Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit mas nahulog pa ako sa taong may pagkabastos samantalang mayroon naman akong boyfriend na gentleman, thoughtful at caring, ‘yung tipong inilalagay na niya ako sa pedestal sa sobrang ingat niya sa akin.
By the way, I’m Rebecca, 19 years-old and this is my confession…
Simula pa lang ng klase, nagpakita na ng interes sa akin si Ariel. Kaibigan siya ng pinsan ko at nagkataon na sa same college kami nag-aaral.
Dahil nga tanging siya lang ang kakilala ko noong time na iyon, lagi na kaming magkasama at naging magkaklase pa kami sa kursong Mass Comm.
Inamin na niya sa akin na crush na niya ako simula noong ipakilala daw ako sa kaniya ng pinsan ko.
Well, ligawin nga ako dahil siguro makinis at maputi ako, tsinita at may mapulang labi kahit walang lipstick. Sobrang maalaga ako sa katawan at tatlong beses pa akong maligo sa isang araw.
Kinukuha pa nga akong muse ng isang professor ko, kaso ayaw ni Ariel. Tumanggi siya na maging muse ako ng basketball team namin dahil paliligiran daw ako ng mga lalaki at bukod doon, ayaw din niya akong magsuot ng sexy na damit.
Hindi pa nga kami pero dinidiktahan na niya ang desisyon at kagustuhan ko.
Kaya ang nangyari, napag-iinitan na kami ng prof ko na iyon.
Gayunman, makalipas ang ilang linggo ng pagsuyo at panliligaw, sinagot ko rin siya. Nangyari iyon habang nagtetelebabad kami at ugali na niya na bago maputol ang usapan namin, iiwanan niya ako ng salitang, “I love you. Bye!”
Ewan ko kung bakit feel ko noong sabihin sa kaniya na, “I love you, too. Bye!”
Namula ang mukha ko noon na may kasamang kilig, kaya kinabukasan, medyo asiwa akong humarap sa kaniya dahil alam kong nagbago na ang aming status. Kinalaunan, nasanay na rin ako at nag-sink in na sa akin na kami na talaga.
Nahahalikan na niya ako kahit hindi na nagpapaalam at wala akong angal. In fact, I like it very much on how he showed his affection in front of other people around us.
Bakit ko siya sinagot? Why not? Mabait naman si Ariel, sweet, thoughtful, caring at ginagalang niya ako as in sobra, napaka conservative niya sa akin.
Nang maglaon ay nakikita ko na rin ang hindi maganda sa kaniya. Istrikto at lagi siyang nasusunod sa akin. Ni hindi ako manalo sa diskusyon namin dahil totoong may katuwiran at sumasang-ayon ako na lagi siyang tama. Naiintindihan ko naman dahil para sa ikabubuti ko naman ang mga sinasabi niya. Mas mahigpit pa siya kesa sa tatay ko. At napakaseloso na animo’y lahat ng lalaking tumitingin sa akin ay inaangilan niya.
Nakakatakot lang at baka mapaaway kami dahil sa supladong ugali niya.
Ayaw niya rin pag-usapan ang tungkol sa mga naging boyfriend ko bagama’t dalawa lang naman bago siya. Sinabi ko naman sa kaniya na hindi seryoso ang relasyon ko noon sa mga dati ko. Hindi raw niya matanggap na hindi ako ang una niya. Masyadong sentimental.
Para lang maramdaman niya na una niya ako, sinabi ko sa kaniya na virgin pa ako. At sa kaniya ko gustong ipagkaloob sa kaniya.
Noong una ay ayaw pa niya dahil gusto niya sa araw na pakakasalanan niya kukunin ang pagka mujer ko.
Kaso nakumbinsi ko siya nang sabihin kong, “Paano ko malalaman na una mo ako kung hindi mo susubukan?”
Ang pakiramdam ko tuloy, ako pa ang gumawa ng first move. Gosh, medyo nahihiya ako sa sarili ko. Feeling ko ang cheap cheap ko.
Pero siyempre nilunok ko na ang pride ko. Mukhang maghihintay pa ako ng kasalan bago ako makakain sa reception.
Kaya kahit mukha na akong tanga, inaya ko na siyang manood ng sine.
Nang magkita kami sa mall, sinita pa niya ang suot kong light green spaghetti strap top. Wala naman siyang sinabi sa suot kong ripped jeans at sketchers. Doon lang dahil daw nakalitaw na raw ang kaluluwa ko. Ang gusto raw niya isuot ko yung pang Maria Clara. Kainis!
Rated R-18 sana ang panonoorin namin kaso hindi kami pinayagan ng gwardiya. Mukha raw kaming mga ineng at totoy. At dahil hindi namin dala ang mga ID namin bilang patunay na pareho kaming disinueve, napunta kami sa jologs na pelikula.
Nakabili na kami ng popcorn at softdrinks bago pumasok sa sinehan. Nag CR muna ako para gawin ang kailangan kong gawin lalo na yung makita ko ang sarili ko sa salamin na maganda ako.
Hindi ko na gaanong pinaghintay si Ariel kaya humanap kami ng puwesto sa bandang dulo kung saan kami lang ang tao. Tyempo naman dahil nga jologs ang palabas, expected na nilalangaw ito at kaunti lang ang mga tao.
Nang makaupo na kami. Parang hindi pa alam ni Ariel ang gagawin niya. Palibhasa’y first girlfriend niya ako kaya hindi niya alam ang gagawin niya sa akin.
Hinintay ko talaga siyang unang gumawa ng move. Ano ako bale? Tama na iyong ako na ang nag set ng date na ito. Gawin naman niya ang part niya.
In fairness, umakbay naman siya sa akin. Medyo baskil siya at tense na tense. Lihim lang akong natatawa dahil halatang hindi siya sanay magromansa pero flattered ako dahil ako nga ang una.
Nagpatay-malisya ako. Kunwari’y abala ako sa panonood at sa pagpapak ng aking popcorn.
Sa gilid ng aking mata, alam kong titig na titig siya sa akin.
Bumulong siya sa tainga ko at sinabi niya sa akin na, “I love you, bhe!”
Nang makita kong palapat na ang mga labi niya sa aking pisngi, mabilis akong lumingon paharap sa mukha niya. Swak na swak sa bibig ko ang smack niya sabay tugon ng, “I love you, dhe!”
Kinuha niya ang ulo ko gamit ang nakaakbay niyang braso sa akin saka nilapit ang mga labi ko sa kaniya. Siniil niya ako ng halik.
Hindi siya marunong humalik. Tinutulis lang niya ang nguso niya sa aking bibig. Ni hindi man lang niya magawang igalaw ang kaniyang panga. Ngudngod lang siya ng ngudngod.
Kaya ako na lang ang gumalaw. Inipit ko muna ang tangang cup ng popcorn sa aking mga hita bago ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Doon ko tinudyo ng dila ang kaniyang bibig daan upang ngumanga ito at tuluyan nang nakapasok ang aking dila.
Tuyo ang kaniyang mga labi at nagbabakbak pa. Kahit ganoon ay sinipsip ko pa rin dahil nangangahulugan lang na kailangan na itong diligan at binasa ko ito ng sarili kong laway.
Nang bumitaw muna kami upang makabawi ng hangin, nagtanong siya kung saan daw ba ako natutong humalik?
Sinabi ko na lang na, “Ngayon lang. Sa’yo ko lang natutunan gawa ng excitement.”
“Talaga? Para kasing sanay na sanay kang humalik.”, he said in disbelief.
At dahil lang doon, nawala na ang mood ko pati libog ko bumalik sa zero.
“Ah gan’un ba? So, break na tayo dahil hindi ako ang first kiss mo? Alam mo namang nakadalawang boyfriend na ako bago ikaw. Ano ‘yun? Igagaya mo sila sa iyo na parang tuod humalik?”, inis kong sabi at parang napalakas pa dahil sa narinig kong hush sa aming harapan.
Aba’y siya pa ang may ganang magalit dahil sa ininsulto ko raw siya. Kaya tumayo na lang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko na napansin ang popcorn na nakaipit sa pagitan ng mga hita ko at natapon saka ko siya iniwan at umalis.
Umiyak ako dahil pakiramdam ko parang hindi niya matanggap na mas marunong akong humalik kesa sa kaniya. Hindi ko naman intensyon na husgahan siya subali’t siya ang nauna at nagpantig lang talaga ang tainga ko.
Napadaan pa ako sa harapan ng amusement center at nabunggo ko pa si Kurt, kaklase rin namin ni Ariel.
Bukod doon ay naapakan ko pa ang kaniyang sapatos dahilan para matumba ako nang patihaya.
Sinalo naman niya ako, ang kaliwang kamay niya ay nasa likod ko at ang isa naman ay nakakapit sa p’wet ko. Buti na lang at suot ko ang jeans ko.
“Naku, naku! Kung saan saan ka kasi nakatingin ‘eh!”, sisi ng bwiset sa akin.
“Sinadya mo ‘ata, Kurt. Ikaw ang humarang sa akin ‘eh! Kani-kanina lang ang luwag luwag ng daanan.”, binalik ko ang sisi sa kaniya.
“Oh! Bakit ka umiiyak? Parang iyon lang.”, pansin niya na namumugto ang aking mga mata.
Napamura ako sa inis, “Gago! Hindi ito tungkol sa’yo. Huwag kang assuming.”
“Huwag ka nang magalit! Nag-away ba kayo ng boyfriend mong…”
“Ano? Ituloy mo!”, sambit ko sabay amba sa kaniya.
“…pogi? Ampogi talaga ng boyfriend mo.”, sarcastic niyang puri sa bf ko.
“Hay! Ewan ko sa’yo. Alis na ako.”, paalam ko sa kaniya.
“See you tomorrow, classmate. Sabihin ko kay Ariel nakita kita dito na iba ang kasama mo.”, sabi ni Kurt na parang banta sa pandinig ko.
“Ang gago mo talaga!”, mura ko sa kaniya sabay lapit ulit sa kaniya.
“Bakit mo naman sasabihin iyon ‘eh si Ariel nga ang kasama ko.”, dagdag ko pa sabay suntok sa braso niya.
Alam kong nagpanggap lang siyang nasaktan dahil hindi naman masakit ang suntok ko. Hanggang dumating na si Ariel at inabutan kami ni Kurt na magkausap.
“Anong nangyayari dito?”, tanong ni Ariel.
“Wala, binibiro ko lang si Becky.”, sagot naman ni Kurt at tinawag pa akong Becky. Close ba kami?
“Tayo na, bhe. Hatid na kita pauwi.”, aya sa akin ni Ariel.
“Kurt, magkaklase tayo kaya sana walang talo talo.”, sabi naman ni Ariel sa kaniya.
Bumubulong pa si Kurt habang papalayo kami. Dinig ko pa at ang sabi, “Masama bang biruin ang classmate ko?”
Wala kaming imik na lumabas ng mall ni Ariel hanggang makasakay kami sa jeep. Doon na lang niya sinapo ang aking kamay at nag sorry, “Peace na tayo, bhe?”
Tinignan ko lang siya habang iniwas ko ang kamay ko at kumapit sa estribo, nakapatong ang baba ko sa aking braso. As in blank stares.
Patuloy lang siya sa pagsasalita, “Totoo ba ang sinabi mong break na tayo?”
Blank stares ulit.
“Please naman, huwag ka nang magalit o?”, pagsuyo niya.
“Okay! Sige na, peace na ulit tayo.”, sinabi ko na lang dahil malapit na akong pumara.
At bumaba na ako, nagpaalam at nang hahalik na siya ay inilag ko na ang pisngi ko. Patunay na naiinis pa rin ako sa kaniya.
Sumasagi na sa isip ko na hindi ito ang lalake na nakikita kong makakasama ko habambuhay. Hindi kami compatible pagdating sa ugali.
Ang nasa isip ko ngayon ay si Kurt. Oo maloko siya at palabiro na may pagkabastos talaga dahil mahilig siya sa grin jokes.
Pero yung titig niya sa akin sa mall, para siyang nabibighani sa akin. O ako lang talaga ang nag-aassume? But nonetheless, iba ang kislap ng kaniyang mga mata o sadyang maganda talaga ang mga mata niya. Gwapo rin siya kung tutuusin kaso mahirap seryosohin lalo’t hindi naman siya nagpakita talaga ng motibo sa akin. Puro kalokohan lang na kung minsan ay hindi ko gets.
Gaya noong binati niya ako sa convenience store, nasa labas siya at sumesenyas na parang may tinataktak sa bibig niya sabay turo sa akin. Lumabas ako at inalam kung ano ang sinasabi ni Kurt.
“Wala, ang sabi ko libre mo ako ng smarties.”, paliwanag niya.
“Hay naku, Kurt! Tigilan mo ako. Wala akong pera.”, sungit kong tugon.
“Hahaha! Hindi naman iyon ang sinabi mo, ang sabi mo tsup– Hmpt!”, sabat nang isa pa naming kaklase na close niya at binusalan niya ito.
“Ano iyon?”, tanong ko.
“Tsup! Tsup!”, sabi ni Kurt na nakatulis ang nguso sa akin.
“Ewan ko sa inyo!”, sambit ko sabay balik sa loob ng convenience store.
Nang bumalik ako ulit sa klase matapos ang break time. Ayun, subsob pa rin si Ariel nang datnan ko. Gusto agad niyang tapusin ang homework na obviously sa bahay dapat ginagawa.
Samantalang itong si Kurt, panay ang kuwentuhan niya sa mga kaklase namin. Siya na ang class clown namin at benta lahat ng jokes niya.
Sinubukan ko munang makinig sa isang joke ni Kurt habang wala pang klase.
Kurt: Bakit ganoon, doc? Noong huling reseta mo sa akin binili ko yung gamot para masuka ako, walang epekto.
“Wala pa rin ba?”
Kurt: Oo ‘eh! Anong kailangan ko kayang gawin upang masuka ako.
“Kung hindi madaan sa gamot, subukan mong dukutin ang lalamunan mo?”
Kurt: Ganito?
“Oo”
Kurt: Wala pa rin ‘eh!
“Sige, sundutin mo naman ang p’wet mo?”
Kurt: Huh? Anong connect n’un?
“Basta!”
Kurt: Doc, ginawa ko rin ngunit walang nangyari. Hindi pa rin ako masuka.
“Saka mo ipasok yung daliri na iyan sa lalamunan mo. Ewan ko kung hindi ka pa masuka.”
All: Ngii!
Grabe ang tawa ko, hindi ko mabilang. As in humahagalpak ako. Nahuli ako ni Kurt na tumatawa pero hindi ko magawang pigilan.
Kumindat lang sa akin si Kurt. Mas lalo lang akong nangiyak ngiyak sa kakatawa.
“Bakit ka tumatawa?”, tanong sa akin ni Ariel.
“Wala, si Kurt kasi nag-share ng joke.”, bulalas ko.
Inulit ko ang joke para kay Ariel at nagulat ako sa reaksyon niya.
“Anong nakakatawa roon?”
“Awit sa’yo Ariel! For real? Malungkot ba ang childhood mo? Ampanget mong ka-bonding.”, sa loob loob ko lang.
May problema ba sa kaniya o ako lang talaga ang hindi marunong mag-convey ng jokes?
Basta hindi ko na ma-take ang ugali ni Ariel. Unti-unti nang nananabang ang dating matamis naming relasyon.
Hanggang sa magbirthday ang isa naming kaklaseng si Sasha. Sama daw kami ni Ariel paanyaya niya.
Gustong gusto ko talagang sumama para bonding lang naming magkakaklase. Hinahadlang naman ni Ariel dahil gabi na raw.
Siyempre todo suporta sa akin sina Sasha at Shane. At pilit na kinukumbinsi si Ariel.
Ngunit anuman ang pagsuyo nila ay balewala. Sa huli, si Ariel pa rin ang nasunod.
Kaya wala na akong nagawa dahil hawak ni Ariel ang kamay ko at hinintay niya akong sumakay ng jeep.
Nang masiguro niyang nakasakay na ako ng jeep ay tumawid na siya sa kabila para sumakay na rin ng jeep at umuwi.
Bigla akong pumara. Na siyang hinto naman ng jeep.
“Manong, may nakalimutan ako. Baba na ako.”, para ko.
Kumamot lang ng ulo si manong bago tumango sa akin.
Hindi pa naman nakakalayo ang jeep kaya tinakbo ko na lang hanggang makarating sa convenience store.
Wala na akong inabutan sa labas ng convenience store pero nandoon naman sa loob si Kurt kasama ang dalawa pa naming kaklase.
Heto na naman ang senyas niyang nakakaloko. Parang nakikipaglaro ng charades sa akin. Kinukumpas niya ang mga kamay niya na pabilog sa kaniyang dibdib tapos parang nilalamutak ang ginawang bilog nito. Kuha ko na, isa na namang kabastusang obra ni maestro Kurt.
Kaya pumasok ako at deadma na sa charades ni Kurt. Sa halip, tinanong ko siya, “Kurt? Nasaan sina Shane at Sasha?”
“Umalis na. Ang alam nila hindi ka na sasama.”, turan ni Kurt.
Patuloy lang ang tawanan ng dalawa habang tinatapik sila ni Kurt. Pero wapakelz ako.
“Alam mo ba kung saan ang bahay ni Sasha?”, tanong ko.
“Hindi ‘eh!”, sambit ni Kurt.
“Sayang. Sige uwi na ako, Kurt.”, malungkot na paalam ko.
“Hatid na kita.”, alok sa akin ni Kurt. Medyo nasorpresa ako kasi hindi naman siya mahilig sumama sa babae. Puro barkada niyang lalake ang kasama niya kapag umuuwi.
Hindi na ako nagdalawang isip, “Sige, hatid mo ako. Medyo madilim na rin.”
“O hindi pa ba kayo nakakahalata? Hindi na kayo kailangan dito. Layas!”, pabiro niyang sabi sa dalawa niyang kaibigan.
“Good luck, Beck. Ang dami niyang sinasabi tungkol sa iyo.”, babala ng isang kaibigan niya.
“Ulol! Layas! Hahaha!”, birong mura niya sa kaklase namin.
“Enjoy! Have fun. Sabihin ko na lang kay Ariel.”, paalam pa nung isa na may pasaring sa akin.
Kaya tinignan ko siya ng masama. Para lang alam niya na hindi ako natutuwa sa sinabi niya.
Pero ang totoo, wala na akong pake kay Ariel kung malaman niya na kasama ko ngayon si Kurt. Basta gagamitin ko ngayon ang pagkakataon na ito upang lubos kong makilala si Kurt.
Dahil ang dati kong pagkainis kay Kurt ay napalitan na ng paghanga.
At ang dating paghanga ko kay Ariel ay napanaw na ng pananabang at pagkabugnot.
Disclaimer: Hindi po sa akin yung joke. Hiniram ko lang. Credits to Batman Batangueno Jokes.
Part Two
Nang maglakad na kami sa side walk. Siyempre hindi pinalagpas ni Kurt na makipag-usap sa akin.
“Kung bakit kasi nagtyatyaga ka d’yan sa boyfriend mong…”, turan ni Kurt na may pabitin.
“Ano na naman iyan? Ituloy mo na ang gusto mong sabihin. Hindi na ako magagalit.”, wika ko.
“…sorry sa word pero antisocial, misanthropic.”, patuloy niya.
“Wow! Grabe naman sa description niyo. Ganoon pala ang tingin niyo kay Ariel. Bakit ako naman nakakasama niya kung antisocial siya? Hindi ba ako tao sa inyo?”, tanong ko kay Kurt.
“Well, oo, sobrang ganda mo nga para maging tao. Tingin ko sa iyo, diyosa.”, bola niya sa akin.
Ang galing, alam niyang mag change ng mood ko from naiinis to natutuwa. Hindi naman ako kinilig, sobrang kinilig lang ako.
Kaya doon ko na gustong ituloy ang topic na iniba niya.
“Talaga? Maganda ba ako?”
“Oo saka ang sexy mo pa. Ang dapat sa’yo nagsusuot ng mini skirt saka palitan mo na iyang oversize uniform mo. Hindi ka naman chubby saka para lumabas din ‘yung napakalusog mong…”, pabitin na naman niya.
“Ano? Ituloy mo. Kapag hindi maganda iyang sinabi mo, makakatikim ka sa akin.”, banta ko.
“… napakalusog mong puso.”, tuloy niyang sambit.
“Um! Hindi naman iyon ang gusto mong sabihin ‘eh.”, suntok ko sa balikat niya subali’t mahina lang hindi gaya nung sinuntok ko siya sa mall.
“Akala ko kung anong langit na ang matitikman ko sa iyo, suntok lang pala.”, wika niya na may halong tawa.
Ilang minuto pa lang kaming nagkakasama na naglalakad ay sobrang saya na. Ang sarap palang kausap ni Kurt.
“Ganyan ka ba talaga, Kurt?”, tanong ko.
“What you see is what you get. May napipikon sa akin pero mas maraming natutuwa. Kailangan mo lang maging open minded. Open minded ka ba?”, turan niya.
“Hahaha! Nakakatuwa ka talaga.”, sabi ko na lang.
“Open minded ka nga. Teka parang ayoko pang umuwi. Gusto ko munang kumain.”, sabi ni Kurt.
“Ako rin gutom na. May alam ka bang masarap?”, tanong ko at bahala na siyang mag-isip kung pabitin ang tanong ko o whatever.
“Ako siyempre. Kung gusto mong kumain ng footlong.”, pabiro niya.
“Siraulo. If I know, kikiam lang iyan.”, ganting biro ko.
“Subukan mo nang maibigan.”, patuloy niyang biro.
Tawa na lang ang tinugon ko.
“May alam akong malapit na food court pero sakay na tayo ng jeep para mabilis.”, sabi ni Kurt.
“Sige.”, sambit ko.
Kaya nang makasakay na kami ng jeep, pinili niyang maupo sa pinakabungad at tumabi ako sa kaniya. Bubunot na sana ako ng barya subali’t inawat niya ako at nagprisenta na sagot niya na raw ako.
Nakikita ko na ang sweet side ni Kurt.
Pero hindi nawala ang kamanyakan niya. Sukat ba namang iabot ang bayad niya habang dinudunggol ng braso niya ang mga suso ko.
Kaya napatitig ako sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin.
Hindi nagtagal ay bumaba na kami ng jeep. Food court pala na malapit lang sa tabing dagat at may live band pa.
Ang daming pagpipilian pero doon na ako sa paborito kong inihaw na mais.
Tapos ay pinuntahan ko na si Kurt na umoorder naman ng sizzling porkchop with java rice.
Nagpasaring ako, “Parang ang sarap uminom dito ‘no?”
“You mean beer?”, kumpirma ni Kurt sa akin.
Tumango ako habang nginangasab ang mais.
Oorder na sana si Kurt kaso sinabihan siya ng tindero na, “Bawal ang estudyante na umorder lalo naka school uniform. Baka mabagansya kayo.”
Ganito talaga ang disadvantages ng isang teenager kahit nineteen ka na, madami ka pa ring restrictions. Hirap talaga kapag baby face ka.
Pero umisip pa rin ng paraan si Kurt at nagtanong kay manong, “Kung hubarin ko itong uniform ko? Makaka-order na ba kami?”
“Pwede.”, matipid na sagot ni manong.
Kaya naman hinubad na ni Kurt ang kaniyang uniform at itinira ang panloob na puting t-shirt.
“Okay na ako huh?”, sabi ni Kurt.
“Ikaw, oo. Pero si ganda hindi pwedeng uminom kaya hindi rin kita paoorderin.”, giit ni manong.
“Paano ‘yan? Hindi talaga pwede, Becky. Kain na lang tayo?”, wika ni Kurt na parang sumusuko na.
“Hawakan mo itong mais at bag ko.”, suyo ko.
Nang kunin niya ang mais at bag ko ay siyang tungkab ko sa akin mga butones. Nagulat sila nang hubarin ko ang aking uniform at naiwan sa akin ang manipis kong panloob na puting sando.
Hindi pa ako natapos doon, inalis ko na rin ang kalawit ng aking palda at binaba ang zipper nito. Nang inilaglag ko na ang paldang uniporme ko ay naiwan sa akin ang maikling shorts kong kulay pink at puti ang hem nito.
“Wow thick!”, puri sa akin ni Kurt na dilat na dilat ang mga mata sa aking mga hita.
Ngumiti lang ako saka hiningi sa kaniya ang aking bag para ilagay sa loob nito ang mga pinaghubaran kong mga uniporme.
Napakagat pa ng labi si manong at hindi pa rin niya nilulubayan a…