Anino

Alas dies ng umaga. Mabilis ang takbo ni Daniel mula nang bumaba sya sa sinakyang tricycle. Hindi na nya pinansin ang guard na sumita sa kanya sa gate dahil wala syang suot na ID. Nasa kalagitnaan na sya ng semester sa ikatlong taon nya sa kolehiyo sa kursong Political Science at tulad ng nakasanayan, late na naman sya. Hindi talaga sya sanay magising ng maaga, at kahit mabilis lang ang byahe papunta sa pinapasukang unibersidad ay madalas pa din syang mahuli ng pasok.

Dumaan muna sya sa CR sa parehong palapag kung saan ginaganap ang kanyang klaseng sampung minuto nang nagsisimula. Humarap sya sa salamin at inayos ang maikli ngunit nakatayong buhok. Maka-ilang beses nyang minasdan ang kanyang mukha. Makapal ang kanyang kilay na lalong nagpatikas sa matangos nyang ilong. Maganda ang lapat ng kanyang salamin sa hugis ng kanyang mukha at bakas ang detalye nito dahil sa hubog ng kanyang panga.

Matangkad si Daniel sa edad na disi-otso, saktong-sakto sa kayumanggi nyang balat. Tall, dark and handsome, sabi nga ng marami. Inayos nya ang gusot na kwelyo ng kanyang uniporme at isinabit sa leeg ang kanyang school ID. Sinigurado nyang maayos ang kanyang itsura at pananamit bago lumabas ng CR dahil sya ang reporter ngayon sa klase nyang elective.

Binaybay nya ang pasilyo papunta sa kanyang classroom dala ang cartolina kung saan nakasulat ang kanyang report. Kahit moderno na ang panahon ay walang projector sa karamihan ng classrooms sa Roberto Torres University dahil na rin sa hirap ng probinsya kung saan ito naroroon. Ito ang tanging university sa probinsya ng Santa Ana, at dahil sa hirap ng buhay sa lugar, kakaunti lang ang umaabot ng kolehiyo kaya kahit maliit lang ang paaralan ay hindi naman ito umaapaw sa estudyante.

“Mr. Santiago, late ka na naman!”, bungad sa kanya ng malalim na boses ni professor Lopez. “Ikaw pa naman ang reporter ngayon.”

“Pasensya na po sir.”, mahinang tugon ni Daniel.

Halos napangiti na lang ang iba nyan mga kamag-aral dahil sanay naman sila na laging huli si Daniel. Mabilis syang nagsimulang magreport na tila ba walang nangyari at hindi sya pinagagalitan ng professor. Mga dalawampung minuto lang naman ay natapos na agad sya sa pagsasalita sa harapan.

“Any questions from the class?”, tanong ni Mr. Lopez.

Katahimikan ang sumagot sa matandang professor. Kaya napilitan na lang syang magtanong kay Daniel.

“So, ano sa tingin mo ang solusyon sa problemang yan Mr. Santiago?”, tanong ni Mr. Lopez.

“Simple lang sir. Ang solusyon sa dami ng kaso ng rape ay syempre, dapat walang rapist! Isa kada oras ang nararape sa Pilipinas. Lahat ng kasong yon, isa lang ang dahilan, kasi may rapist!”, madiin na sagot ni Daniel.

Natahimik ang classroom ni Daniel kaya dinig na dinig ang bulungan ng ilang mga estudyante.

“Di ba, rapist yung tatay nya kaya nakakulong?”

“Sabihin mo yan sa tatay mo.”

Ilan lang sa mga salitang nadinig ni Daniel na hindi nya ikinahiyang sagutin.

“Tama kayo. Kaya galit ako sa mga rapist dahil hindi lang buhay ng biktima nila ang sinira nila kung hindi pati buhay at pangalan ng pamilya nila. Sad to say, pero habang buhay ako, nakadikit na sa pangalan ko ang kahayupang ginawa ng tatay ko –.”

Tutuloy pa sana sya nang putulin sya ni Mr. Lopez dahil halata namang nagiging emosyonal na ang estudyante.

“I think we can stop here. Thank you Daniel.”

***

Natapos ang klase ni Daniel kay Mr. Lopez at nasalubong nya sa pasilyo si Mrs. Mendoza, ang professor nya sa subject na Rizal kung saan namarkahan syang absent. Alas siete y medya kanina ang klase nya sa masungit na professor.

“Good morning Mr. Santiago, absent ka na naman sa klase ko!”, bati sa kanya ni Mrs. Mendoza na sinadyang ibaba ang salamin para titigan sya mula ulo hanggang paa.

Hanggang balikat lang ni Daniel ang maestra na nasa trenta y singko hanggang kwarenta ang gulang. Manipis ang nakalugay buhok na hanggang balikat, manipis ang kilay at matangos ang ilong. Mapula ang mga labi dahil sa lipstick at manipis ang makeup na nagpapaganda lalo sa kanyang mukha. Nakasuot sya ng itim na dress na hapit sa makurba nitong katawan at mga ilang pulgada ang ikli bago umabot sa tuhod.

Strikta si Mrs. Mariel Mendoza. Isa sa dahilan nito ay ang pagiging baguhan nya sa eskwelahan. Galing sya sa Maynila, kung saan sya nakapagtapos ng kursong History. Bumalik sya sa probinsya dahil sa kahilingan ng kanyang may sakit na ama.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na halos napilitan lang si Mrs. Mendoza na bumalik sa Sta. Ana dahil galing sya sa isa sa pinakamakapangyarihan at maimpluwensiyang pamilya sa probinsya. Kilala ang pamilya Mendoza sa pulitika. Dekada ang itinagal ng kanyang ama bilang mayor at huminto lamang ito dahil sa nanghihina nitong kalusugan.

“Sorry po Mam, hindi po ako nagising ng maaga.”, malungkot na tugon ni Daniel.

“This is your third absence already. May I remind you that I can give you a failing grade due to your poor attendance right now?”, sagot ng maestra.

“Pasensya na po talaga mam. Hindi na po mauulit. Baka po pwedeng gumawa na lang ko ng extra work para po sa attendance ko?”

Matalinong bata si Daniel. Halos lahat ng exam nya sa subject ni Mrs. Mendoza ay naipasa nya at may mataas na score. Magaling din sya sa klase at hanga ang kanyang maestra sa talino ng bata. Attendance lang talaga ang problema. Maaga ang simula ng klase ni Mrs. Mendoza at talagang hirap si Daniel na pumasok ng maaga.

“You know, I don’t do that Mr. Santiago. I play by the book. Whatever is given as part of your grading system, that should be it.”

Dahil nga bago lang si Mrs. Mendoza sa probinsya ng Sta. Ana at ito ang unang semester nya ng pagtuturo kaya talagang by the book ang diskarte nya. Mahigpit. Masungit. Kaya ayaw ng maraming estudyante sa kanya. Pero, isa sya sa pinakamaganda at pusturang guro sa university kaya karamihan ng mga lalaking estudyante ay kinukuha ang mga subjects nya. Bagay sa guro ang mature na porma nito, seryoso, may kasungitan ngunit malakas ang dating.

“I’m sorry po mam. Papasok po ako next meeting.”

“You better be, or else, ikaw ang pinakaunang estudyanteng ibabagsak ko.”

***

Alas singko na ng hapon ng matapos ang huling klase ni Daniel, uuwi na sana sya ng maalala nyang ibibigay pala kay Mr. Lopez ang visual aid na ginamit nya sa report nya kanina. Dali-dali syang pumunta sa faculty room. Nasa pinakataas ng nag-iisang building sa loob ng university ang opisina ng mga propesor.

Dahil maliit lang naman ang university, walang secretary na sasalubong sa faculty room. Bukas lang ang pinto nito at tanging isang malaking bulletin board kung saan nakapost ang schedule ng mga guro ang bubungad sa mga estudyante. Sa kaliwa ng bulletin board ay may maliit na espasyo kung saan makikita ang kabuuan ng faculty room. Dahil na din sa liit ng university ay iilan lang ang kursong inooffer doon, dahilan kung bakit iilan lang din ang mga professor.

Dahil hapon na, wala nang tao sa loob ng faculty room. Derederecho si Daniel sa mesa ni Mr. Lopez, inilapag nya doon ang cartolina at nagmadaling umalis. Palabas na sana sya ng kwarto ng marinig nya ang isang pamilyar na tinig mula sa bandang dulo ng silid.

“Akala ko bukas nyo pa pupuntahan kuya—“, naputol ang pangungusap ni Mrs. Mendoza nang mapansin nyang si Daniel pala ang nasa faculty room. Sa kanyang akala ay ang IT staff ang kasama nya sa silid dahil sa inireport nyang sira ang kanyang personal computer. Napaupo na lamang muli ang maestra matapos irapan si Daniel.

Lumapit si Daniel sa mesa ni Mrs. Mendoza na nasa pinakadulong kanto ng silid. Nakaupo ang ginang at nagbabasa ng isang libro habang manaka-nakang nagsusulat sa maliit na notebook.

“Good afternoon po Mam.”, magalang na bati ni Daniel. Nakatayo ang binata at nakapatong ang mga braso sa ibabaw ng division ng cubicle ng guro.

Hindi sumagot ang guro at tumango lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa.

“Pasensya na po talaga sa mga absent ko Mam. Hindi na po mauulit. Nahihirapan po kasi akong pumasok dahil —“, naputol ang pagpapaliwanag ni Daniel dahil tumayo ang guro at humarap sa kanya.

“I really don’t care about your excuses Mr. Santiago. The student hand book states that there are only four absences allowed in my subject. Sigurado akong alam mo yon, kaya next time na absent mo, bagsak ka na.”, matigas ang boses ng guro.

“Opo mam, pasensya na po.”

Pinindot ni Mrs. Mendoza ang power button ng monitor upang tingnan kung gagana ang computer.

“Badtrip naman, kung kelan maraming gagawin nagloloko pa.”, wika ng masungit na guro.

“Pwede ko pong tingnan ma’am? Baka po may maluwag lang na kable?”, agad na sagot ni Daniel.

“Hay.. sige nga, magyoyosi lang muna ako.”

Lumakad papalabas ng faculty room ang guro. Dinig na dinig sa tahimik na silid ang pagtama ng takong ng maestra sa tiles na sahig.

Sinimulan namang tingnan ni Daniel ang mga kable ng desktop computer. Mga ilang sandali pa ay napansin nyang maluwag lang ang pagkakakabit ng kable papunta sa monitor kaya’t walang display na nakikita. Inayos nya ito at gumana nang maayos ang computer.

Nang bumukas…