Ang Pinuno Tres

Ang bayaw na hilaw

“Puno iyong drum sa CR ninyo Sir, kung gusto niyo munang maligo”, si Diaz.

Maghahating gabi na nang sila’y mag hiwa hiwalay at ihatid siya ng First Sergeant, pagkatapos makapaghapunan, sa kanyang bunkers.

“Ok Salamat First, hindi pa tayo nakakapag usap nang mabuti, bukas First, 0700h, dito na lang tayo sa bunkers ko.

Kopya Sir, may instruction ka pa Sir?

“Wala na First.”

“Permission to leave Sir,” saludo at paalam ni Diaz.

Ibinalik niya ang saludo.

“Ah First, pigil ni Edwin sa patalikod na sanang First Sergeant.

“Iyong sabi mo kanina, na walang binatbat si Soberano, ang ibig mo palang sabihin may hawig siya kay Liza Soberano?”

Ang First Sergeant ay medyo napangiti, at agad na naintindihan na ang tinutukoy ng pinuno ay ang magandang si Claire.

“Hehehe.. Napansin ninyo na din Sir pala?” “Maganda sir eh no?”, nakangisi ay tiningnan siya nito, at parang hinihintay ang kanyang magiging tugon.

“Tangina umalis ka na nga First, biro niyang pagtataboy sa First Sergeant.

“Hahahahaha”, halakhak ni Diaz.

Muli ay nagpaalam ito sa tinyente, “Sige Sir, una na ako, good evening Sir, morning na pala Sir.

Imbes naman na ibalik niya ang saludo ng sarhento, ay isang thumbs up ang kanyang naging feedback, at pumasok na rin siya sa kanyang kubo.

Nagsepilyo…
Naghilamos…
nagpalit ng t-shirt at nag suot ng shorts…
kinabitan ng charger at isinaksak sa outlet ang kanina pang low bat na cell phone…

At siya’y humiga na.

“May kulang kulang pitong oras pa akong tulog, usal niya bago ipikit ang mga mata.

Ramdam niya ang hapo..

Tahimik na ang kampo, maliban sa huni ng mga kuliglig at iba pang kulisap sa paligid.
“Cicadas”

“CHIIIRP, CHIIIRP, CHIIIIRP, CHIIIRP…..”

Ang tanging ingay na maririnig sa bahaging iyon ng burol.

Napakasarap na sanang matulog, magpahinga.

Pero humigit kumulang kalahating oras na siyang pabiling biling sa kanyang higaan, ay wala siyang maramdamang pagbigat ng mga talukap..

“Bwisit di ako inaantok”..

Okupado ang kanyang isip..

Paano nga ba nama siya aantukin?

“Ang ganda ng mga mata nya, naniningkit pag nagtataray, nagingiti niyang sambit sa sarili.”

“At ang mga labi, ang sarap patahimikin ng halik pag nagsusungit.”

“Parang ke Toni Gonzaga iyong jawline niya, enhanced na bersiyon ni Liza, parang nakakabatang kapatid talaga ni Liza Soberano, mistulang ulol at tahimik niyang pagsasalarawan sa magandang mukha ng nakilalang si Claire.

“Animo’y timang na di mapakali, ay bumalikwas siya, dinampot ang kaha ng marlboro at lighter sa bandang ulunan.

“Mag a ala una na bwisit patuloy niyang atungal,” at siya ay nagsindi na lamang ng sigarilyo.

“Pampa kalma”, muli niyang usal.

Inabot ni Edwin ang naka charge na cell phone, binuhay ito, at muli’y tumungo sa kanyang paborito.

…”Playlist”

Tap… “Emo”
Tap… “Shuffle”

Dito lamang siya narerelaks habang sinasabayan niya ng hithit ng sigarilyo..

Isinalpak sa magkabilang tenga ang headset…

Tap… “Play”

“Instrumental…..”

At bago pa man magsimula ang leriko ng kanta, ay inunahan na niya ng tawa at tahimik na mura..

“Aba’y kaputa putahan talaga hahaha”, tahimik niyang tawa..

bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako
bakit kapag lumalapit ka kumakbog ang puso ko
bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
bakit kapag kausap kita, nauutal utal sayo
bakit kapag nandito ka nababliw ako
nababaliw sa tuwa ang puso ko

At sinabayan niya ang kanta…

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag asa ang puso
Sa isang sulyap mo….

“Para akong gago nito”.

“Parang high school na first time magka crush ah”,

May mga naging nobya na din naman ang tinyente. Si Grace, si Dette, at si Catherine o Katie. At pawa ding magaganda ang mga ito. Ang naunang dalawa ay mga naging kasintahan niya noong sibilyan pa siya.

Nag aral muna siya ng isang taon na engineering sa kolehiyo bago pumasok na sundalo. Si Catherine ang naging huli. Naging nobya niya ito nang halos tatlong taon habang siya ay nasa training hanggang sa siya’y magtapos at maging ganap na opisyal.

Hindi na siya bago sa pag ibig.

“Klikk.” Muli ay lagitik ng cricket na lighter.

“Imposibleng walang boyfriend iyong ganun kaganda.”
“Kung wala man, pihadong andaming manliligaw nun, at malamang mga hindi rin basta basta.”

At tila baga may gumuhit na lungkot sa dibdib ng pinuno.

Mukhang “Out of League” na siya Edwin,ang malungkot niyang nasambit sa sarili.

“Hindi ka papansinin ng gandang ganun”.

“Hu u ka dun”, ang tila ba patuloy niyang paalala sa sarili.

Inoff niya ang cell phone at nagpasya nang bumalik sa higaan.

Nang makarinig siya ng mga katok sa kanyang pintuan..

“Sir si Brian to”.

Tinungo ng tinyente at binuksan ang pinto ng kubo.

“Oh Bry, andito ka pa? Saka saan ka galing?”, magkasunod na tanong ni Edwin sa tropa pagkatapos itong papasukin.

“Sir hehehe, pasensiya na, pagbaba ko kanina Sir, napasubo pa ako ng inom doon hindi agad ako nakabalik”.

Halatang madami na ngang nainom ang sundalo.

“Oo nga eh bigla ka na lang nawala eh. Saka umaga na pahinga na tayo”.

“Eh sir, hehehe… Ano kasi Sir, tila nahihiya, at nagdadalawang isip si Ireneo.

“Nandiyan iyong mga “kaibigan” natin Sir kasi, isinama ko dito sa taas, taga gobyerno din sila Sir, ipapakilala sana kita.”

“Hindi na ba maipapagpabukas yan?”, seryosong sambit ng tinyente.

“Saka Sir si Claire kasi, hihingi din ako ng dispensa sa batang iyon, solong anak kasi iyon Sir kaya magaspang minsan ang ugali, natext ni Sgt Rimo sa akin iyong nangyari kanina Sir habang sa baba ako”,

“Mabait naman iyon Sir, na spoiled kasi. Kaya ganoon siguro minsan makitungo sa tao, Pasensiya na sir ha sa pinsan ko”. “Pag may sumpong, isip bata at maldita talaga iyon, Sir”.

“Claire na naman”…

Muli ay narinig niya ang pangalan ng dalagang kanina pa umookupa sa kanyang isip.

“Ba’t ba kasi siya ang naghatid nung sinampalukan kanina?”,
“Teka wag mong sabihing?”

“IKaw ba iyon?”, pagkukumpirma ng pinuno sa naisip na isi net up ni Brian ang kaninang pagsulpot ng pinsan sa PX.

Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawa.

“Eh Sir mahabang kwento baka abutan tayo ng formation”, biro ng sundalo..

Muling katahimikan…

“Sige Sir, bukas na lang,”, maya maya ay paalam na ni Ireneo.

Nakaisip naman ng tila ba magandang pagkakataon ang pinuno.

“Walang kaso iyon, pero teka lang Bry, hindi na rin ako makatulog, at saka may mga itatanong din sana ako tungkol sa pin…
eh tropa”.. muntikan niyang pagkakadulas…

“Mamaya, mamaya, relaks kasi”, paalala niya sa sarili sa naiisip na oportunidad na mapag uusapan nila ang magandang pinsan ng tropa.

“Maburn out ka pa sige ka”, sa isip na dagdag pa ni Edwin.

“Tawagin mo na nga lang iyong mga kaibigan mo, dito na lang tayo.

May kunting balkon ang bunkers ng opisyal. Payak na parang reception area sakaling may bisita o kakausapin ito.

Kasya naman siguro tayo dito, mungkahi ni Edwin sa pag aakalang mga lalaki ang mga dala nitong kasama.

Ok Sir, may beer pa na natira kanina, dalhin ko Sir?

“Sige, pampatulog, sleeping pills, di na rin naman na ako inaantok.”

Tumalikod ang sundalo at bumalik pagkalipas ng halos sampung minuto..

Kumunot ang noo ng tinyente nang mapagtantong hindi mga lalaki ang mga kaibigang sinasabi ng sundalo.

“Sir mga kaibigan natin sina Miss Rina at Miss Joy”.

“Gandang umaga. Kayo iyong taga government din? Pasok kayo mga Maam upo kayo”, magalang na pagtanggap ng opisyal sa mga bisita.

Yes Sir, DSWD. Kami iyong ipinadala ng Region para sa validation ng Conditional Cash Transfer or 4P’s beneficiaries. Two weeks na kami dito Sir, bale na kina Kapitan kami naka stay Sir, nag bo board pala Sir”, mahabang paliwanag ni Joy.

Pasikretong sinulyapan ni Edwin ang dako ng sundalo, hinuli ito sa mata at tiningnan ito nang matalim kung saan banaag ang ngising aso sa mukha nito.

“Putang ina ka Ireneo, iba na talaga ang guwapo”, naiiling na bulong ng tinyente.

“Teka lang ha at kuha lang kami ng ice pagpaapalam ni Edwin sa dalawang babaeng bisita, para makakuha ng pagkakataong makausap ang sundalo.

Lumabas at lumayo sa kubo ang pinuno at ang sundalo.

“Bry, bawal yan ha. Unang una kong polisiya, bawal ang babae dito sa taas.
Natahimik naman ang tila napahiyang si Ireneo.

“Pwede ang asawa. Legal ha, ibig sabihin kasal. Sila lamang ang pwedeng umakyat at bumisita dito. O kaya ay ang mga malalapit na kamag anak.”

“Pasensiya na Sir, hindi na mauulit Sir..

“Okey lang sige, siguro nakasanayan niyo na yan dito sa CP, pero maliwanag na tayo Bry ha?”

“Copy Sir, nakangiti na ulit na sagot ng sundalo.

“May nakakita ba sau maliban sa guwardiya doon sa Post?”

Negative Sir at madaling araw na, ihatid ko na lang sila…