Kahapon pa hindi makapagconcentrate sa klase si Angel. Nasa isip pa din niya ang hinihiling ng kanyang boyfriend na si Albert. Nagtatalo pa din kung pagbibigyan na niya ito. Tutal, mahigit isang taon na din naman silang magkasintahan. Malapit na siyang makapagtapos ng high school. Enero ngayon at tatlong buwan na lang ay makakapagmartsa na siya sa entablado. Pero sa mga oras na iyon ay iba ang umuukilkil sa isip niya.Para siyang nakatingin sa kawalan ng mga oras na yun.
Biglang bumalik sa kanyang balintataw ang araw kung kelan sila nagkakilala ni Albert.
Kasalukuyan siyang nag-aabang noon ng jeep pauwi sa kanilang bahay. Katatapos lang ng klase niya noon na kung saan eh second year high school na siya. Hawak-hawak niya ang kanyang mga libro mg biglang may nakatabig sa kanyang braso. Nahulog ang mga hawak niyang libro. Nang aktong pupulutin na niya ang mga tumilapong gamit, isang malaking bulto ang kasabay na yumuko.
“Miss sorry, nagmamadali kasi ako. pasensiya na talaga.”
“Okay lang. Di naman ako nasaktan. Salamat na din sa pagpulot.”
“Ako nga pala si Albert.”
“Ha? ah eh. ako si Angel.”
——
Hindi lubos maisip ni Angel na ang simpleng pangyayaring yun ang siyang magiging daan para mas makilala niya si Albert.
Niligawan siya neto at nakita naman ni Angel ang pagpupursige ng lalaki. Magkalayo man ang agwat ng kanilang edad, sa pagsapit ng kanyang ika-15 na kaarawan ay sinagot niya ang 26 na taong gulang na si Albert.
Tulad ng tipikal na magkarel…