Anino 10

This chapter ends with a rape scene. If you are not a fan of that, you may stop reading when you see this ### as you scroll.

Lunch break sa event na pinuntahan ni Daniel at ni Mrs. Mendoza. Lunes, at unang araw ng halos apat na araw na History Heist sa isang pamantasan sa Intramuros. Walang event para sa mga professors nang umagang yon, kaya’t si Daniel lang ang nasa venue at kasalukuyang kumakain sa isa sa mga mesa na nakahanda sa isang malaking bulwagan. Nakapaligid sa kanya ang ilan pang mga mesang puno ng mga estudyante na galing pa sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Tahimik lang si Daniel at wala sa loob na makipagkwentuhan sa iba. Abala ang isip nya kay Ella, hindi nya alam kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon. Ngunit higit pa doon ay okupado din ang kanyang isipan ng imahe ni Mrs. Mendoza na tila ba nananabik syang makita itong muli. Hindi kasi sila magkasamang natulog kagabi, katulad ng naunang usapan, nakitulog si Mrs. Mendoza sa isa nyang kaibigan na taga-Maynila. Pinili ng guro ang ganoong sistema kahit na may nangyayari naman sa kanila ni Daniel dahil ayaw nyang maghinala ang mga kapwa guro na maaaring makaalam na sa isang kwarto lang sila natutulog ng kanyang estudyante.

Maingay ang bulwagang pansamantalang ginawang canteen ng mga kasali sa event. Halos puno din naman ang mga mesa at iilan lang ang bakanteng upuan.

“Can I sit here?”, wika ng isang matandang lalake kay Daniel. Mahaba ang buhok nito na nakatali sa likod at may katabaan ang pangangatawan. Nakasuot ito ng polo-barong na kulay abo, at itim na pantalon ngunit naka-tsinelas at itim na medyas. Sa tantya ni Daniel ay nasa mahigit 60 anyos na ito, halata din naman sa kulubot nitong mukha at puting buhok.

“Sure po.”, wika ng binata.

Naupo sa harap nya ang matandang lalake. Tiningnan sya nito at agad na napansin ang suot nitong ID Lace. Dahil academic event ito ay required ang pagsusuot ng school ID ng bawat estudyante.

“Roberto Torres University?”, tanong ng matanda. Nagulat si Daniel dahil matanda mang tingnan ay malakas pa din ang boses nito. “Sa Santa Ana ba yan?”

“Opo.”, tipid ang sagot ni Daniel.

Napangiti ang matanda.

“Malamang ikaw yung panlaban ni Mariel, ano?”

Nagulat si Daniel dahil kilala ng matanda ang kanyang guro.

“Opo, sino po ba kayo?”

Uminom muna ng softdrinks ang matanda matapos sumubo ng kanin.

“Small world. I am Rocky, estudyante ko si Mariel sa Masters Degree nya.”, may ngiting sagot ng matanda.

“Ay sir, magandang araw po.”, hindi alam ni Daniel kung makikipagkwentuhan ba sya o ano.

“San si Mariel?”, tanong ng matanda.

“Hindi po yata pupunta ngayon kasi wala naman pong event for faculty.”

“Pero nandito sya sa Maynila?”

“Opo.”

“I see. So anong subject mo sya teacher?”, tanong ng matanda.

Tapos nang kumain si Daniel ngunit nahiya naman syang iwan ang professor.

“Sa Rizal po.”

“O, nakwento na ba nya ang love story ni Rizal at Leonor Rivera?”, may kahalong tawa na pang-aasar ang boses ni Sir Rocky. Tila ba nanunuya habang minumunlay ang ulam nyang manok bago ito ihalo sa kanin.

“Po?”

“Obsesyon ni Mariel yang lovestory ni Rizal at Leonor. Yan ang master’s thesis nya.”

Ngayon naisip ni Daniel na totoo pala ang sinabi ni Mrs. Mendoza sa kanya.

“Parang ang corny naman na thesis non sir?”, banat ni Daniel.

“Well, oo. But Mariel took it on a different level. Pinakita nya kung papaano nagbago si Rizal mula nang maghiwalay sila ni Leonor. Saka I think, Rizal and Leonor’s love story is significant until today. Alam mo ba na every Rizal Day, may nakahandang upuan para sa mga anak at apo ni Leonor sa mga seremonya sa Luneta?”

“Talaga po?”

“Yes. Totoo yon. Mariel knows everything about it.”

“Ano po ba nangyari kay Leonor?”, napatanong na lang si Daniel.

“Itanong mo kay Mariel.”, patawang sagot ni Sir Rocky. “But you know, she was Rizal’s first love and I believe the feeling is mutual. Mahal din ni Leonor si Rizal. Kaso when Rizal’s name was getting a lot of heat, yung mga magulang ni Leonor, hinadlangan na yung relationship nila. Yung nanay nya, si Si Silvestra Bauzon Rivera, hinarang yung mga sulat ni Rizal mula Europa.”

Nakatingin na lang si Daniel sa matandang propesor.

“So ilang taon din na nagsusulat si Rizal para kay Leonor pero hindi naman nakukuha kasi nga hinarang ng magulang. Until such time na sumuko na si Leonor at nagpakasal kay Charles Kipping, isang engineer na kasamang gumawa ng riles mula Maynila hanggang Dagupan.”

“Grabe, tragic po pala.”

“Sinabi mo pa.”, pagsang-ayon ng professor. “Pero hindi pa yon. Nung bago ikasal si Leonor kay Kipping, nakita nya yung mga itinagong letters ni Rizal. Sa sobrang lungkot nya, itinago nya yung iba sa isang lalagyan na may initials na ‘J’ at ‘L’. Tapos yung iba, sinunog nya, yung abo, inilagay nya sa wedding gown nya.”

“Parang pelikula po.”

“Well, oo. But you know, Rizal immortalized her love for Leonor. You know how?”, tanong ng professor.

“Pano po?”

“Si Leonor ang inspirasyon ni Rizal kay Maria Clara ng Noli Me Tangere. First love e.”, sabay tawa ni Sir Rocky.

“E ano po nangyari kay Rizal?”

“Ayon, sabi ni Mariel sa thesis nya, yon daw ang dahilan kaya naging babaero si Rizal.”, natawang muli ang matandang professor.

“Ganun po ba talaga?”

“Pwede, nasaktan kasi sya. Sabi nga nila pag nasaktan ka daw sa first love mo, mag-iiba ka daw talaga.”, wika ng professor habang umiiling.

Naisip ni Daniel si Ella at kung paano sya nasaktan ng malaman nya ang trabaho nito.

“Mukhang ganon nga po.”, napangiti si Daniel.

“Mukhang nakarelate ka bata.”, kulit ni Sir Rocky.

Hindi sumagot si Daniel.

“Kung nangyari man sayo yan bata, sana yung pagbabago na mangyari sayo ay para sa mas makabubuti. Change for the better ba. Wag change to be a man that one day you will not be proud of.”

“E bakit po si Rizal, naging babaero. Hindi naman po yon for the better.”

“Alam mo kung ano ang maganda sa pag-aaral ng history, bata?”

“Ano po?”

“You now have the knowledge to know what to do and the power to change the outcome.”

***
Unang nagkita si Danilo at Mariel sa Sta. Ana. Nasa parehas silang taon sa high school, 3rd year. Si Mariel ay nag-aaral sa pribadong paaralan sa kabilang bayan habang si Danilo ay sa pampublikong paaralan ng Sta. Ana.

Likas ang hilig ni Mariel sa pagsulat. Palibhasa’y nagiisang anak ng mayamang pamilya, mabilis itong nagsawa sa mga laruan noong kanyang kabataan. Ang kanyang pagkainip, dahil sya lang ang bata sa bahay ay idinaan nya sa pagbabasa ng mga libro. Dahil sa dami ng kanyang nabasa ay nahiligan nya ang pagsulat ng mga kwento kung saan nya ibinubuhos ang mga pangarap na magkaroon man lang ng kalaro o kausap na kaedad nya sa kanilang bahay. Habang lumalaki ay lalo syang nahilig magsulat. Naging madali sa kanya ang paghabi ng salita at paggawa ng mga tugma.

Paboritong libangan ni Mariel ang pagtambay sa kampanaryo ng simbahan ng Sta. Ana kung saan nya tanaw ang mga bukirin, ang bundok at ang ilog. Dito sya nakakakuha ng inspirasyon sa mga tula, sanaysay at kwentong kanyang isinusulat. Isang-dapithapon, habang nakatambay si Mariel at nakatanaw sa magandang tanawin ng Sta. Ana mula sa tore ng simbahan, humahangos na pumanik si Danilo sa matarik na hagdan ng kampanaryo.

Hilig ni Danilo ang gumuhit ng larawan. Dahil nga sa laki sa hirap, lapis at papel lang ang kanyang libangan kaya’t napilitan syang hasain ang galing ng kamay sa pagguhit ng iba’t ibang larawan. Noong araw na yon ay nais ni Danilo na makita ang paglubog ng araw, dahil gusto nya itong iguhit at ibigay sa kanyang lola dahil kaarawan nito. Hindi nakaabot si Danilo dahil nakalubog na ang araw nang sya ay dumating. Iyon ang unang pagkikita ng dalawa na nauwi sa pag-iibigan.

Lihim ang kanilang relasyon, dahil minsan itong nalaman ng kanyang amang alkalde ay nagalit ito at sinabihan syang wag nang makipagkita sa lalaki. Alangan daw kasi kay Mariel ang tulad ni Danilo na anak ng isang magbubukid. Hindi raw bagay sa katulad nyang mala-prinsesa ang buhay ang isang kahig at isang tukhang pamumuhay ni Danilo Santiago. Langit at lupa ang pagitan ng estado sa buhay ni Danilo at Mariel. Mayaman ang dalaga, galing sa makapangyarihang angkan ng mga Buencamino na nagdomina ng pulitika sa Sta. Ana sa mga nakalipas na taon. Ang binata ay anak ng mga magbubukid na nakikisaka lang sa mga mas mayayamang may-ari ng lupa.

Pilit nilang itinago ang kanilang relasyon, at ang dingding ng kampanaryo ng simbahan ng Sta. Ana ang piping saksi sa wagas na pagmamahal nila sa isa’t-isa.

***

Nasa ikalawang taon ng kolehiyo si Mariel. Mula sa Sta. Ana ay ipinadala sya ng kanyang magulang sa Maynila upang dito magpatuloy ng pag-aaral. Labag man sa kanyang kalooban ay wala syang magawa kung hindi ang sumunod na lamang at magtapos ng pag-aaral.

Sabado ng umaga at excited na bumangon si Mariel mula sa kanyang higaan. Kahit wala syang pasok ay maaga syang nagising ngayong araw na ito. Isang beses kasi sa isang buwan, umuuwi ang kasama nya sa apartment na si Nanay Pasing sa kaanak nito dito din sa Maynila. Si Nanay Pasing ang tumatayong tagapag-alaga ni Mariel at kasama nya sa studio type na apartment na inuupahan ng kanyang magulang para sa kanya.

Alas siete pa lang ng umaga ay nakaalis na si Nanay Pasing sa apartment ni Mariel. Linggo na ng gabi ang balik nito kaya naman solo ni Mariel ang apartment. Sa mga pagkakataong wala siyang kasama ay doon siya dinadalaw ni Danilo, ang kanyang nobyo mula sa kanilang bayan ng Sta. Ana.

Sabik na naghihintay si Mariel kay Danilo sa kanyang apartment. Solo nila ang lugar at malaya nilang magagawa ang kanilang mga nais gawin.

“Ang tagal mo naman, miss na miss na kita.” bungad ni Mariel kay Danilo.

Matangkad si Danilo. Batak ang kanyang katawan sa hirap sa bukid. Walang kakayahan ang kanyang mga magulang na pag-aralin sya sa kolehiyo kaya’t napilitan syang tumulong sa pagsasaka sa mga bukirin. Maitim ang kanyang balat, tupok sa pagbibilad sa init ng araw. Makapal ang kalyo sa kanyang mga kamay. Malago ang kanyang buhok at makapal ang kanyang kilay na nasa ibabaw ng malamlam na mata. Matangos ang kanyang ilong at may kakapalan ang kanyang mga labi. Matipuno ang kanyang pangangatawan kahit na mas madalas na malalaking tshirt ang kanyang suot dahil sa yon lang ang meron sya.

“Buti nga nakadiskarte ako ng pamasahe.”, wika nito matapos halikan ang nobya.

“E kasi sabi ko sayo, papadalan na lang kita.”, wika ni Mariel habang kumukuha ng tubig na maiinom.

Naupo ang dalawa sa sofa.

“Hindi na, gamitin mo yang pera mo sa pag-aaral mo. Saka, swerte ako ngayon, nanalo ako kahapon sa jueteng. Naawa kasi ako kay Mang Temyong, kaya kahit isang beses isang linggo tumataya ako sa kanya. E sinwerte, nanalo ako ng sampung libo. Ibinalato ko sa kanya yung kalahati, tapos naghati kami ng inay sa natira. Kaya may pamasahe ako ngayon.”, nakangiti si Danilo.

Hindi na pinatapos pa ni Mariel ang nobyo at agad nya itong hinalikan, madiin at puno ng pananabik. Mahigit isang buwan din ang hindi nila pagkikita, at ngayong kasama nya na ang lalaking labis nyang iniibig ay hindi sya magpapaawat. Gumanti naman si Danilo sa bawat halik ni Mariel ngunit bigla itong huminto nang maramdamang nadadala na si Mariel sa init ng kanilang mga halik.

“Bakit?”, tanong ni Mariel. “Ayaw mo na sa akin?”

“Hindi.”, mabilis na sagot ni Danilo. “Alam mo yung Taverna malapit sa sentro?”

“Oo.”, sagot naman ni Mariel habang sinisiil ng halik ang leeg ni Danilo.

“Teka lang.”, nakangiti nitong wika. “Natanggap ako don, dishwasher. May trabaho na ako.”

“Wow. Congrats!”, wika ni Mariel ngunit hindi pa din sya tumitigil sa paghalik sa nobyo.

“Teka lang mahal.”, awat ni Danilo.

Kumalas si Mariel.

“Baka pwede na natin sabihin sa atin na may relasyon tayo?”, tanong ni Danilo. “Ang hirap kasi na kahit sa mga magulang ko hindi ko pwedeng sabihin. Ang hirap ng ganito na parang kailangan natin laging magtago.”

“Konti na lang mahal ko, di ba ang usapan natin pag nakapagtapos na ako ng college, saka natin sasabihin. Alam m…