“Sino Si Claire?”
“Ha? Claire? Sinong Claire, kape?”, maangmaangan niya, dibersiyon sa paksa.
“Sus, girlfriend mo o asawa mo? Loko ka din eh noh, ang sa akin lang naman, JOY po ang alam ko na pangalan ko, JJOOYYY, J- O – Y. Kakantutin mo ako, tapos puro ka Claire mahal, Claire, ahhhhhh Claiiiiiiiirrreee”, me kasama pang emosyon na lahad nito kasabay ng matalim na tingin sa kanya.
“Tsk, tsk. Loko loko ka ha”, di lang talaga kita type naku ewan ko na lng,”
Gusto matawa ni Edwin, ngunit ayaw niyang lalong ma offend ang dalaga.
Diyata’t si Claire nga ang naging laman ng isip kanina habang binabarurot si Joy, sa kagustuhan niyang lalo lang sanang kilitiin ang imahinasyon upang marating na agad ang rurok.
“Ganun na ba talaga kalakas ang tama ko sa iyo Sungit? Nawawala na ako sa ulirat, hahahaha”, tawa na lang niya sa sarili.
“Kasalanan mo to Sungit”.
“Sige na kape na tayo maliwanag na baka may makakita pa sa amin dito. “Black lang ha,” si Joy.
“Akala ko pa naman may next rounds pa. Sabi mo kaya kanina, mamaya mo na ako pagsawaan Sir, kantutin mo na ako Sir please, please, please”, ganti niyang asar sa dalaga.
“Mukha mo, me Claire ka naman na pala. Doon ka na ke Claire mo”, nakasiklop ang kamay na turan ni Joy.
“Hahaha. Painit muna ako tubig, saglit lang mahal ha”.
———————————–
“Tara na, saan sila?”, pagkatapos makapagkape ay yakag na ni Joy.
Naalala ng tinyente ang binigay ni Ireneo na number nito, at tumipa sa kanyang cellphone.
“Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg”
“Tangina Bry sagutin mo na antok na antok na ako”.
“Hello Sir”.
“Oh Bry tama na, bunutin mo na, saan kayo?”, ang tinyente makaraang tanggapin ang tawag.
“Hahaha, dito lang sa tabi ng kitchen Sir, nandito iyong sasakyan ko Sir, tugon ng kausap sa kabilang linya.
“Si Rina?”
“Kasama ko Sir.”
Pinutol ni Edwin ang tawag, at niyaya na si Joy.
“Tara na mahal??”
Inirapan siya nito. “Mahal mo mukha mo.”
Pagkatapos makipagpalitan ng cell phone number kay Joy ay ihinatid na pababa ni Ireneo ang mga bisita.
Naiintindihan naman ng mga ito na hindi na siya makakasama pa at kailangan niya ng kaunting pahinga.
“Sakit ng ulo ko”, daing ng tinyente. Bumalik ang pinuno sa higaan, at tumipa ulit sa cellphone.
“ALARM”
“06:30H”
Dala nga ng pinaghalong alak na nainom, hapo, at puyat, ay tuluyan na itong nakatulog.
——————————————————
Ang Nakaraan
Isang taon na ang Lumipas
“Ilabas niyo si Santos, ilabas niyo si Santos, demonyo ka Santos, hindi NPA iyong kapatid namin, ni wala ngang baril, pero pinatay mo. Magsasaka siya. Magsasaka siyaaaaahhh. Demonyo kaahhhhh, lumabas ka diyan”, malakas at nanggagalaiting sigaw na maririnig sa ibayo ng bakal na gate ng batalyon.
Isang grupo ng magsasaka mula sa mga liblib na parte ng bayan, kasama ang ilang personalidad ng
DZLT-AM “Radyo Rapido” ,ang lokal na media ang humangos sa kampo, matapos kumalat ang engkwentrong naganap sa pagitan ng armadong komunista at ng tropa ni tinyente Santos sa liblib na bahagi ng Catanauan Quezon.
Murder. Hindi lehitimong engkwentro. Ito ang matunog at mainit na paksa ngayon sa buong probinsiya, kung saan walang awa niyang pinatay diumano ang isang magsasaka. Isang inosenteng magsasaka na binibisita lamang ang mga pananim noong magtagpo at magkaputukan ang mga kawal at armado, at hindi kasapi ng mga rebeldeng komunista.
“Papasukin ninyo kami. Nakikita mo namang taga media kami, heto ang ID namin, kailangan naming makausap ang Commander ninyo at si Santos, parehas tayong may mandato at sinumpaang tungkulin, alam niyo yan”.
“Berdugo, lumabas ka diyan hayop ka, duwag ka. Ilan na ba ang pinatay mong walang kalaban laban hayop ka? Lumabas ka Berdugo, lumabas ka Santos”, ang patuloy na sigaw sa labas.
Alerto lamang ang guwardiya sa gate. Sanay na ito sa ganitong tanawin. Ang kanilang area ay matagal nang pinamumugaran ng makakaliwang grupo. Alam niyang pati ang media ay sumisimpatiya sa ideolohiya ng CPP NPA NDF.
Sa mga sandaling iyon ay masinsinang kinakausap ng Battalion Commander ang tinyente.
“Anto, bakit kasi may nakakita? Prinipressure ako ngayon ng province”.
“Pinapakasuhan ka ni Gov”.
“Naiintindihan ko Sir, at alam ko na wala tayong panama sa kanila, ang tanging kasalanan ko lamang sir, hindi ko siniguradong walang tao. Nagkumpiyansa ako sir. Pero Sir hindi inosente iyon, alam ng buong tropa, NPA iyon Sir.
“Anto alam ko iyon, may nakakita lang nung kinatay mo siyang nakaluhod, nagmamakawa, ngayon sinasakyan pa ng taga kabila. Mainit ka Anto, di lang kay Gov, pati iyong mga kupal sa Division, nagtatanong, pinaparelieve ka na dito sa batalyon.
Handa kong harapin kung anuman ang kahihinatnan nung ginawa ko Sir. Pero hinding hindi ko pinagsisisihan, at pagsisisihan Iyon Sir. Gagawin at gagwin ko pa rin iyon kung tawagin ng tungkulin, Sir, maubos lang yang mga salot na yan.
Binalot ng katahimikan ang tanggapan.
“Tangina ka talaga Anto”, ang koronel. Lalo itong humanga sa prinsipyo at paninindigan ng batang tinyente.
“Promotable ka di ba? Hindi ba’t nainterview ka na”?
“Yes Sir.
“Palamig ka muna Anto”.
“Kopya Sir, haharapin ko iyong kaso Sir.”
“Edwin, mainit lang ang sitwasyon, mainit ka sa province, at sa media.
“Noon ka pa gustong gusto makuha ng SPARU alam mo iyan”, dagdag ng koronel..
“Lalo na ngayon”. Para din sa kaligtasan at kapakanan mo kailangan mo munang magpalamig.
Hindi man niya tiyak subalit halos alam na ng Tinyente ang patutunguhan ng pag uusap na iyon.
“Naiintindihan ko sir.”, at nagsimulang malaglag ang balikat ng batang tinyente.
“Si CG tumatawag, tuloy natin mamaya balik ka na muna ng quarters mo”.
“Yes Sir”.
——————————————————–
Sa kanyang kwarto, halos sunod sunod ang sindi niya ng sigarilyo.
“Babay field na ba? Ang bilis naman”, malungkot, at tahimik na sambit ng batang tinyente.
“Bakit humantong sa ganito?”, muling tanong ng tinyente sa sarili, at ang gunita ni Edwin ay saglit na nagbalik tanaw.
Isang taon na ang nakalipas, mula noong magreport siya sa kanyang batalyon.
Noon pa’y kinakitaan na siya ng angking dedikasyon at galing sa sa pagganap sa sinumpaang tungkulin.
Nakilala siya sa kanyang teknikal at taktikal na kakayahan, lalo na sa disiplina sa pagsunod sa lahat ng panuntunan ng operasyon, upang mapangalagaan ang buhay niya at ng tropa.
Higit sa lahat ay ang kanyang paninindigan kontra komunista. Salot sa lipunan, ito ang tindig niya sa mga rebeldeng NPA at sa mga sumisimpatiya sa kilusan.
Ang una niyang misyon.
“I clear mo ang Barangay Dalag Anto”, talamak na doon ang gawaing pampropaganda ng kabila”.
“Bisitahin mo si Kapitan”, mayroong isang pastor na tagabayan na pumasok sa Barangay noong nakaraang buwan, may report na hindi na ito nakikita doon, ang sabi ng pamilya’y hindi na rin makontak, iba ang kutob ko dito”, ang Battalion S3, sabay abot nito ng tuping mapa ke Edwin.
“Tanong?”
“Samahang Yunit Pampropaganda lang ba iyong last na sightings Sir?
“Walang Guerilla Platoon Sir?”
” Nagsisimula nang maging pula ang Barangay na iyan, alam mo na ang ibig kong sabihin”.
“Yes Sir”.
“Puntahan mo na iyong tropa mo, ikaw na ang bahala sa briefing, check mo na din iyong supplies. Insert ka 2300H”.
“Ingat, huwag pakaang kaang, ayaw kong masali ka sa “Lessons Learned” Anto”, dagdag ng S3.
“Copy Sir, permission to leave Sir.”
Bago puntahan ang tropa, masusi muna niyang pinag aralan ang mapa.
“Rolling terrain, may high grounds pero di naman ganun katataas”.
“Wala pang previous encounters, at masa ang Barangay”.
Kaagad na nakaisip nang taktika ang tinyente, at pinuntahan ang naghihintay nang tropa.
2300H.
Alas onse ng gabi, isang sumisipol na 6 by 6 Cummins Truck ang lumabas sa kampo.
Isang Section Plus, o Platoon Minus ang dala ni Lt Edwin Santos. Siyam sa bawat squad, disiotso lahat, pang disinuebe ang radio operator, pang bente ang Platoon Sergeant, bente uno ang M60 GPMG Gunner, at siya ang pang bente dos.
Pasado alas tres na nang madaling araw nang marating nila ang puntiryang Barangay. Madilim ang baryong wala pang suplay ng kuryente.
“Alamid, Echo 1, Radio Check”.
“Alamid to Echo 1, Lima Charlie, over”.
“Alamid, pwesto ka na, iwas sa bahayan, para iwas sa tao at sa aso.”
“Roger Sir”.
“Okey, hit the high ground”.
Ang plano, kasama ang kulang kulang kalahati ng tropa ay magpapaumaga siya sa Barangay, sadyaing magpakita sa mga tao, at pupuntahan si Kapitan pagsapit ng liwanag, habang ang sobra kalahati ay itatago niya o ilulubog. Wawalo na lamang sila.
“Mga kasama magpahinga tayo”, pero wala ng maglalabas ng duyan, wala ding magtatanggal ng combat boots”.
At ang lahat, maliban sa naatasang bantay, ay sumandig na sa kanya kanyang jungle packs upang umidlip.
Mabilis ang oras.
Alas Sais na nang umaga. Ang tropa’y gising na rin, may nagpapainit na ng tubig, at ang iba’y naghahanda na ng almusal.
“Sergeant, alas Siyete puntahan mo na si Kapitan”, utos ng tinyente sa squad leader.
“Makihalubilo kayo sa paligid, ipaalam na nandito tayo, ang iba”y pwedng makipaglaro ng bola”, dagdag ng tinyente.
Pilit mang nakihalubilo ay tila wala namang kaamor amor sa mga sundalo ang…