Batid ni Claire ang pagtatalo ng isip ng nobyo. Gamit ang likod ng kanang palad, pinasadahan niya ang mga bahid ng luha sa kanyang pisngi at dalawang mata.
Ipinunas ang kamay para mawala ang mga ito, at sa pamamagitan ng pinakamatamis na ngiting pwede niyang maigawad kay Edwin, gusto niyang walain ang pag-aalinlangan ng nobyo.
Siya na rin ang umabot sa mga batok ni Edwin upang gabayan ang mga labi ng nobyo pabalik sa kanya.
Tatlong magka-kasunod na dampi sa noo ng nobya ang iginawad ni Edwin bago muling siilin ng halik ang kasintahan.
“Napakaganda mo mahal ko.”, ang pinuno.
Ang kaliwang kamay at braso ng tinyente ay nagsimulang tumukod, habang ang kanan nito ay gumabay sa kanyang kahindigan.
Dahan-dahan, at sa pinakabanayad na mga galaw, ibinaba niya ang gawing balakang.
Mulingi ihinagod ng tinyente ang mala-bakal sa tigas na pagkalalaki sa bukana ng kaselanan ni Claire. Tatlo, apat, limang beses, bago niya tuluyang iposisyon sa puntiryang lagusan.
Sinadya niyang binasa ang ulo mula sa natural na dagta ng nobya.
“Uhmmmhmpppp…”, nag-simulang daing ni Claire, ramdam niya ang nobyo, ang kahindigan nito, at ang tila ba paghawi ng ulo nito sa kanyang kasikipan.
Kasunod nito ang pagkatok ng sandata ng tinyente sa manipis na laman, ang huling depensa ng puri ni Claire.
Mas masasaktan ang kasintahan kung da-dahan-dahanin niya, alam ito ni Edwin.
“Tsssupp”, punum-puno nang pagsuyong halik ng tinyente sa noo ni Claire, at sa tulong ng normal na bigat ng katawan, kasunod nang isang napakadiin na ulos,
“uuuuugggghhhhh..”, igtad, ng dalaga, nang ang mga katawan nila ay tuluyang naghugpong, naging-isa.
Kulang ang sinasakal para ilarawan ang pakiramdam ni Edwin sa kanyang pagkalalaki. Sobra sa kalahati ang nagawa niyang ipasok kay Claire, at tila pinipiga ito.
Sobrang sikip ng nobya.
Hindi maitatago ng kahit anong tamis na ngiti ni Claire ang nadarama nitong sakit. Patunay ang mga binti at hita niya, damang-dama ni Edwin, nanginginig ang mga ito.
Ang kanyang pinaka -ini-ingat-ingatang puri, kahit pa madalas, siya ay nahuhusgahan dahil sa kanyang likas na pagiging “carefree”, na ilang beses tinangkang pitasin ng mga nagdaang katipan, subalit ipinangako ni Claire na ipagkakaloob lamang sa lalaking karapat-dapat, sa lalaking magiging kahati ng kanyang puso, wala na.
Hindi na siya birhen.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Mayroon ba siyang nadaramang pagsisisi?
Ang mukha ng nobyong kakikitaan ng pag-alala para sa kanya ang sasagot dito.
Wala….
“Move Lieutenant.”, pumukol pa nga ang dalaga ng biro sa nobyo.
Si Edwin, muling pinagtu-unan ng pansin ang didbdib ng nobya. Sinakop ng palad ang isa, ang katirikan naman ng isa’y binalikan ng dulo ng kanyang dila.
“Clairee, haahhhhh.”
Kung ibang babae lang ang kanyang kaniig, kanina pa ito hinarabas, binarurot, at binayo nang husto ni Edwin.
Pero kapiling niya ang babaeng bumihag sa kanyang isip, sa kanyang puso, ang babaeng sinisinta.
Kahit hindi na siya bumayo, ang luwalhating hatid ng napakasikip na pagkababae ni Claire, ang sensasyong dala ng pagkakakulapol ng malambot na laman ng pagkababae nito sa bandang leeg ng kanyang sandata, ay sapat na sapat na upang dalhin siya sa rurok. Ayaw niya ring masaktan nang husto ang sinisinta sa unang karanasan nito.
“Claire, sorry lalabasan ako.”, kasunod ito’y ngiti at tango ni Claire, at ang paghugot niya sa pagkalalaki, makaraa’y ang pagsumpit ng kanyang katas sa bandang taas ng puson ng katipan.
“Ahhhhh, puta, ahhhhhh.”, mga katagang gustong-gusto niyang bitawan, subalit alam niyang hindi puwedeng marinig ng nobya, at baka kung ano ang isipin nito sa kanya.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang grupo ng mga patak ng kanyang dagta ang nagkalat sa bandang pagitan ng puson at tiyan ni Claire.
At bago pa ito makadama ng panlalagkit, inabot ni Edwin ang hinubad na boxer’s upang ipunas sana.
Pero naunahan siya ni Claire. Nasa giliran lamang nila ang nahubad na panloob nito.
“Claire huwag iyan, wala ka ng isusuot.”, may pag-aalala pa rin sa tono ng tinyente.
“I’ts okay, hindi ko din naman ito masusuot muna eh, I guess, ngayong night lang naman.”
“Medyo masakit.”, si Claire.
Inabot ni Edwin ang mga damit ng dalaga, kapagdaka’y tumayo upang siya naman ang makapagbihis.
Sa kanyang pagtalikod, ay sa kanya nakatingin si Claire. Nakatagilid ito sa kanan, nakabaluktot, at nakaunan ang mukha sa pinagsiklop na mga kamay.
“Edwin”, tawag ni Claire sa kanya, tinatapik-tapik nito ang kutson, gusto siyang patabihin ng nobya.
Hindi pa man tuluyang lumalapat angkatwan niya sa higaan, sinalubong siya ng yakap nito.
Muli niyang dinama ang kalambutan ng kaliwang pisngi ng katipan, sunod ay ang pagpasada ng kanang kamay sa noo ni Claire, bago gawaran ng mga banayad na halik ni Edwin ang mga labi, ilong, at noo ng dalaga.
by: elmergomopas
“I-off ko na ang ilaw?”, ang pinuno
“No hihihi, no wait lang, may tinitingnan ako.” si Claire, kanina pa pala nito sinisipat ang kabuuan ng bunkers ni Edwin.
Simple lamang pero maayos ito. May maliit na study table. Sa dingding ay nakapaskil ang mapa ng “area” ng Alpha Company.
Napansin din ni Claire ang “gaming console’ na nakakabit sa maliit na “flat screen TV” ni Edwin.
“Nagvivideo games ka pala Edwin hihihi.”
Lalo tuloy naging misteryoso ang nobyo sa kanya. Unti-unti, nakikilala niya na ito.
Sa maliit na istante kung saan nakapatong ang mga “toiletries” ng nobyo, doon niya nakumpirma ang pagkakapareho nila sa tipo sa mga pabango.
Calvin Klein, Armani, Bulgari, at Dolce n Gabbana.
Ngayon, may idea na ang dalaga kung ano ang puwedeng iregalo sa nobyo.
“Edwin, bakit may Play Station ka, saka anong mga games mo?”
“Ah iyan, ano yan ah pampawala ng gripes.”
“Gripes?”, ang dalaga, kumunot ang noo nito.
“Pampatanggal stress,.. at ang games ko? HENTAI, H-E-N-T-A-I.“, ang tinyente
“Google mo.”, dagdag ni Edwin.
“Puro ka naman kalokohan eh, ang dalaga, nang mapagtantong nadenggoy na naman siya ng kapilyuhan ng nobyo matapos i search ang sinabi nito.
“Yakkkkkkkkk”, kasunod ang mga impit na mga hagikgik ni Claire sa mga imaheng nagsilabasan sa screen ng kanyang cellular phone.
“Pag down ako, galit, o masama ang loob, diyan ko ibinubuhos. Dalawa lang naman ang games ko, NBA 2K, at Call of Duty lang naman.
“Hindi din kasi ako masyadong marunong mag-basketball, isa pa table tennis ang laro ko, kaya, ayan, ayun na lang.”, nguso nito sa PS Console.
Nakumpirma naman ito lahat ng dalaga matapos makita sa “interne”t ang mga binanggit na video games ng nobyo.
“Huuuu-huuuummmmmmmnnn”, nagsimulang hikab ni Claire.
“Tulog na Claire, sige na mahal.”
“Edwin” nang muli ay pukaw ni Claire sa nobyo..
Nakanguso ito sa maliit na bag na may markang pulang krus, nakasabit sa dingding, katabi ng M4 Carbine ng tinyente.
“MED KIT“, ang mababasang nakatatak sa bag.
“May antibiotic at pain reliever bang laman yan?” may pagkaseryosong banggit ni Claire.
“Hihhihihi, medyo masakit kasi ang ano ko, ang laki-laki kasi ng sa iyo bwisit ka.”, humahagikgik na turan ng dalaga.
Agad itong inabot ng tinyente, at dinaanan ang pakete ng “baby wipes” sa kanyang mesa. Kumuha din siya ng isa sa stock na mineral water at inabot ang pamunas, tubig at mga gamot sa dalaga.
“Claire tayo ka muna palitan ko muna bed sheet, kasunod ang nguso nito sa ga-singkong bahid ng sariwang dugo sa kobre-kama.
by: elmergomopas
Mag-a Alas-Onse na nang gabi, nakatalikod ang dalaga sa ka…