni Diane.
Sa mga ganitong ginagawa ng dalaga ay lalong nagiging mabigat sa kanya ang kanilang relasyon. Masaya ang kanyang isipan dahil sa napaka-espesyal na pagtatangi sa kanya ni Diane. Ayaw man aminin ni Dan sa kanyang sarili ay masaya din ang kanyang katawan dahil sa pagpapaubaya ng dalaga ng walang pag-aalinlangan at buong pagmamahal. Ngunit hindi ang kanyang puso, dahil may laman itong ibang pangalan.
Nilapitan niya si Diane at hinagkan sa pisngi.
“Salamat Diane.”
“Kuya….”
Bago makalayo ang mukha ng kanyang Kuya Dan sa kanya ay mabilis niyang kinabig ang ulo nito at hinagkan niya sa labi. Mainit at maalab, punong-puno ng pananabik at pag-ibig. Dahil sa ginawang ito ni Diane ay hindi na napigilan ni Dan na gantihan ang dalaga sa nais nito. Matagal din silang mainit na naghalikan bago kumalas sa isa’t-isa.
Malalim na huminga si Dan at saka hinaplos ang pisngi ng dalaga.
“Pasok ka na Diane at uuwi na din ako.” si Dan na may kasamang tipid na ngiti.
“Sige Kuya. I love you.” ang masayang paalam ng dalaga.
“I love you too Diane.” si Dan.
At lumapit na ang dalaga sa may pinto at binuksan iyon. Minsan pang lumingon sa kanya at kumaway ng nakangiti, bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Nang nakapasok na ang dalaga ay umuwi na din si Dan. Sa kanyang isipan ay sinabi niyang tadhana na lamang ang magpasya sa kanilang mga kapalaran.
*****
Dalawang araw ang lumipas at magkakasama na ulit sina Christine at dalawa niyang kaibigan na sina Cherry at Rose. Habang hawak nila ang tray ng pagkain ay naghanap sila ng mauupuan sa loob ng canteen. Napansin nila si Angela na mag-isa lang sa table nito at nagpasya silang maki-table sa dalaga.
Kasalukyang kumakain si Angela ng mag-isa sa may canteen. Iniisip niya ang nalalapit niyang debut, at ang kanyang problema tungkol dito.
Habang nag-iisip ay napansin niya ang paglapit ng grupo nina Christine sa kanya. Matagal na din ng huli niyang makasama sa paglabas o sa pagkain ang mga ito.
“Hi Angela. Pwede maki-share.” ang masayang bati ni Rose
“Sure. Nag-iisa lang naman ako.” ang nakangiting sagot ni Angela.
Isa-isang nagsiupo ang mga nakatayong babae at tumapat si Christine kay Angela, dahil dito ay nakaramdam ng kaunting pagkaasiwa si Angela gayung magkaibigan naman sila ni Christine.
Marami na rin silang napag-usapan bago sinimulan ni Christine ang nasa isip na nais itanong kay Angela.
“Angela, musta na kayo ni Dan?” si Christine pagkatapos sumipsip ng maiinom.
“H-ha, ok lang naman kami.” ang biglang kinabahang sagot ni Angela, hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula kay Christine. Dahil iyon ang tanong na nais sana niyang itanong kay Christine na hindi naman siya magkaroon ng lakas ng loob.
“Kayo na ba ni Dan?” si Cherry sa boses na may panunukso.
“Hindi, magkaibigan lang kami. Close lang kami pero it doesn’t mean anything.” lalong nahiya si Angela pero yun naman talaga ang totoo. Mahal niya si Dan pero kaibigan lang ang turing nito sa kanya.
“Talaga. Kasi kung pagmasdan kayong dalawa parang kayo na. Ang sweet ninyo kasing tingnan idadag pa na lagi kayong magkasama.” sunod naman ni Rose.
“Sanay na lang siguro kami na magkasama pero talagang magkaibigan lang kami.”
“Angela, do you like him?” ang seryosong tanong ulit ni Christine.
Saglit s’yang hindi nakapagsalita. Ngayon niya naisip na nagipit siya ni Christine, nasusukol na siya ngayon.
“Uyy, hindi siya makasagot. Silence means yes diba.” ang natatawang sabi ni Rose.
“H-hindi naman, kaibigan lang talaga ang feelings ko sa kanya.” sinabi iyon ni Angela sa mapait na tinig. Ayaw kasi niyang mapahiya sa mga ito lalo na at one-sided ang pag-ibig niya kay Dan.
Hindi na muli pang nagtanong si Christine. alam na niya ang sagot sa tanong niya. Hindi naman siya manhid para hindi mapuna na nagkaila lang si Angela sa kanila.
*****
Ilang araw pa ang lumipas at dumating na din ang araw ng Sabado. Kahit kaunti pa lamang ang kanyang tulog ay maaga pa ding gumising si Dan upang gawin ang mga dapat niyang gawin. Sinikap na magawa ang mga iyon dahil maaga siyang pupunta sa bahay ni Christine. Nang matapos ay tumingin siya sa kanyang orasan, seven o’clock na pala ng umaga, malapit na ding dumating si Edwin. Nagsaing na siya at nagluto ng ulam, inantay ang kaibigan at sabay na silang kumain.
“Pare, aalis muna ako ngayong umaga.” paalam ni Dan habang kumakain sila.
“O, ang alam ko ay wala kang pasok ngayon sa eskwela at mamayang gabi pa ang shift mo.” si Edwin na bahagyang nagtataka.
“May gagawin lang kaming team project, pero sa ibang bahay ang meting place kaya kailangan kong puntahan.”
“Sige Pare, ingat ka na lang. Makauwi ka sana ng maaga para makatulog ka pa. Pang-gabi ka pa mamaya.” paalala ni Edwin sa kanya.
“Titingan ko Pare.”
At nagpatuloy na sila pagkain. Pagkatapos ay naligo na siya at nagbihis ng casual lamang, simpleng t-shirt at isang maong na pantalon na hindi naman branded na kailan lang niya binili. Kinuha ang kanyang bag na puno na may mga lamang gamit sa pag-aaral, dahil sa pag-aakalang makakatulong iyon sa problema ng dalaga. Lumabas ng kwarto at saglit na lumingon sa kaibigan at nagtaas ng kamay.
May ilang minuto na ding nakaalis si Dan ng bumungad si Diane sa pinto ng kanilang kwarto, may dala itong tray ng pagkain para sa kanila. Ngumiti naman si Edwin pagkakita sa dalaga. Lumapit ito sa dalaga habang kumakabog ang dibdib.
“Musta Diane, para sa amin ba yan?” bati ni Edwin sa dalaga.
“Si Kuya Dan?” si Diane na parang hindi pinansin ang bati ng binata at iginala ang paningin sa loob ng kwarto.
Nakaramdam naman ng pagkasuya si Edwin, dahil parang hindi siya pinansin ng dalagang kaharap, at sa halip ay ang kaibigang si Dan ang hinanap.
“Wala, umalis.” maikling sabi ni Edwin.
“San siya nagpunta?” sunod na tanong ng dalaga.
“Lumabas, nakipag-date.” si Edwin na hindi maitago ang pagka-inis dahil parang kay Dan lang nakabaling ang buong atensyon ng dalaga.
Namutla naman si Diane na parang maiiyak. Galit na muling tumingin kay Edwin at saka nagtanong ng pagalit.
“Nagsasabi ka ba ng totoo Kuya Edwin?” ang seryosong sabi ng dalaga na halatang may pinipigilang galit.
Dahil sa nakitang reaksyon ni Diane ay bumawi naman agad si Edwin ngunit labis na nagtataka.
“Biro lang Diane, lumabas siya pero may dalang bag na pang school. Saka simpleng damit lang ang suot.”
Nagbago ang ekspresyon ni Diane, bumalik na sa dati. Ngunit muling tumitig ng matalim sa kanyang Kuya Edwin at saka muling nagsalita.
“Sa susunod Kuya ha, ayaw ko ng ganyang biro.” ang medyo galit pa ding sabi ni Diane.
Tumalikod na si Diane na hawak pa din ang tray ng pagkain.
“Diane, yung tray, hindi mo iniwan.” pahabol ni Edwin sa dalaga.
Muling hinarap ni Diane ang kanyang Kuya Edwin.
“Huwag mo ng uulitin ulit yun Kuya ha. Ayaw ko talaga ng ganung biro.” ang madiing sabi ni Diane.
“Oo na, hindi ko na uulitin. Pangako. Peksman. Mamatay man silang lahat.” ang nagbibirong sabi na lang ni Edwin.
Ngunit hindi naman nangiti o natawa si Diane. Lumapit siya sa kanyang Kuya Edwin at ibinigay na din dito ang tray. Pagkakuha ni Edwin ay mabilis ng bumalik sa bahay ang dalaga. Naiiling na lang si Edwin dahil sa hindi normal na ipinakita ni Diane. Kailangan niyang makausap si Dan upang malaman kung totoo ang hinalang nasa kanyang isipan.
*****
Sa bahay ni Christine. Kasama niyang nag-aagahan ang kaniyang mga magulang na madalang mangyari. Madalas kasing busy ang mga ito sa kani-kanilang private matters. Madalas ay mag-isa lang siyang kumakain dahil sa solong anak siya. Aminado din ang dalaga na talagang na-spoiled siya ng kanyang parents kaya parang may pagka-liberated ang paglaki niya.
“Christine, sure ka bang ayaw mong sumama sa amin ng Papa mo sa aming out of town. Para makapag-enjoy naman tayong tatlo ng magkakasama.” ang Mama ni Christine.
“Hay naku Ma, makakasira lang ako sa mga sweet moments nyo ni Pa. Mabuti yung kayo na lang. Besides, may gagawin pa akong school related activity sa araw na ito.” katwiran na lang ng dalaga para hindi na siya pilitin ng kanyang ina na sumama.
“How are your studies?” ang medyo seryosong tanong naman ng kanyang Papa.
“Well, so far, everything is okay. Hardships are there pero kaya ko naman.” ang sagot na lang ni Christine.
“Good.” ang tipid na sabi na lang kanya Papa.
Makalipas ang isang oras ay umalis na din ang kanyang parents sakay ng isa nilang sasakyan kasama ang kanilang family driver. Nang malayo na ang sasakyan ng parents niya ay bumalik na siya sa loob ng kanilang malaking bahay. Hinanap ang katiwala nila sa bahay at nagbilin ng madiin.
“Manang Linda… “ hanap ni Christine sa pinakakatiwala sa kanilang bahay.
“Yes po Mam Christine.” ang magalang na sabi ng matanda.
“May darating akong bisita ngayong umaga. Dan ang pangalan. Papasukin nyo siya sa bahay at isama nyo sa may pool.” ang unang habilin na sabi ni Christine.
“At kapag ibang tao naman, sabihin nyo na lang na wala ako.” ang sunod na habilin na lang ng dalaga.
“Opo Mam.”
Tumango lang si Christine ng bahagya at umakyat na sa kanyang kwarto para magpalit ng damit na pang swimming. Hindi naman niya kailangang ipakita ang kanyang mahubog na katawan kay Dan, dahil litaw na litaw naman iyon sa kahit na anong damit ang isuot niya. Ngunit sa kanyang isipan ay may tuksong nagsasabi na lalong akitin ang binata.
*****
Natagalan din si Dan bago nakarating malapit sa may malaking bahay ni Christine. Mahaba-haba din ang kanyang biniyahe dahil naka-dalawang sakay pa siya ng jeep. At nakipag-pilitan pa sa guard ng subdivision na may kakatagpuin talaga siyang kaklase na nakatira sa lugar na iyon. Halos lahat ng bahay na nadaanan ni Dan ay magagara at malalaki. Napailing na lang si Dan dahil sa katotohanan ng malaking pagkakaiba niya sa mga kaklase, kay Christine at kay Angela. Saglit siyang natigilan. Bakit pumasok sa kanyang isipan ang maamong imahe ng mukha ni Angela gayung papunta siya sa bahay ni Christine.
Natigil ang kanyang pag-iisip na halos nasa gate na siya ng bahay ng dalaga. Ngunit hindi niya nagawa ang pag-doorbell ng may pumaradang isang magarang sasakyan. Lumabas dito ang tatlong lalaki na ang akala niya ng una ay ang grupo nina Carlo. Hindi man niya kilala ang mga ito ng personal ay alam niyang sa iisang pamantasan din ang mga ito nag-aaral dahil na din sa ilang beses na niyang nakita ang mga ito.
Lumapit ang isang binata na may dalang magandang set ng flowers at chocolates sa harap ng gate para sa tao, at saka nag press sa doorbell ng ilang ulit. Nasa likod naman nito ang dalawa nitong kaibigan. Nang wala pa ding lumabas ay muli silang nag-doorbell ng maraming ulit. Mayamaya pa ay dumating na ang isang matandang babae at lumapit sa may gate ngunit hindi iyon binuksan.
“Sino pong kailangan ninyo?” ang magalang na tanong ng matanda.
“Si Christine, schoolmate namin siya at andito kami para bisitahin siya.” ang nakangiting sabi ng binata.
“Ano pong pangalan ninyo?” ang sunod na tanong ng matanda.
“I’m Oliver, isa sa mga friends niya.” ang buong pagmamalaking sabi ng binata.
“Wala po si Mam Christine”.
“What? Saan siya nagpunta? Babalik ba siya agad?” ang disappointment ay nasa tinig nito.
“Basta wala po si Mam Christine.” ang ulit na lang ng matanda.
Wala namang nagawa ang tatlong binata na bahagya pang nag-usap-usap sa harap ng gate na parang pinaplano kung saan sila susunod na pupunta. Lumapit naman si Dan sa gate at magalang na tinawag ang hindi pa nakakalayong matanda.
“Nay, saglit lang po.” ang pagtawag ni Dan.
Muling bumalik ang matanda sa gate at tumingin sa kanya.
“Ano iyon?” ang sabi ng matanda.
“Kanina pa po ba nakaalis si Christine?” ang tanong ni Dan na may pagtataka dahil ang dalaga mismo ang nag set ng pagkikita nilang ito.
Natigilan naman ang tatlong nag-uusap at napansin ni Dan na napatingin ang mga ito sa kanya. Marahil ay dahil sa kanyang ayos at kasuotan ay nakakapagtakang bakit lalabas ang pangalan ni Christine sa kanyang labi.
“Ano pong pangalan nyo?” ang sunod nitong tanong.
“Dan.” ang maiksing sagot ng binata.
Bahagyang nagulat si Dan maging ang tatlong binatang naghihintay sa labas ng buksan ng matanda ang gate.
“Pasok po kayo Sir, hinihintay po kayo ni Mam Christine.”
Pagkapasok ni Dan ay muling isinara ng matanda ang gate at mabilis namang nagsilapit ang tatlong binata dito.
“Manang… Manang…” ang magkakasunod na pagtawag ng binatang may dalang regalo para sa dalaga.
Saglit na bumalik ang matanda sa gate.
“Sabi nyo ay wala si Christine. Bakit yung isang yun ay pinapasok nyo at sinabing nasa loob si Christine” ang nagtatakang sabi ng binata.
“Ano pong pangalan nyo?” muling tanong ng matanda.
“I’m Oliver nga Manang, friend ni Christine.” muli ding paliwanag ng binata.
“Kaya nga po wala si Mam Christine dahil Oliver po ang pangalan nyo.” ang paliwanag na lang ng matanda at bumalik na ito kay Dan upang samahan ang binata sa pool kung saan naghihintay si Christine.
Paulit-ulit pang tinawag ng binata mula sa labas ang matanda ngunit hindi nito iyon pinansin.
Nagsimula namang landasin ni Dan ang kinaroroonan ng dalaga. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang kariktan ng dalaga na nasa ibabaw ng tubig. Dahil dito ay ang kaba ay muling nabuhay sa kanyang dibdib samantalang ang init ay muling na namang lumalabas sa kanyang katawan.
(Ipagpapatuloy…)
Writer’s Note: It’s going to be kind of slow, since it’s my first time writing a love story. My inspiration sa series na ito ay ang “kwaderno ni Diana”. I’m not sure kung marami ang magkakagusto since hindi ito palaging “all the way” or may “something hot” na mangyayari, at maaaring hindi din everyday ang update. Just testing the water. I’ll go on depende sa interes.