Kay tagal ko na din hindi umuuwi sa probinsya, may tatlo o apat na taon na din siguro. Pilit ko inaalala sino sino pa ba mga kakilala ko sa aming baryo, aking mga kababata, mga kapitbahay, maalala pa kaya nila ako? makikilala ko pa kaya sila? Ano ano na kaya mga pinagbago doon? Ibinaling ko na ang aking mga nasa isip nang makita ko ang landmark na arko papasok saming baryo, pumara na ako sa mini bus na aking sinasakyan at at ako’y maingat na bumaba. Unang dampi palang ng hangin sakin alam ko na agad na wala masyadong pinag iba sa munting baryong kinalakihan ko noong akoy bata palang. Presko padin, at dala dala nito ang maaliwalas at malamig na simoy galing sa kalapit na mga sapa. Ako nga pala si Bong, palayaw ko dito sa aking lugar na pinang galingan, just your average guy, katatapos ko lang sa aking kurso sa unibersidad at naisipan ko munang magpahinga sa amin bago umpisahang mag review para sa board exams. Napangiti ako nang makita ko ang aking mga kamag anak na palabas na ng arko para salubungin ako, inumpisahan ko na ding maglakad papunta samin.
Maaga nag-uumpisa ang mga aktibidad sa probinsiya, kaya may halo akong inis nang ako’y magising ng madaling araw sa mga tilaok ng mga manok ng uncle ko. Bumangon ako at tinignan ang oras sa aking celphone at mag a alas singko palang pala ng umaga. Hindi nadin ako makakatulog neto kaya naisip ko nalang mag jogging. Nagsuot na akong jersey shorts at pumunta sa lababo para maghilamos. Medyo madilim pa nang ako’y lumabas, gising nadin sina auntie at uncle at nagkakape na sila. Nagpaalam muna akong mag jojogging lang saglit at titignan ko kung ano na mga nagbago saming baryo. Inumpisahan ko na mag jog, wala padin nga talaga nagbago maliban sa mga estado ng mga bahay, malapit samin, may mga lumuma, meron din namang na renovate na. Sa di kalayuan napansin ko ang malaking bahay na wala naman dati doon, pinaalala ko saking sarili na tanungin sina auntie kung kanino iyon pag-uwi. Maya maya pa ay may nakita akong palabas sa malaking bahay. Hindi ko lubos akalaing mapapatigil ako sa aking pag jojogging upang pagmasdan ang dilag na ngayon ay palabas na sa kanilang gate. Naka pang jogging attire din to, kumpleto’s rekados, running shoes, boxer bra, leggings, mahabang buhok na medyo wavy, may pag ka singkit ang mga mata, pero bukod sa lahat ng to, mas lalo ako nabighani sa kanyang katawan, thicc na thicc kumbaga. Nasa tamang lugar lahat ng kurbada sa katawan niya. Hindi ko namalayang tumitilaok na din pala ang aking alaga at saka lang ako naalis sa pagkakatigil nang kinausap niya ako saglit. “Manong(Kuya) Manong, yang alaga niyo po, mukhang manunuklaw na” ika ng magandang dilag habang nakangiti bago niya sinimulang mag jogging palayo. Namula ako bigla, at sinundan siya ng tingin, nag init ang aking mukha sa hiya, pero mas nangibabaw ang pagnanais na malaman ang kanyang pangalan. Di nag tagal ay nakauwi na rin ako, dali daliang nag shower pagkatapos magpunas ng pawis. Determinadong alamin kung sino iyong magandang dalaga na iyon kaninang madaling araw.
“Auntie, kanino po ba iyong malaking bahay sa tabi nina uncle Rod, wala pa po iyon noong huli akong andito ah” aking bungad na tanong habang paumpisa na kaming mag umagahan nina auntie, nauna na natapos ang aking uncle at maaga umalis upang magpastol. “Ahhhh, nadaanan mo pala iyong bahay na iyon, hindi ko rin sila masyado pa nakikilala pero ang may ari diyan ay isang seaman na patay na ang asawa, may nag iisa silang anak na babae, paminsan minsan din umuuwi dito tulad mo, nag aaral pa ata, magkalapit lang kayo siguro ng edad, nakita mo siya ano? naku naku ikaw, chix iyon” palokong sagot ni auntie sakin. “Alam niyo po ba pangalan niya ta?” pasunong kong tanong, “ay hindi nak eh, parang high class masyado kasi, d maabot, or baka nahihiya lang din sila makipagkilala ta bago lang din pa sila” pagkasabi neto ay saka na din nagligpit si auntie ng mga pinag kainan. Naisip kong pumunta saking mga pinsan muna para mawala saking isip ang babaeng nakita ko kaninang madaling araw.
“Hoy Bong, kamusta ka na? tagal mong hindi umuwi ah?” bungad na pangangamusta sakin ng aking malapit na pinsan na si Yaya, “umuwi ka din pala, sawang sawa ka na ba sa manila?” Napakamot akong ulo, okay nga lang ba ako? napatawa na lang ako at sabay sabing okay lang naman ako, pero halata na nasa ibang lugar ang isip ko. Nagkwentuhan pa kami ni Yaya at hindi katagalan, binanggit ko na nga ang nasa isip ko. Tinanong ko sa kanya kung sino iyong babaeng nakatira sa malaking bahay sa tabi nina Uncle Rod. “Yiiiiie” mapang asar na banat ni Yaya sakin pagkatapos marinig ang aking tanong. “Nakita mo na pala si Bea, ganda niya no? nakakatibo, grabe, naku insan, mukhang inlab na inlab ka agad ah, ganda ng katawan niya no? hindi mo masasabing mataba sa sobrang sexy” Napangiti nalang ako sa mga sinabi ni Yaya kasi ganun na ganun nga ang aking sasambiting pag lalarawan kay Bea. “Mabait naman siya Bong, hindi siya snob, kahit nga mga manyakis na mga tambay kina aleng Bebang, nginingitian niya kapag napapadaan, pero hindi niya pinapansin mga patotsada ng mga to” nakangiting sambit ni Yaya. “Baka nga kapag nagkasalubong kayo, siya pa mauunang mag hi sayo” dagdag neto. Oo nga, hindi siya nag alinlangang kausapin ako kanina kahit nang gagalaiti sa galit si Junjun kaninang madaling araw. Dinala ako ni Yaya sa iba naming mga pinsan at hindi ko na namalayang gabi na pala, nagpaalam na ako para umuwi kina Yaya. Habang…