Aristotle Adventures XXXVIII : Final Countdown 3

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old

==================

” nak… kailangan may maiwan sa atin dito….. Magbubuhos kasi sila mamayang gabi” ang sabi ni tita reagan habang nakaupo kami ngayon sa may office at nagpapahinga saglit. Required kasi iyon na may maiwan na isang magbabantay habang nagbubuhos. Alam mo na baka maloko kami at hindi pala solid ang buhos nito.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko sa loob ng ilang araw na nirurush namin ang proyekto na ito.

Kita ko sa mukha ni tita andrea ang pagod dahil kanina pa itong umaga na halos walang patid sa pagbabantay sa progress ng building at sa pag isip ng mga ideas para mapabilis ang construction nito. Ang damit nitong white halos magkulay cream na sa alikabok na dulot ng site.

Si tita lilly naman ay nakapatong na ang ulo sa lamesa at kita mo sa mukha nito ang antok at pagod niya. Hulas na hulas na ang ganda nito. Ang kanyang mga mata ay halos magsara na sa pagod

Si lulu naman ay tahimik lang pero alam kong pagod na ito dahil sa tindi ng pagtatalik namin kanina at dagdag mo pa ang dami ng trabaho niyang tinapos. Halos mahubad na nga ang strap ng suot nitong dress eh.

Habang si tita reagan naman ay halos nakasandal na sa pader. Papikit pikit na ang mga mata nito sa pagod at stress. Ang dating maganda at fresh nitong mukha ay haggard na dahil sa dami ng kailangan asikasuhin dito sa gusaling ito.

Napasulyap naman ako sa aking kasintahan na si vina. Kanina pa ito parang tuko sa akin na nakakapit. Kung hindi naman ito nakakapit ay daig pa nito ang isang guard dog na maka bantay sa akin. Mukhang siya lang ang may energy pa sa mga kasama namin. Pero hindi naman ako papayag na siya maiwan dito kasama ang mga napakaraming lalaki.

” ako na tita…. You all look tired….. Sanay naman ako sa puyatan” ang sabi ko kay tita reagan. Kita ko sa mukha nito na parang nabunutan siya ng malaking tinik. Nagising naman ang natutulog na diwa ng mga kasama ko habang si vina naman ay napatingin lang sa akin.

Kita ko sa mukha nila ang gulat dahil sa mga sinabi ko. Alam ko kung gaano kahirap gumana ang utak ng isang tao kapag puyat ito. Daig mo pa ang isang zombie na walang laman ang utak.

” sure ka mahal?” ang tanong nito sa akin habang haplos haplos nito ang braso ko kung saan siya nakakapit. Kita ko ang pag aalala ni vina sa akin. Hindi ko naman pinahalata sa kanya na pagod na pagod na rin ako.

Ayaw ko lang talaga na isa sa kanila ang magsakripisyo habang ako naman ay napakasarap ng higa sa bahay namin. Napangiti na lamang ako dito tsaka ko hinawakan ang mukha niya.

” kaya ko mahal……. Go take a rest…. Iwan muna lang sa akin car mo” ang sabi ko dito tsaka ko siya hinalikan sa labi. Nakaramdam naman ako ng kakaibang lakas dahil sa parang narecharge ako sa halik ni vina sa akin. Ung pagod ko ay parang naibsan kahit papaano.

” aris… call us if anything happens… mahiga ka muna diyan… mga 8pm pa daw ang pagbuhos” ang sabi naman ni tita reagan sa akin. Mukhang wala talaga ako matatago kay tita reagan. Pansin din nito ang pagod ko sa kanya. Tumayo na sila at hinatid ko na sila sa labas sa kanya kanyang sasakyan nila.

” ingat mahal” ang sabi ko kay vina at hinalikan ko ulit ito sa kanyang labi bago ito sumakay sa tabi ng driver seat ng suv ni tita reagan. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na sila ng compound. Kita kong umalis na una ang van ni tita andrea kasunod naman ang puting city ni tita lilly at panghuli naman ang suv ni tita reagan.

Ako naman ay bumalik na lang muna sa loob ng opisina. Niligpit ko muna ung mga papel nila at tiniyak ko na nakaorganize at tsaka ako nahiga doon sa maliit na sofa.

Habang nakahiga ako ay parang hindi ako mapakali. May kung ano akong nararamdaman. Parang maalinsangan ang pakiramdam ko na parang may gusto akong sabihin pero hindi ko alam kung ano.

Kahit may aircon dito sa loob ng container van na office namin ay panay pa rin ang punas ko ng pawis sa aking noo. Ang aking batok ay namamasa din ng pawis. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero hindi ko makuha ang kailangan kong pahinga.

Kahit anong pilit ko, naka ilang ikot na ako sofa. Pati na rin sa lamesa ay sinubukan ko matulog kahit naka upo pero hindi ako datnan talaga ng antok.

=====================

Habang sa tapat naman ng bahay ni Tita reagan. Nakakalat sa gilid ng kalsada ang basura na kanina ay tinatapon ni nanay tetchie. Kinakalkal ito ng mga aso kalsada

Isang itim na van ang tumigil sa dapat nito at mabilis na nagpulasan ang mga asong kalye. Bumaba mula sa loob nito si nanay tetchie. Kita mo sa mukha nito ang relief dahil sa nakaalis na siya sa mga kamay ng mga kumuha sa kanya.

Lalakad na sana ito tungo sa gate ng bahay nila tita reagan ng bigla magsalita ang isang tao sa loob ng van. Napatingin naman dito si nanay tetchie at pinakinggan kung ano ang sinabi

” tetchie… tandaan mo ang bilin ni boss….. Aasahan namin ang tulong mo” ang sabi ng tao mula sa van. Napatango na lamang si nanay tetchie dito at mabilis naman sa sumara ang pintuan ng van tsaka kumaripas na ito ng takbo.

Kahit hinang hina itong si nanay tetchie ay pumasok ito sa loob ng compound. Kaagad niya sinara ang gate at patakbo itong pumasok sa loob ng bahay. Napatingin siya sa orasan.

” parating na ang anak ko” ang sabi nito at pumasok muna siya saglit sa kwarto. Kumuha ng damit at tuwalya tsaka ito naligo ng mabilis para man lang mahimasmasan ito.

Katapos niya maligo at magbihis ay nagsimula na siya maghanda ng hapunan nila. Dahil alam niyang pagod ang mga ito lalo na ang kanyang anak na si aris. Pero kahit anong focus niya sa paghihiwa ng gulay para sa lulutuin niya ay hindi ito makahiwa ng diretso.

Gulong gulo pa din ang kanyang isipan ngayon mga oras na ito. Isang bagay ang bumabagabag sa isipan nito. Hanggang sa hindi na niya kinaya ito at dito tuluyan ng bumagsak ang luha niya.

Dito muling bumalik sa kanyang alaala ang mga panahon na naging katuwang niya sa buhay at sa pagpapalaki sa mga anak niya ang panganay na anak niyang si aris. Habang lumalaki ito ay hindi na alam ni nanay tetchie kung kelan ba dapat malaman nito ang katotohanan.

Napakalaki ng kasalanan nito sa lalaking walang ginawa sa kanyang buong buhay kung hindi ang isipin ang kanilang kalagayan. Ang lalaking pumasok na staff ni tita reagan para lang may mapadala ito sa kanila at makapag aral ang mga nakakabata niyang kapatid.

” anak… patawarin mo ako…. Hindi ako ang tunay mong ina” ang sabi ni nanay tetchie habang pinagmamasdan nito mula sa kanyang telepono ang larawan ni aris noong bata siya. Kung paano ito binigay sa kanya ng dati niyang amo.

Ang amo niyang akala nito ay hindi na babalikan ang baby na pinaalagaan sa kanya noon. Pero isang araw ay bigla na lamang itong nagpakita sa kanya. Kung noong una ay bilin nito na wala dapat makaalam sa bata.

Pero heto ngayon ang dating amo niya, gustong gusto malaman kung kumusta at nasaan ang baby na basta basta na lamang nitong pinamigay sa kanya na akala mo ay isang tuta lang ito.

Naiintindihan naman ni nanay tetchie kung bakit nagawa ito ng amo niya, pero ang hindi niya maintindihan ay bakit ngayon pa na kelan malaki na ung bata ay tsaka nila sasabihin na mahal nila ito.

” bahala na kahit magalit pa sa akin ang mahal kong anak…. Kailangan na malaman ito ni aris” ang sabi ni nanay tetchie habang patuloy ang pagpatak ng luha nito sa harapan ng kanyang telepono. Hindi nito namalayan na nakapasok na pala at nakatayo ngayon sa tapat ng pintuan ang mga kasama niya sa bahay.

” tita… ok lang po ba kayo?” ang tanong ni vina ng makita niya ang nanay ng kanyang kasintahan na umiiyak at nakatingin lamang sa telepono nito. Nagulat naman si nanay tetchie at mabilis nitong tinago ang telepono niya.

Hindi niya ineexpect na ganun kaaga dadating ang mga ito pero ang pinagtataka niya ay kung asan ang anak nitong si Aris. Bakit hindi nila ito kasama umuwi.

” ayos lang ako anak… naluha lang ako dito sa sibuyas na hinihiwa ko” ang sabi naman ni nanay tetchie at mabilis nitong pinunasan ang mukha niya mula sa suot nitong duster. Napatakbo naman agad si vina at kinuha nito ung tissue sa lamesita tsaka siya na mismo ang nagpunas sa mukha ng nanay ng kasintahan niya.

Kahit may malaking pagdududa na nararamdaman itong si vina sa lalaking pinaglaanan niya ng buong puso at kaluluwa niya. Hindi pa rin niya maatim na makitang malungkot ang babaeng minsan ay naging parang nanay niya.

” nak salamat at minahal mo ang anak ko kahit na alam naman natin kung gaano kalayo ang antas ng buhay niyo” ang sabi ni nanay tetchie habang patuloy na ang pagluha nito. Yumakap naman si vina sa nanay ng lalaking minahal niya ng todo todo.

” mahal na mahal ko po ang anak … buong puso” ang sabi ni vina kay nanay tetchie. Kahit na ung huling parte ng sinabi ay parang kutsilyo na tumatarak sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung talaga bang mahal siya ni aris o sadyang tamang duda lang siya.

” anak san si aris?” ang tanong ni nanay tetchie kay vina. Napatingin naman sa kanya ang magiging daughter in law nito tsaka hinaplos ang mukha ni nanay tetchie.

” nagpaiwan po sa construction site… may kailangan po kasi siya bantayan” ang sabi naman ni vina sa kanyang mother in law. Napangiti naman si nanay tetchie dahil mabibigyan pa siya ng kaunting oras para sabihin sa anak nito ang katotohanan.

” sweet naman ng mag mother in law” ang sabi ni lulu na nakatayo sa may pintuan at katabi nito ang kanyang mommy. Nakangiti naman si tita reagan na pinagmamasdan ang sweetness ng anak nito sa kanyang magiging pangalawang nanay.

” mare… wala sa antas ng katayuan sa lipunan ang sukatan ng pagmamahal” ang sabi ni tita reagan. Napatingin naman ang anak nitong si lulu at pati na rin sila vina. Kita sa mukha nila na gusto nilang malaman kung ano ang gusto sabihin ng ginang.

” ang sukatan ng pagmamahal ay kung hanggang saan mo kayang ipaglaban ang mahal mo” ang sabi ni tita reagan. Nakaramdam naman ng kaunting kirot sa puso niya si vina dahil sa mga sinabi ng kanyang mommy.

” Kung hanggang saan kaya mong makita na masaya sila kahit alam mong may kirot ito sa puso mo” ang sabi ni tita reagan. Ito naman ay tila ba isang pana na sapul na sapul na tumama sa puso ng anak niyang si lulu.

Aminado itong hindi na lang basta libog ang nararamdaman niya kay aris. Unti unti na itong nahuhulog para sa lalaki. Ang pagiging maalalahanin nito at pagiging sweet nito sa kanyang ate. Nakararamdam ito ng selos na kahit anong pilit niyang alisin sa isipan niya ay hindi niya magawa dahil hindi niya matanggihan ang tawag ng laman.

” at ang tunay na pagmamahal ay yung kaya mong iwanan ang lahat… lahat ng narating mo sa buhay… lahat ng bagay na kinagisnan mo….. Makasama mo lang ang lalaki na alam mong ipaglalaban ka hanggang dulo” ang mga salita ni tita reagan na parang paalala nito sa kanyang sarili na ang relasyon na mayroon sila ni aris ay panandalian lang.

Darating ang panahon na kailangan na nilang itigil ang lahat ng ito. Ang panahon na kailangan na niyang matutunan sa sarili na labanan ang tukso ng laman. Hindi niya kaya na pang habang panahon na lokohin ang mahal niyang anak na walang ginawa sa mundo kung hindi maging tapat sa kasintahan nito.

” dito nga kayo at mag group hug tayo” ang sabi ni tita reagan at inalalayan ni vina ang kanyang mother in law tsaka na silang nag-akap na apat. Ramdam mo sa bawat isa na may kanya kanya silang dahilan para maging emosyonal.

Pero ang tanging mahalaga ngayon ay dapat nilang alagaan at protektahan ang isa’t isa.

=================================

Sa isang sikat na sementeryo malapit sa may bandang loyola. May isang napakalaking private mauseleum kung saan nakahilera ang dalawang nitso. Isang nicho na balot na balot ng tiles ang paligid, ang isa naman ay may kaliitan kumpara sa katabi nito.

Nakaupo ngayon sa sahig ang isang babae na may dalang bulaklak at laruan ng baby. Pinatong niya sa harap ng nitso na malaki ang bulaklak at sa tabi naman nitong ang laruan ng baby.

” Ma…… alam ko…. Malapit muna sunduin si papa” ang sabi ng babae habang hinahaplos nito ang lapida sa may malaking nitso. Ramdam mo sa boses ng babae ang damdamin nito na hindi na niya kayang pigilan pa.

” turuan mo nga ako kung paano patawarin siya kahit na niloko kanya” ang sabi ng babae habang pilit nitong inaalala ang pag-uusap nila ng lalaking nagsilbing sandigan nito sa mga panahon na gusto na niyang gumanti sa kanyang papa.

=================================

FLASHBACK

” baby…. Patawarin mo na si papa mo” ang sabi ng lalaki sa kanya habang nakatayo ito sa harapan niya at sinusuot nito ang kanyang itim na brief. Habang ang babae naman ay sinusuot niya ang itim nitong bra.

” it’s easier said than done” ang sabi ng babae habang iniikot nito ung bra niya para ung cup ay mapunta sa harap at kaagad niyang tinaas ung strap nito. Napatingin naman sa kanya ung lalaki tsaka ito tahimik lang na sinuot ang pantalon niya.

Matapos niya itong maisuot ay mabilis naman na umupo sa tabi niya ung lalaki at hinawakan ang kamay nito. Ramdam ng babae ang malambot na palad ng lalaki na kanina lang ay kasama niya sa isang mainit na tagpo.

” baby….. Forgiveness is the hardest thing to give yet that the thing the we want to get easily as well” ang sabi ng lalaki at tumayo na ito. Kinuha ang t shirt niya na nakasabit sa may upuan at sinuot niya ito.

Ang mga salita sa kanya ng lalaki ay parang isang malaking sampal sa kanya. Ito siya, panay ang hingi ng kapatawaran sa mga taong nasaktan niya noon. Tulad nitong lalaking kasama niya ngayon na minsan din nakatikim ng kanyang matinding galit.

Halos pahirapan nito ang lalaki lalo na sa kanyang mga klase kahit na ang naging kasalanan lang nito ay naging amo niya ang mortal niyang kaaway noon. Pero ano, mabilis pa sa alas kwatro na pinatawad siya ng lalaki.

Eh siya, kahit simpleng hi at hello man lang ay hindi niya m…