Anino 3

Nahiga agad sa kama si Mariel matapos maligo. Mahaba ang nagdaang araw sa university at ramdam nya ang pagod sa trabaho. Hindi din naman kasi madaling magturo gaya ng nasa isip ng iba. Marami syang ginagawa sa buong araw tulad ng pagchecheck ng mga gawa ng estudyante, pag gawa ng lecture slides at iba pang gawaing administratibo.

Madaming mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isip. Malungkot sya dahil ginawa na naman syang parausan ng asawa sa paraang hindi naman talaga nya gusto. Kakaiba ang trip ni Javier sa maganda nyang misis at hindi man sang-ayon si Mariel, ay sunod-sunuran sya sa kanyang asawa. Magulo pa rin ang isip ni Mariel dahil tiyak nyang may nakita si Daniel sa kanyang computer. Hindi naman siguro maglalagay ng headset ang binata kung hindi ang mga malalaswa niyang videos ang papanoorin nito. Hindi nya alam kung paano haharap kay Daniel kapag nagkita sila sa klase. Pwede syang magalit sa binata at takutin ito dahil pinakialaman nito ang kanyang mga gamit. Pwede rin naman na hindi na lamang nya papansinin ang nangyari, patay malisya. Pero ilan nga ba don ang napanood ni Daniel?

Ilan lang yan sa mga tanong sa isip ni Mariel nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binuksan nya ang text message mula sa hindi kilalang numero at nanlamig sa kanyang nabasa.

“ANG TINDI MO PALA. IBA-IBANG LALAKE KASAMA MO SA VIDEO. SA SUSUNOD, AKO NAMAN O IKAKALAT KO SA BUONG UNIVERSITY ANG SIKRETO MO MAM.”

Hindi malaman ni Mariel ang gagawin. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Ayaw nyang malaman ng unibersidad ang kalaswaang ginagawa nya. Higit sa lahat, hindi nya lubos maisip na si Daniel, na kanyang estudyante ang may malaking alas na hawak laban sa kanya.

***

Maagang nagising si Daniel kinabukasan. Hindi pa man din nakakapag-almusal ay pumunta na agad ito sa simabahan ng Sta. Ana. May usapan sila ng kanyang nobyang si Ella na magkikita dito bago bumalik sa Maynila ang babae.

Magkaedad si Ella at Daniel. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi na nakatungtong si Ella sa kolehiyo. Lumuwas ito sa kamag-anak na taga Maynila matapos makagraduate ng high school. Nakipagsapalaran sya sa buhay sa syudad at paminsan-minsang bumabalik sa Sta. Ana. Dumalas lamang ang pag-uwi nito sa probinsya nang maging sila ni Daniel, mga isang taon na ang nakalipas. Dahil na rin may hanap buhay at sariling pera ay kayang kaya na nyang umuwi ng mas madalas sa Sta. Ana para madalaw ang kanyang pamilya at nobyong si Daniel.

Mas maagang dumating ang babae sa kanilang tagpuan. Naupo ito sa isang bakanteng bench sa harap ng plaza ng simbahan. Nasa malawak na kapatagan ang Sta. Ana, kaya’t kahit alas otso pa lang ng umaga ay ramdam na ang sikat ng araw na tumatama sa aspaltong plaza. Marami na din ang mga batang naglalaro ng piko, habulan at taguan. May mga matatandang nagbabasa ng dyaryo at mga babaeng seryoso sa pagkkwentuhan tungkol sa buhay ng iba.

Maliit na babae si Ella. Manipis ang kanyang itim na buhok. Naikukubli ng kanyang bangs ang kanyang noo. Makapal ang kanyang kilay at katamtaman ang laki ng mata. Makinis at kulay makopa ang kanyang mga pisngi. Matangos ang kanyang ilong nababagay talaga ito sa makapal nyang mga labi. Maputi ang kanyang balat, dahil na rin siguro sa kanyang pamamalagi sa Maynila, nakaiwas sya sa tindi ng sikat ng araw sa Sta. Ana.

Suot nya ang pulang poloshirt na may butones hanggang dibdid. Kahit na maliit at may kapayatan, malaki ang kanyang hinaharap, dahilan para halos hindi nya masara ang pinaka-itaas na butones ng damit at medyo lumabas ang kanyang malalim na cleavage. Maikli ang kanyang suot na shorts. Kitang-kita ang kinis ng kanyang mga hita hanggang sa kanyang mga binti. Sa unang tingin ay talagang aakalaing hindi sya tubong Sta. Ana dahil nabago na ng Maynila ang kabuuan ng kanyang itsura.

Mga kalahating oras na ang paghihintay si Ella nang dumating si Daniel. Nakasuot ito ng uniporme dahil may pasok pa ito mamayang hapon.

“O, mamaya pa klase mo di ba? Bakit naka uniporme ka na?”, tanong ni Ella matapos halikan sa pisgi ang nobyo.

“Para di na ako uuwi, dederecho na ako sa school.”, sagot ng binata matapos umupo at tabihan ang dalaga.

Ngayon ang huling araw ni Ella sa Sta. Ana, kaya naisipan nilang sabay na magsimba. Babalik na kasi sya sa Maynila matapos ang isang linggong bakasyon. Mga dalawang buwan na ulit bago sya uuwi sa probinsya.

Pumasok ang dalawa sa simbahan. Isa ito sa pinakamatandang struktura sa buong Sta. Ana. Gawa sa mga blokeng bato ang buong simbahan na pinaniniwalaang nagawa noong panahon pa ng mga Kastila. Kahit walang misa nang araw na yon, bukas ang simbahan para sa mga taong nais magdasal dito.

Patay ang ilaw sa buong simbahan maliban sa mga ilaw sa altar. Tanging mga liwanag lang mula sa mga stained glass na bintana ang dahilan para magkakaitaan ang mga tao sa loob ng lumang gusali. Hindi din naman kailangan ng liwanag, dahil wala pang sampu ang mga tao na nakaupo o nakaluhod at taimtim na nagdadasal.

Umupo si Ella at Daniel sa upuan sa pinadulong bahagi ng simbahan, malapit sa pinto at sa rebulto ng anghel na lagayan ng holy water. Agad na lumuhod ang dalawa at taimtim na nagdasal.

“Anong prayer mo?”, bulong ni Ella matapos umupo mula sa pagkakaluhod.

“Sana dito ka na lang, sana hindi mo na kailangang umalis.”, sagot naman ni Daniel na tinabihan na din si Ella sa pagkakaupo.

“Alam mo namang hindi pwede yan. Matagal pa ang gamutan ng nanay at hindi naman ganon kalakas ang benta ng mga baboy ni tatay. Saka magsisimula na magcollege si Emil. Kung dito ako, hindi namin kakayanin –“

Hindi na pinatapos ni Daniel si Ella.

“Tama na, prayer ko lang naman yon, nag Maalaala Mo Kaya ka na naman.”, nakangiti nitong sabat.

May sa baga ang nanay ni Ella, dahilan kung bakit hindi na ito nakakapaglako ng mga ginagawa nitong kakanin. Wala namang permanenteng trabaho ang kanyang tatay na umaasa lang sa pagbebenta ng mga alagang baboy na madalang pa sa patak ng ulan. Magtatapos na ng high school ang nagiisa nyang kapatid na si Emil. Siguradong madadagdagan ang gastos nila pag nagkolehiyo ito.

Buti na lang talaga at may trabaho sya sa Maynila. Kahit papano ay malaking tulong ang sweldo nya bilang hairstylist sa isang salon sa Maynila.

“E kasi, pipilitin mo na naman akong wag bumalik ng Maynila.”, sagot ng babae.

“Biro lang, konti na lang naman at makakagraduate na ako. Susunod na ako sa’yo don.”, wika ni Daniel.

“Talaga? Pano naman ang lolo’t lola mo? Wala nang magbabantay sa kanila dito.”

Kasama ni Daniel sa bahay ang kanyang lolo at lola, mga magulang ng kanyang ama.

“Malakas pa naman sila, siguro kahit sa susunod na limang taon kaya pa nila kahit sila lang dito.”

“Akala ko may sakit ang lola mo?”

“Magaling na, gusto lang pala makita ang nag-iisa nyang anak. Kaya ayon, dinalaw namin si tatay nung isang araw.”, sagot ni Daniel.

“Wow. Dinalaw mo ang tatay mo?”, nakangiting humarap si Ella sa kausap.

“Wala naman akong choice. May meeting non si lolo sa mga senior citizen, ayoko namang palakarin mag-isa si lola.”

“Di nga? Baka namimiss mo lang tatay mo?”, pangungulit ni Ella.

“Hindi no! Kung pwede nga lang na hindi ko na sya tatay, matagal ko nang ginagawa.”

Hinawakan ni Ella ang mukha ng binata.

“Wag ka namang ganyan, kahit anong mangyari, sya ang ama mo.”

“Oo nga, habang buhay kong dadalin na anak ako ng isang rapist.”

“Sshhh. Change topic na nga lang, last day ko na nga dito malulungkot pa topic natin.”

“Ikaw kaya nagsimula.”, bulong ni Daniel.

“Sorry na. Smile ka na. Kain na lang tayong ice cream.”

Sumandal si Ella kay Daniel. Kinuha ng dalaga ang braso ng binata at ipinulupot sa kanyang balikat. Dahil nga maliit lang ang babae at may kalakihan si Daniel, kumportableng naihilig ni Ella ang ulo nito sa balikat ng nobyo.

“Bakit nga kaya ganon?”, malalim ang boses ni Daniel. “Bakit sa dami ng tao, rapist pa ang naging tatay ko?”. Tanong nito kay Ella habang nakatitig sa altar ng simbahan.

“Sabing change topic na e.”, pakiusap ni Ella. “Kain na lang tayo ng ice cream mamaya. Mga 10 mins lang, susulitin ko lang to.”, sabay diin ng ulo sa sa balikat ng nobyo. Inakap din nya ang katawan ni Daniel at ninamnam ang mga sandaling kasama nya ang lalaking pinakamamahal.

Yumakap di naman si Daniel sa nobya. At ang kanyang braso ay tumama sa malaking suso ni Ella.

“Huy… nasa simbahan tayo..”, bulong ni Ella.

“Wala naman akong ginagawa, di ko naman sinasadya.”, katwiran ni Daniel.

“Talaga? E bakit kanina pa nakabukol to?”, sagot ni Ella na pasimpleng tinuturo ang b…