Matagal din ako bago naka tulog, nagmuni-muni muna habang inuubos ko ang natirang alak. Maraming dumaan sa akin isipan, mga plano kung paano ko maagaw si Astrid kay David. Halos 3.45 AM na nang huling makita ko ang oras.
7.15 AM. Nagising ako sa tunong ng pagbukas ng gate namin, paalis pala sina Erpats. Kumatok ako sa sa kwarto ko at nang walang sumasagot ay diresto na akong pumasok.
“Astrid…” tinapik ko sya sa braso. Bahagyang nagmulat ang kanyang mga mata.
“Baka dumating na si Kuya. Magbihis ka na, hatid kita sa inyo.”
Ginising ko na rin si David na hanggang ngayon ay nakahubo’t hubad pa rin.
“Di ka muna uuwi ‘pre. Labahan mo muna yang bedsheet ko!” Natawa kaming tatlo.
Kahit pa 10 minutes lang ang layo ng bahay namin kina Astrid, inihatid ko pa rin sya gamit ang auto ko. Mahirap na, masyasong chismosa pa naman ang mga tao sa paligid namin. Maaga pa, baka nagwawalis pa ng mga bakuran ang karamihan sa kanila at sigurado akong pagtitinginan nila kami.
Sa loob ng kotse, walang imik si Astrid. Inaayos nya ang buhok nya pati na rin ang damit nya. Pinapakiramdamam ko kung babanggitin ba nya ang paghahalikan namin kaninang madaling araw pero hindi naman.
“Wag mo na ako ihatid sa loob ng bahay ha?”
“Bakit?”
“Mainit ulo ni Ermats kasi di ako umuwi kagabi.”
“Ahhh. Sabihin mo na lang na kumain tayo nina Mommy sa Tags.”
“Ako nang bahala. I’ll see you soon.”
Tumingin muna sya sa paligid kahit tinted naman ang auto ko. Sabay hinalikan nya ako sa pisngi bago bumaba.
__
Isang oras na ang nakakalipas. Online pa rin si Astrid sa Messenger pero purposely lang na hindi nya binubuksan ang message ko.
“Astrid!”
Hindi ko na alam ano pa sasabihin sa kanya para pansinin nya ako. Kanina pa ako nagiisip ng magandang conversation starter. Hindi kasi fan si Astrid ng small talks.
“Kanina, nasa 7-11 ako. Nakita ko nakita ko yung Meiji chocolate ng favorite mo.” Sinend ko pa Yung picture sa kanya.
Seen.
“Wala lang, naalala lang kita.”
Seen.
At halos mapasigaw ako nang makita ko na typing sya. At ang tagal ha! Hinintay ko for a few minutes pero wala. Nakakainis kasi nag-aanticipate ako baka mahaba ang reply nya or baka nalimutan nya lang mag hit ng send. In the end, seen pa rin ang message ko.
Out of desperation, si David na lang ang minessage ko. Hindi ko sure kung sinabi ba nya kay Astrid pero at least nakamusta ko sya sa kanya. Napa-iling na lang ako, parang ako ngayon ang nag papa-abot ng message sa kanya na ako ang gumagawa dati para kay David.
Iniisip ko, ano kaya tayo ngayon kung tayo ang magkasama? Masaya ka kaya kasama ko? Siguro nga, hindi lang tayo para sa isa’t-isa.
Binalikan ko ang Instagram mo. Ilang minuto rin akong nag scroll sa mga pictures mo at pictures nyo ni David.
“Mukhang ang sayo-saya nyo pero if I know… I hope na hindi ka na ginagago ni David.” Bulong ko sa sarili ko.
But who am I to judge? Ginago rin pala kita, kaya nga ganito tayo ngayon.
___
Si Astrid ang kaunahang nakahanap ng trabaho sa aming tatlo. 3 months pa lang after ng graduation namin natanggap sya sa pinakamalaking Conglomerate na ang headquarters ay sa Ortigas. After a few months naman, natanggap na rin ako sa isang Engineering firm sa Makati. Si David ang kahulihan, almost one year na nang matanggap sya sa isang engineering firm din sa Pasig.
Madalas pa rin kami magkasama ni Astrid bago pa makahanap ng trabaho si David. Sinusundo ko sya tuwing 6.30 ng umaga at bumababa sya sa Ayala station para mag MRT pa Ortigas. Gayun din kapag pauwi na. Madalas lang kami nagkukwentuhan about sa work namin, at nabanggit din nya ang frustration nya kay David, na bakit daw parang walang direksyon ang buhay.
“Mag one year pa lang naman, baka wala lang talaga syang mapili.” Sabi ko.
“Yung batch ng ga-graduate ngayon, magiging competition na nya and still, I feel na napaka complacent nya.” May inis sa tono ni Astrid.
“I suggested na mag-apply sa BPO, dami nating friends na nasa BPO and they are doing good. Ayaw naman, shifting daw kasi.” Mahaba ang buntong hininga nya.
Noong nakahanap ng trabaho si David, halinhinan na kami na nagda-drive. Carpool kaming tatlo para tipid. Third wheel na naman ako palagi and it lasted for two good years.
In between those two years, may nakilala akong chick sa work, si Amanda. Okay naman, pero hanggang fling fling lang. I liked her personality, medyo toned down version ni Astrid. Kung tutuusin, mas maganda si Amanda, petite type. Marami din akong na experience kay Amanda, in fact, sya ang unang sex experience ko.
Dahil sa kabataan ko pa iyon, halos weekly kami nag se-sex. Marami-rami na rin akong position na na try sa kanya. Pero for some weird reason, parang pareho kami ni Amanda na ayaw mag commit into a serious relationship. Mutually agreed lang na “enjoy na lang muna natin.”
5PM, one of those Fridays na ang hectic ng work ko pero nakatanggap ako ng call galing kay Astrid.
“Kausapin mo yang kaibigan mo, otherwise ibe-break ko na talaga sya!”
“What happened?” Short cut na kwento lang ang sinabi nya kaya sinabi ko na hintayin nya ako sa Megamall at susunduin ko sya doon.
Mabuti na lang kahit Friday, wala masyadong traffic noong araw na iyon. Mabilis din akong nakakuha ng parking slot. Malayo pa lang, nakita ko na sya. Sure enough, nakabusangot pa ang face nya.
“Aldrin!”
“Wag mo naman isigaw ang pangalan ko. Alam na tuloy ng mga tao, ang gwapo ko pa naman, dyahe na pinagtitinginan nila ako.”
“Tinitingnan ka nila kasi na frustrate sila na ikaw ang ka meet-up ko. Tingnan mo yung dalawang guys sa tapat? Nilapitan na nila ako kanina. Sabi ko I’m waiting for my boyfriend. Mas gwapo kaya sila sa’yo!”
“Ako lang naman ang nakakapagtyaga sa iyo.”
Nagdecide kami na kumain muna. Hindi ko matandaan kung sa El Pollo Loco or sa Kenny Rogers. Basta roasted chicken place kasi yun ang kine-crave ni Astrid.
“Mukha kang galit pero mas mukha kang gutom.” Sabi ko.
Hindi naman sya nagkwento in detail, siguro ayaw lang din nya pag-usapan. Pagkatapos kumain, nag-aya pa syang mag-inom sa Gilligan’s. Isang round lang daw tapos kape then uwi. Palipasin lang daw namin ang traffic sa EDSA.
Here and there, nababanggit nya ang frustration nya kay David. Parang stuck lang sa career, along the lines of tamad, complacent, walang pangarap. Naka ilang promotion na daw sya tapos si David ay staff pa rin. And naiintindihan ko bakit, masyadong high-achiever si Astrid. Kung tamad ka, hindi ka papasa sa kanya.
Hindi namin namalayan na yung one round namin umabot sa tatlo and ayaw na nya na mag drive ak…