Apatan (part 1)

APATAN (part 1)

by Red Martinez

Kolehiyo pa lang ako ay crush ko na si Michelle. Maganda siya at sexy at mabait. Pero torpe akong lalaki at hindi ko siya niligawan noon, kaya ang nangyari ay napunta siya sa bestfriend kong si Josh.

Naging mag-syota sila at pagkatapos ng ilang taon ay nagpakasal sila at naging mag-asawa. Ako naman ay nagtrabaho sa Saudi ng apat na taon at nang bumalik ako ng Pilipinas ay niyaya ako nilang dalawa na sa kanilang bahay na magbakasyon.

Pumayag naman ako.

Maganda ang bahay nila Michelle at Josh sa Bacoor. Maganda ang trabaho ni Michelle bilang HR Supervisor sa isang multinational company dito. Pero ang sinuwerte talaga ay ang pare kong si Josh. Naging matagumpay ang business niyang construction company. Aaminin ko na medyo naiinggit ako. Kahit ok naman ang sweldo ko ay empleyado pa din ako at hindi ko magawa ang mga luho sa buhay tulad ng maka-bili ng brand new na sasakyan o makapag-abroad palagi.

“Welcome, pare.” nakangiting sabi ni Josh sa akin nang pumasok kami ng bahay nila. “Kumusta ang byahe? Hindi traffic?”

“Pre, traffic.”

“Ok, pre. Ibaba mo muna mga gamit mo dyan sa sofa.”

Ilalarawan ko si pareng Josh. Magkasingtangkad lamang kami at medyo payat ako pero si Josh ay mukhang banat sa gym. Puno ng muscle ang katawan niya at nagpa-semi kalbo siya. Pansin ko din na may tattoo siya sa kanang braso.

“San pala si Michelle, pare?”

“Naku, nasa kwarto namin at naliligo pa. Late na nagising. Pinagod ko kasi kagabi. Hahaha.” tawa ni Josh sabay akbay sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso sa sinabi niya.

“Gusto mong beer? Pahinga ka muna. Isipin mo na bahay mo ito. Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sayo, Danny.” sabi niya.

“Haha. Anong utang na loob yan, pre?”

“Pre, kung hindi dahil sa tulong mo eh hindi ako makakatapos ng kolehiyo. Alam mo naman na mahina ulo ko pagdating sa mga studies eh. Kung di dahil sayo di ko makukuha lahat ‘to.” sabi ni Josh at itinuro ng kanyang kamay ang malaki niyang bahay.

“Oh, eto na pala si misis.”

Paglingon ko ay nakatayo na pala sa likod namin si Michelle.

“Hi, Danny.” sabi niya. Yumakap siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Sandaling tumigil ang puso ko. Ang bango niya. “Namiss ka namin.” malambing niyang sabi.

Tiningnan ko si Michelle. Sobrang ganda at kaakit-akit pa din niya. Nakasuot lamang siya ng asul na jeans na hapit sa kanyang pigura at puting T-shirt kung saan naaninag ko ang perpektong hugis ng kanyang boobs. Nakalugay ang kanyang buhok na lampas sa kanyang balikat.

“Oo nga, pre. Hindi ka man lang nag-message nung nagtatrabaho ka sa Saudi. Akala nga namin eh baka nag-asawa ka na dun.” sabi ni Josh at inakbayan niya si Michelle. Napansin ko na malapit lang ang kamay ni Josh sa suso ng kanyang misis. Kung niligawan ko lang si Michelle noon at nilakasan ko ang loob ko ay marahil ako ang nakaakbay sa kanya ngayon.

“Babe, kumain na tayo. Tignan mo nga kung tapos nang magluto si manang sa kusina.” utos ni Josh kay Michelle. Ngumiti lang si Michelle at tumango sa kanyang mister. Pansin ko na medyo naiilang si Michelle sa akin. Ganito din naman siya noong kolehiyo pa kami. Kahit anong ganda at talino niya ay may pagka-mahiyain pa din siya at may pagka-insecure na hindi ko maintindihan kung bakit. Tahimik lang siya at madaling sumang-ayon sa suhestiyon ng iba. Marahil ang ugali niyang iyon ang dahilan kaya nagustuhan niya ang bestfriend kong si Josh. Brusko si Josh at malakas ang loob na kabaliktaran ni Michelle at kabaliktaran ko din. Katulad ni Michelle ay tahimik akong tao at may pagka-mahiyain.

Doon kami sa may terrace sa second floor ng bahay kumain. Si Manang, ang kasambahay nila, ang nagluto at naghanda ng lamesa. Mula sa terrace ay makikita mo kung gaano kaganda at kaaliwalas ang subdivision.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami. Ang totoo ay si Josh lamang ang nagkukwento habang kami ni Michelle ay nakaupo at nakikinig. Ikinuwento niya sa akin ang mga experience niya sa negosyo at mga taong nakilala niya. Pagkatapos ay inalala namin ang mga ginawa namin noong kolehiyo pa kami. Ikinuwento ni Josh muli ang mga kalokohan niya noon at yung mga ilang beses na muntik na siyang mapaaway sa mga miyembro ng fraternity na malamang natuloy kung hindi ko siya pinigilan.

Habang nagku-kwento si Josh ay sinusulyap-sulyapan ko si Michelle. Nakikinig siyang mabuti sa kanyang mister. Nang tumingin siya sa direksyon ko ay bigla akong umiwas ng tingin sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay naglabas ng beer si Josh at nagsimula kaming mag-inuman. Orange juice naman ang iniinom ni Michelle dahil hindi siya umiinom ng alkohol. Habang nalalasing ay lalong lumalakas ang boses ni Josh at ako naman ay lalong tumatahimik at nahihilo lang. Nagsisimula nang lumubog ang araw. Tumatango-tango lang ako sa mga sinasabi at ikinukwento ni Josh.

“Ok ka pa ba, Danny?” tanong sa akin ni Michelle nang mapansin niyang madami na din akong nainom.

“Uh, ok pa naman. Kaya ko pa. Hindi lang talaga ako madalas uminom.”

“Kahit noong college pa tayo ay ganyan ka na. Hindi tulad ni Josh.”

“Oo nga.”

Tumayo si Michelle. “Sasabihan ko si Manang na magluto na ng hapunan.”

“Ok, baby.” sagot ni Josh sabay tungga muli ng beer. Nakangisi siya habang sinusundan ng tingin ang galaw ng balakang at seksing pwetan ni Michelle.

“Ang hot talaga ng misis ko.” sabi niya. “Ano sa tingin mo, pareng Danny?”

“Oo, pare.”

“Lalo na sa kama, pare. The best.”

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni Josh kahit naiinggit ako sa kanya. Ang swerte niya dahil gabi-gabi niyang puedeng kantutin si Michelle.

Tumagal pa ang kwentuhan namin. Maaliwalas sa terrace ng bahay nila at mahangin at maganda ang panahon. Sumandal ako sa silya at uminom ng malamig na bote ng beer habang natatawa sa mga kwento ni pareng Josh. Minsan ay may pagka-gago itong si Josh pero isa siya sa pinaka-mabait na taong nakilala ko. Mukhang magiging ok naman ang bakasyon ko dito.

Pages: 1 2