“Kuya, hey, bumangon ka na diyan, magluluto ako.”, si Claire.
Alas-Siyete na nang umaga. Naghihilik pa si Ireneo sa pagkakasilid nito sa malong at sa duyang tinulugan. Sa mga panahong nakikitulog ang pinsang dalaga sa kampo, sa kanya nito ipina-pagamit ang kubo.
Sa labasan ng bunkers ni Ireneo, kung saan niya nagsasabit ng kanyang duyan ay isang simpleng pamindalan.
“Kuya Bry alis na diyan magluluto ako.”
Pupungas-pungas at i-inat-inat, isang mahabang hikab muna ang pinakawalan ng sundalo, bago nito tuluyang ilabas ang ulo mula sa tulugan.
“Naks, tingnan mo nga naman ang epekto ng “Midnight Blue”, buska nito kay Claire.
“Marunong ka bang mag-saing? Baka masunog itong kubo ha?”, patuloy nitong alaska sa pinsan.
“Ha-ha-ha, ha-ha-ha, nakakatawa, baka ikaw ang hindi marunong. Saing ka diyan, isa-sangag ko itong kanin, gawan pa kita ng “chowfan” eh, makita mo.”, ganti ni Claire.
Pagkapanaog, agad nang niligpit ni Brian ang mga pisi upang makagalaw nang maayos ang pinsan.
Nangigiti nitong tinungo ang “toiletries” upang makapaghilamos.
“Kuya, ikaw ha.”, putol ng dalaga sa pinsang kasalukuyang nagsesepilyo.
“May mga iniwan akong “chips” dito alam ko, naku ikaw pinagbibigay mo na naman siguro sa mga “chicks” mo.”
Kasalukuyang nagmumumog noon, ay naibuga bigla ni Brian ang tubig na nasa bunganga.
“Kuya, saan nagbre-breakfast si Edwin, puwede ba natin siya makasabay?”, mayat-maya’y muling usisa ni Claire.
Kaagad nabasa ni Ireneo ang pagkakataong magabayan ang pinsan. Ang nobyo nito’y hindi ordinaryong lingkod-bayan, hindi rin basta-bastang kawal, kundi isa itong opisyal.
“Ah Claire, “Officer” iyong boyfriend mo, okey? Ngayon pa lang sasabihan na kita.”
“Bukod ang pagkain niya, kasama ang mga Senior na NCO, isa pa, hindi niya hawak ang oras niya. Anumang sandali ay maaari siyang ipatawag, o tawagan, kadalasan ay biglaan. Ang sinasabi ko, at gusto ko na sanayin mo ngayon pa lang, huwag na huwag kang masyado mag-eexpect sa oras niya, ha pinsan?”, mahabang paliwanag ni Ireneo.
“Aayyyyy…. Ganun?
Nalungkot man sa mga tinuran ng pinsan, ay agad namang nakabawi ang dalaga. Iniwan nito saglit ang hinahandang kaning-lamig at kinuha ang cellphone.
“Hi good morning, mag-breakfast ka Edwin ha, I’m here lang kay kuya Bry.” ang text ng dalaga sa nobyo.
Samantala, nasa “PX” ang tinyente, kasama si Diaz, at ng iba pang mga
“Senior Non-Commissioned Officer”.
Habang hinihintay ng mga ito ang ihahaing almusal ng “Kitchen Personnel” ay nagkakape ang mga ito.
“Sir ang bango mo sa mga “chicks” kagabi, pati mga chikakas ng ibang kumpanya nagtatanong tungkol sa iyo at sa cellphone number mo, natigil lang sa pangungulit nang malamang CO ka ng Alpha Sir, hehehe.”,
si Sergeant Wasan.
“Eh may nag-away nga daw sa Charlie, hindi yata nakatiis iyong chicks napatili haha. Nakalimutang katabi ang boyfriend.”,ang sambit naman ni Sergeant Reyes.
“Eh Sir, hehehe, masaya kami sa inyo ni “Miss 60” hehehe, dagdag ni Wasan, ang pinakamalakas yata na mang-asar sa grupo.
“Matanda na ako Sir, pero kinilig talaga ako sa inyo ni Ganda kagabi.”
Ang tinutukoy ng sarhento ay si Claire. “60”, dahil mistulang Machine Gun ang bibig nito kapag nagtataray, walang “stoppage”, walang preno, lalo na kapag inaasar.
Kita ni Edwin ang pagsiko ni Sergeant Rimo ke Wasan. May sinambit din ang sundalo sa mahinang boses subalit hindi ito nakaligtas sa pandinig ng tinyente.
“Naku hindi mo na puwedeng maasar-asar si Claire kabayan hahaha, patay ka kay CO wahahahaha.”
“Koowww eh titigilan ko naman na talaga si Ganda, masaya ako. Hindi ko lang talaga inakalang siya ang bibihag sa puso ng hari nitong kampo, bagay na bagay kayo Sir hehehe.”, dagdag pang pambobola ni Wasan sa pinuno.
Nangingiti , palipat-lipat ang mga mata ni Edwin sa mga ito.
“First iyong napanalunan, ibigay mo kay Wasan, itago niyo para pandagdag sa budget ng Team Building natin.”, tawag ni Edwin sa atensiyon ni Diaz.
“Siyanga pala, mayroong darating na tropa para sa kaalaman ng lahat, mas senior iyon sa inyong dalawa Reyes at Rimo, pero junior mo Chris.”
I de-designate ko siya as “Training NCO”, pero kapag may “Small Unit Tactical Operation”, siya ang hahawak ng Section, para walang masagasaan sa inyo.”
“Next week nandito na siguro si Eric.”, dagdag ng pinuno.
Magkaka-panabay lamang na tango ang naging tugon ng mga Senior NCO.
Naalala ni Edwin ang i-chinarge na cellphone sa kanyang kubo. Saglit niyang iniwan ang mga tropa upang kuhanin ito.
Kasabay nang pag-upo niya pabalik sa puwesto ay ang paghain ng taga kitchen ng kanilang almusal.
Tutok sa cellphone, isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng tinyente makaraang mabasa ang mensahe ng kasintahan.
“Maganda ka pa sa umaga mahal, puntahan lang kita maya trabaho muna ako ha. I love you Claire”, ang saad sa tugon ng tinyente sa text ni Claire.
Hindi katagalan at tumunog agad ang “chime” ng kanyang telepono, laman ang isang “enlarged” na “kiss emoticon” bilang tugon ng kasintahan sa text nito.
Napagtanto ni Edwin, mukhang nadala na naman siya ng agos na papuntang kawalan. At nakalimutan niya, nasa harapan pa nga pala siya ng mga tropa.
Alumpihit man sa siguradong tatamuhing kantiyaw, wala na siyang magagawa.
Dahan-dahan, ay ini-angat niya ang mukha, upang salubungin lamang ang pareho-parehong pagkakaguhit ng mga ngisi sa mga mukha ni Diaz, Wasan, Reyes, Villanuve, At Rimo. Kasunod nito ang isang napakalakas na halakhakan galing sa PX.
“Ikot tayo pagkatapos, ang pinal na turan ni Edwin sa grupo bago lantakan ang inihaing pang-umagahan.
by elmergomopas….
Pasado Alas-Nuebe nang umaga, kasama si Edwin sa umpukan ng mga tropa naroroon sa helipad.
Nandoon din ang mga Squad Leaders at Team Leaders. Palibot ang pagkakaupo ng mga sundalo. Sa harapan ng mga ito ay ang tinyente habang sinasariwa nito sa mga tropa ang “clock method,” sa tuwing kakailanganin ang Close Air Support.
Maliban dito, ay kasama sa natalakay ang “marshalling”, at ang mga pangunahin ng CAS, gaya ng tamang target acquisition, tamang pag-gamit ng panel, at tamang pag-gamit ng smoke grenades.
Kaugnay nito, muling naisip ni Edwin si Alamid. Natutuwa ang tinyente sapagkat makakasama na niya ito sa unit. Batid ng tinyente na mauubos ang oras niya sa dami ng mga responsibilidad kung wala siyang makakaagapay.
Sa lilim na isinisilbi ng isang kumpol ng mga puno ng tundan na saging sa bandang sulok ng helipad, ay dinalhan siya ng taga kitchen ng isang tasa ng umuusok pa na kape. Sa i-ilang araw niya bilang pinuno ng mga ito, tila unti-unti ay nakakabisado na siya ng mga tropa. Isa na nga ang hilig niya sa kape.
Sa kubo ni PFC Brian Ireneo, naiwang mag-isa si Claire.
Pagkatapos makapag-almusal ay umakyat na ang pinsan sa “Radio Room.” Ito ang nakatalagang duty “radio operator” sa araw na iyon. Tawag ng tungkulin.
Wala namang ibang mapagka-abalahan ang dalaga kundi ang cellphone. Mabuti na lamang at may signal para sa “data” ang kampo kahit papaano.
Hindi niya maikukubli, nami-miss ng dalaga ang nobyo. Kanina pa niya ito iniisip. Kanina pa niya ito gustong-gustong i-text at tawagan. Subalit tumatak sa isip niya ang kaninang pangaral ng pinsan.
“Pinsan, huwag ka masyado mag-eexpect sa oras niya ha”.
Simpleng-simple lang naman ang mga katagang iyon ng pinsan, pero matibay ang pagkakapagkit ng mga ito sa isip ni Claire.
Hindi lingid sa kanya ang mga tili ng mga kabataan para sa boyfriend kagabi. Ang mga hiyaw ng paghanga, isama pa ang mga naglalagkitang titig mula sa karamihan sa mga kadalagahang dumalo.
Alam na alam niya kung gaano karami ang tagahanga ng kasintahan, at ang karisma ni Edwin sa kababaihan.
Pero hindi ito ang isyu sa dalaga, at wala itong dama na kahit anong bahid ng selos.
Ang hindi mawaglit-waglit sa kanyang diwa ay ang nasaksihang kababaan ng loob ng nobyo. Sa mga susunod pa na mga araw, sigurado siya na lalo pang lalalim ang pagkakahulog niya sa tinyente.
At ngayon lang niya nadama ang ganitong pagkakagusto. Alam niya na hindi magiging madali ang lahat sa kanila ng kasintahan. Ang bumabagabag sa kanya, ay kung kakayanin ba niya ang ganitong sitwasyon nila.
Pero nakapagpasiya na ang dalaga. Payag siyang tanggapin gaano man ito kahirap. Na handa siyang magbigay, para lamang sa lalaking bumago sa kanya.
Namimiss niya talaga ito. Gusto niyang yumakap kay Edwin, magpalambing, at madama muli ang masusuyong hapos ng mga palad nito sa kanyang pisngi, at ang mga halik nito sa kanyang noo.
Mahirap, pero masaya siya, at iyon lamang ang mahalaga ngayon sa kanya.
“Bahala na”, sa sarili ay usal ni Claire, bago niya tunguhin ang “Contact List” ng cellphone, at hanapin ang isang numero.
Nakapagdesiyon na siya kagabi, nang tanggapin niya at tugunan ang mga yakap at halik ng katipan. Mayroon na lamang siyang isang taong kailangang maabisuhan, upang maisa-pinal na niya ang desisyong papasukin, hindi lamang sa kanyang puso, kundi sa buhay niya si Lt. Edwin Santos.
“Sir Arthur.”
Ito ang kasalukuyang makikita sa display ng telepono ni Claire, kasunod nito ang pagtipa sa naturang numero at ang pagtugon ni Lt. Arthur Delavega sa kabilang-dako.
by elmergomopas
Mula sa silangan ay tuluyan nang nakatawid ang araw sa kanluran. Sa dami nang ginawa, hindi na napansin ng pinuno ang pagtakbo ng oras.
Panghuling inayos at binisita ng tinyente ang “perimeter” ng kampo. Nakita niya ang mga bahaging kailangang dagdagan ng “madre-de-cacao”, at “early warning devices.”
Subalit, ang pinaka-kumain sa oras ng tinyente ay ang drill para sa Camp Defense Plan upang hindi na maulit ang kapalpakan ng lahat noong gabing binira sila ng kalaban.
Pinadagdagan din niya ang mga trenches na kulang sa lalim para sa battle positions ng tropa, at sinariwa ang mga panuntunan ng sector of fires.
Hindi maiwasang ipakita ng aktuwal ng tinyente ang kanyang mga sinasabi upang mas lalo itong maintindihan ng mga tropa. Dahil dito, ang kaninang naka-almerol pa na uniporme ng pinuno ay nagkaputik-putik. Mapapansin din ang nagdikitang semilya ng amorseco sa mga manggas nito.
Kasalukuyan na nilang binabagtas ang daan pabalik ng kampo. Alas-kuwatro na nang hapon.
Iniwan ni Edwin ang mga kasama sa kubo sa Post 1 at nagpasiyang dumiretso sa kanyang kubo upang makapagbihis, nang mapuntahan naman niya ang katipan.
Mga ilang dipa bago niya matumbok ang PX nang mapansin niya ang nakaupong kasintahan. Okupado ito sa kanyang cellphone. Sa harapan naman ng dalaga ay bote ng 8 oz na coca-cola.
Nang mag-angat ng paningin ang dalaga upang sumisip sana sa iniinom, tumambad sa kanya ang pigurang buong umaga niyang gustong-gustong masilayan.
Si Edwin, napakatikas nito sa suot na uniporme. Saktong-sakto ang sukat nito para sa katawan ng tinyente. Perpekto ang bagsak sa mga balikat, at tabas ng mga manggas. Maging ang pang-ibaba, ay hulmang-hulma sa mga binti ng tinyente.
Tinanggal ni Edwin ang suot na Oakley shades upang masilayan ng husto ang mukha ng katipan. Parehas lang naman sila, kanina pa niya ito
gustong-gustong makita.
“Hi.”, bati ni Edwin kay Claire.
Nag-alangan siyang tumabi sa dalaga. Alam ng tinyente na amoy pawis siya dahil sa maghapong gawain.
Hindi naman ibinaling ng dalaga ang pagkakatingin sa nobyo. Nakasubo na ang straw sa bibig nito subalit titig na titig pa rin siya dito.
Ang dalaga’y wala pa ring imik, at malapit nang matawa ang tinyente, nang mapansin ni Edwin na nakaangat na naman ang kaliwang kilay ng nobya.
Ang mukha nito’y hindi na naman makikitaan ng anumang bakas ng emosyon. Hungkag, at ito’y titig na titig sa kanya.
“patay”… pasimpleng bulong ng tinyente sa sarili.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan, at bakit ang layo mo? Dito ka, mataray na usal ni Claire, kasunod ng magkakasunod na mga tapik nito sa espasyo katabi ng kina-uupuan.
Gustong-gusto na talagang matawa ni Edwin, pero batid ng tinyente, may sumpong ang girlfriend. Hahayaan niya na lamang ito.
Tumayo si Edwin at umikot upang matabihan ang nagtatalak na kasintahan.
“Amoy araw ka.’, muli ay striktong sambit ng dalaga. Dito’y akmang di-distansiya si Edwin nang,
“Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang, saan ka na naman ba pupunta.”?
Walang magawa ang pinuno kundi mapakamot na lang sa ulo.
“Uhm… uhm… uhm…, magkakasunod na mahihinang bayo ni Claire sa dibdib ni Edwin.
“Nakakainis ka, nakakainis ka, nakakainis ka, kanina pa kita miss na miss, anong ginawa mo sa akin huhuhuhu, uhmmm.” isa pang bayo nito ke Edwin, hanggang tuluyang humagulgol ang dalaga.
Kinabig ni Edwin ang ulo ng katipan, pagkatapos masigurong walang malapit na tropa ay tuluyan itong niyakap.
“Sssshhhhh, tama na, andito na ako.” alo niya dito.
Totoong napaiyak si Claire, bahagya pa ngang yumuyugyog ang mga balikat nito.
“Sorry Edwin, miss na miss na miss lang kita.”, kalaunan ay wika din ng dalaga.
“Saan ka galing bakit ang dumi mo?”, ang dalaga makaraang mapansin ang mga bahid ng lupa sa uniporme ni Edwin.
“Shhhhhh, miss na miss din naman kita, kung alam mo lang. Tahan na okay?”
“Claire, wala naman na akong gagawin, bihis lang ako kain tayo sa baba, okey lang sa iyo ang ihaw-ihaw?”
Sa sinabi nang nobyo mabilis pa sa alas-kuwatrong nanumbalik ang aliwalas sa mukha ng dalaga.
“No Edwin, okey lang naman sa akin, hayaan mo lang ako ganun lang ako pag tinotopak, pero naiintindihan ko ang work mo, nasabihan na din ako ni kuya.
“If may gagawin ka pa it’s ok lang talaga Edwin. Huwag mo na lang papansinin ang mga tantrums ko.”
“Baba tayo mahal. Date tayo. Pasensiya na ha, nasa bundok tayo eh.”
Tuluyan nang sumigla si Claire sa narinig.
“Claire dala ka ng jacket mo ha, saka mag-pantalon ka, okey lang? Magmomotor lang tayo, mas presko.”
“Yes Sir.”, ang bibo nang tugon ni Claire sa nobyo.
“Sige na bihis na Edwin magpapalit na din ako.”, huling sambit nito kasunod ng pagtahak pabalik sa kubo ni Ireneo.
Pagkatapos makapagpalit at matext ang pinsan para magpaalam, ay dumiretso na ang dalaga pabalik ng PX. Doon ay hinintay niya ang katipan.
Hindi katagalan at iniluwa ng pintuan ng kubo ng CO ang nakasibilyan nang tinyente. Naka baseball cap, kupasin na pantalon, sandals, at t-shirt. Nakasabit sa balikat nito ang walang kamatayan niyang jacket.
Kanina pa pala ito nakipag-ugnayan kay Diaz sa plano kung kaya’t nakahanda na ang gagamiting motorsiklo. Nauna na ring nakababa ang isang squad na inatasan ng First Sergeant na titiyak sa “covert” na seguridad ng pinuno.
Mag-Aalas Singko ng hapon, dagsa ang tao sa Barrio lalo na sa gawi ng pamilihan.
Walang pagsidlan ang galak ni Claire, ito ang una nilang labas ni Edwin bilang magkasintahan. Simple, pero hindi niya ito malilimutan.
Sa isang tindahan ng mga inihaw na karneng-baboy, maagang naghapunan ang magsing-irog.
Pagkatapos makapag-bayad, akay-akay ang kasintahan, ay tinahak ni Edwin ang direksiyon patungo sa puwesto ni Manang Lita.
“Claire, gusto mo kantahan kita?”
Hindi na…