Sophia’s point of view
Hindi ko inaasahan na magiging madali at mabilis ang meeting namin nina Adonis kanina. At mas lalong hindi ko inasahan na ganon ang kakalabasan ng presentation and ideas ni Magdalena.
I felt bad for her dahil hindi siya sinuportahan ng asawa niya. I expected na kahit papaano ay ilalaban ni Adonis ang ideya ni Magdalena to invest into construction, but surprisingly, it turned out na mas nagustuhan ng lahat ang proposal ko to venture into food.
Though feeling bad for her, hindi maitago ang saya sa aking puso dahil hindi maipinta ang itsura nito kanina. Kahit kasi anong tago ang gawin niya sa kanyang nararamdaman ay kitang kita at ramdam na ramdam ko ang bulkang nagaalburoto sa kanyang kalooblooban.
Napangisi ako at napailing.
Hindi pa rin kasi talaga nagbabago si Magdalena. She’s still who she was. She will do her best to prove that she’s better than me, but will always end up ruining herself.
At dahil sa kapahiyaang naramdaman niya kanina, kailangan kong maging handa dahil siguradong may plano na siyang nilalatag para makaganti sa akin.
Bring it on, Magdalena!
Bring it on!
“Maam Sophia, may gusto po ba kayong puntahan bago tayo bumalik sa resthouse ni Boss King?”tanong ni Ace, ang leader ng mga tauhan ni King.
“Wala naman. Pwede na tayong umuwi”tumango ito at pinagpatuloy ang pagmamaneho.“Nag-update na ba sa inyo si King?”
“Hindi pa po siya nagmemessage sa akin, Maam. Baka nagpapahinga pa po iyon mula sa byahe kaya hindi pa po niya kayo nasasabihan ng kanyang lagay”napahinga ako ng malalim.“Wag po kayong mag-alala, Maam, dahil siguradong imemessage kayo nun agad kapag okay na siya. Kayo pa ba? Eh bet na bet kayo nun”
Natawa ako sa sinabi nito.
Bigla kong naalala ang nangyari sa amin sa airport- kung paano namin pinipigilan ang aming mga labi na maglapat sa isa’t isa. At ang huling mensahe nito sa akin na talagang malinaw na malinaw pa sa aking puso’t isipan.
Eto na ang huling beses na magkakahiwalay tayo ng matagal, dahil pagbalik ko, I will already call you mine. Hindi ko na aantayin na maging handa ka dahil aangkinin na kita.
Bigla ko tuloy muling namiss si King.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tila nilamon ako ng kyuryosidad. Sa tinatagal tagal kasi nang pagsasama namin ni King ay kokonti pa lamang ang alam ko tungkol sa kanya. Palagi kasing kumpanya nito ang aming napaguusapan, at ang aking mga plano.
“Ace, matanong ko nga pala, nakailang girlfriend na si King?”tanong ko.
Namutawi ang isang awkward na katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa biglang itong humagalpak ng tawa.
Nag-init ang aking mukha dahil sa pagkapahiya kaya naman agad ko itong tinapunan ng masamang tingin.
Bigla namang tumigil si Ace kakatawa at tumikhim.
“Ehem ehem, sa totoo po niyan ay hindi ko rin po alam kung naka-ilang girlfriend na si Boss King. Kasi minsan pass time niya lang talaga ang mga babae dahil napaka seryoso niya sa negosyo. Pero may mangilan ngilan po siyang mga babaeng niligawan noon at sineryoso” anito.
Tila nainis ako sa kanyang huling sinabi.
“Pero hindi rin naman nagtagal iyon kasi mabilis magsawa itong si Boss King eh. Ewan ko ba diyan, akala niya yata bumabata siya at ayaw pang magseryoso sa babae.hehe. Kaya siguro King ang pangalan niya dahil siya ang hari sa pagiging babaero”dagdag nito.
Tumango lang ako at ngumiti.
“Pero merong isang babae na alam ko at sigurado akong sineryoso niya. At hindi lang ako ang nakaramdam nun dahil siguradong lahat kaming mga tauhan niya ay pansin iyon”napatingin ako kay Ace at inaantay ang kanyang susunod na sasabihin.“Gusto niyo po ba malaman kung sino, Maam?”muli akong tumango.
“Ikaw po, Maam Sophia”
Mas nag-init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Sa tinagal tagal ng pagtatrabaho ko kay Boss King ay nakita ko kung paano siya tumingin sayo. Hindi ko nakita ang ganung klase ng tingin sa mga babaeng nakasama niya noon. Sobrang iba. Tsaka iba rin niya kayo tratuhin, grabe niya kayo ingatan, proteksyonan, at respetuhin. Kahit itanong niyo pa sa ibang mga tauhan natin ay halatang halata nila na espesyal po talaga kayo kay Boss King. At alam din po namin na espesyal din po siya sa inyo.” anito.
Napalingon ako sa labas ng bintana at tila nahiya.
“Pero wag po kayo mag-alala, Maam Sophia. Atin atin lang po itong pinag-usapan natin. Hinding hindi ko po sasabihin kay Boss King”ngumiti ako at nagpasalamat.
Tila sumibol ang saya sa aking puso. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na saya dahil sa mga sinabi ni Ace.
Nagpatuloy kami sa byahe pauwi at nang makarating sa resthouse ay dumeretso ako agad sa aking kwarto. Binuksan ko ang aking laptop upang magpatuloy sa pagtatrabaho.
Unang kong chineck ang aking email kung meron ba akong emails na dapat sagutin. Nang makitang wala ay nagsend ako ng mensahe kay King upang kamustahin ito at sabihan sa napagusapan sa meeting namin nina Adonis kanina. Nagsend rin ako ng email sa mga shareholders ng Villarin Enterprises Holdings, Inc. para magbigay ng update.
Pagkatapos ay sinimulan ko ng magresearch sa pwedeng maging food business ng aming kumpanya. Kailangan kong mag-come up sa isang unique na ideya na hindi pa nagagawa ng ibang food businesses sa bansa.
Alam kong sobrang dami ng naglalabasan ng mga restaurants, food stall, at mga online food selling dito sa bansa, pero tiyak kong makakahanap ako ng bagong ideya na pwede kong ipropose kayna Adonis kapag muli kaming nagmeeting.
Nasa kalagitnaan ako ng research ng marinig kong may tumatawag sa aking cellphone. Agad ko itong tiningnan dahil baka si King ang tumatawag, ngunit unregistered number ang nasa screen.
Nagdadalawang isip man sagutin ngunit pinintod ko pa rin ang accept call sabay lagay ng cellphone sa aking tenga.
“Hello, Sophia. Kamusta?”bungad ni Magdalena.
Hindi ko inaasahan ang kanyang pagtawag.
“Hindi ko na nagawang magpaalam sayo kanina dahil bigla kang umalis. But I am calling you to say that you did a great job earlier. Napahanga mo ang lahat dahil sa suggestions mo”anito.
“Anything for the company. Besides, that’s only a little portion of what I can offer”pagmamayabang ko.
Tila natahimik si Magdalena.
“Anyways, aside from congratulating you, gusto ko lang rin ipaalam sayo na we are allocating an office here in the company just for you. Based kasi sa kinalabasan ng meeting kanina, the board members and I would like to regularly communicate with you lalong lalo na sa kaunanahang business na gagawin ng ating mga kumpanya. We wanted to have an efficient and fast transaction every time. So I hope you can consider our proposal?”
“A-a-are you sure about that?”tanong ko.
“Of course. Besides, katulad ng sinabi ko kanina sa meeting ay hindi allowed ang mga personal na bagay sa business na gagawin natin. I have also talked to Adonis regarding this and of course medyo nag-alala lang siya sa akin, but I explained to him that everything is all about business. Nothing more, nothing less. Siguro naman we are matured enough para hindi idamay ang ating nakaraan sa partnership ng ating mga kumpanya… diba, Sophia?”
Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
“Of course! I will talk to King regarding this and I will give you an update ASAP. I don’t want to come up with a decision without consulting him”
“Perfect! We are all hoping that you say yes! For sure mas madami pa tayong magagawa at maachieve if dito ka na sa kumpanya nagoopisina. Oh siya, I don’t want to take too much of your time… so please keep us posted”
“Alright”ani ko at ibinaba ang tawag.
Huminga ako ng malalim.
As expected. Everything is going as planned.
Muli kong minessage si King upang sabihin ang mga napagusapan namin ni Magdalena. At pagkatapos ay ibinalik kong muli ang aking atensyon sa pagreresearch.
Mabilis na lumipas ang oras… at hindi ko namamalayang alas sais na pala ng gabi.
Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina upang magluto ng hapunan. Nang matapos ay tinawag ko agad ang mga tauhan ni King upang sabay sabay kaming kumain. Katulad ng nakagawian ay pagkatapos kumain ay sila na ang magaayos at maghuhugas ng pinagkainan naming lahat.
Bumalik ako sa aking kwarto upang maligo at magayos, ngunit hindi para matulog kundi para puntahan ang isang napakahalagang tao sa buhay ko.
Nang matapos akong mag-ayos ay para akong batang maingat at patagong pumuslit patungo sa aking sasakyan. Gusto ko kasing mapag-isa muna sa aking pupuntahan. Tiyak ko kasing sasamahan ako ni Ace kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pag-alis ko ngayong gabi. Kabilinbilinan daw kasi ni King na huwag na huwag akong hahayaang mag-isa saan man ako magpunta.
Nagtagumpay naman akong makapasok sa aking sasakyan at makaalis ng resthouse mag-isa.
Pero yung ang akala ko.
Hindi pa man kasi ako nakakalayo ay nakita ko nang may sasakyan na sumusunod sa akin, sasakyan iyon ni Ace. Natawa na lang talaga ako. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit ito ang napili ni King na maging leader ng kanyang mga tauhan at siya ring tinoka na magbantay sa akin.
Wala talaga akong takas sa kanya.
Matapos ang mahabahabang pagdadrive ay nakarating na ako sa aking destinasyon…sa puntod ni Lola Tessa.Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Ace upang sabihan na hayaan akong mag-isa at wag muna akong lalapitan. Sumang-ayon naman ito at ipinangakong hindi ako iistorbohin.
Nakatayo ako ngayon sa puntod ng aking lola. Huminga akong ng malalim at pumikit upang damhin at alalahanin ang kanyang presensya.
“Lola Tessa”bulong ko.
“Lola Tessa… pasensya na po kung medyo natagalan ako bago ko kayo bisitahin uli. Naghanda kasi ako ng maigi para sa pagbabalik ko. Tsaka kailangan ko rin pong maging maingat para isipin ng lahat na tuluyan na akong nawala”panimula ko.“At nagtagumpay naman ako, Lola Tessa. Tingnan niyo po ako ngayon oh, ibang iba na po ang itsura ng apo niyo. Ang ganda ganda na po uli… manang mana po sa inyo.hehe. At kung makikita niyo rin ang itsura ni Magdalena noong nagbalik ako, halos humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa pagkabigla”
“Lola, eto na ang simula. Unti unti ko nang pagbabayarin si Magdalena sa lahat ng ginawa niya sa atin, lalong lalo na sa pagpatay niya sa inyo. Kaya humihingi po ako ng paumanhin kung kailangan kong dumihan ang aking mga kamay para makaganti. Hindi kasi sapat ang parusang ibibigay ng batas para pagbayaran niya ang mga ginawa niya sa atin. Sa atin sila nagkasala ng malaki, kaya ako ang madedesisyon kung anong parusa ang ipapataw ko sa kanila. At kung hindi sila naawa sa atin noon, wala ring kaawaan ang parusang ipaparanas ko sa kanilang lahat”mariin kong sambit.“At hindi lamang si Magdalena ang makakatikim ng ganti ko, dahil pati sina Adonis at ang pamilya niya ay hindi abswelto sa mga plano ko.”
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang pero tila nakaramdam ako ng kakaibang init na yumapos sa akin.
Pakiramdam ko ay naririnig ako ni Lola Tessa at sinusubukan niyang pagaanin ang aking loob. Ganitong ganito kasi ang ginagawa niya sa akin noong nabubuhay pa siya. Kapag alam niyang hindi maayos ang aking pakiramdam o may bumabagabag sa akin, walang pagaatubili niya akong yayakapin at sasabihang magiging maayos rin ang lahat.
Dito tumulo ang luha ko.“Lola Tessa…”ani ko.
Napalingon ako sa aking likuran ng may marinig akong papalapit na yapak. Napakunot ang noo ko ng makita kung sino ito.
“Pwede ba tayong mag-usap?”tanong nito.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at kita ang deteminasyon rito na tipong hindi siya tatanggap ng anumang pagtanggi sa kanyang imbitasyon.
Seryoso akong tumingin sa kanyang mga mata bago tumango.
===
Magdalena’s point of view
Pagkatapos ng trabaho namin ni Adonis ay niyaya ako nitong lumabas. Pakiramdam ko ay gusto nitong bumawi sa akin dahil sa kinalabasan ng meeting namin kanina with Sophia. Pero tumanggi ako at sinabing mas gusto kong magpahinga na lamang sa bahay dahil pakiramdam ko ay masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito.
“So kamusta ang meeting ninyo kanina? Hindi ba nanggulo si Sophia?”medyo inis na tanong ni Tita Olivia.
Nandito kami ngayon sa dining area at kasalukuyang naghahapunan.
“Everything went well naman po. Actually the board decided to allocate an office for her sa company natin”sagot ko.
“What? Are they insane? I want to talk to the board members!”inis na sambit ni Tita Olivia.
“Mom calm down”saway ni Adonis.
“How can I calm down? Sophia is a dirty woman. Ayokong marumihan ang loob ng kumpanya ko ng dahil sa kanya. I already agreed to do business with her, hindi naman na ako makakapayag na bigyan pa ng opisina ang babaeng iyon sa kumpanya natin!”mataas na boses nito.
“Mom it’s fine. Hindi lang naman ang mga board members ang nagdecide about it… pati ako and Adonis. Because if you’ll think about it, we can already keep an eye on her kapag sa opisina na siya nagtatrabaho. Ayaw niyo nun? Bawat kilos niya ay malalaman natin. Besides, she’s already weak by now because King is already out of the country. No one’s gonna back her up. Mas magagawa natin ang gusto natin sa kanya. We can easily get rid of her”
Huminga ng malalim si Tita Olivia bago tumango tanda ng pagsang-ayon.
…