“Kelan nga yon?”, tanong ng matandang propesor.
“Mga three weeks from now sir.”
“Ano ba mga events this year?”, tanong ni Mr. Lopez matapos lumagok ng mainit na kape.
“Marami sir, quiz bee, debate, essay writing saka may conference din for faculty.”, tugon ni Mrs. Mendoza.
“Baka naman pwedeng hindi na tayo sumali? Magastos yan. Papadala pa natin yung student sa Manila, syempre sasamahan ng isang faculty yan.”, umiiling-iling si Mr. Lopez habang tila ba naghahanap ng mababasa sa dyaryong hawak nya. “Alam mo namang mababa ang budget ng department natin ngayon.”
“Oo nga sir, pero sabi ng University President, sumali daw tayo kahit sa essay writing lang kasi tayo daw ang national winner last year don. Saka kahit ako na lang sumama na faculty sir kasi may research paper din ako na ippresent don, e may budget naman na yon since last year so makakatipid tayo”, pagkumbinsi ni Mrs. Mendoza.
“Oo nga. Pero graduate na yung student na nanalo last year.”, dagdag ni Mr. Lopez.
“Kaya nga sir, sinong ipapadala natin?”, pagulit ni Mrs. Mendoza sa nauna nyang tanong.
“Madaming magaling sa seniors, kaso ayoko sana don kumuha kasi next year wala na sila so problema na naman sino ilalaban. Tingin ko dapat sa juniors ka kumuha.”, sagot ni Mr. Lopez matapos kumagat ng pandesal.
“E sino tingin mo sir?”
“Si Daniel, ok yon. Malawak mag-isip yung bata.”, sagot ni Mr. Lopez.
Halos natigilan ni Mrs. Mendoza dahil sa dami ng estudyante, ayaw nyang si Daniel ang makasama ng ilang araw sa Maynila dahil na rin sa mga videos nya na nakita ng binata. Dagdag pa dito ang pananakot ni Daniel sa kanya na ikakalat ang mga videos kapag hindi sya sumunod dito.
“One more thing, he is a junior. So kung manalo sya this year at irequire na naman tayong sumali next year, hindi ka na magiisip pa. Also, he can train other students next year after he gained experience in the competition.”, dugtong ni Mr. Lopez habang nagbabasa ng dyaryo.
Hindi sumagot si Mrs. Mendoza.
“Ikaw na lang kumausap kay Daniel ha, may meeting kasi ako with the Academic Council today, puno ang schedule ko. Pag umayaw, sabihin mo sa akin, ako kakausap bukas or sa susunod na araw. But better if you can inform him today, three weeks na lang kasi, para kahit papano makapagtrain pa.”
Tumango lang si Mrs. Mendoza.
Tumayo naman si Mr. Lopez matapos ubusin ang kape na nasa tasa.
“I’ll go ahead Mariel. Maaga ang klase ko ngayon. Balitaan mo ko tungkol kay Daniel. Have a nice day.”, paalam ni Mr. Lopez.
Parang lutang pa din si Mrs. Mendoza at napatitig na lang sa matandang guro na naglalakad papalayo sa kanya. Tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa at lalo syang nawala sa sarili sa nabasa.
“PUMUNTA KA MAMAYANG ALA SAIS SA LIBRARY MAM. KAPAG WALA KA DON, MALALAMAN NG LAHAT ANG SIKRETO MO.”
***
“Daniel, kumain ka muna, puro ka cellphone.”, sita ni Lola Oria sa apo nitong ang kumakain ng almusal habang gumagamit ng cellphone.
“Hayaan mo na, binata e.”, sagot naman ni Lolo Tasyo. “Chicks ba yan apo?”
Natawa na lang si Daniel at nagpatuloy sa pagkain ng almusal para makapasok na sa university
Dahil nga namatay ang nanay ni Daniel nang siya ay ipanganak, at wala pa siyang isang taon nang makulong ang kanyang ama ay sina Lolo Tasyo at Lola Oria na ang nagpalaki sa kanya.
Taal na taga Sta. Ana ang dalawa at nag-iisang anak ng mga ito ang tatay ni Daniel. Katulad ng karamihan ng pamilya, pagsasaka ang ikinabubuhay nina Lolo Tasyo. Karamihan sa mga bukirin sa Sta. Ana ay pagmamay-ari ng mga mayayamang angkan, ngunit mapalad si Lolo Tasyo na magmay-ari ng maliit na lupaing taniman ng palay at mais.
Kilala rin si Lolo Tasyo bilang may ari ng nagiisang sabungan sa Sta. Ana. Yun nga lang, napinsala ito noong binagyo ang probinsya, mga tatlong taon na ang nakalipas. Ito ang naging dahilan para ibenta na lamang ni Lolo Tasyo ang lupang kinatatayuan ng sabungan sa isang pribadong kompanya na ginawa naman itong rice mill. Ang perang nakuha nya dito ay ginamit nya upang makakuha ng pwesto sa palengke na nilagyan nya ng maliit na lugawan.
Sa lugawan naman ginugugol ni Lola Oria ang kanyang oras. Sya ang madalas na bantay ng lugawan. Hindi naman nya ito ginagawa para lang kumita dahil sa totoo lang ay malaki naman ang kinikita nila sa pagpapasaka sa kanilang lupa. Libangan na lang ito para kay Lola Oria, lalo na ngayong kaunti na lang ay makakapagtapos na si Daniel.
“Naku, puro ka chicks.”, sita ni Lola Oria sa apo.
“Syempre mana sa akin.”, biro ni Lolo Tasyo.
“E kung pag-untugin ko kayong maglolo!”, wika ni Lola Oria. “Anong oras ba ang uwi mo Daniel?”
“Hanggang alas singko y medya po ang klase ko Lola. Pero dadaan po ako sa sementeryo, birthday po ng inay bukas e may exam po ako non. Kaya ngayon na lang po ako dadalaw.”
Tumalikod si Lola Oria sa apo, halatang dismayado.
“Buti pa ang patay, dinadalaw. Ang buhay, mamamatay muna yata bago mo dalawin.”, bulong ni Lola Oria.
Alam ni Daniel ang ibig sabihin ng matandang babae. Gusto kasi ni Lola Oria na dumalaw ng mas madalas si Daniel sa kanyang ama sa kulungan. Bagay na ayaw gawin ni Daniel dahil mula nang maunawaan nya ang kaso ng ama, iniisip nitong walang puwang sa kanyang puso na uunawa sa kamaliang ginawa ng kanyang tatay.
Rape ang kaso ng kanyang ama. Isang krimen na gumulat sa tahimik na bayan ng Sta. Ana. Ayon sa bulung-bulolungan, nakatakda ang paglilitis sa tatay ni Daniel sa kaparehong petsa ng panganganak ng kanyang ina. Ang mas ikinagimbal ng lahat ay nang umagang yon, bago lumabas ng piitan at tumungo sa korte ay umamin ito sa krimen, dahilan upang hindi na humaba pa ang pagdinig sa kaso. Nang makarating ito sa ina ni Daniel na kasalukuyang nasa ospital ay tila ba binagsakan ito ng langit at nawala sa sarili. Pagkapanganak kay Daniel ay pumanaw ang kanyang ina.
Tanging pangalan na lang ng ina ang alam ni Daniel dahil kahit larawan ay wala itong naiwan.
Marie Liza del Gado.
Sa Maynila nakilala ng tatay ni Daniel si Marie. Dinala nya ito sa Sta. Ana walong buwan matapos mabuntis. Walang kamag-anak na dumalaw kay Marie mula ng mapadpad ito sa probinsya hanggang sa pumanaw. Ito ang dahilan kaya sa Sta. Ana inilibing si Marie. Wala na ring paraan para mahanap pa ang mga kamag-anak ni Marie sa Maynila dahil walang kahit anong ID o dokumentong dala ang babae nang mapunta sa Sta. Ana.
Hindi na lang pinansin ni Daniel ang sinabi ng lola. Matapos kumain ay nagpaalam itong papasok na sa paar…