Napamulat nalang ako sa di malamang dahilan, maliwanag na ang paligid napatingin nanaman ako sa orasan. Napahinga ako ng malamin nang malamang wala pang dalawang oras ang tulog ko, muli akong napatingin sa braso ko tulog padin ang taong pusa. Sinubukan ko muling kuhain ang tulog ko ngunit di na ito bumalik, napahinga nalang ako ng malalim at nagpasyang bumangon na. Napatingin muli ako sa natutulog na pusa sinubukan kong gumalaw pataas, dahan dahan lang ang hila ko sa katawan ko upang di ito magising. Nakasandal na ang ulo ko sa dingding nun, nakatukod na din ang mag siko ko sa kama onting hila pa malapit na ang braso nito sa pundya ng short ko. Unti unti kong inangat iyon muli dahan dahan akong gumalaw ng mapadiin ang sandal ko ng siko sa kama dahil sa hirap ng sitwasyon ko.
Nagising ito napatingala pa ang ulo nitong nakatingin sa akin. Nabitawan ko ang kamay nito dahilan para bumasak sa umbok ng harap ko, inamoy amoy ako nito. Eto nanaman tayo sa amuyan portion, bago pa may maisip itong gawin sakin dali dali akong bumangon sa kama. “UHHAAA” ungol ko habang nag uunat unat, napangiti ako ng maalala si jeremie. “Sakto” nasabi ko sa isip isip ko habang nag iimagine na kasama ko ito, “Meow” ungol ni jam na nagpatigil sa akin. “Good morning to you” sabi kong masaya sa taong pusa bago nagbihis ng pang jugging ko at lumabas.
Pasikat pa lang ang araw nun ng lumabas ako ng bahay, naglakad nalang ako papunta sa bahay nilia jeremie para di agad ako mapagod. Ayaw ko naman mapahiya muli sa kanya, nang matanaw ko na ang gate nila dun na akong nagsimulang mag jogging hangang makalapit ako sa gate nila, sarado pa ito kaya nilampasan ko ito ng medyo malayo na ako tumawid ako sa kabilang parte ng kalye at bumalik sa harap ng bahay nila medyo lumayo pa ako ng may makita akong batong upuan dun ako naupo habang nakatingin sa gate nila. Nagpasya akong mag antay ng trenta minutos pag di ito lumabas….. Dumadami na ang tao sa paligid sumilay nadin si haring araw. Parang mamaga na ang mata ko sa kakatingin sa gate nila “tsk mukhang wala sya” nasabi ko sa aking sarili. Nawalan na ako ng ganang magjugging, kani kanina lang excited pa ako ngayon tila nadrain na ang enerhiya ko, matamlay akong lumakad pabalik sa bahay.
Pagpasok ko sa loob si jam agad ang aking nakita, “Buti ka pa” nasabi ko sa taong pusa na nakaabang sa akin sa pinto. Nagpunta ako sa kama at muling nahiga, “Meow” soft voice na ungol nito kung kaya’t napatagilid ako ng higa paharap sa kanya. “Jam” tawag ko dito na agad ding naman lumapit sa akin, napapikit pa ito at lalo pang nilalapit ang leeg nito ng kilitiin ko sya sa leeg. Napaisip ako kung nasasakal ba ito sa nakalagay sa leeg nya, “Tsk ayaw matangal” nasabi ko ng sumubukan kong alisin iyon. “Waorrrrrrr” ungol nitong tila nasasaktan sa ginagawa ko, hinayaan ko nalang ito at binitawan na sya.
Nagising ako sa init na aking nararamdaman , “Shit” nasabi ko ng makita ang oras mag aala una na nang tangahali non, di ko namalayan nakatulog pala ako, mabilis akong bumangon at naligo may isang subject pa ako para sa araw na iyon kahit yun nalang ang pasukan ko, “Meow” ungol ni jam nung lumabas ako ng banyo, “Shit di ko pa sya napapakain” nasabi ko pagkabihis bumili ako ng onting ulam pagbalik ko nilagay ko ito sa mangkok at nilapag sa sahig”Siguro naman makakain nya yan” nasabi ko sa aking sarili bago ito iwan sa bahay.
“this is for today dismiss” sabi ng prof sa mag estudyante nito na agad ding nagsitayuan, sobrang gutom na ako kaya nagmadali akong papunta sa canteen. “Matt” tawag na narinig ko habang lakad takbong binabagtas ang hallway nainis ako kung sino man yon, napalingon ako ng mapatigil din. Patakbong lumapit si Jamaica sa akin, “Bakit di ka pumasok?” tanong nito, “Grrrppppp” tunog ng tyan ko nahiya tuloy ako sa kanya may mag napatingin pa sa amin. “Pasensya na” nasabi ko habang nagkakamot ng ulo, “Tara” yaya nito sa akin, sabay kaming nagtungo sa canteen.
“Bakit di ka pumasok?” ulit nitong tanong sa akin, “T…