Ang Pagkamulat

Maraming mga bagay sa mundo na maaring pagdaanan nang isang tao sa buhay niya na mag dudulot nang kamulatan sa pag-iisip na pwedeng humubog nang kanyang pananaw sa buhay sa huli.

Maganda man eto or pangit posible etong may malaking epekto sa mga gagawin niyang desisyon sa buhay.

Tulad na lang sa karanasan ni Nilo na dating nakatira isang bayan nang Davao.

Mula sa isang mahirap na pamilya si Nilo na, sa murang edad na 15 ay nakibaka na sa hamon nang buhay upang makatulong sa kanyang mga magulang. Likas na mabait ang binatilyo at masipag.

Tumutulong siya sa tatay niya na ang trabaho ay pagtabas nang kahoy na pinuputol pa nito sa bundok. Mahirap at mabigat ang trabaho nang isang “tabasero” ang tawag sa hanap buhay nang tatay niya.

Madilim pa nasa daan na sila habang binabay-bay ang lumang kalsada na dating dinadaanan nang mga logging trucks paakyat at pababa nang sa bundok na dating logging area nang isang malaking logging company mga dekada 80, mga dalawang oras kung lakarin mula sa barangay na tinitirhan nang pamilya ni Nilo.

Matagal nang nahinto ang paglalogging dito, kung kaya mga tabasero na lang ang naghahanap buhay at nakinabang sa mga yamang kahoy nang pwedeng makuha sa malawak na kagubatang eto.

Kung kaya tuwing bakasyon, at walang pasok, si Nilo ang sidekick nang tatay niya at dalawa pang mga kapitbahay nila sa pag putol, pag tabas at pag transport nang mga tabla pababa sa bayan.

Kadalasan din napag-uutosan din nang nanay ang binatilyo na maglaba sa mga maruruming mga damit nila. Dahil hindi pa nga nakompleto ang pagpapakabit nila nang tubig, palagi etong naglalaba sa kapit bahay nila na may connection sa tubig.

Ang kasipagan nang binatilyo ay hindi nakaligtas sa isang mag-asawa na nagmamay-ari nang isang malaking tindahan sa lungsod. Magkatabi lang kasi ang lote na nabili nang mag-asawang Bert at Belen, na siya kinatatayuan nang magarang bahay neto at lote na kung saan nakatirik ang tirahan nang pamilya ng binatilyo.

Malaki-laki rin ang nakuhang lote nang mag-asawa na nabili neto sa mas mababang halaga dahil ang may-ari neto ay nagipit sa pera dahil sa nakaaksidente eto sa minamanihong sasakyan na naka inom.

Mga ilang taon palang na nakatira ang mag-asawa sa barangay nila Nilo, at nakapundar na eto nang malaking tindahan nang animal feeds, bigas at mga groceries. Dahil iilan palang ang malalaking tindahan sa lugar nila at ang tindahan nang mag-asawa ang parang one-stop shop na tindahan sa bayan, busy palagi ang mag-asawang Bert at Belen sa buong araw sa katatao dahil hands-on ang mag asawa sa negosyo. Magaling din makitungo ang mag-asawa sa mga customers neto kung kaya ganun na lang kung dinarayo ang tindahan nila.

Matalik ding magkaibigan ang tatay ni Nilo at si Mang Bert, dahil nung kasagsagan pa lang nang construction nang bahay nang mag-asawa, ang tatay ni Nilo ang tagasupply nang mga hardwood na siyang ginamit sa pag tayo nang bahay nito.

isang araw, binisita sila ni Mang Bert sa bahay nila at pinakiusapan ang tatay nito na kung maari gustong kunin nang mag-asawa ang binatilyo upang maging katulong sa ate Belen niya sa tindahan. “Ate Belen” kasi ang gustong ipatawag nang magandang may bahay ni mang Bert sa kay Nilo at sa mga kapatid nito.

Idinagdag pa nang lalaki na dahil babalik na eto sa pag sakay nang barko, kinakailangan talaga nang mag-asawa ang permanenteng katulong sa tindahan at wala silang makitang mapagkatiwalaan at kasing sipag ni Nilo. Idinagdag pa nang una na, sasagutin narin nila ang pagpapaaral kay Nilo dahil isang taon na lang din matapos na eto nang highschool at mag kakacollege na din. Eh sa hindi naman daw sila binigyan nang anak ng Itaas, i shishare na lang daw nila ang mga biyayang natatanggap nila sa iba.

Napapayag naman ni Mang Bert ang tatay at nanay ni Nilo kung kayat isang buwan bago umalis si Mang Bert doon na nila pinatira ang binatilyo upang maturoan na sa mga gawaing tindahan.

Dahil likas na mabait, masunurin at mapagkatiwalaan lalong napalapit ang binatilyo sa mag-asawa. Laging ibinibida ni Belen si Nilo sa mga sulat neto sa asawa kung paano naging magaan ang pamamahala neto sa kanilang negosyo dahil sa kasipagan nang binatilyo.

Kung kaya kada uwi ni Mang Bert ay palaging kasama sa mga pasalubong niya ang pamilya ni Nilo. Itinuturing na talaga neto ang binata at ang pamilya neto na kapamilya.

Ngunit isang araw may nangyari sa tahanan nang Bert at Belen na siyang nagpabago sa buhay nang binatang si Nilo. Dahil sa pangyayaring eto, iminulat si Nilo sa maka laman at makaseksual na mundo nang buhay.

Iminulat nang pangyayaring ito ang mga mata niya at isipan na matalas nang nakakakita at nakakaramdam sa mga bagay na matagal na palang nasa paligid lang niya ngunit dahil inosente at wala pang alam sa kamunduhan ay hindi pa napapansin ang mga ito.

Isang linggo bago ang alis na naman ng chief mate na si Mang Bert ng isang cruise ship para sa anim na buwan na namang pakikibuno sa karagatan nang Uropa, kaarawan ni Mang Bert kaya may party sa bahay nang mag-asawa.

Maraming bisita ang dumalo sa party. Pamilya nang mag asawa at mga malalapit na kaibigan. Pumunta din sandali ang kanilang mayor at iilang mga kilalang mga tao sa bayan.

Maghahating gabi na halos ngunit meron paring mangilan-ngilang mga bisita ang mag-asawa. Medyo maiingay na ang tatlong lalaki na siyang natitirang nag-uusap at patuloy na umiinom dahil bagsak na ang ibang mga kasama neto. Palitan nang bidahan nang mga kapilyuhan nila habang nasa byaheng barko.

Pages: 1 2 3 4