Ang Pambansang Kawal (Part 5)

Biyernes, 5:30 ng madaling araw. Masakit ang ulo ngunit masarap ang naging tulog ni Bong. Sa dami ba naman ng naiputok nya, sino ba namang hindi makakatulog ng ganun kasarap. Napatingin ito sa katabi. Isang napakagandang dilag ang kanyang nasaksihan. Di nya maiwasan na maalala ang mga masasarap at matatamis na ala-alang hatid ng magandang mukha nito. Napangiti ito. Bakit di na lang kaya nya ito patawarin?

“Pag-iisipan ko.” bulong ni Bong sa sarili. Naisip nya na sa oras na patawarin nya ito ay lalayo na lamang silang dalawa sa magulong buhay ng Maynila. Magtatanim na lamang sya ng mais at palay sa lupaing iniwan sa kanya ng namayapang ama sa Ilocos Norte. Doon ay mapayapa na silang mamumuhay, kakalimutan ang mapait na nakaraan, gagawa ng anak, at palalakihin ang mga ito. Tatanda silang magkasama, at mamamayapa nang magkasama.

Nakangiti pa rin itong nakatingin sa natutulog na asawa nang may tumunog sa ilalim ng unan nito. Hindi nagising ang babae. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Bong. Dahan dahan nitong kinuha ang iPhone ng asawa. May mensahe. Sinubukan nya itong buksan ngunit naka lock ito. Sinubukan nya ang mga posibleng passcode ng asawa. Walang tumama. Ngunit biglang naalala ni Bong na nung bagong bili nya ito ay di nito kasama ang asawa. Kaya pinabukas ng vendor sa kanya ang iPhone at ininput sa fingerprint scanning nito ang kanyang hintuturo. Hindi na nya ito nasabi sa asawa dahil sabik ito nang iregalo sa kanya ito ni Bong noong nakaraang kaarawan nito.

At nabuksan na nga ng tuluyan ni Bong ang phone. Isang nagngangalang “Baby Ko” ang nag message sa Viber. Sumimangot si Bong. Bumalik ang lahat ng poot sa kanyang puso. Nakita nya ang conversations ng dalawa, di pa nakuntento sa sex at nagpadala pa ng video at pictures na hubad si Erika, habang naglalaba, habang naliligo. Di pa nakatiis at gumawa pa ito ng video na finifinger ang sarili gamit ang handle ng suklay. Mabilis ang pagrapido nya dito. Tinanong pa sya ni Michael kung pwede daw ba nya itong sunduin sa bahay. Tumanggi si Erika dahil kahapon ang day-off ni Bong at baka mahuli pa sila nito.

Pinindot ni Bong ang text box ng conversation nila. Napakatagal nitong nagttype. Pagkatapos ay nilock nito ang phone at pinatong sa lamesa. Mabilisan itong nag impake ng damit at iba pang necessities at saka lumuluha itong umalis patungong Malakanyang. Hindi na nya muling tinignan ang magandang asawa.

Biyernes, 6:45 AM…

Pagkarating sa Malakanyang ay agad syang sinalubong ng mga PSG agents. Ito ang kanyang unang araw bilang Vice Commander. At maaaring ito rin ang huli. Di nya ito pinahalata sa mga kasamahan.

“Huuuyyy Bong, I mean Sir Vice Commander pala! Congrats sa promotion! Kelan ka magpapainom? Hahaha!” pilyong tugon ni Sgt. Ben.

“Ikaw Ben kahit kailan di ka na nagbago puro na ata alcohol yang tyan mo eh. Saka anong Vice Commander pinagsasabi mo dyan, ang haba kaya nun. Captain Sanchez na lang. O di kaya Bong. Mas mabuti pa.” usal ni Bong.

“Naku sir pag narinig kami ni Dracula (nickname nila kay Cmdr. Gomez dahil minsan na daw nitong sinipsip ang dugo ng isang napatay na Abu Sayyaf gawa ng sobrang galit nito sa kanila sa pagpugot ng mga bandido sa unit nya) yari kami! Baka ipadala kami sa Sulu non!” sambit ni 2nd Lt. Kiko.

“Oo nga pala nasaan na nga pala si Commander?”

“Ayun nasa opisina mo, hinihintay ka pala nya.” sagot ni Ben.

Dali dali itong nagtungo sa kanyang opisina. Lintek na opisina pala iyon. Yung CCTV Room ang na-designate sa kanya na opisina nya, kung saan nya nalaman kung paano nagumpisang nagtaksil ang mababaw na asawa nya.

“Good morning Soldier! Please have a seat.” nagpalitan sila ng salute at saka umupo.

Sandaling nagkwentuhan ang dalawa, parang ama at anak na matagal na nawalay sa isa’t isa. Nandito ang mga paalala ni Gomez sa kinakaharap na krisis ni Bong. Kinukumbinsi nya ito na pagbigyan si Erika at patawarin na lang at lumayo na, kung magagawa nito ang paghihiganti kay Michael. Napaisip si Bong. Oo nga naman, kung mapapatay o mababaldado nya ito sigurado ay pagtatakpan sya ni Go…