Ang Swerte, Kinuha!

Happy New Year!!!

This is a work of fiction.

Arthur

Ako si Arthur, 26 taong gulang at walang trabaho. Dalawang taon na kaming mag asawa ni Jem. Si Jem naman ay housewife ngunit gusto na rin niya magkatrabaho. Pinipigilan ko lang dahil ayaw ko talaga syang papagtrabahuhin. Wala pa kaming anak sa kadahilanang wala pa rin akong makuhang trabaho mula nang maredundant ako sa aking trabaho bilang merchandiser sa isang sikat na department store 6 na buwan na ang nakakaraan. Kaya hanggang condoms muna ako noon, pero dahil wala ng pera ay withdrawal na lang muna.

Nasa kahuli-hulihang 200 piso na lang ang natitira sa bulsa ko. Nagsubmit ako ng application sa isang supermarket sa katabing bayan. Malapit na ako sa bahay nang naisipan kong bumili muna ng softdrinks sa tindahan. Di ko namalayan ay nakatitig na ako sa lotto outlet sa tapat ng tindahan. 135 milyong piso ang jackpot.

Nakakalulang halaga.

Para akong robot na dinala ng aking mga paa patawid sa outlet. Ang aking huling 200 pesos ay gagamitin kong pambili ng ticket. Di ito maatim ng konsensya ko, ngunit mas kailangan namin ng pera. Nang papalapit na ako sa cashier ay naunahan ako sa pila ni Mang Gabo, ang aking kapitbahay na retirado umanong pulis.

Mang Gabo: Lima nga sa 6/45, lucky pick.

Tinignan ako ni Mang Gabo at saka ito kumindat sa akin at napangisi. Ewan ko at biglang uminit ang aking ulo. Ilang beses na kasi niyang inaalok si Misis na mangutang sa kanya dahil tila alam nito na kasalukuyang hirap kami sa pera. Tumaya na ako ng lima rin, sa halagang 100 piso at nagmadali na sa bahay.

Sinalubong ako ng aking magandang maybahay. 25 anyos pa lamang si Jem at talaga namang dalagang-dalaga pa ang itsura niya. Malaki ang kanyang suso at matambok ang kanyang puwet, bagay na lubos kong pinanggigilan tuwing nagsesex kami. Maputi si Jem at alagang alaga ang kanyang kutis. Kaya nalulungkot ako dahil malapit nang maubos ang supply ng skin care ni Jem at wala na kaming pambili, maski pangkain ay mauubusan na.

Jem: Alam mo hon, pinuntahan ulit ako ni Mang Gabo kanina.

Ako: Ano na namang gusto niya? Pautangin ka daw?

Jem: Oo hon, kahit isa or dalawang buwan ko pa raw bayaran. Pero nakakatakot kasi ang itsura niya. Mukhang manyak. Kakaiba ang tingin niya sa akin.

Ako: Hayaan mo na lang siya hon. Hanggang tingin lang yun.

Jem: Pero kung di ka pa rin nakakahanap ng work, baka tuluyan na tayo mangutang sa kanya, siya lang naman kasi ang willing magpautang sa akin. Or maghahanap na talaga ako ng trabaho.

Ako: Sige, kung hindi pa rin ako natanggap sa inapplyan ko ngayon, humanap ka na.

Kinabukasan, nakaupo ako sa labas ng aming apartment at nakatitig sa mga numero ng lotto. Walang tumama ni-isa sa mga tinayaan ko. Ang tanging pag asa ko na lang ay makuha ako sa aking inapplyan. Ngunit kailangan na naming umutang dahil kapos na kami para sa susunod na mga araw. Doon ko napansin na may nakadungaw na mukha sa gate. Si Mang Gabo. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya.

Ako: Anong kailangan mo Mang Gabo?

Mang Gabo: Pwede mo ba ako papasukin? May sasabihin ako sayo na importante.

Pinapasok ko si Mang Gabo. Umupo ito sa tabi ko. May nilabas ito mula sa kanyang bulsa at pinakita sa akin.

Mang Gabo: Tignan mo ito.

Ito ang lotto ticket niya. Nanlaki ang aking mga mata. Tumama ang kanyang ticket! 135 milyong piso! Napa nganga ako.

Mang Gabo: Ano sa tingin mo, Art? Sayo dapat yan, kung di lang ako nauna sayo sa pila kahapon.

Bigla akong nanlambot. Tama nga naman. Akin dapat ang ticket na ito kung di niya lang ako inunahan sa pila. Umakyat ang dugo sa ulo ko. Wala akong masabi sa galit at panghihinayang. Gusto kong punitin ang ticket sa galit.

Mang Gabo: Ahh. Siguro hinayang na hinayang ka ano? Gusto mo na bang punitin yan? Hahaha

Aba ang matandang to, nang aasar na nga, nababasa pa ang nasa isip ko!

Mang Gabo: Pero bago mo punitin yan, tignan mo muna sa likod.

Tinignan ko ang likod. Walang pirma. Blanko.

Ako: Bakit di mo pa pinirmahan?

Mang Gabo: My boy, my boy! Di mo pa ba nagegets? Ibinibigay ko na yan sayo!

Biglang lumundag ang puso ko sa kanyang sinabi. Bakit kaya? Siguradong may kapalit ito.

Ako: Di nga? Seryoso ka ba?

Mang Gabo: Eto ballpen, pirmahan mo, now na!

Nanginginig ang aking kamay na kinuha ang ballpen. Di ko maisulat ng maayos ang pangalan ko at pirma.

Mang Gabo: Ano ka ba, dahan-dahan lang at baka magkamali ka ng maisulat dyan, jusko!

Matapos ang pinakamatagal na panahong naisulat ko ang aking pangalan ay napirmahan ko na ito.

Ako: Naku, salamat Mang Gabo, maraming maraming salamat talaga! Gusto mo ba bigyan kita ng 30 milyon? 40 milyon? Hati tayo?

Mang Gabo: Hindi, no need my boy. Bumili ka ng mansyon, mamahaling sasakyan, relo, kahit anung gusto mo.

Ako: Ahh sige, ibibili ko na lang ng bag ang asawa ko. Matagal na niyang gusto magkaroon ng bagong bag.

Mang Gabo: Ahh, yes, about that. No need.

Bigla akong nagtaka sa kanyang sinabi.

Ako: Umm, bakit naman po?

Mang Gabo: Pinirmahan mo yan, pero hindi mo pa ako tinatanong kung anong kapalit. Hehehe.

Syet! Oo nga. Naisahan ako ni tanda. Bigla akong…