Ang Tirador: Una

Alinmang larangan ng hanapbuhay, kung ikaw ay baguhan, makiramdam muna. Makibagay. Makisama.

Huwag magyayabang. Low profile lang. Sikaping matuto ng trabaho. Observe. Adapt.

You wait until you become.

Ganoon ako nagsimula. Isinasama sama lang sa mga lakad. Spotter nung una. Buntot lang ako pag may bibirahin kami. Reserba.

Madalas, dalawang motor. Dalawa sa una, ako lang sa pangalawa. Driver at hitter yung unang motor lagi. Nag-aabang naman ako sakaling may papalag o maghahabol.

Kung halimbawa eh spotted na yung lalaruin namin, lakad na kami. Didikitan lang ng motor, tutok—

BANG! BANG!

BANG!

Dalawa sa dibdib, isang finishing sa ulo. Malinis. Sibat na yung unang motor. Kunwari nakikiusyoso pa ako sa mga ganoon:

“Anyare? Sino yun? Tangina, tawag kayo ng pulis!”

Pero patingin tingin na ako kung may hahabol. Scram na rin ako kung wala. Opposite direction ang takbo ko.

Sisiw lang diba.

Trabaho lang amin. Walang personalan. Pasensyahan na lang.

Ilang taon, ganoon naging kalakaran. Yung kinikita ko, diretso sa mga anak ko. Sa ate ko pinapadala. Wala ng tanong tanong saan galing. Basta may pagkain sa hapag.

Ganun lang talaga gulong ng palad. Dati, nasa panig ka ng batas. Ngayon, ikaw naman ang salot sa lipunan. Dati, halos magpakamatay ka na sa bundok, kakarampot pa rin sahod. Ngayon, tatlong bala lang na putok, limang libo na.

Dati, ikaw ang iniputan sa ulo. Ngayon, ikaw naman kakantot ng misis ng iba. Gulong ng palad lang.

Ilang buwan na ako sa Maynila noong nakilala ko si Alicia. Kapitbahay sa inuupahan kong apartment.

Chinita. Medyo malaman. Ang laki ng suso. Matambok ang pwet. Matanda sakin ng limang taon. May dalawang anak na babae, edad 8 at 10. Halos kaedaran ng akin.

Sa opisina nagtatrabaho ang asawa. Kaya sa umaga ay laging wala. Madalas pa napapadala sa probinsya kaya hindi napipirmi sa bahay.

Patay malisya lang ako sa kanila noong una. Low profile lang ako. Di nagpapakilala. Tahimik lang. Tango at ngiti lang sa kanilang mag-asawa.

Isang araw, tanghali yun, kumatok si Alicia sa bahay. Nakikisuyo kung pwede raw ako magpalit ng ilaw sa banyo nila. Wala daw si mister.

Tatanggi sana ako. Pero tangina. Naka tshirt lang na pambahay si Alicia. Mukhang wala pang bra. Bakat ang kurbada. Nanunukso ang dibdib. Ambango. Punyeta. Tinigasan ako.

Napapayag ako. Pumasok ako sa kanila, pinalitan ang ilaw, nakimeryenda. Doon na kami nag usap. Pusang gala. Ang daldal nitong babaeng to.

Kesyo, wala daw maaasahan sa bahay. Lagi daw wala kasi mister. Gabi na ang uwi. Malaki nga daw ang inaabot, pero patay naman ang sex life. Gusto na daw sundan yung bunso, lalaki naman daw sana. Kaso tanggi lang si mister pag nangangalabit sya. Pakiramdam nya daw ang losyang nya na. Andaming kinekwento.

Punyeta. Nilalandi ba ko nito? O madaldal lang talaga? Sinakyan ko na lang at binola. Nakingiti. Nakikape. Nagpaalam na ako. Yung tatlong minutong pagpapalit ng ilaw, naging 30 minutong kwentuhan. At tigas na tigas ako buong panahong yun.

Mula noon, lagi na kami nag uusap. Lagi kong binobola. Sinasabayan ko ng landi at ngiti. Nagdadala na sya pagkain sa akin. Naging malapit ako sa mga anak. Nakikikumpare na rin sa asawa nya.

Dumating ang punto na may haplos na si Alicia pag nag uusap kami. Iba na hagikgik. Nakakademonyo.

Isang umaga noon, may trinabaho pa lang kami ng madaling araw, mainit init pa dugo ko pag-uwi ko. Hindi pa humuhupa adrenaline sa katawan.

Kumatok si Alicia, magbibigay ng almusal. Kinumusta ko. Putangina, bagong ligo. Ang bango. Nililibugan na ko.

Kakaalis l…