PS: All characters are above 18 years old
==================
” anak napano ka?” ang tanong ni tita reagan sa panganay nitong anak na humagulgol lamang ngayon sa lupa habang nasa harapan nito ang kanyang telepono. Kahit si tita reagan ay halos matumba na lamang din ng makita niya ang nakalagay sa balita.
” Ginagawang condo building…. Gumuho….. Matutulad kaya ito sa Manila Film Center” ang maikling sabi sa breaking news ng isang tv station habang larawan ito ng condo building na tinatapos nila kanina. Lulu ay napakapit na lamang sa hood ng suv habang si nanay tetchie naman ay hindi makapaniwala sa kanyang nakita at narinig.
” mahhhhallll koooooo huhuhu hikhikhikhiik maaahhhhhaaallllllll koooooooooo” ang malakas na palahaw ni vina na akala mo ay isang lobo itong umungol sa ilalim ng kabilugan ng buwan. Si tita reagan naman ay nakasandal lang sa pintuan ng suv niya habang patak patak na luha ang tumutulo sa mga mata nito.
” ariiisss!! Arissss!! arisss!! ” ang paulit ulit na usal ni lulu habang umiiyak ito sa hood ng suv at patuloy lang siya sa paghikbi. Durog na durog na ang mga puso ng mga babaeng nakasama ni aris mula pagkabata pero may isang puso na ayaw sumuko.
Puso ng isang ina na kadugtong na ng puso ni aris.
” vina….. Tumayo ka diyan.. Di pa patay si aris….. Susunduin natin siya” ang sabi ni nanay tetchie habang pilit niyang tinatayo si vina pero ang kanyang effort na over power lang ng bigat na nararamdaman ng dalaga.
” lulu………. Pagdrive mo ako… please…. Buhay pa ang anak ko” ang sabi naman niya ng lumipat ito sa kay lulu para pilitin ito na lumaban para kay aris. Pero tulad ni vina ay nanaig ang bigat na nararamdaman nito.
” reagan mare…. Buhay pa ang paborito mong student… sunduin natin siya huhuhuhuhuhu” ang sabi ni nanay tetchie kay tita reagan pero parang wala din itong naririnig kaya naman napaluhod na lamang siya sa lupa at pilit na tinatanggi ang nangyari sa kanilang buhay.
” anoooo….. Ganito na lang ba tayo…… lugmok……. Paano kung hinihintay tayo ni aris” ang sabi ni nanay tetchie habang nakalugmok na rin ito sa lupa. Tila ba nabuhayan ang mga kasamahan nito dahil bigla silang tumingin dito at tsaka nila tinayo ang ginang tsaka niyakap.
============================
Sa bahay ni Tita lilly
Nakatayo pa din sa labas ng bahay si tita lilly habang pilit niyang sinusundan ang pamilyar na samyo na pabango na kanyang niregalo kay aris noong nag stay pa ang binata dito.
” aris?” ikaw ba yan baby? Are you playing some pranks again?” ang tanong ni tita lilly habang palinga linga ito sa paligid. Walang aris na lumalabas pero palakas ng palakas ang amoy ng pabango sa paligid niya.
Nakakaramdaman naman ng takot itong si tita lilly. Di niya alam kung ano ang dahilan pero kakaibang takot at kilabot ito. Tumataas ang mga balahibo niya sa buong katawan habang tila ba palakas din ng palakas ang hangin sa paligid.
” baby? Di na ako natutuwa….. Lumabas ka na diyan please or else you won’t be fucking me for one week” ang medyo malakas at pasigaw ng boses ni tita lilly. Ramdam mo sa kanyang boses ang kaba dahil medyo garalgal na ito at kabado.
” Baby!! Baby!!…. Lumabas ka na diyan” ang ngayon ay galit na galit ng boses ni tita lilly habang paikot ikot ito sa labas ng bahay niya para hanapin pa rin ang akala niyang si aris na nag prank lang sa kanya.
Ang hindi niya alam ay isang malaking pangyayari na pala ang nagaganap ngayon. Sa sobrang inis nito ay pumasok na lamang muli siya bahay niya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa kusina.
Ng biglang nagkaroon ng breaking news sa kanyang pinakikinggan na online radyo.
” Breaking News…….. Isang ginagawang Gusali sa maynila Gumuho…. Ayon sa paunang Report…. Isang lalaki ang kasalukuyan pinaghahanap dahil sa natrap ito di umano sa loob ng ginagawang gusali” ang sabi ng DJ habang pinakikita nito ang mga paunang larawan ng accident site.
Sakto naman napatingin si tita lilly dito at halos himatayin ito ng makita niya ang pamilyar na lugar na ito. Matalino at alam ni tita lilly ang mga pamahiin sa atin. Kaya naman isang malakas na sigaw na lang ang kanyang napakawalan.
” Ariiiiiiiiiiiiiiiiiisssssssssssssssssssssss” ang malakas na sigaw ni tita lilly na animo ay isang aso na nasaktan ng matindi.
============================
Sa bahay ni tita andrea.
” aris?” ang sabi ni tita andrea habang kinuha nito ang folder na kung saan dito nakalagay ang recognition ni aris. Hindi pa niya ito nabibigay sa binata dahil sa susunod na linggo pa lang ang recognition day ng mga top students.
” I can’t imagine kung gaano na kalaki ang inimprove mo” ang sabi ni tita andrea habang hinahawakan niya ngayon sa hawakan ang certificate na siya mismo ang mag aabot kay aris sa araw ng parangal.
” From that promdi boy na pinakiusap lang ni reagan sa akin to now this man who finally show his true potential” ang sabi ni tita andrea habang inaalala niya ang araw na pumasok si tita reagan sa opisina niya para ipakita sa kanya ang records ng potential scholar niya.
” I admit nung una… I doubt na kaya mo…. Pero you prove me wrong each time” ang sabi ni tita andrea habang yapos yapos nito ngayon ang certificate na siya mismo ang pumirma. Hindi niya maiwasan na maluha dahil isa na naman buhay ang kanilang natulungan.
” ring ring!!!” ang tunog ng telepono ni tita andrea at mabilis naman na natigil ang kanyang pag ala ala sa mga masasaya nilang pinagdaanan ni aris mula sa resort sa batangas hanggang sa maiinit nilang tagpo sa malamig na baguio city.
” hello lilly…. Napatawag ka” ang sabi ni tita andrea ng umupo ito ngayon sa kanyang shivel chair at muling humarap muli sa mga papeles na kanyang inaayos.
” what!!!!” ang isang malakas na sigaw ni tita andrea at halos matumba ito sa kanyang kinauupuan dahil sa isang matinding balita na kanyang hindi inaasahan na marinig.
============================
Sa gitna ng mga naglalakihan gusali sa maynila ay may isang dating gusali ngayon ay halos hindi muna makilala.
” wang!! Wang!! Wang!!” ang malakas at sunod sunod na sirena ng mga ambulansya na labas pasok ngayon dito sa may gumuhong gusali. Ang dating nasa 20 palapag na gusali ay parang naging lego blocks na lang sa laki .
Mabilis naman na hinarangan ng mga kapulisan ang paligid ng gusali habang patuloy ang mga early responders sa paglabas ng mga sugatan at mga patay na kanilang nakukuha mula sa paligid ng guho.
Sunod sunod din ang dating mga dagdag na kapulisan at pati na rin mga kasundaluhan sa area dahil sa unti unting pagkapal ng mga miron at usyoso sa paligid. Dagdag mo pa ang mabilis na pagset up ng iba’t ibang Van ng mga tv network.
Habang parang mga langaw naman sa ere na paikot ikot ang mga helicopter ng mga news station na kung saan may mga nakalabas na mga camera sa pintuan at patuloy lamang sila sa pagkuha ng aerial view ng nasabing gumuhong gusali.
” Nasasaksihan niyo po ngayon ang actual na pag rescue sa mga nasaktan at mga sugatan sa pag guho ng tinatayong gusali na pagmamay ari ng isang businessman” ang pag uulat ng isang news reporter na nasa tabi ng piloto habang paikot ikot sila sa paligid.
” ayon sa mga paunang ulat…… Nakaramdam daw ng maliit na pag uga ang mga nasa ikalabing tatlong palapag ng ginagawa gusali….. At halos minuto lang daw ang pagitan ng una nilang maramdaman ito ay parang natutumba na daw ang nasabing gusali” ang pagpapatuloy ng reporter habang ang cameraman niya ay zinoom ang kuha nito sa mismong gusali na dating nakatayo pero ngayon ay parang isang malaking tumpok na lamang semento.
Patuloy lamang ang pag uulat ng iba’t ibang mga news channel. May iba na nagbabalita lamang pero may mga iba na parang pilit nilang inahahalintulad ito sa mga naganap na noong mga nagdaang taon.
” Marami ang nagsasabi na parang bumabalik na naman sa mga alaala nila ang mga nangyari noon sa manila film center na kung saan minadali ang konstruksyon ng gusali na nagresulta sa pagiging unstable nito” ang sabi ng isang tv reporter habang patuloy ito nakatingin sa labas ng gusali at sa kumpul kumpol na taong nasa paligid.
Tulad niya ay pilit din silang kumukuha ng balita at gustong makapasok doon sa mismong site. Pero mabilis silang hinaharangan ng mga pinagsanib na pwersa ng kapulisan at mga sundalo.
Tuloy tuloy lang din ang ginagawang rescue operation at walang patid ang paglabas ng mga ambulansya na bitbit ang mga sugatan tauhan ng nasabing ginagawang gusali.
Hanggang sa huminto ang isang suv sa tapat ng police line. Pinababalik naman ito ng pulis at sundalo na parehas na may nakasabit na armalite sa kanilang balikat na nakaharang doon.
Inakala ng mga ito na tulad lang din sila ng mga news crew at ng mga tao sa paligid na gustong makichismis sa nangyari pero bumaba ang apat na kababaihan na mugto ang mga mata dahil sa kakaiyak nila.
Napatingin ang mga news crew dahil sa pagbaba ng apat na kababaihan at mabilis naman nilang tinutok ang kanilang mga camera dito. Linapitan naman din sila kaagad ng isang police
” maam… sarado po ang daan… may aksidente po sa paligid…. Hanap na lang po kayo ng ibang daan” ang magalang na pakiusap ng police doon sa babae na nagmula sa driver seat. Napatingin naman sa kanya ang babae. Kita nito sa mukha ng babae ang lungkot at bigat ng kanyang nararamdaman
” officer… reagan santos… owner ng construction company ng gusali” ang pakilala ni tita reagan sabay pakita sa tarheta nito. Tumango naman ito at mabilis na inalalayan ang apat na babae.
Pero kung gaano kabilis na makilala siya ng kapulisan ay ganun din kabilis ang mga tenga ng mga news crew at tulad ng isang mabangong putahe ay mabilis nilang pinagdumugan ang apat na akala mo ay mga langaw talaga sila.
” Maam….. Any comments po…..” ang sigaw ng isang reporter habang pilit nitong tinututok ang microphone niya sa mukha ni tita reagan. Mabilis naman na hinawi ito ni tita reagan at buti na lamang ay mabilis na napalibutan sila ng mga kapulisan na ngayon ay hinaharangan na ang mga reporter.
” Totoo po ba …. Dahil sa kapalpakan at pagmamadali niyo na matapos ang gusali kaya naman nagcollapse ito” ang matapang na tanong ng isang tv reporter mula sa istasyon na parang katol ang logo. Nagpanting naman ang tenga ni Vina sa kanyang narinig at isang malakas na sampal ang inabot ng reporter dito.
Nagkagulo ang mga tao dahil sa nangyari. Maraming reporter ang umatras at baka ano pa ang mangyari sa kanila pero may mga mangilan ngilan na parang wala talagang delikadesa at hindi alam ang salitang respeto na patuloy pa din sa pagtatanong sa mga babae.
Mabilis naman inangat nito ang pulis line at pumasok ang apat . ng makapasok na sila ay binaba na muli ito ng pulis dahil sa may mga media na nagtatangkang sumunod sa kanila.
Napatahimik naman sa sulok ang reporter na nasampal. Para itong nasampal sa katotohanan na hindi pang reporter ang kinilos niya ng mga oras na iyon. Kung hindi pang isang chismoso lang sa kanto.
” mam this way po” ang sabi ng isang pulis at sinamahan sila sa ground zero nito na kung saan nandoon ngayon ang hepe ng kapulisan at nagsisilbing overall head ng initial efforts.
” Captain Nacpil po” ang pakilala naman ng hepe nila matapos ibulong sa kanya ng naghatid ng pulis kung sino ang mga ito. Kaagad naman kinuha ni tita reagan ang kamay ng pulis.
” Maam initial assessment po namin ay may isang natrap po sa gusali pero aside from him Lahat po ng tauhan niyo na nakalabas ay nadala na po sa mga pinaka malapit na hospital” ang sabi ng hepe ng pulisya. Habang inabot nito ang isang larawan na sinasabi ng mga tauhan na nakaligtas sa gusali.
” according po sa mga tauhan niyo…. A certain Aristotle san diego daw ung natrap sa loob……. SInigurado muna daw po niya na nakalabas lahat ng staff niyo bago siya lumabas pero it was too late na po” ang sabi ng pulis kay tita reagan.Halos pagsakluban muli sila ng langit dahil sa mga balitang natanggap nila.
Kita mo sa mukha nila lulu, tita reagan at nanay tetchie ang pagkatalo sa laban na alam nilang wala naman talaga silang pag asa na manalo. Dinaan na lamang nila sa iyak ang lahat. Si tita reagan ay napaupo na lamang sa lupa habang patuloy ito sa pag iyak.
Si lulu ay hindi na malaman kung saan ay lilingon. Pilit na pinapaasa ang sarili na bigla na lamang lilitaw si aris sa guho. Si nanay tetchie naman ay yapos yapos na lamang niya ang larawan ng anak na nasa kanyang telepono. Pilit na sinasabi sa sarili niya na hindi ito totoo at panaginip lang ang lahat.
pero si vina ay ayaw magpatalo. Di niya pa rin lubos maisip na ang lalaking minahal niya ng todo ay wala na kaya. tumakbo ito sa guho pero mabilis naman siya pinigilan ng mga pulisya at rescuers.
” arissss mahaallllll koooooooooo……. Papunta na ako diyaaannnnnn” ang sigaw ni vina habang pilit niyang kumakawala sa dalawang police woman na naka akap sa kanyang tiyan at balikat para hindi ito makatakbo.
Pilit nilang pinipigilan ang isang babae na puno ng determinasyon na makita at mahanap ang kanyang mahal. Kaya kahit anong pigil nila ay hindi nila magawa.
” bitawan niyo ako…. Pak!! Pak!!” ang mag asawang sampal na inabot nila kay vina kaya naman panandalian nila itong nabitawan at mabilis naman itong tumakbo papunta sa rubble.
” maam wag na……. Wag na po” ang sabi naman ng isang pamilyar na boses at mabilis nitong nahawakan si vina at napatingin naman ang dalaga dito. Ito ang isa sa mga matatagal ng trabahador nila.
” kuya ang mahal ko….. Huhuhuhuhu” ang sabi ni vina sa lalaki habang pinipigilan pa rin niya ito na makapasok doon sa rubble na kasalukuyan ng inaamoy ng mga sniffing dogs ang paligid. Pati na rin nag sisimula ng magplano ang mga rescue teams kung paano ang diskarte nila.
” mam…. Sinigurado ni boss aris na nakalabas kami lahat bago siya lumabas kaso huli na ang lahat huhuhuhuhu” at tuluyan na rin na tumulo ang luha ng lalaki habang inaalala nito ang kabayanihan ng boss nilang si aris. Kita mo sa mukha ng lalaki na kahit siya ay nawawalan na rin ng pag asa dahil sa hitsura ng guho.
Sa tagal na nito sa industriya ng konstruksyon. Alam niya na ang pag asa na makaligtas si aris sa guho ay napakaliit at kung makaligtas man ito ay tiyak na may matinding epekto ito sa kanyang katawan
” hindi totoo yan kuya….. Buhay pa si aris huhuhuhuhu” ang sigaw naman ni vina habang patuloy pa din ito sa pagpilit na pumunta doon sa rubble pero hindi na siya hinayaan pa na makawala ng lalaki kaya naman napaiyak na lamang ito at yumakap siya dito.
” attention!!” ang sigaw ng pinuno ng mga kasundaluhan na tumulong din sa rescue operations ng isang lalaking naka walker at may kasamang nursing aid ang pumasok dito. Sumaludo sila sa lalaki pero hindi sila pinansin nito bagkus kahit hirap na hirap siya ay pilit nitong lumakad hanggang sa masubsub ito.
Tutulungan siya sana ng mga sundalo pero pinigilan niya ang mga ito at pilit na tinayo ang sarili habang nakatingin ito sa mga pinaghalo halong semento, pader at bakal na nasa…