—————————————–
Nagising na lang ako bigla at naramdaman ko agad ang isang kamay ni Justin na naka yakap sa akin sa likod samantala naka talikod naman sa akin si Ozzy, hindi ko alam kung gising na rin siya pero si Justin naman ay malakas pa rin ang hilik. Dahan-dahan kong inalis ang kanyang kamay sa akin at bumangon ako sa kutson. Nag-orasyon na ako na ginagawa ko tuwing umaga sa CR pagkatapos ay nag-bihis na ako para umuwi. Habang sinusuot ko ang bra ko sa loob ng aking shirt, napa tingin ako kay Ozzy na gising na at naka titig sa akin.
“Uwi kana?” tanong niya sa akin
“Uh-uhmm.” Naka ngiting sagot ko sa kanya.
Lumayo ang tingin nya na may parang malalim na iniisip. Normal niya nang ginagawa simula na magkakilala kami noong 1st year. Gwapo at napaka-bait kaso may pagka-weirdo nga lang sya, hihi. Pero kahit ganyan siya maraming nagka-crush sa kanya sa Highschool, madaming nag-confess sa kanya pero sa kasamaang palad hindi siya interesado makipag relasyon, dagdag pa dito na mayaman ang pamilya ni Ozzy. Sa magulang niya ang buong apartment building na ito, na malapit lang sa school na pinapasokan namin dati noong Highschool.
“Uwi na ako. Byeee~”
Nag-wave lang ng kamay si Ozzy sa akin, samantala si Justin ay nakadapa at humihilik pa.
“Tuloy tayo kanila Jay, ah.” Paalala ko sa kanya.
Pero tumango lang siya.
“Mag-buhbye ka naman sa akin. Hihi.”
Nag-wave lang ule siya ng kamay.
“Suplado! *BEHHH* Badbye!” sabay sarado ng pinto.
—————————————–
Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko. Konektado ba ang patay na lalake na ito sa isang malaking aso na nakita ko kagabi? Dugoan ang bandang dibdib ng lalake at base sa mga sinasabi ng mga nag-uusisa dito, kinuha daw ang puso nito. Sinasabi din nila na bumalik nanaman daw ang mga kulto na gumagala-gala tuwing gabi at kumukuha ng mga laman loob ng tao. May naalala din ako ganitong kaso na nanyari sa kalapit na street, kinewento lang sa akin ito ng kaklase ko nong highschool, isang lalake din ang patay pero hindi lang kinuha ang puso nito, iniwan daw itong hati-hati ang katawan at binase nalang ng mga police sa suot na damit para malaman kung sino ang namatay.
*WOOF!* *WOOF!*
“Hoy, Sammy! Hihi. Sammy!” Narinig ko ang pamilyar na boses ng mahal ko. Si Emely.
Napalingon agad ako kung saan ako nang-galing kanina, lumapit sa akin si Sammy at agad ko naman hinimas ang ulo nito.
“Oh, Sammy? Ano ginagawa mo dito, ha? Ano ginagawa mo dito. Good boy. Good Boy.”
*Woof.*
“Hoy Rexley, hindi mo sinara yung gate natin! Nakalabas tuloy si Sammy!” may dalang tali si Emely at agad niya itong tinalian ang aming bunsong aso na si Sammy.
“Ay hindi ba? Haha, sorry. Good boy..”
“Anong meron?”
“Ah-ahhmmm.. May patay.”
“Ha?! Sino?”
“Hindi ko kilala.”
“ATE!!!” isa pang pamilayar na boses ang narinig namin.
Napalingon kaming dalawa at nakita namin si Olivia, na parehas pa rin ang suot kagabi.
“Uy, Olivia!” bati ni Emely.
“Hi!!! Good morning! Good morning! Nilalakad nyo ang aso nyo—Oh, bakit ang daming tao?” nagpalit bigla ng kwestiyon si Olivia nang mapansin niya ang mga nag-uusisa.
“May patay daw sabi ni Rexy.”
“Ay? Talaga? Tara, tingnan natin. Hihi.”
“Kayo nalang, okay na ako.” Agad naman ako tumanggi.
“Ganon? Tara, Mely.” Bakas sa mukha ang ilang ni Emely pero napilitan din ito. Binigay niya ang tali ni Sammy sa akin.
“Bahala kayo. Bibili lang ako asukal sa tindahan.” Pumunta kami ni Sammy sa malapit na tindahan.
Sinubokan ko tanongin ang tindera pero wala siyang nalalaman sa nangyari kagabi. Pinagmasdan ko sila Emely at Olivia na naglalakad papunta sa akin, bakas sa mukha nila ang libreng trauma na kanilang nakita.
“Ano?” tanong ko sa kanila
“Eeeeh. Grabe!”
“Sino kaya yun, kawawa naman.”
“Oo nga pala. Bibisitahin namin si Jay mamaya sa bahay nila. Tara punta tayo!”
“Sino-sinong tayo? Tanong ni Emely.
“Edi tayo nila Ozzy at Justin. Kakamustahin natin si Jay.”
Nilapit ni Olivia ang mukha niya sa amin at bumulong. “Baka daw kasi sinasapian si Jay.”
“Sino naman nag-sabi?” agad naman ako na curious at napatanong
“Uhmm.. Si Justin yung nagsabi nun, pero si Ozzy ang nagsabi na may kakaiba daw kay Jay kagabi.”
“Halaaaa.. Naku, ano oras naman tayo pupunta sa kanila?” alala ni Emely.
“Ay yun lang. Nakalimutan namin pag-usapan kung anong oras. Kita nalang tayo mamayang 1 sa apartment nila Ozzy.”
“Hahaha. Sige.”
“Teka-teka, kasama nyo si Justin sa apartment kagabi?”
“Oo. Uminom kami kaunti tapos naglaro ng PlayStation. Hihi.”
“Ows, weh? Di nga?”
“Gagu! Pa-yosi ka nalang dyan, oh!” bigla akong tinapik at sinigawan ni Olivia.
“Wala akong dalang pera.”
“Ngeeee! Asan sukli ng pinambili mo?”
“Sakto lang yun.”
“Hayyy. Oh sige, uwi na ako. Byeee! Bye doggy!”
“Byeeee! Ingat ka ah!”
“Thank you, Ate!”
Nang maka-alis na si Olivia, nagkaroon na ako ng pagkakataon ipakita sa kanya ang mga animong kalmot sa kalsada..
“Emely.”
“Hm? Ano yun.”
“May papakita ako sayo..”
—————————————–
Pasado ala-una, nasa apartment na kami ni Ozzy, at pagkatapos namin magpalitan ng impormasyon tungkol sa nakita namin kagabi.
“Ayyy.. Lalo na ako kinakalibotan.” Hayag ni Emely. Takot ang naging reaksyon niya kaninang umaga nang pinakompirma ko sa kanya ang nakita ko kanina.
“Tang ina. May sumpa na ata ang street nato’.” Sabi ni Olivia.
“Espiritu na bumabalot kay Jay, at ang Taong Lobo na nakita ko kagabi… Hindi kaya konektado yun, Ozzy?”
“Kung yan ang kaso. Posible si Jay ang Taong Lobo.”
“Hala!”
“Ayyyy!”
“Tsaka tumalon ito sa bubong nila Aleng Pansit. Kung saan malapit sa bahay nila Jay.”
“At isa pa. Naramdaman ko rin ang espiritu na bumabalot kay Jay kagabi nong lumabas ako para bumili.” Dagdag ni Ozzy.
“Hoy! Sinasabi nyo ba na Werewolf si Jay?!” sigaw ni Emely.
“Hinala pa lang naman, Mely.” Katwiran ko.
“Yung bangkay doon sa may lote, di kaya kagagawan yun ni Jay— ah este ng Werewolf?”
“Olivia!”
“Sorry. Pero diba Ate nakita mo naman ang itsura ng bangkay, parang hindi tao ang pumatay sa kanya. Sobrang laki ng butas sa dibdib.”
“Ganunpaman, assume la–.”
*KNOCK* *KNOCK* *KNOCK*
*KNOCK* *KNOCK* *KNOCK*
“Baka si Justin na yan.” Hula ni Olivia
Tumayo si Olivia sa upuan at binuksan ang pinto.
“Mga tropa!!!”
“Ah—Ahhh.. Si-sino ka?” nagulat kaming lahat sa pamilyar na boses na narinig namin.
“Sabi sayo Justin, di nila ako makikilala eh.”
“J-Jay? Ikaw ba yan?” Jay?! Bigla kaming napatayo ni Emely at lumapit sa pinto.
“Oo. Hahaha..”
“Jay!!!” niyakap ni Olivia ang matangkad na lalake
“Oh my.. Si Jay nga!!!” pagkatapos sumunod naman sa yakap si Emely.
“Hehehe. Inunahan ko na kayo, dumaan ako sa kanila tapos sinabi ko dadalaw tayo mamaya pero nasabi ko na nandito tayong lahat kaya sabi niya dito nalang tayo tumambay.” Kwento ni Justin.
“Bakit ganyan na ang katawan mo Jay? Mukha ka ng atleta bigla ah.” tanong ko sa kanya.
“Haha.. Ka-Kaya nga eh. Hehe.. Hindi ko alam baka nag-mamature na din yung katawan ko kaya ako biglang tumangkad. Ahahaha!”
“Ang sarap mo na bigla Jay, ah. Pwede ba kita tikman?” biro ni Olivia
“Hoy wag mo nga siyang ganyanin. Good boy yan si Jay!” singit ni Justin.
“Suuuuus! Selos ka lang eh! *BEH* Pero siyempre joke lang yun, Jay. Hihi.”
“Hahaha.. Okay lang Olivia, kahit nga ako parang na-iinlab na rin sa sarili ko hahaha!”
“Hihihi. Gago! Ay grabe ang tigas.. Hihi!” agad niyang sinabi nang pabiro pagkatapos mahampas ang braso ni Jay.
Hindi ko alam kung wala kaming masabi sa pagbabago ng katawan ni Jay o nangangamba lang kami na totoo nga ang kutob namin. Bakas sa mukha ni Emely ang pag-aalala samantala si Ozzy naman ay titig na titig ang kanyang mata kay Jay. Si Jay nga ba talaga Ang Werewolf ng Atis Street?
—————————————–
April 30, 1999 11:49PM
“Haaa.. Haaa…” Na-Nasaan ako? !!!
Napakataas ng mulat ng mata ni Jay nang makita niya ang bangkay na naka bulagta sa kanyang harap. Butas ang dibdib nito at pawang kinuha ang puso.
Inaasahan ni Jay na takot ang mararamdaman niya ngunit wala siyang maramdaman kahit konting sindak man lang, dahil alam ng isa pang sarili niya na siya ang may kagagawan nito o at least ang mortal na katawan niya ang ginamit para lunokin ang kaluluwa ng pinaslang na tao sa kanyang harapan. Dagdag pa dito, naiwan sa damit at kamay niya ang mga dugo na sumirit sa kanyang biktima habang nasa anyong lobo. At kahit na bumalik sa katawang tao ay suot pa rin niya kung ano ang huli niyang kasuotan bago lumundag ng kanilang balkonahe.
Ilang saglit pa nang matapos niya pag-matsagaan ang kapaligiran, alam niya agad na nasa Atis Street pa rin siya. Bigla siyang kumaripas ng takbo ng mapagtanto niya ang sitwasyon niya ngayon. Tumakbo siya hindi dahil sa takot na nakapatay siya, tumakbo siya para di mahuli na pwedeng makakita sa kanya na balot pa ng dugo. Napaka tulin ng kanyang takbo, mas mabilis pa sa fast-break na ginagawa niya tuwing may laro noon sa kanilang Highsch…