INTRODUCTION
PIDONG- 57 YEARS OLD, EX MILITARY, MATANDA NA NGUNIT MALAKI PARIN ANG KATAWAN. BIYUDO, MAYROONG DALAWANG ANAK NGUNIT MAY ASAWA NA PAREHO AT CITIZEN SA IBANG BANSA.
NAGMAMAY ARI NG MALIIT NA BARONG BARONG AT HINDI KALAKIHANG APARTMENT NA MAY 5 KWARTO.
Kring!!!! Kringggggg!!
Pidong: hello
‘hello pa kamusta ka na jan?’ bungad ng babae sa kabilang linya
Pidong: oh alyssa anak. Okay naman ako dito anak kayo kamusta jan?
Alyssa: okay naman dito pa, kami nga ang nagaalala sa iyo dito dahil ikaw magisa ka lang jan. Ikaw naman kasi ayaw mo pang sumama nalang dito sa Australia para naman maalagaan ka namin ni kuya eldon.
Pidong: nako iha. Kaya ko naman na ang sarili ko at isa pa may sari sarili naman na kayong pamilya kaya magiging abala lang ako sa inyo kung isasama nyo pa ko jan. At isa pa ayokong iwan itong naipundar namin ng inay nyo. Dito na din ako magpapahinga kasama nya.
Alyssa: wag ka magsalita ng ganyan pa. Matagal pa yon basta magpapadala kami ni kuya every week ng pangastos mo jan okay? Yun manlang ay makabawi kami ni kuya.
Pidong: anak itong pinatayo nyo na apartment malapit sa barong barong ko ay sapat na para sa pangastos ko, sobra sobra pa nga. Magipon kayo para sa kinabukasan nyo ng mga pamilya nyo. Masaya na ako na tawagan nyo ko paminsan minsan.
Alyssa: e basta pa magpapadala kami. Magiingat ka palagi jan. I love you!
Pidong: mahal ko din kayo mga anak. Kamusta mo nalang ako sa kuya mo sabihin mo tawagan din ako minsam.
Alyssa: okay pa makakarating kay kuya.
Natapos ang tawag ng anak ni pidong mula Australia mula ng makapag asawa ng australiano ang anak nito na si Alyssa ay duon na ito tumira. Ang kanyang anak naman na si eldon ay duon lang din nakatira dahil architech si eldon at alyssa at engineer naman ang asawa ni alyssa ay nakakaluwag luwag ang mga ito sa buhay ang asawa naman ni eldon ay purong pinay na duon na rin niya tinira sa australia.
Ng mauwi ang magkapatid dalawang taon ang nakakalipas ay ipinagpagawa nito ang kanilang ama ng apartment malapit sa may tinitiran nito na barong barong dahil makali ang lote nila dito. At dahil din malapit sa isang unibers…