Linggo ng umaga, at matapos nilang pagsaluhan ang magdamag ay parehas silang nakaramdam ng gutom kaya’t maaga silang lumabas ng hotel upang maghanap ng makakainan.
“Po?”, wika naman ni Daniel na kasalukuyang nilulunod ang kanyang mga mata sa kagandahan ng ginang na nasa kanyang harapan.
Dahil bukas pa ang simula ng event na kanilang ipinunta sa Maynila ay hindi kailangang pustura ang porma ni Mrs. Mendoza. Gusto din naman ito ng ginang upang kahit papano ay bumata pa ang kanyang itsura. Suot nya ang rosas na v-neck tshirt. Semifit kung kaya’t napipiga ang kanyang mayamang dibdib. May pagkakataong nakikita malalim nyang cleavage na lalong nagpapatindi sa kanyang alindog. Maikling shorts na maong ang itinerno nya dito kung kaya’t makikita ang malaporselana at makinis nyang binti.
Nakatali sa likod ang buhok ng ginang kaya naman kitang kita ang aliwalas ng kanyang mukha. Wala syang make-up kaya’t natural na ganda ang nasa harap ni Daniel.
“Nagsinungaling ako sa kanya.”, ulit ng guro.
Dumating ang waiter dala ang dalawang kape at dalawang tinapay. Matapos ilapag ang mga ito sa mesa ay lumayo na ito sa dalawa.
Dahil maaga pa, at Linggo ng umaga, wala pang gaanong tao sa coffeshop maliban kay Mrs. Mendoza at Daniel, may isang barkadahan na nasa kabilang dulo ng shop ang nagaalmusal din.
“Ano pong ibig nyong sabihin ma’am?”, tanong ng binata.
“Tinanong mo ko kagabi di ba? Kung bakit ko sinusunod yung mga trip ng asawa ko kahit ayaw ko?”, paliwanag ng ginang matapos umimom ng kape.
Tumango lang si Daniel at nagsimulang kumagat ng tinapay.
“High school pa lang type na ako ni Javier. Pero hindi ko naman talaga sya gusto. Sinundan nya ako nung college ako dito sa Maynila. Parehas kami ng pinasukang university. Pero di ko pa din sya pinapansin noon. Hanggang nung nagcollege kami, nadisgrasya ako.”
“Napano po kayo?”, sabat ni Daniel habang patuloy sa pagkain ng almusal.
“Nabuntis ako nung 2nd year ako.”
“Tapos tinakasan po kayo nung nakabuntis sa inyo kaya si Javier po ang pinakasalan nyo?”, sabat ng binata na abala sa pagkain ng almusal.
“Nagkahiwalay kami bago pa ako makapanganak. Malapit na ang eleksyon noon sa Sta. Ana, kaya hindi pwedeng malaman ng iba na disgrasyada ako dahil papangit ang imahe ng pamilya namin at maaapektuhan ang laban ni Daddy bilang mayor.”, malalim na alaala ang pinaghuhugutan ng ginang kaya huminto ito pansamantala at lumagok ng kape.
“Ano pong kinalaman non sa mister nyo?”
“Itinago ng pamilya ko ang pagbubuntis ko. Huminto ako sa pag-aaral at namalagi lang sa bahay. Walang kahit sino ang may alam na buntis ako.”, patuloy ni Mrs. Mendoza.
Hindi nasagot ang tanong ni Daniel kaya’t hinayaan nya sa pagsasalita ang guro.
“Namatay ang bata na dinadala ko sa panganganak. Dahil walang bata ay mas madali na itago na lang ang lihim ng nakaraan. Nung naging kami ni Javier after some years, hindi ko agad yon nasabi sa kanya. Siguro dahil nahihiya ako, o baka kinalimutan ko na lang talaga.”, humintong muli ang guro sa pagkkwento, sumandal sa upuan at minasdan ang dekorasyon na nasa dingding ng coffeshop. Tila ba malalim na balon ng mga alaala ang pinagkukuhanan nya ng mga salita kaya kailangan nyang magpahinga at huminto sandali.
“Gustong-gusto si Javier ng Daddy ko, pamilya kasi nila ang may-ari ng karamihan sa mga negosyo sa Sta. Ana kaya malaking tulong para sa political desires ng father ko kung maikakasal ako kay Javier. The day we got married was the day my baby was born, and died. Nung unang gabi namin, sinabi ko kay Javier ang nangyari sa akin. Hindi naging maganda ang dating sa kanya at mula noon hindi nya na ako trinatong asawa. Nag-iba ang tingin sa akin ni Javier.”
“Pero bakit po hindi nyo lang sya iwan?”, tanong ng binata.
“Hindi ganon kadali yon Daniel. Kasalanan ko din naman, itinago ko sa kanya na disgrasyada ako. In a way, baka karma ito sa lahat ng pinaggagawa ko.”
“Marami naman pong iba dyan ma’am, mas pogi, mas bata, mas mamahalin kayo.”, pagbibiro ng binata.
“Mas pilyo at mas mainit, ano?”
“Tama po.”
“Come on Daniel. Papasa ka ng anak ko e. Siguro nga kung buhay ang anak ko, baka kasing-edad mo na.”
***
Isang mainit na Marso ang nararanasan ngayon sa Sta. Ana. Pawisang lumabas ng sasakyan si Mr. Lopez matapos nya itong iparada sa harap ng Taverna de Sta. Ana. Isinukbit nya ang susi ng sasakyan sa kanyang pantalon at makailang ulit na siniguradong nakasarado ang pinto bago tuluyang pumasok sa Taverna.
Isa ito sa pinakamatandang restaurant sa lugar. Griyego ang may-ari nito na nakapang-asawa ng Pilipina at piniling magnegosyo na lamang sa Pilipinas. Puti ang kulay ng makalumang gusali at makapal na kahoy ang pinto. Buhay na buhay sa gabi ang Taverna dahil nagseserve ito ng alak at beer na patok sa mga taong nais magpalipas ng pagod sa nagdaang mahabang araw ng trabaho.
Maituturing na tagumpay ang Taverna dahil mahigit limang dekada na itong nakatayo at nagsisilbi ng masarap na pagkain. Maganda din kasi ang lokasyon ng restaurant dahil malapit ito sa kabihasnan. Nasa tabi ito ng ilang mga bangko at establisimento. Lalo itong lumakas nang itayo sa harap nito ang Crystal Arcade. Isang tatlong palapag na gusali na mayroong mga tindahan ng electronics sa ikalawa at ikatlong palapag, at may diagnostic laboratory at paanakan sa unang palapag.
Tuloy-tuloy sa loob si Mr. Lopez, suki na sya dito dahil malapit lang naman ito sa Munisipyo ng Sta. Ana kung saan sya nag-oopisina. Umupo sya sa maliit na mesa na nasa isang sulok ng restaurant. Umorder sya ng hapunan. Matapos ang mahabang meeting kasama si Mayor, ay pinili nyang kumain muna sa Taverna bago umuwi. Isa pa, hindi din naman ganoon kasarap ang luto ng kanyang asawa kaya’t pabor din sa kanya ang pagkain sa labas kung may pagkakataon.
Ilang sandali pa ay dumating ang waitress dala ang kanyang pagkain.
“Nandito ka na naman?”, biro ng waitress.
“Kunwari ka pa Nida, e gusto mo din akong makita. Tumigil-tigil ka nga at kasal na ako. You had your chance.”, bawi ni Mr. Lopez.
“Ang kapal talaga ng mukha mo.”, sagot ng waitress bago nakangiting lumayo.
Habang kumakain ay may isang lalakeng lumapit kay Mr. Lopez. Dean ito ng Roberto Torres University, at inaalok syang magturo kahit part time. Dahil sa ganda ng takbo ng karera ng Mayor ng Sta. Ana ay hindi mapigilang sumikat ni Mr. Lopez dahil alam naman ng marami na isa sya sa mga utak sa likod ng pulitika sa Munisipyo.
“Medyo busy po sa munisipyo. Madaming ipinapagawa si Mayor.”, pagtanggi nya. “Pero malay nyo po, sa totoo lang gusto kong magturo. In fact gusto kong magretire as a professor.”
“Of course, let me know whenever you want. You are always welcome to be part of my faculty.”, sagot ng lalaki bago tuluyang umalis.
Mabilis na naubos ang kanyang pagkain. Sanay syang kumain mag-isa. Lalabas na sana sya ng Taverna nang biglang bumuhos ang ulan. Dahil sa init ng buong maghapon, dama ang mainit na singaw ng lupa na dala ng ulan sa tag-init.Dahil sa lakas ng ulan ay pinili nyang umorder ng beer at magpatila na lang muna bago magmaneho pauwi.
“O, wag kang uminom ng madami at magmamaneho ka pa pauwi.”, wika ng waitress na naglagay ng beer sa kanyang mesa.
“Ikaw talaga Nida, hindi na kita nobya ha”, biro ni Mr. Lopez sa waitress na dati nyang nobya. Dinukot ni Mr. Lopez ang susi mula sa kanyang bag. “O, eto susi ng bahay ko ha, ihatid mo na lang ako pag nalasing ako.”
Inirapan sya ng waitress at naglakad papalayo.
Hindi pa man nauubos ang laman ng isang bote ay tumunog ang kanyang cellphone.
“O, Mayor, bakit?”, tanong nya.
“Ah, ok, sige papunta na ako.”
Mabilis syang tumayo at nagmamadaling tumungo sa sasakyan. Hindi na nya ininda ang malakas na ulan. Wala syang ibang nasa isip kung hindi ang makarating agad sa bahay ni Mayor dahil manganganak na si Mariel, ang nag-iisa nitong anak. Itinago ng alkalde ang kondisyon ng anak dahil ayaw nyang maging hadlang ito sa kanyang kampanya sa nalalapit na eleksyon.
Habang nasa byahe ay natawagan na nya ang kumadronang nakontrata nya noon pa na magpapaanak kay Mariel. Kasama sa kanilang usapan na walang makakaalam na nanganak ang dalaga ng alkalde.
Mga kalahating oras ay nakarating na sa bahay ng alkalde si Mr. Lopez. Iniwan nya ang sasakyan sa rotonda sa harap ng malaking pinto at dumerecho sa bulwagan kung saan nakatayo ang alkalde.
Maputi ang buhok ng Mayor kahit na hindi pa sya ganoon katanda. Matangos ang kanyang ilong, at mamula-mula ang kanyang pisgi. Tila ba isang mestizo sa modernong panahon. Matikas ang kanyang tindig, suot ang poloshirt na nakatuck in sa pantalong chino. Balat ang kanyang sandalyas at suot pa nya ang medyas mula sa isang mahabang trabaho sa munisipyo.
“Nandyan na ba ang kumadrona?”, bungad na tanong ni Mr. Lopez.
“Oo, sigurado ba tayo dyan?”, tanong ni Mayor.
“Oo, maayos kausap yan. Kaso ang problema ko, kahit itago natin na nanganak si Mariel, paano natin itatago ang bata pag laki nito?”
“You know, thats not my problem. Kaya nga malaki ang sweldo mo, para sa mga ganitong pagkakataon, hindi ba?”
Naunawaan naman ni Mr. Lopez ang ibig sabihin ng alkalde.
Maya-maya pa ay isang malakas na sigaw ang narinig nila.
“Mayor, mayor!”
Dahil dito ay tumakbo sila sa kwarto na nasa ibabang palapag ng bahay. Sa pinto pa lang ay bumungad na ang kumadrona dala-dala ang sanggol.
“Mahina ang bata mayor. At nahirapan si Mariel sa panganganak.
“Kamusta ang anak ko?”
“Nanghihina lang at kailangan nyang magpahinga. She will be OK. Etong bata po ang problema ko, kailangan po siyang madala sa ospital.”
“Saang ospital pwede?”, tanong ni Mr. Lopez sa kumadrona.
“Baka hindi na umabot pa ang bata kung sa ospital sa kabilang bayan nyo sya dadalin. May paanakan sa Crystal Arcade, pwede doon dahil may mga aparato naman sila don para sa ganitong kaso.”, paliwanag ng kumadrona.
“Sige, dalin na natin.”, aya ni Mr. Lopez.
Inawat sila ng alkalde.
“Nakita na ba sya ni Mariel?”, tanong ng nag-aalalang alkalde.
“Hindi pa po. Nakatulog po kaagad ang anak nyo dahil sa pagod.”
“I want you to stay here.”, utos ng alkalde sa kumadrona. “Make sure Mariel is OK.”
“Pano po ang bata?”, nagtatakang tanong ng kumadrona.
“Dadalin namin sa sinasabi mong paanakan.”
Iniayos ng kumadrona ang bata at iniabot sa alkalde. Sinunod ng kumadrona ang utos sa kanya at hindi nilubayan si Mariel. Paalis na ng silid ang alkalde at si Mr. Lopez.
“Walang makakaalam ng lahat ng to. Maliwanag?”, tanong ng alkalde sa kumadrona matapos kargahin ang kanyang apo.
“Opo mayor, bilisan nyo na lang po ang pagdadala sa bata at mukhang nahihirapan pong huminga.”
“Magkano ang usapan nyo ni Mr. Lopez?”
“250,000 po Mayor.”
“Sige, gagawin kong kalahating milyon, basta pagmulat ni Mariel, sabihin mo sa kanya na patay na ang anak nya.”
Napatulala si Mr. Lopez sa narinig mula sa alkalde.
“Ho?”, gulat ang kumadrona.
“Isang milyon at isang bahay sa kabilang bayan. Dalhin mo ang pamilya mo kung meron man. Umalis ka ng Sta. Ana, akong bahala sa iyo. Siguraduhin mo lang na susundin mo ang sinabi ko. Ako na din ang bahala sa ibang detalye. Pagkagising ni Mariel, sabihin mong patay na ang anak nya nang ipanganak, tapos umalis ka na.”
***
Pinili ng alkalde na sasakyan ni Mr. Lopez ang gamitin upang siguradong walang makakilala sa kanila. Nakasakay ang alkalde sa harapang upuan, karga ang bata at si Mr. Lopez naman ang magmamaneho.
“Bilisan mo Mayor baka hindi tayo umabot”, utosni Mr. Lopez na gulat at kabado pa din sa mga nangyayari.
“Wala akong pakialam, at wala akong balak iligtas ang batang ito. Iiwanan lang natin sa harap ng simbahan ng Santa Ines. Bahala na ang Diyos sa kanya.”
“Ano?”
May mahigit isang oras ang layo ng byahe mula Sta. Ana hanggang sa kabilang bayan ng Santa Ines. Ngayong malakas pa din ang buhos ng ulan at may kadiliman ang kalsada ay baka umabot ng higit dalawang oras ang byahe. Tiyak ni Mr. Lopez na hindi aabot ng buhay ang bata lalo na’t wala namang gamit sa simbahan para dito.
“I know, you don’t want blood in your hands and this something you can’t do. Kaya ako na lang. Binigyan na nga tayo ng pagkakataon to get rid of this, hindi pa ba natin gagawin?”, paliwanag ni Mayor.
“No. Walang kasalanan ang bata.”, bulalas ni Mr. Lopez na abala ang isip upang makahanap ng paraan na iligtas ang sanggol.
Kumunot ang kilay ng alkalde at halatang nagalit. Kaya biglang bawi si Mr. Lopez.
“Kaya ko yan, ako na lang ang magdadala nyan sa simbahan. Kapag may nakakita sayo doon, baka kung ano pa ang isipin nila. May bulung-bulungan pa din naman na buntis si Mariel kaya’t dapat maingat pa din tayo.”, palusot nito upang masigurong nasa kanyang mga kamay ang kapalaran ng pobreng sanggol.
“I don’t trust you with things like this.”, giit ng alkalde.
“You have to.”, pang-uuto ni Mr. Lopez.
“No, drive. Sasama ako.”
Isang malakas na sigaw mula sa bahay ang narinig muli ng dalawa. Boses ni Mariel.
“Gising na ang anak mo. Mas kailangan ka nya.”
Walang nagawa ang…