Hindi maalis sa isipan ni Daniel ang maiinit na eksena sa video ng guro. Hindi rin sya makapaniwala na ang strikta at mukhang konserbatibong ginang ay may itinatagong init sa katawan. Nagtatalo din sa isip nya kung kokopyahin nya ang iba pang videos o kung hahayaan na lang nya ang mga ito.
Napahinto si Daniel ng makita si Mrs. Mendoza na nakatayo malapit sa upuan ni Mr. Lopez. Dahil dito ay binagalan ni Daniel ang paglakad upang hindi makahalata ang ginang.
“O ayan ka na pala Daniel.”, sigaw ni Mrs. Mendoza.
Agad namang lumapit si Daniel sa ginang na kasalukuyang kakwentuhan ni Mr. Lopez tungkol sa visual aid na iniwan nito sa kanyang mesa kani-kanina lang.
“Sorry mam, sumakit po kasi ang tiyan ko, napatakbo ako sa CR.”, sagot ni Daniel habang pinupulot ang bag nyang naiwan malapit sa mesa ng computer ni Mrs. Mendoza.
“Ikaw ang pinaguusapan namin Daniel.”, sabat ni Mr. Lopez, “Sabi ko kay Mariel ang ganda ng report mo sa klase ko kanina.”
“Magaling nga, kaso lagi naman late yan sir.”, sagot ni Mrs. Mendoza
“Hayaan mo na muna, ginawa na nga yang computer mo para matapos mo yung mga lecture slides mo on time. Hayaan mo na lang muna, sagot ko na yang si Daniel, matalinong bata yan. Basta Daniel, wag ka nang malalate sa klase ni Mariel ha! Kung hindi ako mismo ang magbabagsak sayo.”
“Opo Sir.”
“O sya, mauuna na ako sa inyo. Daniel, pangako mo hindi ka na malalate ha. Sige Mariel, mauna na ako, ikamusta mo ko sa tatay mo ha, sabihin mo magpalakas sya.”
“Sige po sir, ingat po kayo.”, sagot naman ng ginang.
Lumakad papalayo si Mr. Lopez sa dalawa. Agad namang dinampot ni Daniel ang kanyang bag sa pagnanais na makauwi na din at hindi makahalata ang guro na mayroon syang napanood na mga videos nito.
“Una na din ako mam.”, wika ni Daniel.
“Sige, salamat sa pag-aayos ng computer ko. Please don’t late in my class again.”, sabi ni Mrs. Mendoza habang umuupo ito sa kanyang upuan paharap sa kanyang computer.
“Sige po mam.”
*****
Maliit lang ang bayan ng Sta. Ana. Isa lang ang simbahan, isa lang ang ospital. Kahit na maraming nagkalat na maliliit na tindahan ay iisa lang naman ang sentrong pamilihan sa lugar. Ito ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga taong doon ipinanganak ay magkakakilala.
Patunay na nito si Mrs. Mariel Mendoza at si Mr. Lopez. Kaibigan ng tatay ni Mrs. Mendoza si Mr. Lopez. Naging mas malapit sila noong sumabak sa pulitika ang tatay ni Mrs. Mendoza kung saan si Mr. Lopez ang isa sa mga naging campaign managers nito. Dahil na rin sa galing sa pulitika ni Mr. Lopez ay nagsilbi din itong adviser ng kanyang ama na noon ay mayor ng bayan ng Sta. Ana. Huminto na lamang si Mr. Lopez sa pulitika noong nagkaedad na at lumala ang hyper tension. Naging full time na propesor si Mr. Lopez sa nagiiisang unibersidad sa Sta. Ana, ang Roberto Torres University.
Si Mrs. Mendoza naman ay nag-aral sa Maynila. Nakapagtapos sa isa sa apat na pinakamalalaking unibersidad sa Pilipas ng kursong History. Wala sa kanyang pangarap ang magturo, ngunit kailangan nyang bumalik sa Sta. Ana dahil sa lumalang sakit ng kanyang ama. Dahil na rin sa maliit nga lang ang bayan ay wala masyadong trabahong mapagpipilian si Mrs. Mendoza kaya’t sinubukan na nya ang pagtuturo. Naging gabay nya sa kanyang mga unang buwan sa university si Mr. Lopez na halos tumayo na rin nyang pangalawang magulang dahil na rin malapit nga ito sa kanyang ama. Sa tulong ng batikang propesor ay mabilis na nakapag-adjust si Mrs. Mendoza sa buhay sa akademiya.
Ito na rin ang dahilan kaya’t hindi nya matanggihan ang sinabi ni Mr. Lopez na huwag ibagsak si Daniel. May punto nga naman ang matandang propesor at naniniwala din naman sya sa angking talino ng estudyante.
Madilim na nang matapos si Mrs. Mendoza sa pag gawa ng lectures nya. Ayaw din naman nya itong iuwi sa kanilang bahay dahil mas gusto nyang wala nang iniisip pag-uwi sa may sakit na ama. Kahit naman kasi marami silang kasama sa bahay at may sariling nurse ang kanyang tatay ay hands-on din sya sa pag-aalalaga dito.
Pipindutin na sana ni Mrs. Mendoza ang power button ng kanyang computer nang mapansin nya ang isang headset na nakasaksak dito. Agad syang kinutuban sa nakita, lalo pa nang mapansin nyang nakasaksak sa computer ang kanyang pulang USB na naglalaman ng kanyang mga pribadong larawan at videos. Wala na kasing space sa isa nyang flash drive kaya napilitan syang gamitin ang personal nyang USB.
Pumasok kaagad sa isip nya si Daniel, dahil sya lang naman ang gumalaw ng kanyang computer sa maghapon. Agad syang nagbukas ng media player app at kanyang nakumpirma na ilang oras lang ang nakalipas ay nagiplay ang kanyang maselang video. Halos hindi nya malaman ang gagawin. Tulala syang nakatitig sa monitor at pilit na ipinoproseso ang mga haka-hakang tumatakbo sa kanyang isipan.
Maraming senaryo ang tumatakbo sa kanyang isip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
“Oh, bakit ang tagal mong sumagot?”, wika ng kanyang asawa.
“Ay sorry, medyo busy lang, katatapos ko lang kasi gumawa ng lectures.”, palusot ni Mrs. Mendoza.
“Nasa office ka pa?”
“Oo, pero pauwi na din ako. Kamusta ka dyan?”, tanong ni Mrs. Mendoza.
“OK lang, pahinga kami ngayon kasi nagkakarga pa ng mga dadalin namin sa Africa. Malayo ang next na byahe namin kaya baka mga 20 days kami sa laot.”, sagot naman ng asawa nito.
Halos isang dekada nang kapitan ng barko si Javier Mendoza. Tubong Sta. Ana din ang pamilya nito at talaga namang kasundo ng pamilya ni Mariel. Bata pa lang sila ay malakas na ang tama ni Javier kay Mariel, ngunit hindi naging sila hanggang makapagtapos ng kolehiyo ang babae. Sa Maynila na din sila nagsimulang magsama at nanirahan na doon matapos…