Inanyayahan sya ng guro na samahan ito sa pagbisita sa ospital kung saan nandon si Mr. Lopez. Dahil katatapos lang ng exam ay maluwag ang oras ni Daniel kaya’t nais din nyang samahan ang guro.
Sa isip naman ni Mrs. Mendoza ay mas magandang kasama nya si Daniel dahil may balak syang kumprontahin si Mr. Lopez kahit pa ano ang kalagayan nito sa ospital. Pabor sa kanya na nandon si Daniel dahil sya ang magpapatunay na ang lalaking lumapastangan sa kanya ay ang parehas na lalakeng itinuring nyang halos pangalawang ama.
Kahit papano ay nasarapan si Mrs. Mendoza sa nangyari ngunit ito ay dahil si Daniel ang iniisp nyang kasama sa silid habang nakapiring. Masakit para sa kanya ang panlolokong ginawa ni Mr. Lopez. Hindi nya matanggap na ganun ang magiging aksyon nito matapos makita ang kanyang mga videos.
Payapa ang dapithapon sa Roberto Torres University. Para sa maraming estudyante at propesor, senyales ito ng patapos na araw. Oras na para magpahinga at magpanumbalik ng lakas para sa susunod na araw. Unti-unting numinipis ang mga taong naglalakad sa pasilyo ng paaralan habang ang langit ay dahan-dahang nagiging lila. Mag-isang naglalakad si Daniel patungo sa parking lot kung saan usapan nilang magkikita ni Mrs. Mendoza. Lalong tumatahimik ang paligid habang papalapit si Daniel sa parking lot na nasa likod ng gusali. Isa itong malaking bakanteng lote. Lupa at walang aspalto ang kalsada. Napapalamutian ang lupa ng mga tuyong dahon na bumagsak galing sa mga punong nakapaligid dito.
Mula sa malayo ay tanaw ni Daniel ang mga sasakyang nakaparada sa garahe. Halos marami-rami pa din ang mga sasakyan na nandon, baka may mga propesor pa na busy sa pagchecheck ng mga exams sa kanilang opisina. Nagsimula syang luminga-linga sa paligid na wari bang may hinahanap.
Tumunog ang kanyang cellphone at agad nya itong sinagot.
“Kulay itim sa may bandang dulo. Bilisan mo na habang walang ibang tao.”, sabi ni Mrs. Mendoza.
Naintindihan agad ito ni Daniel at tumungo sya sa magarang itim na kotse sa dulo ng parking lot. Hindi sya maaring magkamali dahil ito lang ang itim na sasakyan sa oras na iyon.
Binuksan ni Mrs. Mendoza ang bintana.
“Dito ka sa harap, bilis.”
Nais ng guro na walang makakita sa kanila ni Daniel sa sasakyan. Mahirap na at baka kung ano ang isipin ng ibang makakakita.
Umupo agad si Daniel sa harapan ng sasakyan at isinara ang pinto. Agad namang inapakan ni Mrs. Mendoza ang gas at umandar patungo sa ospital.
***
Matapos maghapunan ay tumungo si Mr. Lopez sa balkonahe ng kanyang bahay. Halos gabi-gabi ay ganito ang ginagawa ng matandang propesor, bago matulog ay iinom muna ng tsaa habang nagbabasa ng dyaryong hindi nya natapos basahin sa nagdaang umaga. Iba ang kaso ngayon, wala talaga syang naintindihan sa mga letrang binasa nya sa peryodiko kanina. Paano ba naman nya mauunawan ito kung abala sya sa pag-iisip ng plano para kay Mariel. Hindi nya maisip na ang dalagang kilala nya noong araw na halos hindi makabasag pinggan ay magiging isang napakaliberal na asawa.
Hindi nya sinasadyang mapanood ang mga videos ni Mariel. Nagkataon lang na nalimutan nya ang susi ng kanyang sasakyan noong hapon kung kailan nandon din si Daniel sa faculty room at ginagawa ang computer ni Mariel. Pumasok sya sa faculty room ngunit walang tao at laking gulat nya nang mapansing naiwang bukas ni Mariel ang kanyang desktop. Nais nya itong ishut down ng maayos. Ito ang dahilan kung bakit nya pinakilaman ang computer. Ngunit nagimbal sya nang makita ang mga bukas na folder na naiwan ng nagmamadaling si Daniel. Dahil dito ay nagkaron ng idea ang matandang guro na kopyahin ang ilang videos ni Mariel. Nang mapanood nya ito ay naisip nyang mas maganda kung personal nyang makikita ang alindog ng ginang. At dito na nabuo ang masamang plano ni Mr. Lopez laban kay Mariel na agad naman nyang naisakatuparan kanina lang, sa silid aklatan.
Sa tahimik na gabi ay maririnig ang tinig ng mga kuliglig na tila ba umaawit sa dilim. At dahil nga nasa malawak na kapatagan ang Sta. Ana ay may kalamigan ang gabi kahit tuyo ang hangin. Wala na ding masyadong mga sasakyan ang dumaraan sa tapat ng bahay ng matandang propesor. Ito ang dahilan kung bakit aandap-andap na ang kanyang mga mata sa paggapang sa mga letra na nasa peryodiko.
Nag-aagaw antok na ang matanda nang madaanan nya ang isang balita tungkol sa mga preso sa Pambansang Piitan. Ayon sa balita ay nakakarating na sa ibang bansa ang iba’t-ibang produktong gawa ng mga preso tulad ng mga bags, sapatos at sinturon. Hindi interesado si Mr. Lopez sa balitang ito at ililipat na sana nya ang pahina nang makita nya ang larawan ng isang preso na hawak-hawak ang sample ng sapatos na balat na gawa nito.
Binasa nya ang caption ng larawan.
“Isa si Danilo Santiago sa ilang mga preso dito sa Pambansang Piitan na natutong gumawa ng sapatos. Ayon kay Santiago, malaking tulong ang natutunang kakayahan dahil ang perang kinikita nya dito ay naipapadala nya sa kanyang mga magulang at anak sa bayan ng Sta. Ana.”
Tila ba hindi sya makapanilawa sa kanyang binabasa. Lumagok sya ng tsaa, tumingin sa malayo at para bang hinalukay sa isipan ang mga ala-ala.
“This can’t be…”, bulong ng guro sa sarili.
Binasa nyang muli ang nakasulat.
“Santiago? Parang may estudyante akong Santiago.”
Tumayo ang matanda at mabilis na tumungo sa kanyang study room. Kinuha nya ang kanyang bag na ginagamit sa paaralan. Mabilis nyang inisa-isa ang mga nakagomang index cards na ipinasa ng mga estudyante.
“Romano… Rosario.. Sanchez.. Santiago..”
Tila ba multo ang nakita ni Mr. Lopez nang hugutin nya ang index card ni Daniel Santiago at basahin ang detalye na nakasulat dito.
Father: Danilo Santiago
Nanghina ang kanyang mga tuhod at nagsimulang sumikip ang kanyang dibdib. Unti-unti nyang naramdaman ang hirap sa paghinga at tila ba lumalabo ang kanyang mga mata. Butil butil ang pawis na lumalabas sa kanyang noo at pinipilit nyang sumagap ng hangin sa pamamagitan ng kanyang bibig. Napahawak sya sa kahoy na mesa na nasa kanyang harapan ngunit hindi na kaya pang tumayo ng kanyang katawan at bumagsak ito sa kahoy na sahig. Nawalan sya ng malay habang nakahawak ang isang kamay sa dyaryo at ang isa ay nakasapo sa dibdib.
***
“Bakit nyo po gusto puntahan si Sir?”, tanong ni Daniel sa guro habang binabagtas ang daan patungo sa ospital.
Sa kabilang bayan pa nakaconfine si Mr. Lopez dahil maliit lang ang ospital ng Sta. Ana at walang makinarya para sa kanyang kaso. Dahil dito ay nasa halos isang oras ang byahe mula sa paaralan hanggang sa ospital.
“Gusto kong masigurado na hindi kakalat ang mga videos ko. Baka may kopya yung manyak na matandang yon at kung saan saan pa makarating.”, sagot ni Mrs. Mendoza.
Hindi naman maiwasan ni Daniel na mapatingin sa makinis na hita ng guro na sumisilip sa suot nitong maikling bistida.
“Bakit po kasi may mga ganun kayong videos?”, nahihiyang tanong ni Daniel.
“Umm…well, nasabi ko naman na sa’yo. Yung mister ko, ganon yung sex trip nya. Gusto nyang nakikita akong nakikipagsex sa iba. Gusto nya yung may iba akong kasex tapos manonood sya.”
“Buti OK lang po sa inyo?”
“Tingin mo ba OK lang sa akin?”, tanong ng guro habang sumusulyap sulyap sa rear view at side mirror ng kanyang kotse.
“Hindi po ba?”
“Of course hindi OK sa akin, siguro may mga babaeng gustong ganon ang trato sa kanya ng kanilang asawa. Pero ako? Hindi ko gusto yon.”, katwiran ni Mariel.
“E kung di nyo po gusto, bakit may nangyari po sa atin sa CR?”, usisa ni Daniel.
“Ayaw mo ba?”
“Gusto po mam.”, ngumiti si Daniel sa guro.
“Sabihin na lang natin na dahil sa trip ng mister ko, naging liberal ako. Pero sa totoo lang, di naman talaga ko ganito. But you know what they say? If you cant beat them, join them.”, isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Mrs. Mendoza.
“At saka alam mo, magulo lang ang isip ko kahapon dahil dyan sa kumag na Mr. Lopez na yan. Tapos nagkataon na nandon ka sa CR.”, dugtong guro.
“Magulo? O baka po nabitin kayo sa kung ano man ang ginawa nyo ni sir?”, pang-aasar ni Daniel. “Kaya sa akin nyo po inilabas.”
“Loko. Well, sabihin na lang natin na you are at the right place at the right time. Saka gwapo ka Daniel, yan yung mga type ko, tall, dark and handsome.”, sagot ni Mrs. Mendoza sabay kindat kay Daniel.
“Naku mam, baka mainlove ka sa akin nyan. Casual lang to ha!”, patawa ni Daniel.
“Loko, papasa ka nang anak ko e.”
Nagtawanan ang dalawa habang unti-unting dumidilim ang paligid. Dahilan para mapilitan si Mrs. Mendoza na buksan ang kanyang headlight.
“Pero mam, tungkol don sa trip ng mister mo, di ba pwede naman pong tumanggi ma’am. Kahit nga sa sex, pwedeng tumanggi ang wife sa husband nya or the other way around. Pag nagpumilit ang isa, at may nangyari dahil sa pamimiliit, pananakit o kung ano mang pamumuwersa, pwedeng magsampa ng kasong rape.”, paliwanag ni Daniel na para bang alam na alam ang batas.
“I know, but lets not complicate things, shall we?”, biglang putol ni Mrs. Mendoza. “Buti pinayagan ka ng mga magulang mo na sumama sa akin papunta sa kabilang bayan? Well, I know na matanda ka na, pero dito kasi sa Sta. Ana, makaluma pa din magisip mga tao. Dapat pag ganitong madilim na, nasa bahay na lahat.”
“Kung maka-matanda ka naman mam. Disi ocho lang ako mam.”, sagot ni Daniel sabay kamot sa ulo. “Nagpaalam naman po ako kina lolo at lola. Tinawagan ko po kanina.”
“Ah, wala ang parents mo? Do they work in the city?”, tanong ng guro.
“Patay na po si inay.”, malungkot na tugon ni Daniel.
“Oh, sorry to hear that.”, natahimik na lang ang guro at hindi na nag-usisa pa.
***
Tahimik na nakatayo si Daniel sa maliit na parking lot na nasa gilid ng ospita. Madilim na ang langit, at ang sasakyan lang ni Mrs. Mendoza ang kasalukuyang nakaparada doon. Nakasandal sa likod ng kotse si Daniel habang hinihintay ang guro. Pinaiwan sya nito dahil baka may ilang mga propesor na dadalaw din kay Mr. Lopez, at makakita sa kanila na magkasama. Tatawagin na lang daw sya ng guro kung sakaling tatanggi si Mr. Lopez sa kanyang mga pinaggagaw…