Sa Maynila kasi ako nag-aral pero taga Quezon Province ako. Imbis na umuwi sa bahay, naghanap ako noon ng boarding house malapit sa school namin. Noong una mahirap, pero habang tumatagal nakasanayan ko na rin mag-isa nang hindi nahohomesick. Ngayong graduate na ako at nakahanap na ng trabaho, umalis na ako sa boarding house na tinutuluyan ko. Ngayon ay nakahanap ako ng isang apartment dito sa Makati dahil dito ako nagtatrabaho.
Hindi ko pa kasi afford ang magkacondo pero malay natin kapag tumaas ang sahod ko, kukuha ako ng condo.
Masyadong maganda ang apartment na nakuhanan ko, hindi ko siya masasabing apartment dahil para na rin akong nakacondo. Malaki pa nga ang kwarto kumpara sa bahay namin sa Quezon. Isa pa, nasa 4th floor ako at parang wala pang nakaokupa sa lahat ng room kundi ako lang. Nakakatakot kasi ako lang yata ang mag-isa sa taas. Bale mayroong 12 na kwarto rito. Anim sa kaliwa, at anim rin sa kanan. Nasa pang 5 kwarto ako sa dulo banda sa kanan. Napakatahimik dito dahil ako lang yata talaga ang tao.
Biglang bumukas ng dahan-dahan ang pintuan sa pang anim na kwarto na nasa kaliwa. Nakaramdam ako ng takot dahil baka multo iyon. Sinarado ko ang pinto at agad akong nagtungo sa aking kama. Pinakiramdaman ko ang paligid. Maya-maya ay nakarinig ako ng yabag sa labas. Natakot ako at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa takot.
Nagising ako mga 4:30 na ng hapon. Bumaba ako para bumili ng makakain sa labas. Nang makabili ako ng meryenda, pansin ko na may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang pag-akyat para agad akong makarating sa 4th floor. Pero nandoon pa rin ang yabag na sumusunod sa akin. Lumingon ako para makita kung sino ba iyon. Nakita ko ang isang gwapong lalake na umaakyat rin at papunta rin ata sa 4th floor.
Pinauna ko siyang maglakad. Nang makita ko kung saang kwarto siya tumutuloy, siya pala yung nasa pang anim na kwarto sa kanan. Akala ko multo.
“Hi, ikaw pala yung umuupa diyan. Akala ko ako lang ang mag-isa rito. Buti naman may kasama pala ako.” Ang paunang bati ko.
“Uy, dito ka rin pala. Ngayon lang ata kita nakita. Anong pangalan mo?” tanong niya sa akin.
“A-ako nga pala si Aliyah Mendez, Iya nalang for short. Oo nga eh kakalipat ko lang kasi kahapon. Ikaw kelan ka lumipat dito?” tanong ko. Nauutal ako kasi naman pota ang gwapo niya tas ang bango.
“Ahhh bago lang din ako eh. Kakalipat ko lang noong isang araw. Ako nga pala si John Delacruz. Nice meeting you.” Sabi niya at nakipagshake hands sa akin. Sheettt ang lambot ng kamay niya parang yayamanin hihi.
Pagkatapos naming magpakilala ay pumasok na ako sa loob at ganun din siya. Kumain na rin ako at nanood ng tv para magpaantok dahil may pasok pa ako bukas.
Kinabukasan, alas singko na ako ng hapon nakauwi sa apartment. Pagod na pagod ang katawan ko. Pagkapasok ko sa aking room, hinayaan ko lang na bukas ang pinto at nagsimula akong hubarin ang aking mga damit. Wala naman sigurong makakakita sa akin dahil wala namang tao sa floor na ito maliban sa amin ni John na kapitbahay ko. Sigurado rin naman ako na wala si John sa kwarto niya dahil baka pumasok din yun sa trabaho niya. Kung sakali mang bumukas ang pinto ni John o kaya ay may marinig akong yabag, agad kong isasarado ang pinto para hindi ako mabosohan.
Nang mahubad ko ang…