Sundalo si romeo. Isang taon bago magsimula ang apocalpyse ay ‘namatay’ ito sa isang engkwentro. Naniwala naman sila rigo dahil naiuwi ang ‘bangkay’ ng kuya nya. Pero mula non ay naging weird na ang kilos ng nag iisa nitong anak na si amy. Ang natanggap nitong pera sa pagkamatay ng ama nya ay ibinili nya ng lupa sa isang liblib na baryo sa probinsya nila sa nueva ecija at doon na ito tumira. Nalaman lahat yun ni rigo, dalawang buwan bago magka apocalpyse. Akala nila rigo ay depressed ang pamangkin kaya dinalaw nya ito doon. Laking gulat nya sa naratnan sa bahay nito.
‘Ang dami nyang pagkain na imbak. Ang lawak nung lupa at tinamnan nya ng gulay, palay at mais. Pinapaderan nya rin ng sobrang taas. Meron din syang basement. Ang buong bakuran nya tadtad ng cctv camera, may solar panel din sya’ kwento ni rigo
‘Naging prepper sya’ maya maya ay sabi ni miggy. ‘Siguro may nagsabi sakanya’
‘Meron pare. Si kuya romeo. Nakagat na sya at alam nyang kakalat ang virus at matagal pang makakagawa ng vaccine. Kaya sinabihan na nya ang anak nya. Dahil alam nyang anak nya lang ang maniniwala sakanya. Pero ang naka kagat sakanya kapwa nya sundalo. Bantay sila sa facility na yun sa sulu. Palpak yung unang eksperimento nila. Marami itong napatay na doktor at kapwa nya sundalo. Si kuya ang isa. Pero matagal bago sya maging ganun kaya akala nya magiging okay lang sya kaya lang nahawaan nya yung isa nya ring kasamahan na babae na nakakasex nya. Ang sabi ni kuya kay amy naging bayolente agad yun. Ang hinala nya may pagbabago sa virus sa tuwing naipapasa yun’
‘Super soldiers’ sabad ni cel. Napatingin kaming lahat sakanya. ‘Alam ko yung lab sa sulu. Nabanggit ni papa sakin. Sya yung kumukontra sa idea ng super soldiers dahil kailangan ng human experimentations. Ayaw ni papa ng ganun. Sabi nya pa hindi dapat pakialaman kung paano tayo ginawa’ pagtutuloy nya
Napanganga si miggy sakanya. ‘S-si senator mercado papa mo?’
Nang tumango si cel ay napaputangina ako. Si senator mercado ang pinaka matunog na pangalan na tatakbong presidente sa susunod sanang eleksyon. Naalala ko rin na yung walong helicopter na pinadala para manguha ng mga tao para madala sa palawan ay si senator ang nagpadala. Walong helicopter ang pinadala nya sa bayan namin, samantalang sa ibang bayan at probinsya dalawa o tatlo lang. Para yun kay cel.
‘Sya na namumuno sa bansa ngayon cel. Maraming may gustong mawala sya kasi sabi nung ibang opisyales na buhay pa, sinasayang nya ang resources. Gusto ng karamihan sa nakatataas, lahat ng resources sa palawan at mindoro lang. Kaso ang ginagawa ni senator, hinahati hati nya ang supplies para ipamahagi sa maliliit na kampo ng survivors sa buong bansa. Kahit na anong mangyari wag na wag mong sasabihing anak ka nya. Naiintindihan mo? Hindi dapat mawala ang papa mo’ seryosong wika ni rigo. Tumango naman si cel.
—
Ang narinig naming pagsabog ay ang truck namin. Pinasabog ng mga putang inang bataan ni rico. Kaya wala kaming pagpipilian kundi magtago na muna sa isang bahay. Mangilan ngilan lang ang zombie sa paligid.
‘Kuya lalabas ako. Kailangan ni pol ng gamot e’ isang umaga ay paalam ni miggy
‘Ako na lang. Ayokong ikaw’ tangi ko. Ayoko ng mawalan pa ng kapatid. Nakipag away pa sya sakin pero sa huli ako rin ang nanalo.
‘Kuya babalik ka ha?’ Lumapit naman sakin si cel.
‘Oo naman. Saglit lang ako’ sagot ko pero nabitawan ko ang bag na hawak ko ng makitang umiiyak sya. ‘Bat ka umiiyak? Babalik naman ako e’
‘Oo tsaka kasama naman nya ko’ singit ni rigo na nakahanda ng umalis.
Gusto ko sanang halikan si cel sa labi pero sa noo na lang dahil nag alangan ako na makita yun ni rigo. Alam nya kasing hipag namin si cel, sinabi ni pol.
Nasa loob na kami ng mercury drug ng maisipan ni rigo na maligo. Ako rin e pagkatapos nya ay naligo rin. Ang hirap kasi ng tubig doon sa pinagtataguan namin. Wala ng natulo sa gripo at kailangan pa naming lumabas para mag igib at ilang metro ang layo ng poso sa bahay. Pagkatapos ko naabutan kong umiinom ng coke si rigo na kinuha nya sa ref sa likod.
‘Nag aalala talaga si cel para sayo ah’ wika nya at inabutan din akong isang coke. Ngumiti lang ako at umupo sa tabi nya. Siniko nya ko. ‘Okay lang gago. Bago na mundo ngayon. Kita mo imbes na mga zombie lang ang problema nating mga survivors, ayan ang mga katulad nila rico. Mas hayok pa sa mga zombie ang mga ulupong’
Nasamid ako. Puta. Natawa naman si rigo. ‘Hindi ko kayo nakikita pag gabi pero naririnig ko kayong maghalikan. Ayos lang sabi ko sayo e. Kung ang tingin mo imoral ang relasyon nyo, tangina kamusta naman yung akin’
Napaisip ako sa sinabi nya. Pero hindi ko na sya inusisa pa. Pagkakuha namin ng mga gamot at napkin ni cel ay umalis na kami. Kalmado kaming naglakad. Pag may zombie kaming nakikita hangga’t hindi kami inaatake e iniiwasan na lang namin. Kaya akala namin okay na ligtas na kami. Kaya lang pagliko namin papasok sana sa village ay naka face to face namin sila rico. Nakangisi sila samin. Pinalibutan nila kami agad. Pinaghahataw nila kami ng baseball bat nila. Namaluktot ako at tinakpan ng kamay ang ulo ko. Pinipilit nila kaming paaminin kung nasaan pa ang ibang kasama namin. Lalo na umano yung babae. Nagkatitigan kami ni rigo. Paano nila nalaman? E parehong namatay yung dalawang aso nya. Para namang narinig ni rico ang iniisip namin. Pinatigil nya mga bataan nya at umupo sa tabi ko.
‘May look out kami lagi tuwing umaalis. Nakita nya na may kasama kayong babae na pangkangkangan ang katawan. Nasaan sya? Anak mo ba yun? Virgin pa ba? Sabi ni eboy malusog ang dede e. Ano nasa—‘
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Hinila ko sya sa buhok at buong lakas na inuntog sa kalsada. Nakatatlong untog na ko sakanya nung hindi na sya gumalaw at makarinig ako ng parang nagcrack. Saka lang din kumilos ang mga bataan nya. Pinagpapalo nila ko pero hindi ko na iniinda ang sakit. Si rigo naman e kinuha ang bat na hawak kanina ni rico at inundayan na silang hampas. Ako naman e itinayo ang lupaypay na katawan ni rico at pinangharang sa ibang hampas. Buhay pa si rico. Pinatigil nya sila. Binulungan ko naman sya.
‘Hinding hindi mo mahahawakan si cel’ at binali ko na ang leeg nya
Naulol naman ang mga bataan nya. Akala ko mamatay na ko nun. Kahit si rigo napahiga ulit sa kalsada. Pero tumigil sila. Pag angat ko ng tingin ay akala ko namamalikmata ako. Nasa gitna ng kalsada si cel. Basang basa ang damit. Wala syang bra. Bakat na bakat ang utong. Naisip ko siguro mamatay na ko nun kasi bakit ganun itsura nya. Kaso pagkakita ko sa parang natakot nyang itsura, totoo pala. Nilapitan sya nung isa. Napasigaw ako ng malapitan na nya si cel at dinakma agad nung putangina ang dede nya. Sinubukan kong tumayo kasabay ni rigo pero may humampas samin sa likod. Nagtatawanan na sila. Hayok na hayok ang mga gago. May naglabas na nga ng titi at jinakol jakol na. Itinaas nung dumakma sa dede ni cel ang tshirt nya. Humawak si cel sa likod nya. Tapos may kuminang. Ang bilis. Nalugmok na lang bigla sa kalsada yung may hawak sakanya at pinipilit na takpan ang butas sa leeg.
Sinaksak sya ni cel. Pero di pa man kami nakababawi sa ginawa ni cel ay may lumitaw na bulto sa likod nya. Si romeo.
‘Kuya’ tawag dito ni rigo
Nagsitakbuhan na ang mga gago pero di rin nagtagal ay natigilan sila.
‘Jim’ wika ni cel
Nakarinig ako ng asik sa likod ko at nandoon nga si jim. Halos magka…