Lumipas ang dalawang linggo. Ang mga araw na lumipas ay tila wala sa sarili si Bong, ngunit nagagampanan pa naman nya ang kanyang trabaho ng matiwasay. Dalawang araw na lang at vacation leave na nya na kanya sanang ibubuhos para sa asawa nya. Ngunit di nya alam ang gagawin, kung uuwi ba sya o hindi. Alam nyang masasaktan lamang sya pag nakita nya si Erika. Habang nagiisip ay tinawag sya ni Commander Gomez.
“Lt. Sanchez, may pag uusapan tayo.”
“Yes sir?”
“May problema ka ba? I think medyo malungkot ka at matamlay in the past several days.” pansin ni Cmdr. Gomez
“Ahh sir, wala naman po ito.” tugon ni Bong.
“You sure? You better be. Di pwede na maging emosyonal tayo lalo na at binabantayan natin si Presidente. If you have any personal problems na makakaapekto in a way sa trabaho mo, you can open it up with me so that I can have a grasp on what is going on with you. I’ll help you. Alam mo, para na rin kasi kitang anak. Tumanda akong walang asawa, walang anak. Pero alam mo, mula nang malagay ka sa unit ko, ikaw na ang nagsisilbing protege ko, my future successor pagkaretire ko. Kaya naman, you can always count on me. Is that okay?” paninigurado ng opisyal.
“Thank you very much sir for your concern. Hayaan nyo po, sasabihin ko din sa inyo next time.”
“No worries, you can always contact me whenever you want to open up, para naman makaluwag dyan sa dibdib mo.”
“Thank you sir!” masiglang tugon ni Bong.
“Okay, bukas pala ay isa ka sa mga magiging rounding officers sa SONA ng VIP (codename nila para sa Presidente), you will not be a member of the VIP’s escorts, but I need you to make rounds inside the Batasang Pambansa complex. Search thoroughly if there are any security concerns. Search the basements, each and every rooms, kahit ladies CR pa yan. The ceilings, everywhere, you have all the security clearances. Eto ang radyo. Directly connected yan sa radyo ko. Pag may concerns ka, ako lang ang makakarinig sa radyo mo so that we can maintain confidentiality. Isang pindot lang dito sa button ay magttransmit na yan sa akin. Is that clear?”
“Sir, yes sir!”
“Okay, you are dismissed!” paalam na tugon ni Cmdr. Gomez.
Araw ng SONA, isang mainit at maaraw na Lunes. Maagang nagtungo sa Batasan Pambansa si Bong. Nakatoka sya sa mga silid at upper floors ng Batasan. Samatalang si Cmdr. Gomez naman ang sa basement at sa mismong Congress chamber. Dumating si Pangulong Arthur Gonzales sakay ng isang Bell helicopter ng 4:00PM. Saktong 4:30 nang magsimula ang kanyang talumpati.
“..isang taon na ang lumipas. Malaki ang ipinagbago ng bansang Pilipinas. Lumago ng 9% ang Gross Domestic Product ng bansa, pinakamataas sa kasaysayan at pinakamataas sa buong mundo para sa taong ito. Lahat ng iyan ay dahil maayos nating nailatag ang plataporma ng reporma sa ekonomiya at pagkalago ng ating lakas-industriya at agrikultura.”
Si Pang. Gonzales ay isang magaling na ispiker, mahahalintulad ito kay Adolf Hitler sa Germany dahil sa napapapaniwala at napapahanga nya ang lahat ng nakikinig sa kanya. Umaapaw sa karisma. Dagdag pa dito ang kanyang pisikal na pangangatawan. Kaya naman, sobrang popular sya sa buong bansa. Isa pa ay napaganda nya ang ekonomiya. Sa ilalim ng kanyang isang taon na pamumuno ay naalis na sa pagiging 3rd world country ang bansa. Isa na itong regional power sa Asia-Pacific, na kahit ang China mismo ay nagdadalawang isip sa tuwing kakalabanin nito si Gonzales. Kaya naman, sobrang makapangyarihan nito. At ito ang gumagambala kay Bong. Habang nagrorounds sya ay nagiisip sya ng paraan kung paano ito kokomprontahin tungkol sa asawa. Di nya ito maaaring patayin sapagkat babalatan sya ng buhay ng madla. Pati ang kanyang buong angkan. Kaya diplomasya na lang ang naiisip nyang paraan.
Habang naglalakad sa hallway ng Batasan ay may nakita syang isang pamilyar na mukha. Isang napakagandang dilag. Pinagmasdan nitong maigi ang mukha at…”Shit! Si Erika?!? Anong ginagawa nya dito?!” Lumakas ang kabog sa dibdib nya. Di sya makahinga habang sinusundan ng tingin ang makinis na asawa na nakasuot ng isang sleeveless na dress at nakatakong na sapatos. Lahat ng lalaki sa paligid ay napapatingin sa kanya.
Nangnginig na sinundan nya ang asawa ngunit biglang tumunog a…