‘Kuya saan ang punta natin?’ Hingal na tanong ni pol
‘Sa pwesto’ ang kapatid kong si miggy ang sumagot. Tumango na lang ako. Tama naman kasi sya, nasa pwesto ang elf truck namin. Kailangan namin yun para makalayo sa kabayanan. Para makalayo sa mga zombie.
Oo, zombie. Akala ko nga sa pelikula lang yun posibleng mangyari. Kaso heto ngayon at kailangan naming tumakbo para sa mga buhay namin.
Hindi pa rin malinaw sa akin kung paanong nagkazombie. Nagising na lang ako kaninang umaga at pinag eempake na kami ni tatay. Si tatay ang unang namatay sa amin. Habang inaantay nya kami sa labas ng bahay ay nagkagulo at huli na para tulungan namin sya. Inatake sya ng isang babaeng tuklap ang ang laman sa mukha at kitang kita ang mga ngipin nito. Pulos puti rin ang mga mata. Si miggy ang nakapatay sa babae. Sya rin ang tumaga sa ulo ni tatay.
‘kuya saan tayo pupunta pagka kuha sa truck?’
Naputol ang pag iisip ko ng tanungin ako ni miggy. Nasa pwesto na pala kami at inilalabas na ni pol ang truck.
‘Teka!’ Sumenyas ako kay pol. ‘Imaniobra mo na pol pero wag mo munang ilabas. Cel, jigs, jim, kunin nyo lahat ng magagamit natin sa loob ng pwesto. pagkain, tubig, lalagyan ng tubig. Ilagay nyo lahat sa truck. Bilisan nyo. magbabantay kami dito sa labas’ utos ko.
Sumunod naman agad sila. Si miggy gustong bumalik sa bahay para kunin ang baril nya pero umayaw ako. Delikado at napakarami ng zombie doon. Nang makarinig kami ng angilan ay sinigawan ko na sila cel na lumabas na. Dali-dali naman silang lumabas at sumampa na sa truck. Inabot sa akin ni cel ang isang itak. May hawak din syang kutsilyo. Tubo naman ang ibinigay nila jugs kay miggy. Hindi nga ako nagkamali, zombie nga ang narinig namin. Mga babaeng zombie. Hindi na sila tunog tao. Para na silang mabangis na hayop. Humabol sila sa truck. Humigpit ang hawak ko sa itak. Namamawis ako ng todo. Natatakot ako e. Baka makahabol sila at makatalon sa truck. Halata rin ang takot sa mukha ni cel at jigs. Pero si miggy ang pinaka relax. Siguro kasi sundalo sya? Kaya sanay syang nasa ganitong sitwasyon. Siguro ang tingin nya sa mga zombie ay mga rebelde lang. Naka passes lang sya ng ilang araw. Ngayon na lang sya ulit umuwi mula nung ikasal si patrick at cel.
‘Tulooooong!’
Napapreno si pol. May lalaking nakaharang sa kalsada. Bumusina ng tuloy tuloy si pol pero hindi umaalis ang putangina sa gitna ng daan. Ilang beses nagmura si miggy. Malapit na yung mga humahabol sa amin.
‘sumakay ka na bilisan mo o tatagain kita’ singhal ni miggy sakanya. May sinenyasan sya at mula sa isang bahay ay lumabas ang dalawang bata at isang babae. Napapikit ako at huminga ng malalim.
‘Bilisan nyo!’ Wika ko at bumaba ng truck. Isinikay ko ang dalawang bata. Inalalayan naman ni cel at jigs ang babae.
Pagkasakay ng lalaki ay sinapak sya ni miggy.
Pinaandar ng muli ni pol ang truck pero nakahawak na sa gilid ng truck ang isang zombie. Nagulat ako ng may tumaga agad sa kamay nito. Si cel.
‘Tangina mo ah siraulo ka’ Singhal ni miggy sa lalaki. Dapat ay tatadyakan sya ni miggy pero inawat ko na at doon ko nakilala ang lalaki. Kapitan ng zone 1.
Itinayo ko sya. Nakilala nya rin ako. Humingi syang pasensya.
‘Desperado na ko leo. Ihatid nyo lang kami sa slaughter house. Andoon lahat ng kabaran–‘
‘Papa sabi ko sa iyo mas okay na dun tayo sa resort ni tita’ singit naman ng asawa nya.
‘masyado ngang malayo yun. delikado wala tayong sasakyan’ sagot naman ni kap
Nagbangayan pa silang mag-asawa pero hindi ko na sila binigyang pansin. Nang malapit na kami sa slaughter house ay tumigil ang truck. Binuksan ni pol ang bintana sa likod.
‘Kuya hanggang dito na lang makipot yung daanan’ sabi nito.
Nagpasalamat naman sa amin si kap pero ang dalawang anak nya at asawa ay hindi kumilos. Kinailangan nya pang pilitin ang mga ito.
Mejo nakakalayo na kami ng magsalita si cel.
‘Sabi nung bata may kagat yung isang health worker na nandoon sa slaughter house pero hindi sya pinaniniwalaan ng mama at papa nya’
Napatitig ako sakanya. Si miggy naman naipadyak ang paa. Kinatok ko ang bintana at binuksan naman yun ni jim.
‘Pol ibalik mo. Wag mo ng iikot. Iatras mo na lang. Bilisan mo’ utos ko
Nagtataka man hindi na nagtanong pa si pol kung bakit. Nang matanaw ko na ang slaughter house, agad na kong bumaba. Sumunod naman sa akin si miggy. Pinigilan ko ng bumaba si jigs, jim, cel at pol.
‘Dito na kayo. Pag nagka letse letse umalis na kayo’
Pero hindi pa man kami nakakalayo sa truck ay lumitaw na yung dalawang anak ni kap. Umiiyak sila. Sasalubungin ko sana sila kaso pinigilan ako ni miggy.
‘Nakagat kayo?’ Tanong nya sa mga bata.
Umiling ang dalawa. ‘Pero si mama po nakagat. Ang dami po nilang nakagat sa loob’ wika ng isa
Si miggy ang lumapit sakanila at nagcheck. Tinulak nya sila papunta sa truck. Agad naman silang inakyan ni jigs at pol.
—
Nanginginig ang buong katawan ko. Tirik na tirik ang araw pero nilalamig ako. Malaki ang slaughterhouse, kasyang kasya ang nasa halos singkwentang residente ng zone 1 na hindi sila nagsisiksikan pero wala itong mga kwarto na maaring pagtaguan. Kaya nang maging zombie ang isa sakanila ay walang paraan upang makapagtago. Lalo na at ang unang nabiktima nito ay ang apat na lalaking nagbabantay sa may pinto. Pintong hinarangan nila ng mga lamesang bakal at kinandado. Nang umalis kasi si kap ay nagkagulo agad at ang apat na lalaki ang naging lider nila sa loob ng maikling panahon. Nasa isa sa apat ang susi ng putanginang kandado. Sa singkwentang residente ay labing anim lang ang nakaligtas.
Halos lahat ng namatay ay mga bata. Wala kaming pagpipilian nila miggy kundi isara muli ang pinto ng gusali.
‘Kuya’ nagulat ako ng tabihan ako ni cel. May hawak syang basang bimpo at pinunasan ang mga kamay kong punong puno ng natuyong dugo.
‘Masama ba kong tao dahil masaya akong hindi kasama sila ekel sa mga batang namatay?’ Natanong ko na lang bigla sakanya. Natigilan sya sa ginagawa. Ngumiti sya sakin
‘Kung masama yun kuya, hindi ka nag iisa’ sagot nya
Napangiti na rin ako. Oo nga pala, sinuway nila ako kanina. Sumunod sila ni pol nung marinig nila ang sigaw ni kap na hinihila namin palayo sa asawa nyang may kagat na sa leeg at nagsisimula ng mangisay at bumula ang bibig.
‘Okay ba dun sa resort na sinasabi ng mga bata?’ Tanong ko. Doon kasi ang punta namin. At sabi ni cel ay nakapunta na sya dun.
‘Oo kuya. Doon nagpachristmas party yung contractor nila patrick last year. Maluwag paligid. Mataas ang pader tapos malalaki at matataba ang bakal ng gate kuya at nasa gitna ng bukid’
Totoo nga ang sinabi ni cel. Malawak ang resort, may mataas na pader at secured na secured ang gate. Ang pinakamahalaga din sa akin ay nasa liblib itong lugar. Malayo sa bayan at kabahayan. Agad kaming nag ayos pagdating. Kokonti lang naman kami kaya ang naabutan naming stocks ng pagkain ay mejo tatagal. Sa likod din ng maliit na hotel ay may vegetable garden. Hindi rin problema ang tubig na maiinom dahil may poso rin sa likod.
Hindi makausap ng maayos si kap kaya kaming magkakapatid ang nagmando ng lahat. PAti na rin kung sino ang magbabantay sa paligid at kung gaano…