Ang Pagtatagpo

April 19, Wednesday 9pm.

Nakatitig ako sa aking cellphone. It’s been a month since I last turned it on.

Bakit nga ba eto naka-off?

Ahhhh! Tanda ko na.

March 17 nung last syang nagsend ng i-Message.  “Good morninggggggg” was all he said.

Hindi ko sya nireply. Bakit nga ba?

Dahil nasaktan ako. May nabasa kasi akong isang sulat. May mahal sya, at hindi ako ‘yon. Masakit. Pero wala akong karapatang i-confront sya. Walang kami. Kaibigan lang ang turing nya sa akin.

Samantalang ako? Ano nga ba ang turing ko sa kanya?

Hindi ko alam, basta ang alam ko lang masaya ako noon kapag kausap ko sya. Na-eexcite ako sa tuwing tumutunog na ang aking cellphone. Kabisado ko ang text tone na in-assign ko sa name nya. Sya ang nagturo sa akin ng i-Message, sya lang ang ka-i-Message ko. At sa loob ng halos dalawang buwan naming magkausap ay nahulog ako sa kanya.

I fell hard, kaya nung nabasa ko ang sulat na ‘yon, masyado akong nasaktan. To the point na hindi ko sya kayang i-reply, hindi ko sya kayang kausapin.

I even had to deactivate my dummy FB account kung saan naka-add sya. Gusto ko lang malagpasan ang stage na “mahal ko sya”. Alam ko namang magiging okay din ako pagdating ng panahon. Alam kong malagpasan ko ‘yon.

Ang tanga ko lang noh? Nagmahal ng isang taong hindi ko pa na-meet in person. Nakilala ko lang sya through a friend. Ang sabi wala daw girlfriend at since broken-hearted ako that time, sige gorabels. Pumayag akong maging katextmate ko sya, anything that would distract me was very much welcome at that time. At naging ka-i-Message ko nga sya, until March 17.

At hindi rin nya ako kinulit. Siguro nga dahil totoong may mahal na sya.

March 19 nung tuluyan kong ini-off ang aking cellphone sabay ng hindi ko paggamit sa SIM na nakasaksak dito. It was more like a psychological move for me. Ayokong harapin ang dagdag na sakit kung sakaling hindi na talaga sya mag-memessage sa akin. Hindi ko din pwedeng palitan lang ang SIM at gamiting muli ang cellphone na ‘to kasi nakaconnect dito ang aking icloud. Hindi ako marunong mag-deact ng icloud, at ayoko na i-Google kung paano.

Bumili nalang ako ng mumurahing cellphone, ‘yong tamang pang call and text lang talaga. Umiwas ako sa lahat ng social media interactions.

Until today.

Napabuntung-hininga ako. Kumusta na kaya sya? Namiss din kaya nya ako? Ako? Miss ko sya, sobra.

Paano kung nakalimutan na nya ako? Pero impossible ‘yon, one month palang naman ang lumipas. Pero paano kung ayaw nya na akong kausapin? May usapan kaming magkikita a week from now at kailangan kong ma-confirm kung tuloy pa ba ‘yon o hindi na.

Bago pa man kami hindi nagkausap ay alam nya ng nag-file na ako ng leave for 2 days. But he didn’t know na may ticket na ako nun. I purposely withheld that information from him for the lame reason na ayokong ma-pressure sya into meeting me. Ayokong mapilitan syang i-meet ako nang dahil lang tapos na akong magpa-book.

Isang malalim na paghinga uli ang aking pinakawalan. At dinampot ko na ang aking cellphone na kung makapagsalita nga lang ay siguro kanina pa eto sumisigaw sa akin na i-on ko na sya.

Nag-unahan sa pagpasok ang mga messages, mapa-Viber man o texts o sa FB messenger. Naka-auto connect pala eto sa unsecured WiFi ng building. Pero sa dami ng messages na pumasok, wala ni isa ay galing sa kanya.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata pero hindi ako nagpaawat. I sent him a message.

“Hey! Embeck…. Musta? Namiss kita ah! Are we still on next Thursday?”

At muli akong nakatitig sa screen ng aking cellphone.

Mga ilang minuto din ang lumipas bago ko nakita ang status ng message.

Delivered.

Read 9:45pm.

Tapos lumabas na yong bubble, indicating na he was typing a reply.

Kinabahan ako. Ano kaya reply nya? Yes? No? Maybe?

“Hey you back! Am good, naka-duty ako ngayon. Medyo busy. May client visit na naman kasi kami e.”

“Nakow, yan na naman yang work mo na minsan ay 24 hours kang gising.”

“Hahaha! Wala e, this is my life. And about sa Thursday, I thought hindi ka na tutuloy. Hindi ka naman na kasi nagparamdam. How long has it been? A month?”

“Yeah but then di ba sinabi ko naman sa yo noon. Hindi man tayo magka-usap ng ilang weeks, magkikita at magkikita tayo sa April. At alam mong nag-file na ako ng VL before pa ako nawala sa ere.”

“Yah. But then akala ko wala na ‘yon, akala ko ayaw mo na. Hindi ka na kasi nagreply sa message ko e.”

“So anong ibig mong sabihin? Hindi na tayo magkikita?” Sumikip na dibdib ko at alam kong anytime soon bibigay na din ang luhang kanina ko pa pinipigil.

“Sorry…. Kasi may problema lang.”

“Ok, no worries. Naintindihan ko. You take care, hmmkay?”

Hindi ko na inantay ang reply nya. Pinatay kong muli ang aking cellphone at pinakawalan ang aking mga luha.

May 8, Monday 10am.

“Hey, Jake! Tapos na bang ayusin yong baby ko?” Bungad kong tanong sa IT Manager sa bago kong pinasukang opisina. Pinaayos ko kasi ang aking laptop. Na-virus daw. At hindi ko na inantay na ibalik sa akin. Ako na mismo ang pumunta sa office nila Jake at may kelangan akong gawing report sa araw na ‘yon.

“Oh Chai, wait.” Lumingon si Jake sa staff nyang nakatago ang mukha sa monitor ng pc nito. “Tapos na ba yang laptop?”

“Malapit na, boss. Konting kalikot nalang.” Sagot nung staff ni Jake. Parang familiar ang boses nya and I would know that voice anywhere. Pero impossible. Alam ko kung saan nagtatrabaho ang meari ng boses na ‘yon at hindi ‘yon dito.

“Ahmmm, pwedeng pakihatid nalang pagkatapos? Pleaseee… ”

“Okay po.” Aba! Magalang pero suplado. Hindi man lang sumilip sino kausap nya.

“Thank you.” Sagot ko sa supladong staff ni Jake at nagpaalam na din ako kay Jake.

Hindi ko namalayan ang oras. Ang alam ko lang malapit na ang lunchtime kasi nakaramdam na ako ng gutom nung may kumatok sa aking opisina. At pumasok eto dala ang aking laptop.

Natulala ako habang kumakabog ang aking dibdib at nakatitig sa lalakeng pumasok. Chubby, kasing-tangkad ng dati kong crush na si Anton, so he should be around 5’6″. Nakapony tail ang maitim at medyo kulot nitong buhok. At may nunal sa noo.

Holy shit!

“Maam, okay na po ‘tong laptop nyo. Wag na po kasi kayong pumapasok kung saan-saang site para di na to magka-virus uli” Patuksong sabi nito sabay ngiti.

Sya nga! Kahit sa picture ko lang sya nakita pero alam kong di ako nagkakamali.

“Jay? Di ba sa ano ka nag-wowork? Paano kang napunta dito?”

“Oh about that. Nilipat kaming dalawa ni boss dito. Alam mong sister company ‘to ng dati naming pinagtrabahuan, di ba? Nirequest daw ng taga taas e, mas kelangan daw kami dito kasi nasa start up stage pa sya. And I didn’t know na andito ka din until binigay ni boss tong laptop mo kahapon.”

“Yeah, kakalipat ko lang two weeks ago.” Gusto ko pa sanang idagdag na nung time na nag-message ako, nasa lobby na ako ng building nun at nag-antay ng result sa aking final interview.

“Tara, early lunch tayo. May mga bagay tayong dapat pag-usapan and I’m pretty sure gutom ka na.” Pag-aya nya sabay lapag ng lappy ko sa aking table.

Ugh! And he still knows me that well. Dati kasi nung “friends” pa kami laging nyang pinapaalala na kumain na ako kapag malapit na ang meal time kasi alam nyang mabilis akong magutom.

Shit! Bumabalik lahat ng alala nya. Akala ko wala na sya sa sistema ko.

But I had to pretend that I was okay.

“Tara!” Sagot ko.

Habang kumakain ay kung ano ano ang napag-usapan namin but we didn’t talk about us, not yet.

Hanggang sa natapos kaming kumain at nag-aya na syang lumabas. Dinala nya ako sa isang parang playground at naupo kami sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno.

“So musta ka? As in kumusta ka?” Sya ang unang nagsalita.

“Am good.”

“Hahaha! That’s my line, lady. Wag mong kopyahin.”

“Di naman patented yan ah! Bleh!” Sabay dila ko sa kanya.

“Namiss kita.”

Shit! Biglang kumirot ang puso ko.

“Ow? Namiss daw pero ayaw akong i-meet. So, who’s the lucky girl?” I know may mahal syang iba, hindi ako pwedeng madala uli. Hindi ako pwedeng bumalik sa kung saan ako noon.

“Huh? Anong lucky girl? There was never a girl, or a boy or anyone for that matter.”

“What??? Di ba hindi mo nga ako ni-meet kasi may mahal kang iba at ‘yon ang problema? Di ba may sulat ka pa nga para sa kanya?”

“And where exactly did you get that idea? Na may mahal akong iba? At ‘yong sulat na ‘yon, it was not even mine. It was my bestfriend’s. I just did the effort of writing it. At nipost ko lang sa FB. And you didn’t even give me a chance to explain. You just shut me down completely. At nung nag-message ka, di mo man lang ako tinanong anong problema bakit hindi kita pwedeng i-meet nung araw na ‘yon. Ni hindi mo din inantay na mag-explain ako. I tried calling your cellphone, naka-off na. Mga i-Messages ko, all undelivered.”

Bumibigat ang dibdib ko sa mga narinig ko galing kay Jay.

“Ni minsan hindi mo din naman sinabi sa akin na mahal mo ko.” Nanginginig ang boses kong sumagot.

“Yah, alam ko yan pero hindi mo ba ramdam na importante ka sa buhay ko nun? Hindi ka ba naniwala na wala naman akong ibang kausap lagi nun kundi ikaw lang? I know I told you I was not yet ready for a relationship then, and you know exactly the reasons why but I never told you I love someone else. Being not ready for a relationship and being in love with someone else are two different things, Chai. You should know that and you should have known then na special ka sa lahat ng babaeng nakausap ko sa mundo ng internet.”

“Jay…..”

“Chai, bakit bigla kang nawala? At nung bumalik ka, bakit di mo ako binigyan ng chance na magpaliwanag? Akala ko ba mahal mo ko nun?”

“Jay, nasaktan ako eh. And when I’m hurting I tend to clam up. I tend to shrink into my own small world.”

“Nasaktan? Ni hindi ka man lang nagtanong.”

“Jay, it doesn’t matter anymore. It’s too late.”

“Too late? Why? What have you done?”

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko ng tumulo ang aking mga luha, for the nth time, nang dahil kay Jay.

Yeah, what exactly have I done?

Pumikit ako at pinilit na inaalala ang nangyari.

Nung gabing tinanggihan ako ni Jay na magkita kami the following week ay may natanggap akong text message sa isang number na dati ko na ding ginagamit.

“Chaileeeeee! Hoy! Nasa Manila ka pala! Kita tayo.”

Si Paul.

“Hala! Paano mong alam? Ahhhh sa FB.”

Friend ko sa totong FB account ko si Paul at naipost ko dun sa wall ko na nasa MoA ako at nagpalamig mag-isa.

“Yes! At susunduin kita kung saan ka man ngayon. Nasa Malate lang ako. Remember we used to hang out here a few years back.”

Bah! Kelan lang naging conyo tong lalakeng to?

“Aha! Tamang-tama depressingly happy ako ngayon. At mamaya mo na itanong kung bakit, nasa may Calatagan lang ako. You know the place. At bakit ka nga pala andito sa Kabihasnan ha? Last time I checked nasa Batangas ang bahay nyo.”

“Haha! At mamaya ko na din ikwento. Nasa taxi na ako. C u…”

Hindi naman matraffic kasi malalim na ang gabi kaya wala pang isang oras kasama na ako ni Paul sa taxi pabalik ng Malate.