—-
Isang linggo pa ang lumipas at walang narinig ang binata mula sa dalaga. Hindi rin nag papa abot ang dalaga sa mga magulang dahil sa kanyang kalagayan. Hindi niya alam kung paano niyang ipaliliwanag.“Annette..buntis ako.“
“WHAT?! Buntis ka? Paano? I mean sino? Si Fred ba?“
“No way na si Fred. Hindi na siya nagpakita o nagparamdam mula noong insidente sa restaurant.“
“…I’m sorry for that. It’s just that I need to.“
“It’s okay. Okay na yun. Napatawad na kita.“
“Then who is the guy? Don’t tell me, client mo?“
“..Yes. Client ko.“
“Huh? Sino?“
“S-si… Gin.“
“What? Aaahhhh shit sasabog utak ko girl. Pero bakit client ang turing mo sa kanya? I mean magkababata naman tayo. Besides, diba alam ko crush mo siya noon?“
“Annette..mahal ko siya noon. Noon pa.“
“Whatthe. Revelations after revelations girl. Alam na ba niya? Bakit hindi ka masaya?“
“I don’t know. Di ko pa sinasabi sa kanya. I don’t know if masasabi ko sa kanya. I mean, diba nga may hinahanap siyang babae at gusto niyang pakasalan.“
“Natanong mo na ba kung sino?“
“Technically hindi pa. Pero sabi niya nagka contact na sila before pa siya umuwi ng Pilipinas at nagkita nadin sila at nasa dating stage.“
“Oh my God girl. Alam mo, first, sabihin mo sa kanya. Deserve niya padin malaman, regardless if he wants to take responsibility or hindi. Pangalawa, make clear things with him. Though I hope kayo ang magkatuluyan.“
Isang linggo na nag leave ang dalaga dahil gusto niyang makapag pahinga. Nag iisip kung papaano haharapin ang binata. Si Gin naman ay hindi na nakatiis at isang tanghali ay pumunta na ito sa bahay nila Samantha. Nagpaalam ang binata sa magulang ni Sam na dadalaw ito at siya namang pumayag ang mga magulang dahil nag aalala na din sila dahil nagkukulong lang ito sa kwarto nito. At nag leave pa ng isang linggo na hindi naman daw ginagawa ng dalaga.
Agad agad naman nagluto ng pagkain si Gin mula sa restaurant at saka ito dumiretso sa bahay ng dalaga. May sampung minuto din na kumakatok ang binata nang pagbuksan siya ng dalaga. Nag alala agad ang binata dahil putlang putla si Sam nang lumabas ito sa bahay. Pinatuloy naman siya ng dalaga at kinuha ang pagkain. Naka pajama lamang ang dalaga, at mugto ang mata nito. Nalungkot ang binata sa nakikita sa dalaga, parang kinurot ang puso niya dahil baka siya ang dahilan nito.
“Sam, anong nangyayari? Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko. Wala ka din noong event.“
Tahimik lang ang dalaga at naluha nalang bigla. Pinahid din naman agad agad ang luha nito upang hindi makita ni Gin. Ngunit huli na, dahil nasa likod na niya ang binata.
“Sam, please talk to me. Ako ba ang dahilan?“
“Oo Gin. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.“
“At ako din ang may kasalanan Gin.“
Nagtataka ang binata sa sinasabi ng dalaga.
“Gin. Buntis ako. Ikaw ang ama.“
“Wala akong planong guluhin ka. Pero nagdadalawang isip talaga ako na sabihin ito sayo. Pero deserve mo na malaman ang totoo.“
“Gin, highschool palang ako, hindi lang basta simpleng paghanga ang meron ako sayo. Pagmamahal bilang isang dalaga. Bilang isang babae.“
“Umalis ka na walang pasabi. Hindi ko na rin nasabi sayo ang totoo kong nararamdaman. Naghintay ako para sayo. Totoo yun, at nung sinabi mong pauwi ka na at gusto mo akong kuning architect ng bahay na ipatatayo mo, sobrang saya ko noon.“
“Matagal kong kinimkim itong nararamdaman ko para sayo. Marami akong inhibitions pero nailabas ko yun sa iyo. Kahit ako ay nagulat sa mga pinag gagagawa ko netong mga nakaraan pero wala akong pinag sisisihan. Nagpapasalamat pa ako sayo dahil muli mong binuhay ang matagal ko nang nakalimutang nararamdaman para sayo.“
Hindi sumagot ang binata sa mga litanya at rebelasyon ng dalaga. Umalingawngaw ang katahimikan sa sala ng bahay ng dalaga. Napahagulgol na lamang ang dalaga, mabuti na lamang at nakatalikod siya sa binata at hindi nakikita ang luhaan niyang mukha. Isa siyang luhaan sa mga oras na iyon. Dahil anu’t anuman, maaaring hindi siya piliiin ng binata nang dahil lang sa nabuntis siya. Kung piliin man siya ay hindi rin siya siguradong mahal nga siya ng binata. Ngunit sa kabila ng kanyang nararamdaman ay masaya siya na nasabi niya iyon lahat sa binata.
Akmang aalis ang dalaga nang hawakan ni Gin ang braso niya at napatigil siya. Nilingon ni Samantha si Gin. Nakayuko ang dalaga at naka kuyom ang kabilang palad nito. Hindi siya sigurado kung bang galit ito dahil nalaman niyang buntis siya at siya ang ama. Makakasira ba ito sa mga plano ni Gin? Ayaw niyang isipin na galit sa kanya ang binata ngunit maaari ding mabuti ng ganoon at upang hindi rin sila umabot sa hindi magandang kinabukasan.
“Hello, Samantha?”
“Hi, yes, may I know who is this?”
“Sam! Hahaha! Finally Sam! It’s me Gin. how are you?”
“Gin? Gin! Oh my God. It’s been a while. I am good, how are you?”
“I am good. Look, I have a very limited time here. But can you design a family house for me? Gusto ko sana ikaw ang mag design sa ipatatayo kong bahay sa Bulacan. I want it as a two storey house. Ikaw na ang bahala, I’ll leave it to you, gusto ko yung pang maliit na pamilya. Send me once natapos mo na. It’s as if ikaw ang titira.”
“Ah not sure about it Gin hahaha but sure, sige. I will design one for you. Kailan ka uuwi?”
“Soon. I’ll be looking for you Sam.”
“Hindi ako mahirap hanapin no. You can always contact naman sila mama at papa.”
“Sige. I am excited to see you again Sam. I’ll be home.”
“Nice to hear from you again Gin…”
Hindi makita ng dalaga ang reaksyon ng binata. Nang maramdaman ni Gin na wala nang pagprotesta mula sa dalaga, ay agad niyang niyakap ang dalaga mula sa likuran. Ramdam ng dalaga na para bang sinasabi nitong huwag siyang umalis. Na hindi siya pakakawalan ng binata.
“Samantha. The reason why I wanted you to design my house is because alam kong ga…