Hindi pa rin nagbabago ang hitsura mo, in fact, mas gumanda ka pa sa paningin ko.
Oversized long sleeve white polo na nakatupi hanggang siko, maong na shorts at white na sneakers. Nakaupo ka sa steps ng stairs, sa likuran mo ay isang malaking door na kulay blue green. Nakatingin ka sa malayo, nakangiti.
Your smile. Yan ang pinakapaborito kong makita. Nakakawala ng pagod, nakakapagpakaba sa nanahimik kong puso, nakakapagpakilig sa aking pagkalalaki.
Si Astrid.
Ang kababata ko simula pa ng gradeschool kami. Masyado kasi akong bright kaya pina tutor ako ng Ermats ko sa Ermats ni Astrid. Kilala kasi iyon na pinaka terror sa teacher sa Math sa town namin. Teacher din sya sa English, pero dahil gusto ng Erpats ko na mag Engineering ako, sa Maths nya ako pina focus.
Doon ko sya unang nakita. Nasa may study room kami ng Ermats nya nang dumating sya galling sa school.
“Maaa! Bahay na ako!” at dumiretso sya sa study room, ibinaba ang bag nya sa study table. Lumapit sya sa table kung nasaan kami ng Ermats nya, nag bless muna sya bago sya naupo sa chair sa tapat ko.
“Hi!” Sabi nya. Nag-“Hi!” din ako sa kanya.
“Anong name mo?” Grabe ang pagkakatitig nya sa akin.
“I’m Aldrin.”
“Huwag kang magulo, Astrid. Hindi mo ba nakita na nag-aaral sya? Magshower ka na muna.” Mahinahon pero masungit na pagkasabi ng Ermats nya. At doon ko nalaman ang name nya.
Araw-araw kaming nagkita since then hanggang maka graduate kami ng Grade 6. May mga times na sabay kami nag-aaral kasi kagaya ko, kamote rin sya sa Maths. Naging sobrang close namin. May days na sumasama sya sa bahay namin pauwi, yun pala kasi crush nya yung Kuya ko.
Si Astrid. Ang babaeng hanggang ngayon ay laman ng puso ko.
___
“Pre, pakilala mo naman ako sa chick na yun.”
Nakaupo kami ni David sa bench sa clubhouse. Nakatingin sya kay Astrid na nagroroller blades kasama ang pinsan nyang lalaki.
“Hmm. Wag ka na doon, ‘Pre. Mas lalaki pa yan sa’yo eh!”
“Yun nga yung maganda doon, wala masyadong arte.”
Saktong napadaan sila ng pinsan nya sa harapan namin. Ngumiti sya sa akin, ang ngiti na palagi kong hinahanap-hanap kapag nagkikita kami. Tumayo ako at hinabol ko sila ng pinsan nya.
“Oi, Astrid!” Umikot sya paharap sa akin.
“Ano yun?”
“Gusto ka daw makilala ng friend ko.” Itinuro ko ang kinauupuan ni David.
“Crush nya ako?” Nakangisi nyang tanong.
“Napaka-feeling mo!” Nagtawanan kaming dalawa.
“Sabihin mo na lang pangalan ko. Okay na ‘yun.” At nag rollerblade syang palayo. Umalis na rin sila sa clubhouse. Bumalik ako sa kinauupuan namin ni David.
“Ayaw, ‘Pre. Better luck next time.”
Pero persistent si David. At dahil best friend ko sya, wala rin akong choice kundi maging bridge nya kay Astrid. Dalawang taon akong messenger, taga dala ng love letter, chocolates, teddy bear, at flowers. Okay lang naman dahil another chance ko iyon na makita sya.
Part of me ay masaya dahil finally, napasagot sya ng best friend ko but a bigger part of me was sad kasi I liked her too. Naunahan lang ako ni David, tsaka takot akong i-cross ang friendship namin. Pero I liked her, simula noong unang araw na nag-“Hi!” sya sa akin.
__
“Oi, Astrid! Kamusta?”
Message ko sa kanya sa Messenger. May green sa tabi ng name nya kaya alam ko na online sya.
Seen.
“Nice kicks, ha!” referring sa sneakers na suot nya sa picture.
Seen.
Pucha! Hindi ko man lang makita yung indication na typing sya.
“Nasa Singapore pala kayo ni David, punta naman kayo dito sa Japan next!”
Seen.
At hindi na sya nagreply. Hindi ko maiwasan maalala ang mga pinagsamahan namin. Masyadong marami para malimutan ko ang lahat ng iyon. Bawat detalye ay nasa isipan ko pa rin.
__
Kakatapos lang ng last schedule ng finals exams namin noong 4th year college. Mag 2PM pa lang noong nakatanggap ako ng text galing kay Astrid sa aking Nokia 3210.
“My lakad k?”
“Wala. Y?”
“Ksm mo b c David?”
“Hnd, pero w8 ko xa.”
“K. txt mo aq kpag nsa parking na kau.”
After 30 minutes, nasa parking na kami habang hinihintay si Astrid. Malayo pa lang, nakangiti na sya sa amin. Sinalubong pa nga sya ni David at nag hug at kiss pa sila. Talk about too much PDA sa campus!
“Grabe yung test namin sa Philo. Sumakit ang utak ko!” Pagrereklamo ni Astrid pagka upo pa lang nya sa back seat ng auto ko.
“Saan tayo?”
“Parang sarap mag Starbs sa ATC.” Sabi ni Astrid.
“Ayoko mag ATC! Andun lahat ng tao kasi kakatapos lang ng finals.” Kontra ko naman.
“Mag billiards na lang tayo tapos Smirnoff Mules.” Sabi naman ni David.
“Ayoko mag-billiards, babe.” Si Astrid.
“Tagaytay na lang?”
Hanggang sa napagkasunduan namin na mag billiards muna kami saglit para mapagbigyan si David, tapos bumili na lang ng food at beer at doon na lang kami sa flat ko mag-inom. May sarili kasi kaming flat ng Kuya ko sa may likuran lang din ng bahay namin. Para masanay daw kami on our own kapag matanda na kami, sabi nina Ermats.
Okay naman ang inuman namin, parang celebration na tapos na ang final exams, finally! Graduation na rin in a few weeks time. Naiinis lang ako kasi noong medyo may tama na…