Nadinig naman ni Lola Oria ang sinabi ng asawa at mula sa kusina ay lumakad ito papunta sa mesa dala ang mainit na kape.
“Ah ganon? E kung ibuhos ko sa’yo itong kape mo?”, biro ng matandang babae.
“Sabado pa naman ngayon at wala kang pasok, dapat nakangiti ka lang.”, pang-aasar ni Lolo Tasyo na kasalo ang apo sa pagkain ng almusal.
Lumakad pabalik ng kusina si Lola Oria.
“Daniel, apo, hindi ba ngayong hapon ang alis mo papuntang Maynila?”, tanong ng lola habang nagluluto.
“Opo lola. Naghahanap nga po ako ng malaking bag. Mga limang araw po kasi ako doon.”, sagot ni Daniel matapos ilapag ang kanyang cellphone. Sambakol ang kanyang mukha dahil sa halos isang linggo na nyang hindi nakakausap si Ella. Nung huli itong magtext ay nanakaw daw ang kanyang cellphone sa salon kung saan ito nagttrabaho. Nakitext lang ito sa kasamahan dahil mukang matatagalan pa itong makaipon pambili ng bagong cellphone. Hindi tuloy malaman ni Daniel kung paano nya makakausap ang nobya dahil balak niyang puntahan ito sa kanyang trabaho sa Maynila.
“Naku, wala naman tayong maleta o malaking bag.”, singit ni Lolo Tasyo matapos lumagok ng kape.
“Pero meron dyang malaking bag, nakatago doon sa aparador. Kunin mo nga Tasyo.”, utos ni Lola Oria. “Sino nga bang kasama mo sa Maynila at saan kayo tutuloy Daniel?”
Tumayo si Lolo Tasyo para kunin ang bag na sinasabi ng asawa.
“Professor ko po Lola. Sa may Intramuros daw po yung hotel na tutuluyan namin.”
“O, mag-iingat ka. Tatawag ka dito sa amin ha. Sasabihan ko yang lolo mo na laging kargahan yang cellphone dito para makakatawag ka.”
“Opo lola. Tatawagan ko po kayo agad pagdating ko don.”
“At wag ka naman kung saan-saan magpupunta ha, hindi mo kabisado ang Maynila.”
Lumakad papalapit sa mesa ang matandang babae at umupo sa harapan ng apo. Lumagok ito sa kapeng iniwan ng asawa.
“Nga pala Daniel, baka naman gusto mong dalawin ang tatay mo.”, wika ng matandang babae.
“Lola, busy ako don, madami akong gagawin.”, katwiran ng binata.
“Kung pwede lang naman apo.”, malungkot na tumayo si Lola Oria at bumalik sa niluluto.
Ilang sandali pa ay lumapit muli si Lolo Tasyo sa mesa, dala ang isang malaking backpack.
“Oh, eto, pwede na siguro ito.”
“Sa inyo po yan lolo?”, tanong ni Daniel.
“Sa tatay mo. Yan ang madalas nyang gamit pag lumuluwas sya ng Maynila.”
“Ah, ok na ako sa bag ko lolo.”
Sumabat naman si Lola Oria.
“Ganun ba kalalim ang galit mo sa ama mo na pati gamit nya di mo matiis gamitin?”, tumaas ang boses ng matanda. “Tasyo, ibalik mo na yan doon hayaan mo sya. Wala pa man ding nararating e mapagmalaki na.”
“Hindi po lola, gagamitin ko po yan.”
Tumayo na ang binata matapos kunin ang bag. Tumungo sya sa kanyang silid at nagsimulang mag-empake.
Isa-isa na nyang inilalagay ang kanyang mga damit nang mapansin nya ang isang lumang card sa loob ng bag. Halatang luma na ito dahil dilaw na halos ang pahina ng karton. May larawan ng pulang rosas sa harap ng card at may mga talatang ingles na nakasulat dito. Hindi interesado si Daniel sa nakasulat sa harap kaya’t agad nya itong binuksan. Isang liham ang nakasulat dito.
“Alam kong mahirap para sa atin ang lahat, ngunit salamat sa tyaga mo sa akin at sa ating relasyon. Happy Anniversary. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.”
-Erna Verrolio
Napaisip si Daniel kung para kanino at galing kanino ang sulat. Ngunit naisip nyang maaring isa lamang ito sa mga babae ng kanyang ama, kaya’t pinunit nya ang card at inilagay sa basurahan bago nagpatuloy mag empake.
***
Inabot na ng tanghalian sa kalsada si Mrs. Mendoza at si Daniel. Pinili ng guro na magdrive na lamang kesa magbus patungong Maynila. Si Daniel naman ay may ilang minuto nang palinga-linga na para bang hindi alam ang dinadaanan.
“Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik. May problema ba?”, tanong ng guro habang nakatingin sa kalsada at nagmamaneho.
“Wala po ma’am. Hindi lang po pamilyar sa akin ang daan. Di po yata kami nadadaan dito pag nagbubus kami papuntang Maynila.”, sagot naman nito.
“Ah oo. Hindi ito ang daanan ng bus.”, napangiti ang guro sabay baba ng sunglasses na ginawang headband.
Suot ni Mrs. Mendoza ang puting tanktop na halos pumiga sa mayaman nyang dibdib. Hapit ang suot nyang pantalon kaya’t kitang-kita ang kagandahan ng kanyang katawan. Bumagay din sa kanya ang itim na sunglasses dahil sa perpektong kumbinasyon nito sa kanyang mala porselanang pisngi at matangos na ilong.
“Eto kasi yung lumang daanan papuntang Maynila nung hindi pa gawa yang high-way na daanan ng bus. Dati, dito lang ang daan papuntang Maynila galing sa bayan natin.”, patuloy ng guro.
Kasalukuyang tumatawid ng isang kahoy na tulay ang kanilang sasakyan. Sa ilalim ng tulay ang Camayaw River na may mga malalaking bato. Mangha si Daniel sa kanyang nakikita kaya’t hindi ito agad makasagot.
Maya-maya pa ay inihinto ni Mrs. Mendoza ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mula sa kanyang hinintuan ay tanaw ang isang talon kung saan galing ang tubig na umaagos sa nadaanan nilang ilog.
“Kain muna tayo.”, wika ng guro.
“Saan po ma’am?”, luminga si Daniel at walang nakitang kahit anong kainan. Tanging mga dumadaang sasakyan lang at malalawak na bukirin ang nakapaligid sa kanila.
“Dito.”, nakangiting sagot ni Mrs. Mendoza.
Nagtanggal ito ng seatbelt at inabot ang isang insulated bag sa likod.
“Hindi na ako nagbaon ng kanin. Tinapay lang to, I hope this is OK with you.”
“Ayos po yan ma’am.”, sa gutom ni Daniel ay wala na syang pagkakataong magselan.
Nagsimulang kumain ang dalawa sa loob ng sasakyan.
“Ang ganda po dito ma’am.”, wika ng binata habang nakatanaw sa view ng waterfalls.
“Oo, lalo na dati nung mas maraming sasakyan ang dumadaan dito. May mga maliliit na kainan dyan sa gilid ng kalsada. May mga nagtitinda din ng mga prutas. Probinsyang probinsya.”, paliwanag ng guro.
“Saka ibang klase po ang view.”
Nasa kaliwa ng kanilang sasakyan ang talon kaya’t nung sinabi ito ni Daniel ay nakagawi ang tingin nya sa guro. Kapilyahan naman ang isinagot ng ginang sa kanya.
“Sa akin ka lang ata nakatingin?”, biro nito. “Mas maganda ata ako sa view na yan?”
“Ay opo naman ma’am.”, sa totoo lang ay kanina pa din minamasdan ni Daniel ang guro. Kitang-kita nya ang kagandahan nito. Kita nya ang bawat detalye ng itsura ng magandang guro.
“Haha biro lang.”, bawi ng ginang.
“Totoo naman po ma’am. You look younger than your age. Sexy, saka iba po talaga ang dating nyo ma’am. Pero one thing I admired is how much you care for the people around you.”
“Sus, san naman nanggaling yan?”, wika ng guro matapos lumagok sa soft drinks in can.
“Napansin ko lang po ma’am. You care for your students ma’am kahit strict kayo sa klase. Or sometimes naisip ko po kaya kayo strict is because you really care for us. Tapos you gave up your city life para alagaan nyo ang tatay nyo.”, kwento ni Daniel na kumakain na ng pangalawang tinapay.
“Of course, he is my dad. Saka ako lang naman ang nag-iisa nyang anak so dapat ko talaga syang alagaan.”
“Kaya din po ba history ang kinuha nyong course kahit ayaw nyo?”, nakangiti ang binata na tumingin sa guro.
“Ha? Pano mo naman nasabi?”, gulat na tanong ni Mrs. Mendoza.
“Kasi yung mga books nyo po sa bahay, karamihan luma na. Yung mga mas bago pong books nyo, yes may mga history books pero karamihan literary arts.”
“Detective ka pala, ano?”, biro ng guro. “Yes, tama ka. My mother wanted me to become a historian, just like her. So I gave up my love for writing. Kaso namatay sya bago pa ko makagraduate. So I took my Masters in history in loving memory of her. “
“Wow. So nakahiligan nyo na din po?”
“I guess so. Interesting naman. Saka tama ka, I love writing. So it helped me a lot lalo na nung nagsulat ako ng thesis ko.”
“Ano pong thesis nyo non?”
“Tungkol sa love story ni Rizal at ni Leonor Rivera.”, natawang sagot ng guro.
“Seryoso po?”, takang tugon ni Daniel.
Nagulat ang binata ng bigla syang kurutin sa pisngi ng ginang.
“Ang cute mo, ang dali mong mauto.”, natawa si Mrs. Mendoza. “No, naalala ko lang yung pinag-usapan natin non. Sabi mo kasi playboy si Rizal.”
“Yes ma’am, tapos sabi nyo po dahil yon na broken hearted sya kay Leonor?”
“Haha. You clearly never had your first heartbreak ano? I hope you never have one because sometimes it transforms us to a person we never wanted or expected ourselves to be.”, sagot ng guro habang sinisumulan na ang pag-andar ng sasakyan matapos ubusin ang sandwich.
“Talaga ma’am?”, yun na lang ang nasabi ng binata dahil tumatakbo sa isip nya kanina pang umaga si Ella, ang kanyang girlfriend na hanggang ngayon ay hindi nya nakakausap.
“Yes. Balita ko sa school, may girlfriend ka daw? Sino? Kwento ka naman habang nagddrive ako.”, utos ni Mrs. Mendoza habang patuloy na tinatahak ang kalsada patungong Maynila.
Hindi kumibo si Daniel.
Dahil sa halos kakaunti lang naman ang mga nakakasalubong nilang sasakyan, at ang araw, kahit tanghaling tapat ay hindi gaanong matikas ang sikat, minabuti ni Mrs. Mendoza na patayin ang aircon ng sasakyan at ibaba ang bintana.
“Fresh air! I hope you don’t mind.”, wika ng ginang.
Tahimik pa din si Daniel at inaalala si Ella.
“Huy!”,
Napatingin si Daniel sa guro na tila ba nagising mula sa pagkakatulog. Nakita nya ang paglipad ng buhok ng ginang, dahilan upang mas lumabas ang ganda ng mukha nito. Pansin ni Daniel ang kinis ng mukha ng kanyang guro, at ang mga mata nitong kahit tago ng sunglasses ay maaaninag pa din ang kagandahan.
“Parang gulat na gulat ka, ang lalim ng iniisip mo.”, nakangiting biro ni Mrs. Mendoza.
Napatingin lang si Daniel sa nakabibighaning ngiti ng ginang. Minasdan nya ito bago unti-unting nawala ang bumabagabag sa kanyang isipan.
“Sabi ko, magkwento ka, sino ba yung gf mo?”, pangungulit ng guro.
“Ma’am”, malungkot na sagot ng binata. “Totoo ba na pag first time mabroken hearted, nagbabago ang tao?”
“Ang lalim naman nyan. Well, oo, siguro?”
“Nangyari na po ba sa inyo?”
“Magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi.”, wika ng guro habang maingat na binabagtas ang kalsada na nasa pagitan ng naglalakihang bukirin. “My mother told me that in our lifetime, there are three persons that would make significant marks in our life. The first one is the one that will give you all your firsts, first kiss, first love, then first heartbreak.”
Nakikinig lang si Daniel sa sinasabi ng guro habang nagtatampisaw ang kanyang paningin sa maamong mukha ng ginang. Kumulimlim ng bahagya kaya’t napilitan si Mrs. Mendoza na tanggalin na lang ang kanyang sunglasses. Lalong gumanda ang ginang sa paningin ni Daniel dahil nakita ang maganda nitong mga mata na para bang nangungusap, at ang manipis na kilay na tila ba marahang iginuhit sa kanyang perpektong mukha.
Hindi naman pansin ng guro na nakatitig na lang sa kanya si Daniel dahil abala ito sa pagmamaneho.
“The second one, that’s the one that helps you overcome all the pain because of the first heartbreak. Kung sa babae, our knight in shining armor. He will kill all the dragons, your pain, self-pity and all other emotions you felt on the first heartbreak. Then he will set you free from the dungeon, which is the memories of the past. He will help you move on.”
Napatahimik si Mrs. Mendoza at halatang nadadala sa kanyang kwento. Napansin ito ni Daniel at nanahimik na lang din ang binata. Ibinaling nya ang tanaw sa labas ng sasakyan, sa gawin kanan, kung saan unti-unting lumiliit ang natatanaw sa Bundok Tambo, tanda na unti-unti na din silang lumalayo sa Sta. Ana.
Hindi na tumuloy sa kwento ang guro kaya’t si Daniel na ang nagtanong.
“Sino naman po yung pangatlo ma’am?”
Napangiti si Mrs. Mendoza. Hinawi nya ng kaliwang kamay ang kanyang buhok na tinatangay pa rin ng sariwang hangin.
“Sabi ng mother ko, yung pangatlo yung tinadhana para sa’yo. Siya yung taong ipinanganak dahil ipapanganak ko o naipanganak na ka na. The person that was made and born just for you. Lahat tayo, makikilala natin yong taong yon sa buhay natin. Kaso, hindi lahat makakatuluyan yung taong yon.”,
“Ha? Bakit po? E sabi nyo made for you di ba? Born just for you tapos hindi kayo sa dulo?”
“Magulo ba?”
“Medyo po.”
“Meron kasi tayong free will bilang tao. At lahat ng nangyayari sa buhay natin ay bunga ng mga desisyon natin. Life is made from the decisions we make everyday. Minsan, yung mga desisyon natin, inilalayo tayo sa kung ano sana yung para sa atin. Isipin mo, kung sa babae, yung knight in shining armor, di ba? Syempre pwede mong maisip na yun na yon. Di mo naman alam kung may darating pa di ba? So you make the decision to spend your life with the knight.”
Napaisip si Daniel at tila ba naliwanagan sa sinabi ng guro.
“Saka ma’am, mahirap na tanggihan ang isang knight in shining armor.”, dugtong ni Daniel.
“Tama. Pero minsan, iba-iba yung motibo nila. Di ba sa mga kwento, yung iba gusto talaga nila iligtas yung prinsesa kasi mahal nila, yung iba naman, kasi gusto lang ipagyabang sa iba, or part lang ng isang contest.”, patawa ng guro na napilitan na ding ngumiti.
Hindi sumagot si Daniel at may ilang minutong katahimikan ang bumalot sa sasakyan.
“So ma’am, na broken hearted ka na no?”, seryosong tanong ng estudyante.
“Oo naman.”
“Kay Arjo Seliz?”, wika ni Daniel sabay ngiti.
“Hay nako. Sabi ko kwento mo tungkol sa girlfriend mo, bakit ako ata ang nasa hot seat?”
Hindi sumagot si Mrs. Mendoza, binuksan na lang nito ang radio at iniba ang usapan.
***
Mag aalastres na ng hapon ng makarating si Mrs. Mendoza at Daniel sa isang hotel sa Intramuros. Kahit sa Lunes pa ang simula ng event na kanilang sasalihan ay minabuti nila na pumunta ng mas maaga upang makapamasyal sa Maynila. Isa sa mga paaralan sa Intramuros ang venue ng event, kaya’t sa isa sa mga hotel dito sila tumuloy. Dahil sa nagtitipid ang unibersidad, isang kwarto lang ang nirentahan ni Mrs. Mendoza. Plano ng guro na makitulog na lang sa isa nyang kaibigan na taga Maynila at si Daniel na lang ang matutulog sa hotel.
Maliit lang ang napili nilang hotel at meron itong makalumang tema. Nasa loob ito ng Intramuros kaya’t maaaring lakarin na lang nila ang venue. Sinamahan ni Mrs. Mendoza si Daniel sa lobby upang magcheck-in. Hinatid din ng guro ang binata sa loob ng kwarto nito.
“Mga 7pm pa ako susunduin nung kaibigan ko D…