“Naku pasensya ka na Mang Nani…talagang gipit lang ako ngayon gawa ng bayaran ng matrikula ng anak ko …nagkasakit pa si Ruel…”
Ganito na lang ang sitwasyon palagi sa bahay ni Wanda: kapag walang maentrega si Ruel ang kanyang asawa ay kusang tumutulong si Nani.
Dating OFW si Ruel sa Saudi bilang drayber ng oil truck. Pero nang ipatupad ng gobyerno ang “Saudization Law”, ay napilitan siyang umuwi na lang sa Pinas at bumili ng taxi panghanap-buhay.
Ang trenta anyos namang si Wanda ay isang simpleng maybahay na may sampung taong gulang na anak na lalaki; tumutulong din siya sa kanyang asawa bilang mananahi.
Nang pumanaw ang mga magulang ni Wanda ay ipinamana sa kanya ang isang lumang bungalow na may dalawang palapag at apat na kuwarto; kinalaunan ay pinaupahan ang dalawang kuwarto sa unang palapag ng bahay.
Pero nang mga nakaraang buwan ay inabot ng kagipitan ang mag-asawa: nagka-pneumonia si Ruel at naospital nang ilang buwan; may diabetes din ang lalaki sa edad na trenta y singko kaya ang naipong pera ay halos naubos rin dahil sa mga bayarin sa gamot at ospital.
Dahil sa sakit ng asawang si Ruel ay napilitang dalhin ni Wanda ang kanilang anak sa kaniyang kapatid na dalaga para tulungan siyang magpa-aral sa anak at para makaiwas na rin muna ito sa iniindang sakit ni Ruel.
Sa mga panahong ding iyon ay nabakante ang dalawang kuwarto sa apartment ng mag-asawa dahil may kamahalan ang upa; halos lahat ng mga naging boarder nila ay hindi tumatagal sa pagtira dito.
Mabuti na lang at dumating si Mang Nani, isang inhinyero na may ginagawang proyekto na gusali ilang kilometro ang layo sa lugar ng mag-asawa.
“Salamat sa inyo Wanda…Ruel, kung hindi sa inyo ay baka magbibiyahe ako sa Laguna araw-araw gamit ang kotse ko. Eh kung uupa ako, hindi pa ako pagod; pwedeng lingguhan na lang ang pag-uwi ko kay misis.”
Agad na nagkapalagayang loob ni Wanda si Mang Nani na isang masayahin, malambing at pilyong matanda.
Dati kasi, kapag umuuwi si Mang Nani ay kaswal na bati ang ginagawa ng matanda; nang magkapalagayan na sila ng loob ay nasanay na sa pagtapik-tapik si Mang Nani kay Wanda na kadalasang pinatatamaan sa kanyang pwet; minsan naman ay yayakapin ng matanda angginang nang panakaw.
Inunawa na lang ito ng babae dahil naisip niya na nangungulila lang si Mang Nani sa asawa at paraan lang niya ang maging mapagbiro para mabawasan ang pangungulila niya.
Pero habang tumatagal ay nagiging “agresibo” na si Mang Nani: madalas na kasi ang mga panakaw na yakap at halik na ginagawang matanda kay Wanda hanggang sa napapansin ng ginang na dumadampi na ang paghalik ng lalaki sa kanyang labi kahit daplis lang ito.
“Hello iha!” bati ni Mang Nani na galing sa trabaho kay Wanda sabay yakap niya sa ginang.
“Mang Nani! Nakakagulat naman po kayo…teka baka dumating na si Ruel..”
“Hindi pa dumadating mister mo?”
“Hindi pa po …”
“Ganoon ba? Pa-kiss uli!” sabay panakawa na halik sa labi ng batang ginang kaya hindi agad nakapalag ang babae.
“Wow! Sinigang, my favorite…” sabi ng matanda sabay tapik uli sa pwet ng ginang at naglakad pabalik sa kanyang kuwarto.
Tulala si Wanda sa nangyari; gusto man niyang magalit ay hindi niya magawa dahil malaki na ang utang na loob nilang mag-asawa kay Mang Nani.
Una, inupahan na rin ni Mang Nani ang katabing kuwarto sa ibaba dahil doon na rin ginagawa ng lalaki ang mga design niya sa kanyang proyekto bukod sa iba pang mga gamit ang dinadala doon.
Pangalawa, dahil sa mga “vale” na kinuha niya kay Mang Nani noong mga nakaraang buwan.
Pangatlo, lihim niyang hinahangaan ang matanda dahil sa kabila ng kanyang edad na singkwenta ay makisig pa rin siya.
Dahil dito, hindi maiwasan ng ginang…