Ang Pinuno Diez

Ang Itinatago

Nang makakuha ng ritmo, ay mistulang piston na umulos ang tinyente pataas, habang pinipigilan ang balakang ng kapareha sa pagkilos.
Walang magawa si joy kundi salubungin na lamang ng puke ang rapidong mga bayo ni Edwin.
“Putangina mooooh talaga don’t stop Edwin, please don’t stop fuk fuckkkkkkk ka Edddddddd…
Halos puti na lamang ang makikita sa mga mata ni joy sa tinatamasang sarap.
Ramdam na ramdam naman ni Edwin ang pagsikip ng puwerta nito, patunay na narating na naman nito ang rurok.

Alas diyes ng umaga, wala na ring balak bumalik sa pagtulog ang pinuno.

Wala rin pang abiso ang batalyon kung may paparating na operation. Isa pa’y nagkataong ginugunita ang ikasampung anibersaryo ng battalion at nakalaan ang buong lingo upang ipagdiwang ito.

Pumasok na muna ang tinyente sa kanyang kubo. Mabilisang naligo, kapagdaka’y sinipat ang salansan ng mga damit sa hindi pa nagagalaw na duffle bag.

Faded dark gray na denim jacket, isang beige lee shirt, at lee din na tattered denim shorts. Pinaresan niya ito ng kanyang paboritong birks sandal. Arizona Birko-Flor blue. Bago tuluyang ikandado ang kubo, hinablot nito ang nakasabit na itim na levi’s na sombrero.

Saktong sa paglabas ni Edwin ay namataan nito ang first sergeant.

“Chris,……. “First.”

Tumatakbong lumapit sa kanya si Diaz.

“Baba muna ako wala pa naman gagawin, kailan nga ulit iyong laro ng tropa sa basketball First?”

“Kahapon Sir, talo hehehe. Sa makalawa ulit Sir, double elimination scheme Sir.”

“Eh di pag talo ulit laglag na?”, ang pinuno.
Ngisi lamang ang naging tugo ng kausap.

“Sir, siya nga pala, mayroong Battalion Got Talent hehehe.”

“Oh, anong plano First?”
Hanap na lang tayo ng private diyanSsir, mayroon naman sigurong marunong kumanta diyan.”

“Iyon na iyon Chris, iyon ang plano mo?”, di maitago ang pagkairita ng C O na agad natunugan ng First Sergeant.

“Hindi puwede sa akin yan Chris ha, iyang “puwede na attitude” na yan.”
“Yes Sir.”, nakatungo ang ulong tugon ng First Sergeant dala ng bahagyang pagkapahiya.
“Sge pag-usapan natin, pahiram muna ng motor Chris, iyong may clutch kung meron.”

Agad namang tumalima ang kausap, ilang saglit pa’y kasabay na nito ang isang tropang akay-akay ang isang bagong itim na Honda CRF 150 na motor.

“Sir hindi ka ba papa-escort sa tropa?”, muli si Diaz
“Barangay lang naman ako”, ang pinuno pero may kasama itong pag subok. Sa isip nito’y “Subukan natin ang Operational Security Awareness mo First.”

Sa sentro ng San Vicente, maalikabok ang kapaligiran gawa ng kakaarangkada lamang na mini-bus, ang bukod tanging biyahe patungong kabisera.

Maaliwas ang umagang iyon, mainit, subalit hindi maalinsangan.

“Hindi uulan.’, si Edwin pagkatapos i-check ang barometric pressure at compass sa kanyang G Shock Gravity Master na relo.

Kinapa niya ang cellular phone, at tumawag.

“oh bakit”, boses sa kabilang linya.
“wala lang, miss lang kita busy ka ba, nandito ako sa sentro ngayon.”
“Miss? Miss mo mukha mo, tawagan mo si Claire hoy, mapapansin ang bahid ng selos sa boses ng nasa kabilang linya, si Joy.

“Kaya nga ikaw ang tinawagan ko eh?”
“Andito pa kami sa bayan pauwi pa lang kami.”, si Joy
“Okay antayin kita miss ganda”, at tuluyang tinapos nito ang tawag.

Tumuloy si Edwin sa isang tindahang may videoke. Bilihan ito ng sari-saring gulay, isda, karneng baboy, karneng manok, at mga rekado.
Sinipat niya ang loob ng tindahan. Mayroon itong apat na set ng parisukat na lamesa at mga upuan. Sa bandang kanang dulo ay isang partisyong natatabingan ng kurtina.

“Ayos me CR, perfect”, sa galak ay medyo napangisi ito.

Tapos na rin silang magkakilala ng may-ari.
Manang Lita, na sa tantiya niya ay nasa lagpas singkuwenta ang edad. Hindi sa panghuhusga ay alam niyang isa;t kalahating tsismosa si Manang Lita, isang tipikal na Marites.

“Ganda ng motor bagong bago. Bagong report ka sa CP noh, ngayon lang kasi kita nakita.”
“Opo, Edwin po pala, puwede po bang kumanta Manang?
“Lita iho, oo dalawampiso ang kanta, naku mag-isaka yata wala ka bang mga ka batch?”
“Ako lang po, sige ate pasok po ako ha papalit na lang po ng mamiso.”, sabay abot niya dito ng dalawang papel na singkuwentahin.

Walang ibang kostumer ang tindahan noong umagang iyon solong solo niya ang lugar. Hindi tuloy maiwasang maisip na naman niya si Claire.

“Iyon lang ba ang requirement mo. Guwapo? Iyon lang? Paano kung pogi nga gago naman?, sa isip ng tinyente.

“Ang babaw mo naman pala akala ko pa naman iba ka haha”, sa isip ng tinyente, malapit na nito maubos ang inorder na paunang botelya ng serbisa.

Naalala niya, hindi na naman pala siya naka pag-almusal, at wala pang maayos na tulog, kung kaya’t maaga na namang sumipa ang redhorse sa kanya.

Pasado Alas Onse na.

“Ding”. Tumunog ang kanyang cellphone.

“pabalik na kami saan ka”. Text ni Joy.

“Mga isang oras pa siguro.”, tantiya ni Edwin, bago magreplay.

“dito kina mannag Lita”

“Ding”, muling tunog ng kanyang cellphone.

“k”, ang maikling tugon ng katext.

Isinasaid niya ang laman ng unang botelya nang maulinigan niya ang pagpasok ng ibang kostumer ng tindahan.
Isang grupo ng kabataan, teen-agers sa tantiya niya.
“Mimi di naman kayo pumasok.”, si Manang lita, kausap ang isa sa mga babae.
Nakita niyang nagmano ito. “walang klase ma.”, ika nito, pagkatapos ay dumiretso sa videoke , naghulog ng barya at tumipa sa mga numero nito.

“Edwin anak ko yan si mimi.”, pagpapakilalala ni Lita sa anak nito.
Iginawi ng tinyente ang paningin ke Mimi at bahagyang tumango.

Pumailanlang ang introduction ng sikat na kanta.

Always Remember Us this way, Lady Gaga

“Uy mukhang magaling to ah”, si Edwin, sinabayan niya ang kumpas ng pagsisimula ng kanta.

four…. three… two.. one.

That Arizona Sky……..

at pasimple siyang natawa..

Okey ang boses, hindi nman off-key, subalit wala sa timing ang kumakanta.

“May mga tao nga talagang mahilig sa kanta pero walang hilig ang kanta sa kanila hehehehe.”

Likas kasi siyang mahilig kumanta, nasa dugo nila ang pagkahilig sa musika. Ang kanyang dalawang kapatid, mga pinsan, at ang kanyang yumaong ama, ay pawang mga tumutugtog at mga miyembro ng combo. Bahista ang kanyang tatay at isa ring back-up singer. Siya ay nahilig din sa gitara, rhythm guitar. At lingid sa kaalaman ng mga nakakilala sa kanya sa trabaho, maganda ang kanyang boses.

Walang magawa si Edwin kundi hintaying matapos ang kumakanta. Gusto na nga niyang agawin ang mikropono kung pwede lang.

Kung sabagay, nag-eenjoy lang naman ang grupo ni Mimi, patunay ang hiyawan at halakhakan sapagkat kung hindi nauuna sa kumpas ay nahuhuli ito sa timing at sa liriko.

Bago pa man ito tuluyang matapos, ipinasa nito ang mic sa kasamang lalaki.

Tumayo naman ito at tinungo ang makina, kasunod ang pag pindot upang tuluyang matigil ang di pa natatapos na musika.

Ang isa sa mga ito nagdesisyong magpatugtuog na lamang ng live performances. Halos Disco hits ang mga. Lalong naghiyawan ang magbabarkada, pakiramdam ng mga ito’y nasa dasa isang diskohan noong mga oras na iyon, hanggang sa maubos ang mga nireserba nilang mga kanta. Mabilis na tumakbo ang mg sandali.

” I would like to dedicate the next song to my love and mother-in–law.” ang kasama ni mimi na lalaki, malamang ay katipan niya ito.

“A popular and famous song from Chris Norman
Somehearts are Diamond, sumpay pa nito.

“Puta be sure ka ha”, si Edwin kasunod ang pagtungga sa basong puno ng serbesa.

At dumagundong ang bass ng intro ng sunod na kanta. Nakakaindak, sa katunayan nga’y sinabayan ito ng nagkakasiyahang grupo. Sa tila ba galawan ng isang macho dancer sa isang club ay nagsitayuan at nagsayawan ang mga ito.

four…. three… two.. one.

Open your heart, to all of those years
Baby you look through a rainbow of tears
You watch your dreams all fadin away
This time youre right oh
You make my day
Years may come,
Years may go
But still i want you and i want you to know….
Some hearts are diamonds

Hindi niya namamalayan, sumasabay na siya.

Nasa tono, nasa kumpas.

Isa lang naman ang puwede niyang ipintas. Masyadong maliit ang boses ng kumakanta kumpara sa baritonong boses ng orihinal na musika.

Parehas sila ng katipan ni Mimi, may halong pagkalamig ang magandang boses.
Pero sa pangkalahatan, o ikukumpara kay Mimi na naunang kumanta, ay okey na okey na ito.

Kasamang pumalakpak si Edwin nang matapos ang kanta.

“Sir ikaw naman, kanta ka Sir, at iniabot ng rupo sa kanya ang mikropono at song book na agad namang tinanggap ng tinyente.

Binuklat ni Edwin ang libro, kapagdakay tumayo.

Tinapik ng dalawang beses ang mic, “mike test”, sinubok ito, bago humimpapawid ang intro ng isang klasikal na original Pilipino Music. Napili niya ang kanta, hindi lang dahil maganda ito, higit ay akma kasi ang kanyang boses sa artist nito.

High School pa siya noong maging idolo niya ang banda.

Ang Rockstar at ang lead vocalist ng banda, si Paul Sapiera.

Ako pa rin kaya, ang iibigin mo,
Kung makakita ka ng higit sa isang katulad ko.
Hindi ako magbabago, tulad ng sinabi ko,
Ang pag-ibig ko’y para lamang, sa iisang puso.

Sana ay hindi lamang sa labi mo marirrinig,
Yan ay asahan mo pagkat ako’y tapat sa pag-ibig.

SABIHIN MONG LAGI

Sa simula pa lang ng kanta ay sabay sabay nang napadako ang tingin ng mga kabataan sa kanya. May isa pa nngang “napa-wow” sa lamig at ganda ng boses ni Edwin, at sa chorus nga’y tuluyan ng s…