Ang Nobya

Araw ng Sabado, hindi ako nakapasok dahil masama ang aking pakiramdam at may kaunting ubo pa, mahigit isang linggo na ang nakakaraan mula ng umuwi si misis ay nakarinig ako ng doorbell. Akala ko ay si Maila pero nabigla ako dahil pagbukas ko ng pinto ay si Angie at maluha-luha. Pinapasok ko siya sa aming sala, hinanap niya si misis pero sabi ko ay umuwi siya dahil nga critical ang kapatid niya. “Ganoon ba, sige pala uuwi na ako” may luha pa rin niyang pagsasalita. Pinigil ko siya dahil baka biglang makakita sa kanyang paglabas at umiiyak. Pinaupo ko siya at ikinuha ng tubig at saka ko iniabot ang facial tissue para pahiran ang luha niya. Lalo siyang napaiyak at pagaralgal na nagsabi… “buti ka pa bro may concern ka sa akin, ang mister ko puro na lang pagkakakitaan at busy masyado sa mga ibang activities.” “Isipin mo na lang bro birthday ko ngayon pero di man lang niya naalala” dagdag pa niya. “Baka naman susurpresahin ka niya mamaya” pag-alo ko namang sinabi sa kanya. “Hindi bro dahil kahit noong isang taon ay hindi rin niya naalala” sagot naman niya na lalong nagpalakas ng pag-iyak niya. Kinabahan tuloy ako baka marinig ng kabilang flat at maeskandalo kaming dalawa.

Umupo ako sa tabi niya at inakbayan at inalo-alo habang tinatapik tapik ko ang kanyang balikat, sinasabi kong “Tahan na sis, baka marinig tayo ng kabilang flat”. Medyo humina ang pag-iyak niya, humihikbi na lang sya ngayon. Kinuha ko ang panyo ko at pinahiran ko ang luha niya sa pisngi, di ko sukat akalain na bigla siyang humilig sa aking balikat dumaiti ang dibdib niya sa dibdib ko bigla tuloy tumigas ang ari ko. Biglang nag-init ang aking pakiramdam, pero sabi ko sarili ko baka lalong gugulo ang buhay ko. Nagkamali na nga ako kay Maila, eto na naman ang isa pang tukso. Medyo umusod siya ng kaunti, at gamit ang aking panyo pinahid niyang tuluyan ang mga luha niya. Inabot ko ang baso ng tubig at uminom siya. “Ok ka na ba?” tanong ko sa kanya. “Tumango lang siya” hindi makatingin sa akin. “Aalis na ako bro” sabi niya. “Bakit may kasama ka ba sa bahay ngayon?” tanong ko. “Wala nga, kaya nga ako pumunta rito para sana makipag-huntaan kay sis, hindi ko kasi alam na umuwi siya, nakakahiya naman dahil nag-iisa ka at babae ako, baka kung anong sabihin ng iba kung malaman nilang tayong dalawa lang dito.” Sabi naman niya. “Sabagay nga, pero ano naman ang gagawin mo sa inyo, baka kung ano lang ang maisip mo” may pag-aalala kong sinabi. “Gusto mo ihatid kita doon sa iba nating sisters para may makausap ka” nag prisinta ako. “Huwag na lang bro, malalayo ang mga lugar nila, kayo lang kasi ni sis ang malapit sa amin. Bakit ka nga pala di pumasok?” tanong naman niya na medyo maayos na siya ngayon. “Medyo masama ang pakiramdam ko, napagod lang siguro” sagot ko naman. “Nami-miss ko tuloy si misis dahil kung nandito lang siya, bebeybihin ako noon” dagdag ko pa. “Buti pa si sister, may talagang nagmamahal sa kanya” may halong paghihinakit niyang sinabi. “Busy lang talaga siguro si bro, para din naman siguro sa inyo ang mga pagpapagod niya” pagmamalasakit ko naman sa mister niya. “Alam ko naman iyon bro, pero di naman sa lahat ng pagkakataon ay pera ang mahalaga, isipin mo naman, dito limang araw kang wala kasama sa bahay, ok lang sana nung ako ay namamasukan pa (nurse kasi siya) ok lang” “Sana naman maisip din niya na dapat mayroon ding family time, di ba?, Bakit ikaw, parati kang may oras kay sis at napaka lambing nyo sa isa’t isa” talagang naghihinakit pa rin niyang sabi. Napansin niyang medyo inubo ako, kaya sabi niya…”Inuubo ka pala bro, wala pa naman si sister” Ewan ko ba naman, hindi ko naman sinasadya pero biglang tumindi ang ubo ko at parang uminit ang pakiramdam (hindi libog) as in uminit talaga. Napansin nga niya ang pag-iiba ng kulay ng pisngi ko. “Bro namumula ka na sa kaka-ubo.” Sabay dantay ng kanyang kamay sa pisngi ko. “Mainit ka bro nilalagnat ka pala” sabi niya. Dahil siguro nurse siya, instinct sa kanya kung anong gagawin sa mga pasyenteng ganoon ang kalagayan.

Nagprisinta siyang hilamusin ako ng maligamgan na tubig. Tumanggi ako, dahil nga nakakahiya at isa pa kami lang dalawa doon. Pero nagpumilit siya dahil daw baka biglang tumaas ang lagnat ko at wala pa naman akong kasama sa bahay. Dahil madalas siya sa bahay alam na niya ang pasikot sikot, tinungo niya ang kusina at nagpainit ng tubig. Ako naman ay pumasok sa kuwarto at kumuha ng tuwalya, saka ako bumalik sa sala. Hindi nagtagal dala-dala niya ang plangganita na may maligamgam na tubig papasok siya ng sala. Akmang ilalagay niya sa center table ang plangganita ng tumayo ako at hinila ang center table papalamit sa sofa, di ko napansin na ibinababa niya ang plangganita ng bigla akong tumayo para bumalik sa sofa, tinamaan ng ulo ko ang plangganita at natapon ang tubig sa kanya. Napasigaw siya, ako naman ay nabigla, natulala. Napaupo siya, pilit niya inilalayo ang damit niya sa katawan, mainit pa rin kasi yung tubig. Iniabot ko ang tuwalya sa kanya para pampunas niya. Punas siya ng punas habang inaalalayan kong tumayo. “Naku sister, mainit ba, baka nalapnos ang balat mo” medyo may pangamba kong sinabi. “Hindi naman, maligamgam lang naman ang tubig, yun lang nabasa ang damit ko” aniya habang itinatapis niya ang tuwalya sa kanyang katawan.

Pages: 1 2 3