Zen type two storey house ang ipinatayo niyang bahay, na mayroong tatlong kwarto, lahat sa itaas. Ang kanyang master’s bedroom, isang kwarto para sa guest at isang kwarto bilang kanyang work room para sa kanyang hobby. Sa baba naman ay nagpalagay siya ng garden sa harap ng kanyang bahay. Sa gilid naman, papunta sa likuran ng bahay ay mayroong maliit na pond.
Pagkapasok ng kanyang gate, ay may ngiting sumilay sa kanyang mga labi ng maalala ang mga nangyari, dalawang linggo na ang nakararaan. Matapos niyang matapos ang mga kailangang ipakabit na utilities ay dumiretso na siya sa bahay, kasama ang kanyang architect na si Samantha. Bata pa lamang ay magkakilala na sila dahil ang ama nito ay kaibigan ng ina ni Gin at siyang nag engineer sa kanilang family house.
Sakay ng kanyang pick up truck, ay nakarating sila sa bahay.
“So here we are Sam. The very house you designed. So I don’t think na need pa kitang i-tour.” Ang nakangiting sambit ni Gin sa babae habang pumaparada sa labas ng bahay. Manghang mangha naman ang dalaga sa bahay na kanyang nakikita. Di siya makapaniwala na siya ang nag design nito.
“I have never thought na ganito ang kalalabasan ng bahay mo Gin.“
“Magtataka ka pa ba eh magaling ang nag design neto hehe.Shall we get inside?“
Medyo namula ang dalaga sa papuri ng binata, ngunit aaminin niya na nakaramdam siya ng pride at satisfaction sa kinalabasan ng bahay. Hindi na bago sa kanya ang pag dedesign ng mga bahay, ngunit lagi siyang nakakaramdam ng satisfaction kapag masaya ang kanyang mga kliyente sa kinalalabasan ng pinatatayo nilang bahay o gusali.
Agad naman pumasok ang dalawa sa loob ng bahay. Medyo maaliwalas pa dahil wala pang kagamit gamit at sa kulay puti na pintura ng motif ang ginamit sa buong bahay. Umakyat sila sa taas upang tignan ang mga kwarto. Namamangha parin si Sam sa mga kwarto at kahit ang mga banyo na gawa sa frameless glass ang mga division na makikita mo sa mga mamahaling hotel.
Muli silang bumaba upang tignan ang kusina at laundry area sa likod. Wala naman ibang makakakita mula sa labas dahil mataas ang bakod nito. Ganun din sa buong paligid ng bahay. Tanging gate lang sa harap ang may puwang upang makita ang loob at garahe. Ngunit sabi nga ni Gin, balak niyang palagyan ng mga halaman para naman meron parin privacy sa loob ng bahay.
Naglakad pa sila sa gilid ng bahay, at naisipan namang buksan ni Gin ang sprinkler upang umangat ang init mula sa baba at magkaroon ng kaunting lamig dahil sa init ng panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabasa ng tubig si Sam.
“Aaaaaaayyyyyyyyy” ang tili ng dalaga ng masabuyan siya ng tubig mula sa sprinkler. Agad agad namang pinatay ni Gin ang tubig dah…