Ang Nakaraan Ni Mae

Ito po yung prequel ng “Ang Kaibigan ni Mae”

Isang karanasang di ko malilimutan ang nangyari sa akin 2 taon na ang nakakalipas.

Dito ko sisimulan ang aking istorya. Year 2002 nagkakilala kami ng mister ko dahil sa kagustuhan kong makapag-abroad. Pinakilala sya sa akin ng isa kong kaibigan minsang bumisita sya Pilipinas

Galing California. Mabait sya medyo sweet may kaidaran nga lang sa akin. 6 na taon ang agwat namin. Mga 21 years old palamang ako nun sya ay 27 na. sabi ng kaibigan ko mas okey nga medyo may edad sayo. Dahil sa kagustuhan kong makapag-abroad ay biglaan ang aming kasalan sa madaling salita ay para makasama ako sa kanya pabalik sa California. Yun pala ay di pa pala ako makakasama dahil sa marami pang lalakaring papers para maging legal akong makapunta sa Amerika.

Hanggang sa sumapit na araw na naayos na aking papers at ngayon ay nandito na ako sa Amerika.

Tuwang-tuwa ako at nakarating ako dito sa amerika sa kagustuhang makapunta dito ay maski di kagwapohan ay pinakasalan ko. sabi ko hinde lang naman sa itsura ng tao makikita ang kagandahan kundi sa ugali (mabait ang mister ko.. super!) pagdating naman sa kama ay wala kang irereklamo. di sa pagmamayabang ay malayong-malayo ang itsura namin dahil sa madalas akong kunin sa aming barangay na maging “muse” pag sumasapit ang “flores de mayo” maraming nagkandarapang kalalakihan ang gustong manligaw sa akin. Pero iba talaga ang “kapalaran”

Di ako sanay sumulat . pasensya na sa mga makababasa .parehas kaming mag-asawa na nagtatrabaho dito sa California medyo iba ang buhay dito trabaho lang ng trabaho ang mister ko nga ay minsan may part time pa pag weekends talagang napaka sipag nya. Pero minsan syempre kailangan mo ring maglibang sabi nga ng iba kong kaibigan na minsan ay sumama kami sa kanila mag out-of-town. Pero mas gugustuhin ko pa ang nasa bahay kaysa gumala.

Minsang nagkaroon ng okasyon sa aming bahay b-day ng mister ko. maraming bisita madalas kasi dito sa Amerika ang hilig nila ay mag-KARAOKE . kaya hinanda ko na ang lahat na alam kong kailangan umaga pa lang ay nagsimula na akong mag-luto. Yung ibang bisita namin ay may mga dalang pagkain kaya medyo dumami yung handa namin at yung iba naman ay halos puro ma-iinom ang dala “beer” at alak. Tuwang tuwa ang mga bisita namin dahil sa masarap daw akong mag-luto sabi ko ginaya ko lang sa “cook-book”. Walang tigil ang kantahan hanggang sa di namin namalayan na mag-a-alas-dose na pala. Baka nakakahiya na sa aming kapitbahay.

Hanggang sa nag-uwian na ang ibang mga bisita. Medyo napagod ako sa ka-aasikaso sa mga bisita.

Pero ang mister ko at yung iba nyang kaibigan ay nag-iinuman pa rin. Halos gusto yata nilang ubusin ang lahat ng beer na dala nila bukod pa sa may dala silang alak. Isa dun sa bisita ay si mang Jess ( tawagin na lang natin syang mang Jess ) sya yung pinaka matanda sa aming bisita sabi”y “tama na yan Mae.. sumama ka na dito at ikaw naman ang kumanta” sabi ng mister ko ay

“Mae… tama na yan. Dito ka na muna at mukhang wala ng yatang kayang kumanta sa mga ito”

Dahil sa mga lasing na!!! halos di na nga nila mabasa yung lyrics nung kanta. Tawanan ang lahat lumapit ako sa mister ko at tinabihan. Sabay akbay sa akin at halos lahat sila ay sabiy “kayong mag-asawa naman ang kumanta.

Ayaw ng mister kong kumanta dahil mukhang lasing na talaga. Kaya ako na lang ang kumanta. palakpakan sila akala mo naka-rineg ng professional singer. Tuwang-tuwa silang lahat, kwentuhan

Sige pa rin ang ka-kainom nila. Sabi ko sa mister ko na tama na yan.may pasok ka pa bukas. Sabi nya ay di raw sya papasok minsan lang daw sya uminom kaya pagkakataon nya na b-day naman nya ( di naman kasi sanay uminom ang mister ko ) hanggang sa naubusan na ng pulutan sabi koy

“sandali lang kukuha ako ng mapupulutan nyo” sabay sabi ni mang Jess na “wag na mister mo na ang kukuha”. sabay tayo naman ang mister ko at sabiy “ako na ang kukuha di pa ako lasing no”

(pero susuray-suray na syang lumakad) at kumuha ng pulutan habang si mang Jess ay iba kung makatiteg sa akin para akong litsong-manok na gusting pulutanin.” Last na ito papaitan..mainit-init pa ito”” sabi ng mister ko. hanggang sa kumanta ulit ako habang sila ay umiinom.

Habang ako ay kumakanta ay narineg ko na nagsalita si mang Jess na ” napakaswerte mo talaga kay MAE.. pare! bukod sa maganda na ay magaling pang mag-luto”” kaya dapat ay itigil mo na ang pagpunta mo kay Bambi””” tawanan sila at biglang natigilan. Pero ako ay tinuloy ko parin ang pagkanta na naiinis akala nila di ko narineg. Tapos. sabi ko ay kukuha lang ako ng ice wala na kayong ice dyan.pumunta ako sa kusina parang gusting sumabok ng utak ko sa inis nung narineg ko yung sinabi ni mang Jess tunggkol sa mister ko “Totoo kaya yun? Na nam-ba-babae ang mister ko? Nangingilid ang luha ko pinipigilan ko lang. inis na inis ako. Maya-maya ay lumapit si mang Jess sa akin at sabi “wala na bang ice MAE? Sabi koy “ako na hong bahala dadalhin ko na run yung ice”” sabay bulong ni mang Jess “pasensya ka na kanina sa nasabi ko….pero totoo yun tungkol sa mister mo”” sabay alis. Halos sumabog ang utak ko galit na galit ako nangi-ngilid na pala ang aking luha. Dinala ko na yung ice sa kanila sa may salas sabay umupo na rin ako sa tabi ng mister ko.

Pages: 1 2 3 4