Ang Pinuno Quince

First Base

“The best performer of tonight’s competiton will receive a Plaque of Recognition, with Cash Prize worth Ten Thousand Pesos. Ang premyo nga pala para sa kaalaman ng lahat ay dinagdagan ng ating butihing Division Commander ng Thirty Thousand. Ipinapaabot din ng ating Division Commander ang kanyang pagbati sa matagumpay na pagkadaos ng ating anibersaryo, at ang kanyang galak sa ipinamalas na talent ng atingmga sundalo.”

“Shortly, we will announce the winner, for the meantime, DANCE, DANCE, and DANCE for all, ang Master of Ceremony.”

Maingay na ang Combo sa Disco Hits at matao na ulit ang Dance Floor. Katatapos lamang ng Charlie Company, ang huling grupo.

Si Edwin, na kanina pa sigarilyong-sigarilyo ay pumasok muna ng opisina pagkatapos na pagkatapos niyang kumanta. Sa loob ay merong munting pahingahang nakalaan para sa Company Commander, sa pinuno.

Nagpasiya rin itong palitan ang kamiseta pagkatapos madama ang medyo paglamig ng likod nito dahil sa pagkakabasa ng pawis.

Kinapa niya ang pakete sa bulsa, at napamura nang malamang wala ng laman ang kaha.

“K Pop, skag natin, RCP…” text niya kay Ireneo.

“DING”
“Copy Sir, ang agarang tugon ng tropa.

Wala pang yatang limang segundo’y,

“Tok,tok,tok, Sir?

“Oh ang bilis ah, lumipad ka yata.”

Sa bukas na kaha ng Marlboro na inabot ni Ireneo, humugot ang tinyente ng isa, makaraa’y kinapa-kapa ang lighter sa kanyang bulsa.

“Ako na bayaw hehehehe”, alok ni Ireneo sa umaapoy nang panindi, dala ng pangangaya nito sa kanyang CO.

“Bayaw ha, mag-squat thrust ka diyan, balik na biro ni Edwin.

“Tsun”, agad namang bawi nito.

Hindi mailarawan ang tamis ng pagkakangiti ni Ireneo. Mas malapad pa yata ang mga ito sa ngiti ng mortal na kaaway ni Batman, si Joker.

“May nangyari noh?, ang pinuno.
Hindi na ito tinugon ni Ireneo, bagkus dalawang thumbs-up at ngisi ang sagot niya sa pinuno.

Ang tinyente, pagkatapos maunawaan ang lahat, kulang ang “masaya” para ilarawan ang kanyang nadarama.

Okay na, ang masungit, ang mataray na sinisinta, ay nagkagusto rin sa kanya sa wakas.

Kung nagkataong mag-isa lamang siya, baka magsisisigaw siya sa tuwa.

“Tok,tok, tok, muling mga ingay sa pintuan, at inilabas nito ang pigura ni Joy nang pagbuksan.

“Labas muna ako bayaw.”, ang alok ni Ireneo, kasama ang ngiting nakakaloko.

Inambahan naman ito ng batok ni Edwin. Sabay sabing “Ungas…” sa sundalo.

“Hoy anong ginagawa niyo dito kanina pa kayo nawawala ah, si Joy.
Nakapamewang pa ito, halatang me kunti nang tama sa mga nainom na serbesa. “San Mig Light”.

Mayat-maya, umupo ito sa foam, tinabihan si Edwin.

“Ikaw Edwin, huwag na huwag mo siyang paiiyakin naku makikita mo. Ako ang unang-unang magagalit pag saktan mo siya ha?

“Napakabait naman pala niya, mataray oo pero napakagalang na bata.”, mistulang nanay na sermon nito.

Mabuti na rin na naroroon si Ireneo, para marinig din nito ang mga sasabihin niya kay Joy, at ang tunay na katayuan nila ng dalaga, bilang respeto niya sa pagiging pinsan nito kay Claire.

“Joy, ikaw pa talaga ang gumawa ng paraan, salamat ha.”

“Okey lang iyon hoy, eh sa torpe mong iyan walang mangyayari kung hindi kami aalalay ni Bry eh, kasunod ng sulyap nito ke Brian.

Sa nadinig, masuyong niyakap ni Edwin ang dalaga.

“Salamat Joy, salamat talaga, akala ko kasi ano eh.”
“Sus, ano? Hahadlang ako? Sabi ko nga mas bagay kayo, isa pa mabuti sana kung hindi ko alam kung gaano siya nakatatak diyan sa isip mo eh, hihihi.”

Si Joy, dahil sa medyo malagihay na ito sa nainom, taklesa na ito, kasunod ng isang birong magpapahagalpak sa kanilang tatlo.

“Akalain mo, bwisit ka, kahit ako kasama mo, ahhhhh Claire Mahal, ahhhhhhhhhh Claire pa rin lumalabas diyan sa bibig mo, loko-loko” , kuntodo emosyon nitong lahad.

“Mas matanda ako sa inyo ha, at gusto kong kayo ang magkatuluyan, pwede niyo akong lapitan kung mayroon kayong hindi pagkakaintindihan.”

“Ano Tinyente, Apir?” Si Joy pa rin, kasunod ng High-Five nila ng pinuno.

Kasalukuyan na nilang tinatahak pabalik ang oval nang muling magwika si Joy.

“Dun na lang tayo sa may sampalok masyadong maingay doon sa mesa, wala din naman daw balak mag disco sina Rina, una na kayo doon tawagin ko lang sila.”

Dito’y may idea na pumasok sa utak ni Brian.

“Sir una ka na doon, kukunin ko lang ung case nung beer natin.”

Mga limang minuto siguro ang nakakalipas, kakasindi niya ng isang stick ng marlboro nang mapansin niya ang dalawang pigura, lalaki at babae.
Nang mapag-sino ang mga ito ay muling napamura ang tinyente,

“Putang-ina mo talaga Ireneo.”

Yakag ni Brian si Claire, at matapos ito maihatid ay agad nagwika,

“Sir nakalimutan ko iyong beer balik ako, kasunod ang karipas na takbo palayo.”

Muntikan niyang mahigop ang buong nakasubong sigarilyo, matapos mapahithit nang todo sa ginawa ni Ireneo. Dahil dito’y napaubo nang sunod- sunod ang pinuno.

“Edwin, okey ka lang?”

Mabuti at ito ang unang nagsalita, dahil kung hindi’y baka abutan na naman siya ng pagkapanis ng kanyang laway.

“Halika Claire maupo ka,., “
Agad naman tumalima ang dalaga. Tumabi pa talaga ito sa kanya.

Sa mga nalaman niya sa kanyang Ate Joy, at gabay mula sa kanyang pinsan, batid ni Claire na mananaig ang katahimikan kung di siya magsasalita. Dahil ang tinyente, ay isa’t-kalahating torpe.

“Bahala na, wala naman sigurong masama”, si Claire, sa loob ay usal nito.

“Edwin, nag-ismoke ka pala? Kawawa ang lungs mo..”

“Ha eh, patay”, bulong ng tinyente, kasunod ang pagpatay nito sa baga ng sigarilyo at pagpitik dito palayo.

“Hihihihi, naku okey lang naman sa akin iyan, ano lang naman iyong sa akin eh, hmmmmm ano nga ba,? Concern sa lungs mo hihihihihi..”

“Pero no worries, okey lang talaga sa akin kahit mag-smoke ka, okey?” mahabang sambit ng dalaga. Nakangiti rin ito.

“Hey hihihi magsalita ka naman grabe ka, hindi ka yata nag sho-shot,?

Napansin ni Edwin ang hawak na bote ng dalaga, San Mig Apple.

“Pero hanggang flavored beer lang ……,

Isang biglang dausdos ni Edwin palapit kay Claire ang pumutol sa sinasabi nito.

Sa pagkakadikit nila, kahit parehong nakapantalon, nagdantay ang kanilang mga hita.

Ang kaninang pananahimik, ay binawi ni Edwin, sa pamamagitan ng
pag-abot ng kanan niya sa kaliwang kamay ng dalaga.

Pinisil-pisil niya ito, at ramdam niya ang balik-pisil ni Claire sa kanyang palad.

“Ilan na nainom mo?, si Edwin, pagkatapos matahimik nang dalaga, medyo napatungo rin ang ulo nito.

“Dalawa lang.” kasunod nang pag-ngat ng mukha ng dalaga.

“TSUP”.

Isa itong banayad na halik, galling sa tinyente, lumapat sa noo ni Claire.

Walang reaksiyon galing sa dalaga, ay tuluyan itong niyakap ng tinyente, kung saan mistula din siyang nangumpisal sa sinisinta.

“Noong una pa lang kitang makita, gustong-gusto na kitang yakapin. Hindi ka na naalis sa isip ko.”

“Lagi ka dito.”, kasunod ng turo niya sa kanyang sentido.

“Walang sandaling hindi kita naiisip.”

“Noong inakala ko, na wala akong ka tsansa-tsansa sa iyo, ang sakit-sakit dito Claire” turo nito sa dibdib.

Ang dalaga, bagamat walang naging mga tugon, ang mga bisig nito’y tumahak, sa mga batok ng pinuno.

Tuluyan nang yumakap sa kanya ang sinisinta.

Napansin na lamang ng tinyente, parang may pumatak na mainit-init, sa bandang pagitan ng kanyang kanang leeg at balikat, kasunod nito’y mahihinang hikbi, mula sa kapareha.

“Edwin, huwag mo akong sasaktan ha”? Si Claire, umiiyak na pala ito.

Mula sa bulsa sa likod ng pantalon, dinukot nito ang baong ang panyo at agad pinunasanan ang mga luha ng katipan.

“Hihihihihi, maya’t-maya tawa na nito. Pareho tayo ng pabango? DG din pala ang gamit mo?

“Noong una pa’y minahal na kita, at hihintayin ko ang araw na sabihin mo rin sa akin yan, hindi kita mamadaliin, pero hayaan mong gawin ko ang bagay na noon pa ma’y gustong-gusto ko ng gawin sa iyo, magsimula noong tarayan mo ako.”

“Ano? Nakangiting tanong ni Claire.

“Ito, ang tinyente, kasunod ng siil ng halik sa mga labi ng sinisinta.

Nagsimula sa dampi, pabali- balik na dampi sa gitna, padako sa magkabilang gilid. Ang kaninang tikom na mga labi ni Claire, ay bahagyang bumukas, kung kaya’t ang mga banayad na halik ng tinyente’y dumiin, palipat-lipat na ang mga labi nito.

Napansin ni Edwin, bagamat tumutugon ang kapareha, ay hindi pa ito masyadong marunong humalik.

Ang tagal bago binitawan ni Edwin ang mga labi ni Claire. Kung hindi pa siya aawatin ng dalaga, ay wala siyang balak na bumitaw dito.

“Hihihihi”, tama na Edwin, tama na muna. Baka mabura na mga lips ko biro nito.

“Ikaw ha, tatahi-tahimik ka, kaya pala, sa iba ka pala mabilis ha.

“Andami mo na sigurong nakiss noh, halata eh hihihihi,.”

“Pero okey lang, basta from now ha, sa akin na lang kikiss yang mga lips na
yan ha? Ang tila pagtataray ni Claire.

“Mahal kita Claire..” ang nging tugon dito ng pinuno.

Hindi inaasahan ng tinyente, na sa gabi ring iyon, mariririnig niya ang mga katagang iyon, mga katagang tuluyang magdadala sa kanya sa ika-siyam na alapaap.

“Andito ka na Edwin”, kasunod nang paglapat ng kanang palad niya sa bandang puso.

“Cherish muna natin ito Edwin ha, anyway hindi naman na siguro masyado magtatagal, hmmmn, saka ikaw nakadepende kaya iyon sa iyo, sa mga ipapakita at ipaparamdam mo sa akin.”

“Pero kahit wala pa akong “i love you too”, BF na kita, and ako na ang GF mo ha. Isa pa naka kiss ka na, loko ka”, pagkaklaro ni claire sa estado nila ng tinyente.

“Basta mahal kita, sungit.”, ang tinyente.

At isa pang banayad na halik sa noo ang iginawad dito ng tinyente,makaraay hinaplos nito nang buong pagmamahal ang napakaamo at magandang mukha ng katipan.