“Erika, pagkabasa mo nito ay wala na ako sa tabi mo. Di ko rin alam kung buhay pa ba ako noon pero, buhay man ako o hindi, ito na ang huling paalam ko sa iyo.
Ikaw lang ang bukod tanging babaeng minahal ko sa buhay na ito. Kahit mahirap, tinakasan ko ang mga klase ko sa PMA upang makapiling lamang kita. Kahit na di ko kayang bigyan ka ng magarang kasal dahil mahirap lang kami, pinaghirapan kong maibigay sa’yo. Kasi mahal na mahal kita. Handa kong ibigay lahat sa iyo. Tanda mo pa ba iyon?
Ngunit, bago ko hiningi ang kamay mo, tinanong kita kung handa ka bang pakasalan ang isang tulad ko. Isang kawal ng bayan. Anumang oras na kailanganin ako ng bayan, maaari kitang iwan, baka hindi na ako makabalik. Sabi mo sa akin ay hindi ka magsasawang maghintay, kahit pa ikaw ay tumanda na dahil ako lang ang mamahalin mo. Tanda mo pa ba iyon?
Di na ako magpapaligoy ligoy pa. Bakit mo nagawa sa akin iyon? Bakit? Sobrang sakit, Erika. Gusto kong gumanti. Gusto kitang saktan. Gusto kong pumatay. Pero naisip ko, isa akong sundalo. Nangako ako sa Diyos na habang ako ay nasa serbisyo ay poprotektahan ko ang mamamayang Pilipino. Isa ka na doon. Pero higit sa lahat, ikaw ang aking asawa. Paano ko magagawa
…