Anino 7

***
SORRY for the delay. I was sidelined by sickness.
***

Maingat na ipinarada ni Mrs. Mendoza ang kanyang sasakyan sa parking lot ng ospital. Pababa na sana si Daniel ngunit sinita sya ng guro.

“Dito ka na lang muna Daniel.”, wika nito habang inaayos ang kanyang bag.

“Bakit po mam?”, sagot ng estudyante na bumalik sa pagkakaupo.

“Baka kasi may ibang professors na dumalaw. Ayokong makita nila tayong magkasama.”, paliwanang ni Mrs. Mendoza.

Walang nagawa si Daniel kung hindi ang sundin ang sinabi ng ginang at nakiusap na lang ito na sa labas na lang ng sasakyan maghihintay.

Maliit lang ang pambayang ospital ng Santo Sepulcro, na nasa silangan ng bayan ng Sta. Ana. Tulad ng ibang ospital sa lalawigan, luma na ang gusali nito at mababakas ang dekadang itinagal nito sa serbisyo. Puti ang gusali ngunit mahahalata ang mantsa dala ng katandaan. Ngunit hindi tulad sa ospital ng Sta. Ana, ang lumang gusali ng ospital na ito ay nagkukubli ng mga modernong kagamitan na dito lamang matatagpuan sa lalawigan.

Malawak na reception area ang sumalubong kay Mrs. Mendoza mula ng pumasok ito sa gusali. Agad syang nagtungo sa concierge upang magtanong kung saan nakaconfine ang matandang propesor.

“Sa 3rd floor po Ma’am. Sira po ang elevator mam, kaya maghagdan na lang po kayo.”, turo ng nurse na nasa desk.

Kinakabahan si Mrs. Mendoza habang pumapanik ng hagdan papunta sa 3rd floor ng ospital. Hindi nya pa rin matanggap na si Mr. Lopez ang bumaboy sa kanya sa library. Hindi nya maisip na isang malapit na kaibigan pa ang gagawa sa kanya ng ganoong kalapastanganan. Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib dahil sa pinaghalong mga emosyon sa pagharap kay Mr. Lopez sa unang pagkakataon matapos ang pangyayari.

Habang sya ay naglalakad sa hallway na itinuro sa kanya ng nurse ay naisipan nya munang dumaan sa CR. Bukod sa gusto nyang masiguradong maayos ang kanyang itsura pagharap sa matandang guro ay kanina pa talaga sya tinatawag ng kalikasan. May tatlong cubicle ang CR na lahat ay nakaharap sa malaking salamin at lababo. Pinili ni Mariel ang pinakadulong cubicle at doon naupo.

May dalawang nurse na pumasok sa CR.

“Buti naman break na natin, nakakapagod ang duty no?”, wika ng isa habang nakaharap sa salamin.

“Oo nga. Medyo madami din kasi yung mga pasyente sa ICU ngayon.”, sagot naman ng isa pang nurse.

“Buti nga nakalabas na yung isa. Yung matanda.”

“Oo, yung professor. Alam mo ba na ex ng nanay ko yon.”

“Talaga?”

“Oo, at alam mo ba kwento ng nanay ko, kanang kamay daw dati yan nung mayor ng Sta. Ana. Tapos yung isang anak daw na babae nung mayor, nadisgrasya, nabuntis ba. E si mayor ayaw kumalat na disgrasyada ang anak nya, kaya nung lumabas daw yung bata, sinabi nila na patay daw. Pero ang totoo, buhay daw kasi sabi ng nanay ko, dinala pa daw ni prof sa bahay nya yung baby para ipamigay sa iba. Para ba hindi masira ang image ni mayor, kasi malapit na ata ang eleksyon non.”

“Hoy ano ka ba, puro ka chismis. Tara na nga bili na tayo ng hapunan.”

Natahimik ang buong paligid matapos lumabas ang dalawang nurse. Narinig ng guro ang lahat ng sinabi ng mga ito. Halos manlamig si Mrs. Mendoza at halos tumayo ang kanyang mga balahibo. Hindi nya halos magalaw ang kanyang katawan at hindi nya alam kung isang malaking biro ng tadhana na madinig nya ang mga bagay na yon.

Lumabas sya ng rest room at hindi na nagawang puntahan pa ang propesor. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod habang dahan dahan syang bumaba ng hagdan at naglalakad pabalik sa kanyang sasakyan.

***

Mga ilang araw bago ang contest na kanilang sasalihan sa Maynila ay isinama ni Mrs. Mendoza si Daniel sa kanilang bahay. Mula sa university ay palihim na sumakay si Daniel sa kotse ng guro at nagtungo sa bahay ng ginang.

“Bakit po tayo pupunta sa inyo mam?”, tanong ni Daniel.

“We will prepare for your the essay writing contest.”, sagot ng guro na kasalukuyang abala sa pagmamaneho.

Nakasuot ng itim at maikling palda si Mrs. Mendoza. Hapit ito mula sa kanyang hita hanggang sa kanyang balakang. Naka tuck-in naman dito ang puting blusa na may butones sa gitna. Bakas din sa damit ang kurbada ng katawan ng maalindog na guro. Maaaninag din ang itim na bra na nakakubli sa manipis na tela ng kanyang suot.

Nahalata ng ginang si Daniel na sumusulyap sulyap sa kanyang hita na ngayon ay halos lumabas ang kabuuan dahil sa kanyang posisyon sa pagmamaneho. Pansin din ni Mrs. Mendoza.

“Bakit sa inyo pa po? Pwede naman po sa school?”, tanong ulit ni Daniel ngunit sa isip nya ay naglalaro ang posibilidad na makaiskor muli sa magandang ginang. Mas magiging madali para sa kanila kung gagawa ng kahalayan sa bahay ng guro kaysa sa paaralan.

Inihinto ng guro ang kotse sa tabing kalsada. Inilugay nya ang kanyang nakapusod na buhok, dahilan upang mabalot ng napakabangong amoy ang sasakyan. Ibinaba nya ang kanyang salamin at lumingon kay Daniel.

“Well, Daniel, kung ayaw mo, pwede ka naman bumaba.”

Sandaling katahimikan ang naging resulta. Hindi umimik si Daniel kaya’t nagpatuloy na lang muli sa pagmamaneho si Mrs. Mendoza.

Mga ilang minuto pa ang lumipas, wala pa ding kibo ang dalawa. Binasag ni Mrs. Mendoza ang katahimikan.

“Mga 10 minutes na lang nasa bahay na tayo, wag ka ng mainip.”

“Ay, OK lang po ako mam.”

Ilang sandali pa ay bumagal na ang takbo ng sasakyan ni Mrs. Mendoza. Sa tapat ng isang malaking gate na gawa sa pinaghalong kahoy at bakal ay bumisina ito ng tatlong beses. Matapos noon ay bumukas ang gate at nakita ni Daniel ang dalawang lalaking nakabarong na sumaludo pa sa guro. Hindi ito pinansin ni Mrs. Mendoza. Tuloy siya sa pagmaneho papasok sa magarang driveway. Isang maliit na rotonda ang hinintuan ng kanilang sasakyan.

“Baba ka na. Ipapapark ko na lang to.”, utos ni Mrs. Mendoza kay Daniel.

Agad naman itong sinunod ng binata. Namangha si Daniel sa nakita. Isang magarang bahay na yari sa bato ang nasa kanyang harapan. Puti ang dingding ng bahay, at tanging ang kulay kahoy na pinto ang naiba ng kulay.

“Magandang gabi po mam.”, bati ng babaeng nagbukas ng pinto.

Ngumiti lang si Mrs. Mendoza.

Isang malaking bulwagan ang sumalubong kay Daniel. Lalo pa syang namangha sa eleganteng hagdanan na may pilak na gabay papunta sa pangalawang palapag ng bahay. May isang malaking aranya na nakasabit sa kisame na nagbibigay liwanag sa buong bahay.

“Dito tayo Daniel.”

Mga ilang hakbang mula sa pintuan ay ang pinto ng isang kwarto kung saan pinapasok ni Mrs. Mendoza ang estudyante. Halos lumuwa ang mata ni Daniel sa dami ng libro sa loob ng kwarto.

“Wow, mam, parang library!”, wika nito na tila ba batang paslit na nakarating sa magarang perya.

May dalawang malaking estante na nakadikit sa magkabilang dingding na puno ng mga aklat. Sa gitna ng silid ay isang mesa na gawa sa mamahaling kahoy at may upuan na balot ng magarang kutson.

“This is my study room. Mas OK dito kesa sa library?”, tanong ng guro.

“Mukang mas OK dito mam.”, wika ni Daniel na agad na nilapitan ang koleksyon ng mga aklat.

“Sige, feel at home. I will just see my dad. Magpapahanda na din ako ng meryenda.”

Lumabas ng silid ang guro. Si Daniel naman ay tila ba bata na nasa tindahan ng laruan. Hindi magkamayaw ang kanyang mga mata at kamay sa pagbusisi ng mga aklat na karamihan ay tungkol sa kasaysayan at pulitika ng Pilipinas. Mula sa mga aklat nina Teodoro Agoncillo at Gregorio Zaide hanggang sa mga isinulat ni Zeus Salazar at Ambeth Ocampo, kumpleto ang koleksyon ng mga kilalang historyador ng bansa. Mabilis ang pintig ng dibdib ni Daniel at halos langit ang kanyang pakiramdam ng makita ang mga librong noon pa nya nais mabasa.

Kinuha nya ang aklat na “Rizal Without the Overcoat” at umupo sa upuan sa harap ng mesa.

Pumasok ng kwarto si Mrs. Mendoza dala ang isang tray na may softdrinks, juice at sandwich. Nakita nya si Daniel na nakasandal sa upuan habang nagbabasa ng hawak na libro.

“Ocampo. Nice choice.”, bati ng guro habang inilalapag ang dalang tray sa mesa.

“Opo mam. Nabasa nyo na po ito?”, tanong ng estudyante na tatayo sana mula sa pagkakaupo kung hindi lang sa pagpigil ng guro.

“You know, I read almost everything about Rizal. So, to answer your question, nabasa ko na yan. Kain ka muna.”, sagot naman ng guro.

“Oo nga mam. Interesting ang mga documents about Rizal.”, wika ni Daniel sabay kuha ng sandwich.

“Of course. National hero. Doctor. Writer. Artist. Genius? Lahat na nasa kanya.”, sabi ng guro.

“Playboy.”, biro ni Daniel.

Nangiti si Mrs. Mendoza.

“Mali ka jan.”, lumapit ito sa harap ni Daniel at kinuha ang aklat. Inilipat nya ang mga pahina at muling iniabot sa estudyante.

Tumingala si Daniel sa nakatayong guro sa kanyang harapan. Inabot ang aklat at binasa ang pahinang binuksan ng ginang.

“Leonor Rivera?”, tanong ng binata.

“Yes. Maraming nagsasabi na playboy si Rizal. Pero kung iintindihing mabuti ang kasaysayan, pwede nating masabi na kaya sya nagkaganon e dahil nasaktan sya ng matindi kay Leonor.”, paliwanag ng guro habang naglalakad pabalik sa harapan ng mesa.

“Bakit mam? Ano po ba nangyari?”

“Bata pa non si Rizal ng mainlove sya kay Leonor na malayo nyang kamag-anak. Matagal din naging sila, dumating pa nga sa pagkakataong naging engaged sila.”, kwento ng guro na naupo na sa mesa patagilid kay Daniel.

Nakatunganga lang si Daniel sa ginang at naghihintay ng susunod na sasabihin.

“Uso kasi dati yung teenager pa lang engaged na. Tapos nag-aral sa ibang bansa si Rizal at natutong tumuligsa sa gobyerno ng Espanya sa Pilipinas. Syempre, natakot yung mga magulang ni Leonor at pinagbawalan syang makipag-usap kay Pepe. To the point na binayaran ng nanay ni Leonor yung post office para harangin ang mga sulat ni Rizal para kay Leonor.”, kwento ng guro.

“Talaga mam? Parang kwento sa teleserye yan ah.”, wika ni Daniel matapos nguyain ang isang kagat ng sandwich.

“Tot…