Ang Pagbangon Ni Mang Kanor

MAHALAGANG PAALALA!
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at gawa gawa lamang mula sa malikot na imahinasyon at hinde nangyare sa totoong buhay.

Ng umalis si mang kanor sa farm nila ysabel ortega sa la union ay napagpasyahan nito na bumalik ng maynila.

Sa pagbalik ni mang kanor sa maynila ay napadpad ito sa isang lugar sa tundo kung saan niya nakilala si doming na isang tulak ng droga na kalaunan ay naging matalik niyang kaibigan. Si doming ay nasa 51 anyos na pero makisig parin ito tingnan kahit na kulobot na ang balat nito.

Bukod kay doming ay nakilala rin ni mang kanor si noel, ramon, timyong at si nardo na isang magbabalot. Silang lahat ay nasa 50 pataas na ang mga edad.

Dahil sa midyo malaki naman ang pera na ibinigay ni ysabel kay mang kanor ay napagpasyahan ng matanda na pasukin ang negosyo ng druga. Sa tulong ni doming ay agad namang nakakuha sila ng bigating supplier.

Naging malaki din ang parti ni nardo sa negosyong druga ni mang kanor dahil ito ang taga bigay sa kanila ng impormasyun kung sakaling may papasok na parak.

Ang tatlong kaibigan naman ni mang kanor na si noel ramon at timyong ay naging katulong niya sa ibang bagay na may kinalaman din kung paano nito mapapalago ang kanyang negosyo.

Si noel ay naatasan ni mang kanor na maghanap ng supplier ng mga mahahabang baril. Si ramon naman ay naatasan na maghanap ng mga makinarya at materyalis sa pag gawa ng shabu. Si timyong naman ay inatasan ni mang kanor na aralin ang pag gawa ng shabu.

Lumipas ang mga araw ay naging maganda ang takbo ng mga plano ni mang kanor at nakapagpatayo na siya ng sarili niyang laboratoryo ng droga sa tulong narin ng kanyang mga kaibigan. Nagkaroon narin ito ng mga maraming tauhan na kumpleto sa gamit at mahahabang mga armas.

Sa tulong ni nardo ay malinis din na nadispatcha ni mang kanor ang kanyang mga kalaban sa negosyo dahil sa si nardo ay naging impormanti din ng mga pulis.

Sa paglipas ng mga araw ay mas lumaki pa at lumawak ang operation ng negosyo ni mang kanor. Sa tulong ng mga kaibigan ay nabuo nila ang isang sindikato na di kalaunan ay nag hari na sa under ground. Naging matunog ang pangalan ni mang kanor sa mundo ng under ground at di kalaunan ay naging mafia ang isang maliit na sindikato na tinayo ni mang kanor. Sa luob ng isang buwan ay napagta…