Ang Probinsyana

© COPYRIGHT DISCLAIMER: This is an original work of dojacat97. Please do not try to copy, paste, or repost it here or any other sites/pages/social media accounts. Please do inform me if you happen to see my works on platforms of any kind. Thank you in advance.

Confession with little twists and spice on a rise from months ago…
Please enjoy…

by dojacat97

………………….

Hindi ko na halos marinig ang buhos ng ulan pagpasok ko sa bahay nila. Humakbang ako para makatuloy sa loob at nilingon ang Papa ni Dea. Sinarado niya ang double-wooden door nila at ‘di ko na talaga napigilang magsalita,

“P-Pasensya na po t-talaga, ‘di ko po kase m-macontact si Dea.” literal na naginginig ako dahil sa pinaghalong pawis at tubig ulan sa balat ko.

“It’s fine really… ahh Sabel, right?” kumpirma niya sakin kasabay ng nakakahalina niyang ngiti.

“A-Ahh o-opo..” sagot ko sabay iwas ng tingin. Hinimas ko na lang ang magkabilang braso ko sa intensyong mainitan. Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Tito Anton.

“Wait here..” nilagpasan niya ako at lumiko sa kanang hallway kung saan tanaw ko pa din dahil sa mga glass walls nila. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ang damo sa labas at kabilang parte ng bahay. Halos parang Japanese style pero may pagka modern ang disenyo nito.

Nilakbay lang ng mga mata ko ang sala nilang sobrang lawak at linis. Puro dim lights lang ang nakabukas at naka-aircon pa kahit umuulan na! Ibang-iba sa amin. Ngayon ko talaga napatunayan na ibang klase ang yaman nila Dea na dating naririnig ko lang sa mga blockmates ko.

Agad na bumalik ang Papa ni Dea at naglakad siya papunta sa akin.

“Sorry, this is the quickest thing I have here downstairs. Sobra ka na atang nilalamig.” sabi niya sabay patong ng coat sa likod ko. At ramdam ko ang init ng katawan niya dahil don.

“N-Nako ‘wag na po. Nakakahiya, aalis din naman po ako.” iiwas ko pa sana kaso nalagay na niya sa balikat ko.

“I really don’t mind, ‘di ko rin naman nagamit ‘yan because my schedule got cancelled.” nalanghap ko ang panlalaking pabango niya na ngayon ko lang naamoy sa buong buhay ko!

Pinantay niya sa balikat ko ang coat niya at umatras palayo sa akin.

“Ayy salamat po…” ani ko.

Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Walang kapintasan. Pino ang mga kilos at halatang mayaman sa bawat galaw. May kinuha siya sa pader nila at tinutok iyon sa aircon. Narinig ko ang beep sound n’on, hudyat ng pagpatay nito.

“Upo ka muna, I suggest magpatila ka muna ng ulan. I’m not sure kung may bagyo ngayon but it looks like it. San ka nga ulit galing, iha?” tanong niya sabay halukipkip habang nakatayo sa kanan ko. Malapit sa sofa, ilang hakbang mula sa akin.

Napatuwid ako sa pagkaka-upo nang maalala kung ano nga bang pinunta ko dito. Ang report namin sa Foreign Trade subject!

“Ah, sa Quezon po. Kakamustahin ko lang po sana kay Dea kung ayos na yung report sa isang subject namin. Hindi ko po kasi siya matawagan kanina pang umaga kaya tumuloy na po ako dito. Baka po pwede ko siyang maka-usap?” desperado kong tugon.

Bukas na kase ang deadline n’on at wala akong gamit pang print o ano pa man kaya’t si Dea na lang ang nagpresinta dahil madali naman daw sakanya ‘yon.

“Province? That’s like three hours away! But, how do I say this?” gulat niyang sambit sa akin.

“She’s in Cebu right now. There’s an emergency with her grandparents so she flew there yesterday.” tuloy niya. At bakas sa tono niya ang awa para sa akin.

Bumagsak agad ang balikat ko sa balitang ‘yon. Pa’no na ang project ko? Namin? Strikto pa naman si Mrs. Jimenez!

“I suppose it’s urgent for you to show up here late while it’s raining?”

“Opo, bukas na po kase ang deadline ‘non e. Medyo strikto din po ang prof namin don, pano po kaya?” maluha-luha kong sambit.

“I can call Andrea for you, so you two can talk about it.” suhestiyon niya sa akin habang malamyang nakatitig sa mga mata ko.

“Naku, ok lang po ba? Sana po hindi abala sa inyo.” nahihiya kong sabi.

“Of course, of course. It’s no big deal. I’ll be right back.” paigurado niya sakin sabay punta ulit sa hallway kanina. Hula ko ay nandon ang opisina niya o di kaya’y kwarto?

Medyo gumaan naman ang loob ko kahit na aligaga pa din sa takot na hindi kami makapagpasa bukas. Nakadagdag din ng ginahawa yung coat na suot ko sa ginaw.

Tumayo ako agad nang makita ko si Tito Anton na paparating.

“Here, call her. She’ll answer that.” sabay abot niya sakin ng cellphone.

“Sige po, salamat po. Saglit lang po akong tatawag.”

“No, it’s okay. Take your time. I’ll just prepare something for you in the kitchen.” ani niya at tumalikod na papuntang kusina nila.

Tinawagan ko na si Dea gamit ang cellphone at naghintay sa pagsagot niya habang kagat-kagat ko ang hinlalaki ko sa antisipasyon. Nakasanayan ko na siguro at ika nga ng iba, mannerism. Naramdaman ko na nakatitig sa akin ang Papa ni Dea kaya napapalingon din ako paminsan-minsan.

Nagring pa ito ng ilang minuto bago sumagot ang kabilang linya.

“What is it, dad?” tamad na sagot ni Dea.

“Dea!” sigaw ko.

“What?! Who’s this?!” gulat niyang tanong.

“Si Sabel ‘to. Yung proj-“

“Sabby? Is that you? Why are you calling from my dad’s phone? Did something happened?” sunod sunod niyang tanong sakin. Napalingon tuloy ako sa papa niya galing sa open kitchen nila.

“A-Ah wala n-naman. Yung project lang natin kay Mrs. Jimenez, nasan na? ‘Di kita matawagan kanina pang umaga e.” sagot ko habang sumusulyap sa kusina.

“Oh, Jesus! I thought-“

“Ano?”

“-whatever! Gosh, I forgot about that! My lola’s really sick so I have to go here sa mother’s side ko. Well anyway, it’s here in my laptop! I didn’t have the chance to print them out!” paliwanag niya sa akin.

“Naku, pano yon? Wala pa naman akong laptop?” gulantang kong sambit.

Napalingon ako sa kusina dahil lumapit sa akin ang Papa niya. Sumenyas ito na ibigay sa kanya ang phone.

“I’ve got an ide-” ‘di ko na nadinig pa ang sinabi ni Dea kase kinuha na sakin ng papa niya ang telepono.

“Here, eat this first.” sabi ni Tito Anton at inabot sa akin yung tatlong layer ng tinapay. Lumayo siya ng konti at pakiwari ko’y pinag-usapan nila ang sitwasyon ko. Bigla tuloy akong nagutom sandwich na ‘to. Mukhang mamahalin!

Sumulya ako ng isang beses kay Tito Anton at kita kong nakapameywang siya habang kausap si Dea gamit ang kanang kamay. Naramdaman niya siguro ang titig ko kaya sumenyas siya kainin ko na ang sandwich.

Kumagat ako ng isa.. dalawa.. tatlo.. sa sobrang gutom! Medyo malayo kase ang binyahe ko at wala naman akong budget pang meryenda. Bukod pa don hindi pa din ako naghahapunan. Habang ngumunguya, nabilaukan pa ko ng matindi!

“Here, have some water.” lapit sakin ni Tito Anton. ‘Di ko na napansin na tapos na ata silang magtawagan sa gutom ko.

“P-Pasensya na po, medyo nagutom lang.” samid kong sabi.

“Help yourself, I have some more in the kitchen if you want.” malumanay niyang alok sa akin.

“Naku hindi na po, ayos na ‘to” tanggi ko.

Inabot niya telepono sa akin para kausapin si Dea at umupo sa single sofa sa kanan ko.

“Sabby! My dad’s gonna take care of you there. I’ll send the file directly to him so you can print it out in his office na lang.” masaya niyang balita sa akin.

“Ganon ba? Sige, salamat Dea ah. Pasensya na nakaabala pa ko.”

“No! I’m sorry, really. Hindi kita nasabihan.” tanggi niya.

“Pero salamat talaga!” pilit ko.

“Yea, yea. You’re not others naman. I suggest you sleep there na lang kaya? Maybe in my room? Or our guest room? Marami naman kaming spare diyan and you could use my clothes! My dad says it’s storming out there! Mahirap na kung uuwi ka pa! Malayo ang province niyo! And it’s late already!” dire-diretso niyang sabi na punong-puno ng pag-aalala.

Humilig si Tito Anton sa kanyang mga binti at pinagsaklop ang mga daliri habang nakatitig sa akin.

“A-Ah nako nakakahiya. Uuwi na lang ako, Dea.” mahina kong sagot.

“What?! No! It’s a done deal. Sleep there, okay? Mabait yang si dad. He’ll take care of you. Babye na busy pa ko. Ciao!” madali niyang sabi at pinatayan na ko ng tawag.

“Dea? Dea?!” paulit-ulit ko pang sabi, baka sakaling mabago ko pa ang sitwasyon.

Binaba ko na ang telepono at bumaling na lang kay Tito Anton ng magsalita ito.

“So my daughter told me what you have to do, I’ll help you with it. And I agree with her. You can sleep here until the sun comes up. Mahirap na umuwi ngayon, seriously.” concern niyang sabi sa akin. Hindi rin nakatakas ang minsanang pagdaan ng mata niya at sulyap sa mga braso ko’t katawan.

Siguro naawa talaga siya sakin…

………………….

To be continued…
Let me know if you guys wanna know the whole story!

by dojacat97