Ang Pinuno Trece

Huli ka Balbon

Baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg..”

Tuloy-tuloy na buga ng Machine Gun ng mga rebeldeng Moro sa tropang nasa paanan ng burol, matapos itong sapilitang pasukin para sa inaakalang clearing na lamang sana na misyon. Isa itong Battalion Operation, at si Tinyente Santos ang naatasang magdala ng Weapons Platoon.

“Krssshhhhh, Horton to Echo 1, krssssssssshh, Horton to Echo 1, advance ako Sir mapipin-down na kami.”

“Echo 1 to Top Gun, Echo 1 to Top Gun”, tawag ng tinyente sa radio kay Captain Asuncion, ang Company Commander. Subalit walang tugon mula dito.

Alanganin ang kanilang posisyon, mababa, wala ring masyadong maasahang cover maliban sa iilang puno ng niyog.

“Echo 1 to Top Gun, permission to request for Close Air Support Over”.

“Krssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhh”, ang patuloy lamang na squelch ng PR77 Base Radio.

“Putang-inang iyan, sinabi na kasing alanganin, ayaw makinig sa rekomendasyon.”

Buong umagang pinulbos ng 105 Howitzer mula sa Artillery Battery ang burol na iyon. Sa unang salvo pa nga lang ng markings ng White Phosphorous round ay shoot na shoot na ito sa kampo ng MILF na kanilang target. Kanyang-kanyang pulasan ang mga rebeldeng Moro, pagkatapos silang ulanin ng mga bala ng kanyon. Paisa-isa naman silang pini pick-up ng mga nag-aabang na mga tropa. Pero mali sila. Inakala nilang tapos na ang labanan.

Bago pasukin, nagrekomenda si Edwin sa Commander ng Axis of Advance sa gagawing clearing, subalit hindi tinanggap ang kanyang suhestiyon.

Ang plano niya sana’y huwag dumaan ang tropa sa low grounds, basic naman ito kung tutuusin, subalit wala siyang magawa pagkatapos siyang barahin ng nakakataaas sa kanya.

“Pulbos na pulbos na nga eh, isa pa, pitik-pitikin lang tayo ng sniper ng mga iyan, ang Company Commander. May BARETT (50 caliber Sniper Rifle) yang mga yan baka nakakalimutan mo, anito.”

Walang pagsidlan ang mga mura ni Edwin para kay Asuncion nung mga sandaling iyon.

“Putang-ina mong bobo ka kasi, tapos ngayon hindi ka makapag-command, asar na turan na lamang ng pinuno.”

“Horton, advance ako, sumunod ka by bounce, ang giya niya sa nagpapasaklolong Platoon Leader.

Sa nakitang pag-abante ng Weapons Platoon, agad namang sinunggaban ni Lt. Tagbina ang nabakanteng puwesto nina Edwin, subalit…

“WWWWAAAAGAAMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM…”

Klarong-klarong sa mga mata ni Edwin ang napakaitim na pinaghalong usok, alikabok, at lupa. Wala na din siyang madinig maliban sa mga bagting sa magkabilaan niyang tainga.

Ang higit na nakakapanlumo, ay nasaksihan niya kung paano lumipad ang buong Fire Team na umabante, pagkatapos nilang halos salubungin ang isang round ng Rocket Propelled Grenade na pinakawalan ng kalaban.

“Ang tropa ko, ang tropa ko”, mangiyak-ngiyak, may kasamang panaghoy na usal ng Tinyente.

Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg,”…

Halos sampung segundong muling bira ng General Purpose Machine Gun ng mga MILF sa mga sundalong hindi na makagalaw.

Sa mga talsik sa kanyang mata ng mga lupang nabubungkal gawa ng tama ng mga tingga, at mga hiyaw at panaghoy ng mga tinamaaang kasama, tuluyang tumulo ang kanyang luha.

Tinanggal ng tinyenete ang suot na kevlar at kinuha ang litratong nakaipit dito. Sa gitna nang tahimik na pag-iyak, may ngiting gumuhit sa kanyang mga labi habang tinitingnan ang larawan.

Isa na lamang ang kanyang hinihintay, at ito ay ang pakiramdam ng tingga na tatama sa kanyang katawan.

“I love you Claire”, si Edwin, niyakap niya ang maliit na baong litrato ng sinisinta.

“Hindi naman pala masakit”, si Edwin.

Sa nanlalabo niyang paningin ay aninag pa rin niya ang masaganang dugo na bumubulwak mula sa sugat na natamo sa kanyang bandang dibdib.

Nagsimulang mahirapang huminga ang pinuno…
Nalulunod na siya, kailangan niya ng hangin.

“Huuuuuuuuuuuuuuumpppppppppphhhhhhhhh, haaaaaaaahhhhhh haaahhhhhhhhh hahhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Haaaah ahhhh , haaaahhhhhh, ahhhhhhhh…”

Halos malaglag siya sa kanyang papag matapos mapabalikwas.

“Putang-inang panaginip iyan bwisit”, sa pagitan ng malalalim na paghinga ay bulalas ng tinyente. Binangugot ang tinyente, hawak-hawak ang dibdib, kapa-kapa ang bahaging tinamaan sa kanyang panaginip, ay hindi na ulit siya nakabalik sa pagtulog.

Araw ng sabado. Sa utos ng Batalyon, hapon pa lamang ay nagsipanaog na lahat ng kompanya para sa nalalabing bahagi ng okasyon. Talagang pinaghandaan. Maayos at de-kalidad ang kinuhang serbisyo para sa pailaw at musika. Hindi rin daw basta-basta ang kinuhang banda ayon pa sa mga tropa. Dahil pala ito sa Guest of Honor and Speaker ng Batalyon, na walang-iba kundi ang Commander ng kanilang Division. Isa ito sa mga pumondo sa naturang pagtitipon, sapagkat sa parehong araw, ay ipinagdiriwang din pala ng Heneral at ng kanyang esposa ang anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib at pagmamahalan.

Mag-aalas Kuwatro na at Alas Sais ang nakatakdang simula ng programa. Nasa liaison ang tinyente kasama ang buong tropa ng Alpha. Hindi kalakihan ang espasyo, idagdag pa ang nagsidatingang pamilya ng mga tropa kaya’t nagsisiksikan ang mga ito sa opisina ng Alpha sa loob ng kampo ng Batalyon.

Pagdating na pagdating ni Edwin at Ireneo sa kampo ay agad nag-yaya ng tagay ang pinuno.

Total naman ay party ang kanilang dadaluhan ay planong magpakawal-wal ni Edwin kasama ang kanyang tropa. Hindi pa man lasing subalit halatang may tama na ang tinyente sa sipa ng pulang kabayo.

“Pssssssttttt..”, tipa niya sa kanyang cellphone, isang text message para sa inimbita niyang bisita.

“DING”, ilang saglit ay replay mula kay Joy.

“Miss mo na ako noh?”, saad sa replay ng dalaga.

“Ba’t antagal niyo, sinabi na kasing sabay na tayo kanina eh, ano sinakyan niyo ni Rina?”

Kulang-kulang mga bente minuto bago matanggap ni Edwin ang replay ni Joy.

“Edwin ayaw kami papasukin wala daw decal itong sasakyan hihihi, pakipuntahan kami dito sa gate”, si Joy.

Binaybay ng tinyente ang pasilyo palabas ng kampo. Nasa bandang likuran ang Rear Command Post ng Alpha Company kung kaya kailangan niyang dumaan sa pasilyo ng Bachelor Officer’s Quarters palabas, maliban na lamang kung dadaan siya sa kalagitnaan ng compound ng Battalion kung saan paroot- parito ang mga tropang okupado sa paghahakot ng mga lamesa at mga bangko.

Natanaw ni Edwin ang kumpolan ng mga kabataang babae, mga Senior High School sa tingin niya. Mga anak ng tropa, mga dependents na magkakabarkada. Sa grupo ay angat ang halakhak ng isang bading. Habang papalapit siya sa mga ito ay dinig niya ang mahihinang hagikgikan ng mga kabataan.

“Hala mga beshhhhieee, may pogi, ang pogi ni Sir hihihihihi, maya-maya ay naulinigan ni Edwin galing sa grupo.

Nilagpasan niya ang grupo subalit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang huling tinuran ng bakla pagkatapos itong bulungan ng isa sa mga dalagitang mukhang namumukhaan ang tinyente.

“Hala officer pala iyon? Ba’t mukhang bagets hihihihihi, ang pogi ayieeeeeeee…”, pahabol nito, bagay na bahagyang ikinahagalpak ng tinyente.

“Putang-inang yan, bakit kaya noon pa’y ang lakas ng dating ko sa mga bakla, pero hindi sa mga chicks?”, pailing-iling na sambit ng tinyente.

Sa labas ay agad siyang nakipag-usap sa guwardiya.

Sa kadahilanang magiging punuan ang parking space dahil nga sa hindi basta-basta ang kanilang magiging bisita, walang magawa si Edwin kundi sa labas na lamang iparada ang sasakyang dala-dala nina Joy at Rina. Kinuha niya ang susi mula sa mga ito at maayos na ipinarada ang sasakyan sa bandang giliran ng Guard Post.

“Bantayan mo iyan ha Sarge”, biro ni Edwin sa guwardiya, sabay kindat at abot dito ng isang kaha ng sigarilyo.

“Kopya Sir, salamat po Sir.”, nahihiya subalit nakangiti namang tugon ng tropa.

“Oh diba, ang lakas mo sa akin, may personal security pa talaga ang service mo, kiss ko?”, biro ni Edwin kay Joy, na bahagyang idinukwang ang nguso.

“Hoy lasing ka na naman ang aga-aga pa.”, irap dito ng dalaga. Paano ka kaakanta niyan?”, dugtong nito.

“Naku nagbago ang program wala na daw presentation, inuman na lang daw saka me live band naman na eh, pang-aasar naman ni Edwin sa dalaga.

Kita sa mukha ni Joy ang bahagyang pagkadismaya. At nagwika ito, “Subukan mo lang hindi kumanta Edwin hindi na kita kakausapin, ikaw lang ang pinunta-punta ko dito loko ka..”
Gustong matawa ng tinyente sa pagtatampo nito.

Ang ganda ni Joy. Tuwid na tuwid ang buhok nito. Halatang bagong ayos ng salon. Bumagay sa balingkinitan nitong katawan ang suot nitong payak na gray Abercrombie and Fitch na baby tee, na tinernuhan ng kupasin din na skinny jeans.

“Hoy lasing”, kasunod ng pagpilantik ng hinlalaki at hinlalato ng dalaga sa may bandang mukha ni Edwin.

Bahagya pala siyang natigilan sa kakamasid sa cute na cute na mukha ng dalaga.

Si Rina, sa mga sandaling iyon ay aliw na aliw at kinikilig sa magkapareha, ngiting-ngiti ito sa dalawa na mistulang magkasintahang naglalambingan.

“Sir Ed ang guwapo natin ngayon ah, goodbye long hair na Sir ha?
At bagong ahit hahahahaha, kantiyaw ni Rina ke Edwin.”

Kahapon ay nag pasya siyang ipaputol na ang may kahabaan na niyang buhok. Simpleng crew cut lamang ang estilo nito. Nagpasya na rin siyang ipaahit ang kanyang bigote at balbas, para nga sa nasabing okasyon.

Dinala na niya ang mga bisita sa loob kung saan naghihintay din si Ireneo kay Rina.

Nang makahanap ng pagkakataon ay inilayo ni Edwin sa umpukan ang kapareha. Sa bandang gilid, sa ilalim ng puno ng sampalok, kung saan may ginawa ang mga tropang payak na tambayan ay niyakag niya si Joy.

“Lasing ka naman na Ed nakakainis ka, .. ilang bote na ba ang naubos niyo, hindi pa nga nagsisimula ang program.” si Joy, ang tila sermon nito sa binata.

“Ssshhhhhhhhhhhhh'”, tinakpan niya ng daliri ang mga labi nito, at pinatahimik ng mga banayad na halik. Padampi-dampi ang kanyang mga labi sa ilong, babalik sa labi, sa balikat, sa collar bone, at sa tainga ng dalaga.

“Hihihi huwag diyan ayyyy hihihi.”, nakikiliting reaksiyon ni Joy.

“Hayan, mas lalo kang pumogi, ang linis-linis mo nang tignan hihihi.”

“Ganun ba talaga ako kapangit?”

“Pogi ka nga, magugustuhan ba kita kung chaka ka, aber?

Hahahaha. Eh nung mahaba kasi yang buhok mo para ka kasing si Tarzan eh hahaha.”

Batid ni Edwin na tuluyan na siyang malalasing kung tutungga pa siya kaya minarapat na lamang niyang magpahinga. Pinalipas nila ang oras. Dito’y nagkaroon ng masinsinan, maayos, at pormal na pag-uusap ang dalawa. Dito rin bahagyang nalaman ang ilang mahahalagang bagay sa buhay ng dalaga, at ganun din ang dalaga sa tinyente.

Sa kandungan ni Joy, ay nakaidlip ang tinyente. Alas-Siyete na, at tumutugtog na ang banda nang gisingin siya nito.

“Hihihi, hoy tinulugan mo na naman ako ang lakas mong humilik, ewwwwwwww hahahahahaha.”

Sinipat niya ang relos at bahagyang naalimpungatan nang mapagtantong anumang oras ay darating na ang bisita at kailangang ang lahat ng opisyal sa pagsalubong dito. Kailangan na niyang magbihis. Nagpaalam siya sa kapareha. Paalam na sinagot lamang ni joy ng bahgyang tango at matamis na ngiti.

“Mmmmmmmnmmmmmmnnn”, isang madiin at mapusok na halik sa labi ang iginawad ng tinyente bago iwanan ang dalaga. Madilim naman na at wala nang makakapansin sa kanila sa ibayong iyon ng kampo.

Nadala ang pinuno at hinagilap ng kamay nito, at pinisil-pisil ang isang dibdib ni Joy. Lumalim pa ang kanilang halikan, walang may planong bumitaw.

“Edwin, Edd, Edwiiiiin, oiiistttttt, maya-maya ay pigil na ng dalaga sa kapareha. Alis na malate ka” …

“Mamaya ka ha… sabay tayo uuwi, sakay na ako sa inyo ni Rina, tapos sasakyan kita dun sa kuwarto mo, tabi tayo, dun ako matutulog…”

Natawa ang dalaga, bahagya itong dumukwang at may ibinulong sa tinyente.

“Malas mo meron ako hahahaha…”

“Owsss, maniniwala lang ako kung makikita ko yan mamaya, to see is to believe.” si Edwin.

“Ewwwwww ka Edwin alis na, sinamahan na ng bahagyang tulak ni Joy ang tinyente.

Pasado alas-Otso na, ang mga Masters of Ceremonies ay pareho nang okupado sa entablado.

Magaling ang nakuha nilang banda. Ang dance floor ay punuan na ng mga tropa, mga pamilya, at mga bisita, lalo na ang mga kabataang umiindak sa kasalukuyang piyesang tinutugtog ng combo.

Fire Burning ni Sean Kingston.
Aliw na aliw ang lahat, nang pansamantalang putulin ng MC…